Chapter 27

"Isinga mo nga yan, Ciel."
"Maya," sagot ko kay Val at nagpatuloy sa pagtatype.
June na ngayon at nagsimula na ang klase nila Uriel. Nag-offer ako ng academic service na pinost ko sa fb since tambay pa naman ako sa bahay. Kita rin to.
"Suminga ka muna baka tumulo pa yang sipon mo sa gawa mo."
Natawa ko saka suminghot. Malamig ngayon kaya siguro nagkasipon din ako. Nasa balcony nila kami ngayon. Gusto ko rito kasi mahangin kahit nilalamig na ko.
"Mamaya na nga. Tapusin ko lang to."
Tumayo siya at di ko alam kung san nagpunta. Baka iihi.
"Ay bobo," usal ko ng magkamali.
"Oh, singa."
Tinignan ko si Val at natawa ng may dala na siyang malambot na bimpo pagkabalik niya.
"Gusto mo talaga ko pasingahin?"
"Oo, bilis na. Ako nahihirapan sa kasisinghot mo, Ciel."
Natawa ko bago suminga ng todo. Wala namang pandidiri sa mukha ni Val siguro nasanay na siya sa kadugyutan ko.
Dumating ang July ng halos nakatambay lang ako sa kwarto ko. At ngayon nga ay tambay uli. May pasok kasi si Val at sa bahay kami lang ni Mama.
"Boring," saad ko at hihiga na sana ng tumunog ang phone ko.
Bano Calling...
"Oh? Kilala mo pa pala ko?" bungad ko.
"May ginagawa ka? Birthday ni Dad ngayon punta ka raw."
"Ayos lang sino ba ko para sagutin diba," pagdadrama ko.
Hulyo na ngayon! Ni hindi nga niya ko tinawagan nung umuwi sila! San ang pasalubong ko?!!!
"Punta ka na lang dito."
"HOY! Wano—Hello? Binabaan ako?! The opacity?!"
Narinig ata ni Mama sigaw ko dahil biglang bumukas ang pinto.
"Ang ingay mong bata ka," saad niya.
"Sorry po mother. Ay Ma!" sigaw ko ng akmang lalabas na siya.
"Pupunta pala ko kina Wanolo ngayon, birthday ng Dad niya."
"Hmm, sabihin mo happy birthday kako."
Pagkarating ko sa bahay nila Wanolo ay konti lang pala ang tao. Sabagay, private person si Tito. Ngumiti ako kay Nanny McPhee ng pagbuksan niya ko ng gate at pinadiretso na sa loob.
"Hoy, Wano," mahina kong tawag ng makita siya.
Nakaupo siya sa sofa katabi nung isang lalaki, yung nakita ko sa canteen! Yung gwapo men.
"Ciel."
Kumunot ang noo ko ng hawakan niya ko sa braso at dinala ulit sa labas.
"Ang bastos mo naman, kapapasok lang nung tao, palalabasin mo agad? Ano bang nagawa ko, Wano? Wala naman ah? Ikaw nga tong—"
"Ang daldal mo," salubong ang kilay na sagot niya.
Kahit kailan napaka-atittude??!!
Tinitigan ko siya ng masama. May hindi to sinasabi sakin panigurado. Napatingin ako sa tabi niya ng sumunod yung lalaki sa canteen.
"Remember the one that you heard from the phone?"
Dahan-dahan akong tumango. "Yung nagsabi ng babe?"
"Y-yeah. That's... That's him."
"Oh?"
"Wala kang s-sasabihin? Reaction or something?" tanong niya saka nagiwas ng tingin.
"Ano ba dapat? Magalit ako? Bakit naman? Ganto lang ako Wano pero alam ko yung privacy at sarili mong desisyon na hindi sabihin sakin."
"I'm well not s-straight, Ciel. You okay with that?"
Tumango ako. "Nahahalata ko naman pero ayoko isipin kasi ship kita kay Ga—" napahinto ako ng mapatingin ako sa gwapo niyang kasama.
"Kay?"
"Wala. Okay lang naman sakin Wanolo basta ibigay mo sakin ang pasalubong ko."
"Seryoso?"
