Homepage/Silence In Noise/
Chapter 41
"Neciel. My son... W-wanolo. He's... he's g-gone."
Tuluyang bumigay ang tuhod ko sa narinig. Hindi iyun totoo. Hindi pwede. Imposile. Kanina lang... kanina lang magkausap kami eh.
"Kausap ko lang siya kanina eh. Magkausap lang kami, Tita. Ang s-sabi pa nga niya 'I'm fine. Thank you. And bye' T-tapos nainis pa ako... Nainis pa ko kasi ako dapat ang mabababa ng linya pero.... pero naunahan niya—" nabasag ang boses ako at hindi na naituloy pa ang sasabihin.
Inalalayan akong makatayo ni Yuri at hindi ko na napigilang mapahagulgol sa balikat niya dahil ang tahimik, walang sumasagot sa akin. Iniisip kong pinaprank na naman ako ni Wanolo pero ang mga ekpresyong nakikita ko sa mukha ng mga taong nandirito, mukha ngang t-totoo. Pero bakit? Paano?
"Pero paano? Paano nangyari yun, Tita? Kasi... K-kasi masaya pa siya kanina. Masigla pa ang tono niya nung kausap ko siya e-eh..." tanong ko, bahagyang kumalma pero patuloy pa rin pag-iyak ng mahina at hindi pa rin makapaniwala.
Ayaw kong paniwalaan.
"A debris fell on h-him..." masakit na sabi ni Tita Wallaine. Halos pabulong na nga iyon at bakas ang hinanakit sa kanya.
"This is my fault. I should've not recommend him to do that work," saad ni Tito na umiiyak din.
Totoo ba talaga...
"I am a doctor.... I saved lives of countless people but I can't even save my own son's l-life..."
Nasaktan ako sa sinabi ni Tita habang humahagulgol kami pareho. Bilang doktor at isang ina ay alam kong sobrang sakit non para sa kanya. Nasasaktan din ako at napakadaya ni Wanolo. Ganito ba talaga ang buhay? Sa hindi mo inaasahang pagkakataon ka pa iiwan ng mahal mo sa buhay.
*******
"Ciel. Umuwi ka na muna kaya at magpa-hinga. Kami na rito."
Umiling ako sa sinabi ni Ivan at ngumiti. Nasa gitna nila ako ni Yuri at si Nile naman ay inaasakiso ang mga bagong dating na sila Ate Soleene.
"Kaya ko. Kaibigan ko 'yan. Ayoko siyang iwan. Saka... huling lamay na 'to, Ivan."
Tumitig ako sa sahig dahil naiiyak na naman ako. Parang pinipira-piraso ang puso ko. Ilang layo lang mula sa kinauupuan ko ay ang kaibigan kong mahimbing na natutulog. Simula nung libing ay hindi pa ko nakasisilip dahil hindi ko ata siya kayang makita ro'n. Mahigit anim na taon ang pinagsamahan namin at hindi ko inaasahang sa ganitong paraan mabubuwag ang matagal naming pagkakaibigan.
Ang sabi ni Tita Wallaine mabuti raw at hindi grabe ang kinalabasan ng katawan ni Wanolo pero ang impact nito ang siyang naging dahilan kung bakit siya nawalan ng hininga. Gusto kong tigilan mag-isip pero hindi ko maawa. Dahal kusang naglalaro sa isipan ko ang mga sandaling iyon. Na-iimagine ko ang nangyari kay Wanolo tapos maiiyak na naman ako kasi hindi ko matanggap.
"Sigurado ka? Ilang araw ka ng walang tulog. Nag-aalala na rin sayo ang Mama at Papa mo, Ciel," saad ni Yuri habang bahagyang hawak ang braso ko.
"Ano ba naman 'yung hindi matulog ng ilang araw? Ayos lang sakin yun. Hindi naman yan kung sino lang eh, si Wanolo 'yan. Bestfriend ko 'yan. Ako, kapag natulog ako, magigising pa ko, pero si W-wanolo..." Nabasag na naman ang boses ko at nag-simula na naman akong umiyak.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at nagpaalam sa kanila na mag-hihilamos lang ako. Hindi pa ako nakadaan ng maayos dahil maraming tao at huling lamay na nga. Muntik pa nga akong matumba nang matapilok ako pero mabuti na lang at may nakahawak sa akin.
"Sir Val..." Lumunok ako at nginitian siya.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang muling pag-iyak. Masakit na ang mga mata ko pero mas masakit ang puso ko.
Simula nung ipinaliwanag sa akin ni Val ang lahat ay hindi pa kami muling nakakapag-usap. Bigla ay parang gusto ko na lang makulong sa mga bisig niya at umiyak. Pero sino ba naman ako para gawin 'yon? Wala namang kami.
"Kumain ka na ba? Pumapayat ka na," seryosong ani niya.
"Po? Hindi naman. Ganto na talaga ang katawan ko, Sir." Pilit akong ngumiti at bahagyang tumawa.
