Kyla Sanchez's P.O.V. "Kyla!" Lalo pa akong nagtago sa mga damit dito sa Bench dahil sobrang nakakahiyang kasama si Harvy. Sobra! As in! Nagtungo kami sa isang open mall na nadaanan namin matapos gumala sa San Guillermo Church. 10 pm pa lang naman kaya pumunta muna kami sa Bench bago kumain ng hapunan. "Kyla! Kanina pa kita hinahanap ah! Sobrang tagal mong mamili!" At natagpuan na nga ako ni Harvy. Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang t-shirt na napili ko. "Sino ka ba?" Mahinang sabi ko at dumiretso sa counter para magbayad. "Sino ako? Ha! Wow ah! Kinakahiya mo na 'ko?!" Kung titignan sa malayo ay para kaming nag-aaway. "799 po lahat," sabi ng cashier. Agad naman akong nagbayad at kukuhanin na sana ang mga pinamili ko nang kinuha iyon ni Harvy. "Ay na'ko ma'am ayusin niyo na po iyan bago pa mas lumalim ang gabi," ngisi ng cashier bago ako tumalikod. "Mukha pa namang wild si boyfie!" Pahabol na sabi pa ni ate dahilan para bilisan ko ang paglalakad palabas ng Bench. Sheet! Ang weird ni Ate Girl! Hindi na 'ko babalik doon! Ever! "Tara! Saan tayo kakain?" Hinayaan ko ng dalhin ni Harvy ang pinamili ko. Ginusto niya 'yon eh. "Gusto ko lang ng waffle." "Ayaw mo ng kanin?" Umiling lang ako sa tanong ni Izzy. Masyado na akong maraming nakain ngayong araw. "Then, let's buy a waffle," nakangiti akong namili ng flavor sa Belgian Waffle. "Ako na bibili ng drinks," ibinigay sa akin ni Harvy ang mga dala niya na ako rin naman ang namili. Sasamaan ko sana siya ng tingin kaya lang ay ako naman ang mga bumili nito kaya inabot ko na lang kay Izzy na walang reklamong kinuha ito. Limang paper bag lang naman. "Sigurado ka bang magagamit mo 'to lahat?" Itinaas pa niya ng bahagya ang mga paperbags. "Uhmm..." nag-isip ako ng sobrang lalim. "I don't think so..." I laugh nervously. "That's okay, itatapon ko na lang," nanlaki ang mata ko sa narinig. Parang normal lang sa kanya ang gagawin. "ARE YOU CRAZY?" Mahinang sigaw ko. "Are you crazy?" He just mock me. Kaya lalong nagsalubong ang kilay ko. "Ito na po," nawala ang galit ko nang maamoy na ang waffle. Agad ko itong tinanggap at nagpasalamat bago iwanan si Izzy na sumunod din naman agad. "Wow naman! Starbucks! Salamat!" Masayang tinanggap ni Izzy ang ibinigay ni Harvy. "Anong salamat? Babayaran niyo 'yan. Ito ang resibo oh," ibinigay ni Harvy ang resibo sa 'kin. Inosente ko namang pinunit-punit ang resibo at itinapon sa malapit na basurahan. "Opps, hindi ko sinasadya..." masaya kong kinagatan ang Hazelnut Waffle ko. "Let's take a sit," umupo kami sa isang lamesa sa labas ng Starbucks. "Picture tayo! Bilis! Inggitin natin sila Matte," inilabas ni Harvy ang kanyang phone. "Teka lang! Napaka-haggard ko kaya!" Nagmamadali akong magpunas ng pawis at naglabas ng polbo. "Ako rin, penge!" Ibinaba muna niya ang phone para mag polbo. "Ano? Ayos na? Puwede na?" Si Izzy na ang nag hawak ng cellphone ni Harvy. "Game na!" Pumasok kami sa National Bookstore pagka-kain namin. Gusto pa nga ni Izzy na mag stay kaysa mapagod kakalakad pero napilit din siya ni Harvy. Sa akin naka-sunod si Izzy at si Harvy naman ay hindi ko na alam kung saan nag suot. "Nababasa mo ba lahat ng binibili mong libro?" Nilingon ko si Izzy na nagtitingin din ng libro. "Oo naman, but it takes a lot of time bago ko simulan since marami pa akong hindi nababasa sa bookshelf ko," itinigil ko na nga ang pagtingin sa mga libro dahil papagalitan na naman ako ni Izzy. "So, marami ka pa palang hindi nababasa? Eh 'di balikan na lang natin 'to kapag wala ka ng mabasa," akmang ibabalik niya ang mga libro na pinahawak ko sa kanya nang pigilan ko siya. "ALAM MO BA NA SOBRANG HIRAP NA NIYAN HANAPIN?" "Hindi ko alam eh," tumalikod siya at sa kabila naman balak ibalik ang mga libro. "HINDI NAMAN IKAW ANG GAGASTOS