Napairap ako. Totoo naman! Ayos lang na ganyan siya no. Nung nakita ko palang sila sa canteen iba na pakiramdam ko at nakumpirma ko yon dahil sa boses nung nagsabi ng 'who's that, babe?'. Boses lalaki.
Pero medyo nagulat pa rin ako di lang halata. Tanggap ko pa rin siya dahil siya na ang pinakamatagal kong kaibigan at masasabi kong di plastik.
"Oo nga! Pero ang sakin lang..." tinignan ko siya saka yung lalaki saka binalik din sa kanya.
"Bakit kayo-kayong gwapo ang nagjojowaan?" curious kong tanong.
"W-what?" natatawang tanong ni Wanolo.
"Sobra na eh! Sayang lahi—"
Nahinto ako sa pagsasalita ng tumunog ang phone ko.
Labidabs calling...
"Yes, Sir? What do you need?"
"I need you, Miss."
"I'm not available, Sir. Do you need anything else?"
"Tss. Ikaw nga. Nasan ka ba?"
Natawa ko ng walang tunog saka bahagya pang hinampas si Wanolo na napaaray naman. Kasalanan ko bang kinilig ako.
"Nandito kila Wanolo birthday ng Dad niya. Bakit?"
"Hindi mo naman siguro nakalimutan?"
"Ang alin?"
"Ciel... did you forgot?"
"Ano ba kasi yon? Mamaya na nandito si Tito babatiin ko na! Bye!"
Di na ko makahinga sa tawa kasi sigurado pagdating ko sa bahay tampururot yon.
"Uwi na ko, Wano. Ay ano pala name mo?" nakangiti kong tanong don sa anong itatawag ko?
"Alex."
"Ah, nice to meet you. Ako pala si Neciel, bestie ni Wanolo."
"Umuwi ka na nga."
"Aray!" sigaw ko ng itulak ako ni Wano, di naman malakas upak lang talaga ko.
"Pasabi na lang kay Tito happy birthday, ha? Invite invite mo ko tapos busy naman pala daddy mo sa co-workmates niya."
"Yeah, yeah. Go home."
Inirapan ko siya saka binulungan si Alex. "Attitude yan saka moody. Ingat ka."
Natawa lang siya at ako naman tumakbo kasi pikon na si Wano baka kung ano gawin sakin.
Pagkarating ko sa bahay ay nagpalit ako ng damit bago pumunta kila Aling Puring.
Nagtext kasi si Val punta raw ako sa kanila. At ng makapunta ko ay dumiretso ko sa balcony, magtatago sana pero nakita na ko ni Valdrew kaya tumalikod ako at tinago ang hawak ko sa likod ko.
"Hoy."
"Oh?" sagot ko, pigil ang tawa.
"Anong araw ngayon?"
"July 11? Birthday ng dad ni Wanolo."
"And?"
"HAPPY THIRD MONTHSARY!" sigaw ko saka nilabas ang hawak kong regalo.
"I'd really gone mad if you forgot. Ano to?" saad niya saka kinuha ang regalo.
"Wala man lang pasalamat, Gardiola?"
"Ha?" tanong niya masyado ata nacurious sa regalo ka.
"Sabi ko—"
Natigil ako ng yakapin niya ko. "Salamat. Ayos na?"
Akmang bibitiw na siya sa yakap pero lumambitin ako sa kanya na parang unggoy.
"Alis tayo," sabi ko na parang batang nagaaya.
"Aalis naman talaga tayo," tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. "Magpalit ka."
Umayos ako ng tayo at ngumiti. "San tayo?"
"Secret."
Hinampas ko siya dahil sa secret niya. "Secret na naman tapos baka magulat ako magswiswimming tayo pero di angkop ang suot ko dahil sa secret na yan, Valdrew."
"Deserve."
Natawa ko kasi naadapt na ni Val ugali ko. O tambay lang talaga siya sa fb?
Matagal na naman ang naging biyahe namin. Nakasuot lang ako ng plain white shirt at girlfriend jeans. Si Val naman ay naka black shirt at ripped jeans. At pareho kaming naka converse.
Kumunot ang noo ko ng dalhin niya ko sa isang building. Hindi na ko nagtanong at sumunod na lang.