Hindi niya ako sinagot at basta na lang hinila palabas. Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng gate nila Wanolo at makarating kami sa kotse niya.
"Eat."
"Hindi naman ako nagugutom—"
"Kainin mo na."
Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin ang binibigay niya sa aking burger. Pagkagat ko non ay sinubuan niya pa ako ng fries. Para namang siyang may galit...
Sinamaan ko siya ng tingin dahil don. Dinuldol niya sa akin ang fries eh!
"Kumain ka pa, tignan mo nga 'yang katawan mo, para ka ng may sakit, Neciel."
"Ano namang pake mo," mahina at halos pabulong kong sagot.
"Ano?" tanong niya dahil hindi nga narinig ang sinabi ko.
Umiling ako at sinabing babalik na sa loob pero nagsalita pa siya. Bakit ba ngayon pa siya naggaga-ganyan?
"Life needs to go on. We need to move toward to the future and free ourselves from the past, Ciel."
Ilang seguno bago nagsalita at tignan siya ng diretso.
"Alam ko... Alam ko naman 'yan pero hindi ba pwedeng masaktan ako ngayon? Bakit ganyan kayo? Bawal bang paglamayan ko muna ang kaibigan ko? Tao lang din ako, umiiyak at nasasaktan. Alam niyo bang masakit ang lahat at mahirap tanggapin? K-kasi..."
Nabasag na naman ang boses ko at napahagulgol. Intindihin naman sana nilang namatayan ako ng kaibigan, ng kapatid at mahal sa buhay.
"Kasi ang buhay ng isang tao hindi na maibabalik."
Pinunasan ko ang pisngi ko bago siya tinalikuran at hindi na hinintay sumagot. Inubos ko muna ang pagkaing ibinigay niya bago muling pumasok sa loob.
Kung nasasaktan ako, mas nasasaktan ang mga magulang ni Wanolo. Nag-iisa lang siyang anak kaya kailangan ako nila Tita ngayon.
*******
"Anak. My son, W-wanolo... May your soul rest in peace my only baby...." huling saad ni Tita bago inihulog ang bulaklak.
Ngayon na ang libing at panay lang ang iyak ko hanggang sa kaunti na lang kaming matira rito.
"Hindi ko matanggap, Ma. Ayaw kong tanggapin kasi ilang taon ko 'yang nakasama," humahagulgol kong sabi kay Mama habang yakap siya.
"Alam ko, anak. Mabait na mabata iyan at masaklap na maaga siyang kinuha."
Pinunasan ko ang luha ko at nagsabing pupuntahan ko muna si Alex. Katulad ko ay hindi rin niya iniwan sila Tita. Mabuti at mabait ang parents ni Wanolo at tanggap silang dalawa.
"Alex," tawag ko.
Bahagya niya akong nginitian at lumapit. Bago ko pa siya kausapin ay may nangalabit na sakin. Pag-lingon ko ay nakita ko si Kuya Gab. Bakas din sa mata niya ang lungkot para sa pagkawala ni Wanolo at awa para sa nag-iisa niyang kapatid na babae. Awa sa akin dahil paniguradomg halata ang mugto sa mga mata ko at pagbagsak ng timbang ko.
"Uuwi na kami. Ikaw?"
"Mauna na kayo, Kuya."
"Sige. Ingat ka. Text ka na lang pag magpapasundo ka, ha? Una na kami." Hinalikan niya ko sa noo at niyakap ng mahigpit saka ginulo pa ang buhok ko bago siya tuluyang umalis.
Nakangiti kong sinundan ng tingin sila Kuya Gab bago nilingon muli si Alex. Kasabay umalis nila Kuya ang S.G at D.O.U. Nakita kong umalis na rin si Valdrew.
"Ikaw? Hindi ka pa uuwi?" tanong ko kay Alex dahil kaming dalawa na lang ang natira rito at sina Tita at Tito.
"Not yet. I want to stay longer dahil aalis na ako bukas."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Aalis siya? Pero bakit? Saan siya pupunta?
"Aalis ka?" pag-ulit ko dahil mali lang ako ng dinig.
Tumango naman siya at malungkot akong nginitian. "Hmm. Oo. I'm planning to go to Switzerland. We... both promised to go there but I guess I'll be going alone."
Nalungkot ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang unti-unti na namang nabubuo ang mga luha sa mata ko. Sobrang sakit. Ganito pala ang pakiramdam kapag kinuha sa inyo ang mahal mo sa buhay ng biglaan.
"Mag-iingat ka, Alex," saad ko habang yakap siya.
Niyakap din niya ako at hinagod ang likod ko bago kami sabay na kumalas sa yakap. Napalingon naman kami pareho nang marinig namin si Tita at Tito. Niyakap muna kaming dalawa ni Alex ni Tita Wallaine bago nagsalita.