AH?" Ako na ang kumuha sa mga libro at tinalikuran siya. Buti pa si Harvy ay naiintindihan ako pagdating sa mga ganitong bagay. "Tapos ka na? Teka lang may hinahanap pa 'ko," Namataan ko si Harvy sa R18 Section. "Si Izzy kasi eh," tila nagsusumbong na sabi ko. "Hayaan mo siya, inaasar ka lang no'n," tila wala sa sariling sagot ni Harvy, nahuhulog na sa binabasang description sa likod ng libro. "Can I drive--" Ngayon ay papunta na kami sa kotse para umuwi. "NO!" Sabay na sagot nila na mabilis pa sa cheetah. "Ako na nga ang magda-drive, AYAW NIYO PA!" "Baka nakakalimutan mo, na yung huling patakbo mo ng kotse ay halos pumunta na tayo sa heaven?" "ME?" Kunwari ay nagulat ako sa narinig. "Still NO! Si Harvy ang magda-drive," sabi ni Izzy at pumasok na sa passenger seat. "ME?" Reklamo ni Harvy pero wala rin siyang nagawa kundi ang mag drive. ▪ 3 am and I am still awake. Sobrang dami kong energy na halos hindi na ako makatulog. Bumuntong hininga ako at umayos ng pagkakasandal. Nang may maalala ay nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table at sinend kay daddy ang screenshot kung saan magkakaroon ng concert ang BTS dito. Ilang saglit lang ay na-recieved na ni daddy ang sinend ko. Kagat- kagat ko ang kuko ko habang hinihintay ang reply niya. "Oh my god! Oh my god!" Itinaob ko ang cellphone ko nang marinig ang notification sound, hindi handa sa mababasa. To : Daddy [I'll buy you a VIP Ticket. Ilan kayo?] Napatakip pa ako ng bibig at mangiyak-ngiyak na niyakap ang unan sa sobrang saya. Last concert kasi nila dito ay hindi nila ako pinayagan, siguro ay dahil wala akong kasama? AH BASTA kahit anong rason pa iyan ay wala na akong pake. Ang importante ay pumayag na sila ngayon. At dahil hindi naman ako sure kung sasama talaga sila Izzy ay tinawagan ko siya. Ilang minuto na ang nakalipas nang sumagot siya. ["What?"] Ramdam ko ang inis sa bagong gising niyang boses. "Mukhang nagising yata kita ah," nang-aasar na bungad ko. ['Exactly! Ano bang sasabihin mo? Kapag 'yan hindi importante. HUMANDA KA SA'KIN!"] "Importante nga 'to!" ["ANO NGA 'YON?"] "Sasama ba kayo sa concert?" Tumahimik ang kabilang linya ng ilang segundo bago ako makarinig ng mahihinang mura. "GINISING MO AKO NG DAHIL DOON?" Naka rinig ako ng mga kaluskos at ang pagbukas ng pinto kaya dali-dali kong ini-lock ang pinto ko saka tumawa ng pagkalakas-lakas. Nasanay na kasi akong hindi nilo-lock ang kuwarto ko dahil sa nasanay na talaga ako ever since. "KYLA! 'WAG NA 'WAG KANG MAGPAPAKITA SA 'KIN AH! At oo, sasama kami," sigaw niya sa labas ng kuwarto ko at narinig ko na lang na nagsara siya ng pinto. Ni-replay-an ko na lang si daddy nang '6' bago magbihis para mag jogging since hindi naman na ako makakatulog. Dahan-dahan akong lumabas ng bahay at nag-iingat na makita si Izzy. Paglabas ko ng gate ay nakahinga ako ng maluwag, feeling ko ay nasa 50-50 na ang buhay ko dahil inistorbo ko si Izzy sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Hinayaan ko ang mga paa ko sa kung saan man ako nito dadalhin, suot ang aking earphone ay tumakbo ako palayo sa bahay. I let my mind wonder and let my feet wander. Hindi ko namalayan na nakalagpas na pala ako sa park at may tinatahak na akong magubat na daan. Babalik na sana ako nang may matanaw akong liwanag at may narinig din ako umaagos na tubig nang natanggal ang earphone ko. Kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang dulo. Nasa dulo ako ng bangin at mula rito ay tanaw na tanaw ang isang waterfalls, mapunong paligid, nagliliparang mga ibon at ang papasikat na araw. "Wow," Namamanghang sabi ko at humanap ng mauupuan. Kinuha ko ang isang putol na puno saka umupo kung saan tanaw ang buong kapaliguran. Nagpahinga lang ako doon hanggang sa makaramdam ng antok. Agad na akong umuwi bago