"Pag ako nadapa ah," ani ko ng takpan niya ang mata ko.
"Wow," usal ko ng makita ang hinanda niya.
A simple date in the rooftop with the sun setting in front of us.
"Take your seat, Miss."
Pinaghila niya ko ng upuan at umupo na rin sa upuan niya na katapat ko. Nakangiti kong pinicturan ang pagkain.
Kumain kami at nagusap ng mga bagay bagay. Nagandahan daw siya sa regalo ko. Simpleng aesthetic letter yon at customized na photobook na puro pictures namin.
Tinanong ko kung magkano bayad dito pero di niya sinabi. Malamang mahal!
"Pansin ko lang laging palubog ang araw pag may magagandang pangyayari sa buhay natin."
Nakatayo na kami at nakatingin sa papalubog ngang araw. Nakaakbay sakin si Val habang nakasandal naman ang ulo ko sa balikat niya. Syempre di siya nakatayo ng husto at talagang binabaan niya para sakin.
"It was sunset when we met too," ani niya.
Inaalala ko at totoo nga. Hapon na yon at kung di sana ko sumigaw di pa ko tatawagin ni Aling Puring.
"I said 'hi' and you replied 'yo'. That was still hilarious just thinking of it," natatawa niyang saad.
Natawa ko ng maalala. Bwiset kasing Uriel yan.
"Anong first impression mo sakin?" tanong ko.
"Hmm. Simple. Ang simple mo tignan, Ciel. Mukha kang mabait pero nung nakasama kita sadista ka pala."
Hahampasin ko sana siya pero naharangan niya.
"Kala mo ha," ani niya kaya natawa ko.
"Ikaw? First impression mo sakin."
"Gwapo. Halatang di ako papatulan."
Natawa siya at kinurot pa ang pisngi ko.
"But I did."
"Yes. Di nga ko non makapaniwalang may gusto ka sakin kasi sino ba naman ako."
"You're my girlfriend."
"Parang tanga to. Tara na nga, nilalamig na ko."
Natawa siya saka hinawakan ang kamay ko. Magka-hhww kami hanggang makarating sa ground floor.
Alas-sais na ng makarating kami sa kanto at ngayon ay naglalakad papuntang bahay.
"Naalala mo yung binigay mo saking boquet, Val? Yung puro dairy milk kineme?"
"Kineme?" nakakunot na tanong niya.
"Di mo yun alam. Pang millenial kasi yon."
"And?"
"Matanda ka na."
Nakatanggap ako ng pitik sa noo galing sa kanya. Kung ako mahampas, siya mapitik at laging solid!
"So yun nga nilagay ko yon sa ref tapos nung kakainin ko na kulang na eh bilang ko yon!"
"What? Binilang mo talaga?"
"Oo. Tapos pagkarating ko sa sala nakita ko si Uriel na panget nilalantakan ang tatlo. Sobrang inis ko at hindi ko siya tinantanan hangga't di niya pinapalitan," salaysay ko with action.
"Pinalitan naman niya?"
"Syempre. Sisirain ko computer niya pag hindi."
"Sama mo naman. Tatlo lang naman ang dami non, Ciel."
"Baka bigay mo yon?" sagot ko kaya napangiti siya.
"Dapat lang na pinapalitan mo."
Naghihintay na naman sakin si Kuya pagkarating ko sa tapat namin.
Kinawayan ko na lang si Val ng pumasok siya sa kanila.
"Uwi ba ng matinong babae yan—"
"Oh, manahimik ka," putol ko sa sasabihin niya at sinungalngal sa mukha niya ang pasalubong ko.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Jhon Mel Alcantara Aguila

    thanks

    04/11

      0
  • avatar
    HaBình

    rất hay

    03/02/2025

      0
  • avatar
    Aliyah Samantha

    good

    24/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata