"Char." "Gab! Let's play na! Stop that, haha." Napalunok ako at napatabi na lang sa gilid ng makatanggap agad ng masamang tingin kay Kuya pagkatapos ko sumigaw. "Okay! 1!" Nagkanya-kanya na silang pwesto, malaki ang pool kaya maganda at may mga tao ring nakikinood eh sa malamang nakukuha namin ang atensyon nila bukod sa napakaiingay namin eh talaga namang iba ang karisma ng mga kasama ko. "2!" Nagkabalyahan na agad si Kuya at Uriel na akala mo talaga nagugutuman. "3! GO!" Tawa ko nang tawa ng magsisisid agad sila. Nakakatawang nakikipaglaban din si Xanjo na siyang pinakamaliit sa kanila pero matangkad pa rin sakin. Oo na, maliit na ako. Sorry ah? Sorry kung ganito lang ako. #s4dg1rl Nang may umangat na sa tubig ay hawak na na non ang piso. Si Wanolo! "Okay. We have a winner na!" Nagulat ako ng may marinig na tilian sa kabilang pool. Luh. Gwapo yarne, Wano? "Hoy! Mayaman ka na! Ipamahagi mo na lang yan sa tulad kong gipit, Mr. Pizarras!" sigaw ni Nile na sinangayunan agad ng lahat, nangunguna si Uriel. Napatingin ako kay Val na natatawa lang din. Hinintay ng lahat ang sagot ni Wanolo at sa huli hinagis niya rin at pumunta sa gawi namin ni Jady at Gail. Oh yes! Oplan:GaiWan ating ulit simulan! Gumilid agad ako. Ako ang nasa pinakagilid tapos si Wanolo katabi ni Gail tapos ni Jady. "Naks! Dami mong fans don oh." Nginuso ko pa ang mga babaeng wala talagang hiyang nakatingin kay Wanolo. "So?" "Ang atitod mo talaga, Wano!" sigaw ko na tinawanan niya lang. "Oy! Oy! Andaya mo, Kuya Val! Walang gamitan ng biceps!" Nabalik ang atensyon ko sa kanila ng sumigaw si Uriel at narinig ang pangalan ni Valdrew. "Huh?" nakakunot na tanong ni Val na nakataas ang kanang kamay at hawak na ang piso! "Tinulak ka lang ng konti, natumba ka na? Hina mo naman!" tumatawang gatong ni Stephen na bigla ring tinilian, eh malamang siya agad ang mapapansin saming lahat dahil sa kulay niya at height niya. As in mukha talaga kasi siyang kano. Kapag nga magkakasama silang tatlo nila Val at Kuya, siya rin talaga unang mapapansin. Sa height ba naman niyang 6'1 at sa puti ng balat eh. Matangkad din naman si Val, 5'11 siya at si Kuya 5'9 tapos pareho silang moreno, mas dark nga lang ang kulay ni Val pero opkors mas gwapo si Val kay Gabriel. "Stop na, guys! Here's your five hundred, Val!" Nakangiting kinuha yon ni Val at hindi ko inaasahang sakin agad siya titingin. Nanlaki tuloy ang mata ko pero ganda na sana ng scene kundi lang humarang si Kuya sa harap ni Val. Pangit talaga ka-bonding! "Laro ulit tayo! May naisip ako!" si Stephen. "Baka kalokohan yan, Chandler, wag na lang," saad ni Kuya Gab. "Awts, Gab! Pag ako, kalokohan agad?!" madramang saad ni Stephen. "Oo, kilay mo pa lang, pang manloloko na!" "Huh?" "Sabog!" Humalakhak ang lahat sa sinabi ni Kuya. Pero totoo nga ah? Mukha ring sabog si Stephen pero gwapong sabog na manlolokong kano HAHAHA. Nakatanggap naman si Kuya ng bad finger kay Stephen tapos si Kuya ginanon din si Stephen. Lah! Sumbong ka sakin, Gabriel! Ay, sa bahay lang pala kami bawal magmura, ewan ko lang sa labas ah? So, ating palagpasin. Habang nagkakagulo sila ay nakalapit na pala si Val sa tabi ko. Lumayo naman na si Wanolo at nakipagusap kina Nile at Ivan, sila Gail at Jady naman nagdadaldalan. "Oh." "Ano yan?" tanong ko ng iabot niya sakin ang five hundred. "Para sa future natin?" nakangisi niyang sagot. Napa-iwas tuloy ako ng tingin dahil nahihiya ko at kenekeleg. "Baliw," ang tanging nasabi ko habang nakayuko. "Sayo?" Mabilis akong napaangat ng tingin sa kanya. "Gasgas na po yan," tumatawa kong sabi kahit na keneleg pa rin ako. Oo na, ako na maharot! "Calling the attention of everyone, please proceed to my heart—" Bago pa matapos ni Stephen ang sasabihin niya ay binatukan agad siya ni Kuya. "Bobo ka talaga," saad ni Kuya tapos pumalakpak ng tatlong beses. "Okay! Lahat tayo kasali na rito. Grupo ang labanan at na group ko na tayo." Napatingin ako kay Val. Syempre pareho kami ng iniisip. "Knowing Gab?" panimula niya. "Hindi tayo magka-group," dagdag ko. Natawa na lang din kaming dalawa hanggang sa sabihin na nga ni Kuya ang magkakagrupo. Ako, Wanolo, Nile at Ivan. Uriel, Gail, Jady at Xanjo. Kuya Gab, Ate Aira, Val at Stephen. Ang laro? Calamansi relay. Ang premyo? 1,500! Patayan to, pre. "Calamansi relay?" Napaawang ang bibig naming tatlo ng magsalita si Wanolo na kunot ang noo. "Hindi mo alam?" tanong ko. Hindi na kasi in-explain ni Kuya ang laro, inaakalang alam na yon ng lahat. Alam din kasi ni Ate Aira, ewan ko rito kay Wanolo! Bano! "Ahh. As in literally relay ng calamansi? Pasahan? Using hands lang?" Pakshet. "Conyo amputa," di napigilang mura ni Nile, natawa na lang din kami ni Ivan. "Game na!" Nanlaki ang mata ko ng sumigaw na si Kuya Gab, may kanya-kanya na rin silang hawak na plastic na kutsara. "Saglit!" sigaw ko. "Bakit, Ciel?" tanong ni Kuya na lumapit samin, lumapit din tuloy ang iba. "Ang aming kaibigang rich kid ay hindi alam ang mechanics ng game," seryosong ani ni Ivan na may pagtapik pa sa balikat ni Wanolo. "Huh? Alam ko, Ivan, pinagsasasabi mo?" Takte. "Alam naman pala eh, game na," si Uriel. "It's just a relay, right?" "Ay puta, di nga alam," si Stephen na tawa ng tawa, nakaduro pa kay Wanolo. Natawa naman ako sa pagmumura ni Stephen. Ewan ko, di ako nagmumura pero ayos lang sakin nagmumura yung mga nasa paligid ko. Di kasi siya masaket sa tenga. Ano lang, yung tipong nakakatawa at hindi yung malutong na mura. Bago mag-start ay masinsinan munang inexplain ni Kuya kay Wanolo kung pano ang gagawin. "Ahhh, dito sa kutsara ilalagay yung calamansi tapos ipapasa sa kasunod?" "Oo, bobo mo," pang-aasar pa ni Nile na hindi naman big deal samin at kay Wano, tinawanan niya pa nga. "Game! Game! Game!" si Uriel na di na talaga makapag-antay. "Saglit!" sigaw ko ulit dahil nabali yung kutsarang gamit ko. Lalapit na nga sana ko kay Ate Aira para humingi ng bago ng sumigaw pa si Uriel na nakapagpataas sa kaliwang kilay ko. "Bayan! Wag ka na nga sumali, puro ka saglit, Neciel!" "Tanga ka?!" sigaw ko, handa ng manabunot. "Joke only," sagot agad ni Uriel na nag-peace sign pa. Nang okay na ang lahat at all is well (oo, inulit ko lang) ay pumwesto na kami. Nagawa naming paalisin lahat ng tao sa pool dahil sakalam kami. Kaming dose lang ang nasa pool. Ang pwesto namin ay ganto, first line up kami nila Ivan, Wanolo tapos si Nile. Second line sina Kuya Gab, Ate Aira, Stephen, sunod si Valdrew. Third line sina Uriel, si Jady, si Gail tapos huli si Xanjo. Ang huli ang siyang maglalagay ng calamansi sa dulo ng pool na may baso. Paunahan mapasa ang limang calamansi. "GAME!" sigaw ni Kuya. Nilagay ko na agad ang Calamansi sa kutsara ko at naglakad papunta kay Ivan, medyo mahirap siya beh pero succesful kong naipasa yon kay Ivan at ng mapasa ka na ah bumalik na agad ako sa base at naglagay ulit ng Calamansi sa kutsara. Napalingon ako sa team nila Uriel ng marinig na tumili si Jady, nahulog ang calamansi! "Jady!" sigaw ng buryo kong kapatid. "Sorry!" sigaw rin naman ni Jady na banas din ang mukha, halaka lq. "Hoy, bilis na, Ciel!" Nabalik ako sa wisyo ng sigawan ako ni Ivan, takte to ah, nagagawa na kong sigawan? Napasa ko rin naman agad yon. Tatlo na ang nalalagay namin sa basket, sins Uriel ay dalawa pa lang dahil ang bagal ni Jady at Gail tapos sila Kuya kalalagay lang nung pangatlo nila kaya nangunguna kami dahil kapapasa ko lang kay Ivan ang pang-apat namin. Nang kukunin ko na sana ang pang lima naming calamansi ay may bigla namang tumama sa pisngi ko na calamansi! "ARAY!" malakas na sigaw ko dahil ang sakit! "Hala, sorry! Dapat sa kutsara mo yon, Ate Ciel!" Tinignan ko siya ng teary-eyed dahil ang lakas talaga ng impact. Napatigil tuloy ang laro dahil sa sigaw ko. "Anong nangyari?" si Valdrew na hinawakan agad ang pisngi ko na malamang namumula, hele pereng de ne teley meseket, char. "Anong ginawa mo, Uriel? Sumbong kita kay Papa, lagot ka!" pananakot pa ni Kuya. "Di ko naman sinasadya, pramis! Dapat sa kutsara niya lang yon! Namali lang ako ng pitik at sa pisngi niya tumama!" defensive na sagot ni Uriel, kaya natawa na lang din ako. "Okay! Ciel's team is the winner!" Nanlaki ang mga mata ko at napayakap sa katabi ko, kay Ivan na agad ding yumakap sakin. "Congrats. Looking forward to our future." "V-val?" Hala, kala ko si Ivan! "Hoy, hoy, hoy! Maglayo nga kayo!" si Kuya na agad akong hinila. "Aray naman! Yung 1,500 namin!" sigaw ko dahil baka mapunit! Sinamaan ko siya ng tingin saka inirapan. Tinawag ko ang team (wow team) at pinalapit sakin. "May barya kayo? Tig-375 tayo pero mayaman na si Wanolo kaya tig-500 tayong tatlo rito—" "Woah. Wait? What?" Natawa ako kami nang magkomento si Wano. Sayang, kala ko ayaw niya. "Para namang nagigipit ka, Wano!" "Okay. Fine. Whatever." "Ayos," binigay ko na ang tig-500 kay Ivan at Nile saka lumapit at bumulong sa kanila. "Atitod na naman ang bano." "Seriously, Ciel? Are you backstabbing me?" "Di, frontstabbing lang," sagot ko saka siya inirapan. "Is there a word like that?" "Bokabularyo ni Neciel."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
thanks
04/11
0rất hay
03/02/2025
0good
24/12/2024
0Tingnan Lahat