pa ako makatulog doon. ▪ Nagising ako dahil sa pagri-ring ng cellphone ko. Pakiramdam ko ay pumikit lang ako at kung sino man itong tumawag ay ginagalit talaga ako. Alam ko na ang pakiramdam ni Izzy kanina, ang bilis talaga ng karma. "BAKIT HINDI KAYO NAGSASAMA!" Lalo lamang sumakit ang ulo ko dahil sa bungad ni Zai. "Mag shopping tayo mamayang 2pm! Sunduin mo 'ko dito! Tayong dalawa lang!" Sabi niya at pinatay na ang tawag kaya bumalik na ulit ako sa pagkakatulog ko. "KYLAAAA!" Talaga namang kung mamalasin ka oh! PATULUGIN NIYO NAMAN AKO! "ANO BA?" "KAILANGAN MONG KUMAIN!" Tila nang-aasar lang naman 'tong si Harvy! "Mamaya na 'ko! Mauna na kayo," Nakapikit na sagot ko. "Ngayon na!" Naramdaman ko ang paghatak ni Harvy sa kumot ko. "TSK! OO NA NGA!" Masama ang loob na bumangon ako at pumasok sa cr para maghilamos. Rinig ko pa ang tawa ni Harvy sa labas ng cr kaya lalo lang akong nasura. Paglabas ko ng kuwarto ay natagpuan ko pa siya sa labas ng pinto ko. "At talagang hinintay mo pa ako, HA?" Inilagay ko ang buong lakas ko sa kanang kamay ko bago hampasin sa balikat si Harvy. Pagdating namin sa kitchen ay masamang tingin ni Izzy ang bumungad sa 'kin. Nginitian ko naman siya ng napaka-tamis at sa pinaka malayong distansiya ako umupo. Mahirap na... baka bilang na lang sa daliri ang minutong itatagal ko sa mundong ito. ▪ "Kyla, tara sa Miniso," hinatak niya ako papasok sa Miniso at nagtingin-tingin doon. Nasa bag section ako at namangha sa ganda ng mga design. "Ang ganda nito. Bilhin ko kaya?" Kinuha ko ang mint blue na bag at walang tingin na inabot kay Zai para tignan din. Nangangawit na ako ay wala pa ring umaabot ng bag kaya lumingon na ako and I saw no one. Umikot ako sa buong store at walang bakas ng isang Ma. Zai Mendoza. Nawawala na naman siya! Napalingon ako sa bottle section kung saan kami unang nagkita ni Zai matapos ang graduation. Nakatalikod siya sa akin at may kausap sa cellphone, napansin ko rin na suot niya ang kaparehas na damit noong araw na iyon. I'm not dreaming, right? "Zai!" Lumapit ako sa kanya at hinatak na siya palabas ng Miniso since wala rin naman siyang napili. "Bili muna tayo ng Belgian Waffle, nag crave ako sa mga sinend ni Harvy!" Pumunta kami sa Belgian waffle at umorder ng anim, tig-tatlo raw kami. "Ako na ang bibili ng inumin, hintayin mo na lang ako dito," Tumango si Zai na pinapanood ang pagluluto ng waffle kaya naman pumunta ako sa pinakamalapit na Milktea store ngunit bago pa ako makapasok ay nakuha na agad ng atensiyon ko ang isang store na katabi nito. KOREAN STORE! Nakangiti akong pumasok at namili, hindi alintana kung magkano ang magagastos. "Ayoko pang umuwi!" Papunta na kami sa kotse at tapos na mamasyal. Sa sinabing iyon ni Zai ay naalala ko ang natagpuan kong paraiso kaninang umaga. "Sige." "Anong sige?" "'Wag muna tayong umuwi," Sinimulan ko nang paandarin ang kotse palabas ng parking lot. "Saan tayo pupunta?" "Secret!" Naka ngising sabi ko. "Hoy Kyla! Ang creepy ng ngiti mo!" Tinawanan ko lang siya at nagpatuloy lang sa pagda-drive. "Matutulog ako ha? BAKA PAGGISING KO, NAKAGAPOS NA ANG MGA PAA'T KAMAY KO! AYOKO NA NGA MATULOG!" Nag cellphone na lang si Zai. Tinotoo'ng hindi na matutulog. "Oh? Akala ko ba hindi pa tayo uuwi?" Napansin siguro niya na papasok na kami sa village namin. "Hindi pa nga." "Uy may surprise ka siguro sa 'kin noh?" Ngayon ay excited na si Zai sa pupuntahan namin. Papalubog na ang araw and this is a perfect timing para manood ng sunset. Tumahimik si Zai hanggang sa makalagpas kami sa park. Tila may malalim siyang iniisip na hindi niya namalayan na nakahinto na ang sasakyan. "Nandito na tayo! Tara!" Binitbit ko ang mga pinamili naming pagkain at hinintay si Zai na bumaba. May problema siya, nararamdaman ko at kailangan niya ng kaibigang