"Aalis na kami, Ciel, Alex. Thank you for taking care of our son. I am so grateful that you stayed beside him," malungkot ngunit nakangiting saad ni Tita.
"No worries, Tita. He's a good man. He deserves to be taken care of," sagot ni Alex habang nakangiti na hindi nama umabot sa mga mata niya.
Tumango si Tita bago ako muling niyakap at nag-paalam na. Tinapik lang naman ni Tito si Alex at sumunod na rin kay Tita.
"Paano nga pala kayo nag-kakilala ni Wanolo?" curious kong tanong kay Alex habang pareho kaming nakaupo sa harap ng puntod ni Wanolo.
Hinahangin ang buhok ko kaya hindi ko maiwasang mapapikit at damhin ito. Para kasi akong niyayakap ni Wanolo.
"Una kaming nag-kita sa bahay nila. Ang Dad niya kasi ang humawak sa kaso ng kapatid ko. Sumama ako non kay Dad sa bahay nila and there I saw him. He's doing a portrait of your face."
"Portrait?" nangunot ang noo ko.
"Yeah. Hindi ba niya naibigay 'yon sayo?"
Nanlaki ang mga ko nang may maalala. Isang portrait lang naman ang binigay sa akin ni Wanolo.
"Ah! 'Yun ata yung portrait na niregalo niya sa akin nung 18th birthday ko. Ibig sabihin medyo matagal na pala kayong magkakilala non?"
Tumango siya at bahagyang tumawa. "Oo. That time, akala ko girlfriend niya 'yon pero ang sabi niya bestfriend niya raw. Noong naging kami, palagi ka niyang kinekwento. I almost got jealous about that but days passed, I found out that he treats you as a sister. I've seen through him. He treasures you, Ciel."
Nakagat ko ang labi ko. Ganun din ang turing ko kay Wanolo. Sa ilang taong pagkakaibigan namin, kabisado na namin ang isa't-isa. Pero ang gaan pala sa loob na kinwkwento niya ako kay Alex.
"Kapatid na rin ang turing ko kay Wanolo. At hindi ko lang talaga matanggap na wala na siya. Napakadaya na iniwan niya ko. Iniwan niya tayo ng wala man lang paalam," umiiyak nang sabi ko.
Inakbayan ako ni Alex kaya sumandal ako sa balikat niya. Parang nakikita ko na nga sa kanya si Wanolo eh.
"That's life. People come and people go. It's just a matter of time."
"Parang magnanakaw sa gabi ang kamatayan, darating nang hindi mo inaasahan," dagdag ko sa sinabi niya.
Nag-pagpag kami bago sabay na tumayo. Tinignan ko ang puntod ni Wanolo at ngumiti.
"Uuwi na kami, Wano. Pakabait ka sa langit, ha? Hindi ko man nasabi pero mahal kita bilang kaibigan at kapatid. Mamimiss ko ang pagiging conyo mo. Mamimiss ko ang mga pang-aasar mo. Mamimimiss kita, Wanolo."
Nag-paalam na rin sa kanya si Alex bago kami sabay na lumabas ng sementeryo. Inalok niya kong ihahatid niya na ko pauwi pero umiling ako at mapapalayo siya dahil iba ang daan niya.
"Susunduin ako ni Kuya," nakangiti kong sagot kahit gusto ko lang talagang umuwi mag-isa.
"Sige. Take care, Ciel."
Tumango ako at muling ngumiti saka nagbabye sa kanya bago siya sumakay sa sasakyan niya. Nag-lakad ako papunta sa sakayan pero hindi pa man ako nakalalayo ay may huminto ng isang itim na sasakyan sa gilid ko.
"Get in."
"Ayoko."
Bumuntong-hininga siya at bumaba ng kotse niya. Bakit pa siya nandito? Akala ko ba umuwi na siya?
"Look. I'm sorry about what I said a while ago."
"Ha? Hindi ako galit dahil don," nakakunot kong sagot.
Totoo naman. Hindi naman ako nagalit ano lang nainis ganon. Kais parang hindi niya naman ako naiintindihan o hindi niya talaga ako iniintindi sa simula pa lang, tsk.
"Bakit ayaw mong sumakay?"
"Gusto ko mag-commute eh. Bakit?" seryoso kong sagot.
"Mukhang uulan tapos magcocommute ka? Sumakay ka na, Ciel."
Tumingala ako sa langit at mukhang tama nga siya. Wala pa naman akong dalang payong kaya magiging hassle kung magji-jeep ako. At isa pa, makulit ang bungo ni Valdrew, pipilitin niya akong sumakay hanggang sa pumayag ako kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay nga sa shotgun seat.
"Your song will be moved," saad niya habang marahang nagma-maneho, waring tinatansya ang atmosphere baming dalawa.
"Bakit?"
"Life needs to go on so forgive me if I forgot that it takes time to heal too."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
thanks
04/11
0rất hay
03/02/2025
0good
24/12/2024
0Tingnan Lahat