dadamayan siya. "Hala ka! Nasaan na tayo?" Hindi ko siya sinagot at nauna ng maglakad. "WOW!" Malayo pa lang ay namamangha na si Zai kaya nauna na siya sa 'kin at tumakbo pa palapit sa bangin. Umupo ako sa kung saan ako umupo kaninang umaga. Ipinatong ko naman ang plastik na puno ng pagkain sa malaking bato malapit sa 'kin. "Kyla," Seryosong tawag ni Zai sa 'kin. "Mm... bakit?" Nagbukas ako ng dalawang banana milk na binili ko sa Korean Store at ibinigay kay Zai ang isa. Naka-talikod niyang tInanggap ang inumin. Naka-tingala ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya. "Sa totoo lang ay ayoko na talagang umuwi sa amin," sabi niya. Sa totoo lang din ay hindi ko alam ang dapat na sabihin at isagot ko kay Zai. "My parents had fight noong tumawag ako sa 'yo para sabihing mag shopping tayo. Nasa harap pa nila ang batang kapatid ko," Huminga siya ng malalim at naupo sa tabi ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto kong umalis pero paano naman ang kapatid ko? Sino ang magtatanggol sa kanya? Kaya lang ako naka-labas ngayon ay dahil dumating ang Kuya ko," nanatili akong tahimik at nakinig lang sa kanya. "Actually sa lahat ng naging kaibigan ko ay sa 'yo lang ako nagkuwento about my family problem." "Salamat sa tiwala," mahinang pasasalamat ko. "Nagsabi na ako ng problema sa 'yo kaya kailangan ay hindi mo na 'ko iwan! Mag promise ka sa 'kin!" Pinilit pa niyang itinaas ang kanang kamay ko. "I won't leave you," hawak ko na ang pangarap ko eh, bakit bibitawan ko pa? Unless someone or something will happen that surely make us apart. Tahimik lang kaming nanood ng paglubog ng araw na halos tumagal ng isang oras. Naubos namin ang pinamili naming chips at isang pack ng Banana Milk sa Korean Store nang tumawag si Izzy. ["Nasaan kayo?"] Bungad niya. Hindi talaga siya marunong mag-hello muna. "hmm, bakit?" Hindi ko alam ang lugar na ito kaya hindi ko masabi. ["Nandito kami sa tambayan namin. Dumiretso na kayo dito, dito na tayo maghapunan,"] Masayang tumango-tango si Zai na naririnig din ang usapan namin dahil naka-speaker ang cellphone ko. "Sige, pupunta na kami ngayon," sagot ko at ibinaba ang tawag. Nagmamadali naman kami ni Zai magligpit ng mga pinagkainan namin. "Ayun pa! Kung saan-saan kasi itinatapon eh," Nagtawanan kami dahil siya ang nagkalat no'n. "Tara na!" Inilagay namin ang dalawang plastic bag na puno ng basura sa likod ng kotse ko at sumakay na. "Nandoon ba si Dariel?" Tanong ni Zai habang palabas na kami ng village. "Wala," "Nando'n daw eh!" "Bakit tinanong mo pa 'ko?" "Para sure," Inihinto ko na ang kotse sa harap ng tambayan nila at napansin ang limang kotse at dalawang motor sa katabi nitong bakanteng lote. Hindi kalayuan ay may isang van naman na naka parada sa harap ng isang bahay. "Mauna ka na. Itatapon ko muna yung mga basura natin doon," nakakita kasi ako ng malaking basurahan sa bakanteng lote. "Sige, sige bilisan mo ah!" Sabay kaming lumabas ng kotse at kinuha ko naman ang basurahan sa likuran habang si Zai ay pumasok na sa gate saka hinintay ako sa upuan na katabi ng pinto. Itinapon ko ang basura namin at papasok na sana sa loob ng huminto mismo sa tapat ko ang van na kanina lang ay naka parada sa harap ng isang bahay sa hindi kalayuan. Nang bumukas ang pinto at nakitang balot ang mga mukha nito ay mabilis akong tumakbo papasok sa gate ngunit nahablot niya ako at pilit na ipinapasok sa van, mahigpit ang kapit ko sa gate at sinigawan si Zai na hindi alam ang gagawin. "ZAI! TUMAKBO KA NA!" Saka lang gumalaw si Zai nang marinig ako at pumasok sa bahay. Tinakpan nung lalaki ang ilong ko gamit ang panyo na nakakahilo ang amoy kaya iwinasiwas ko ang mukha ko para hindi ko maamoy. "ANO BA? BITIWAN MO 'KO! HINDI AKO MASARAP!" Ngayon ay dalawa na silang pilit akong inilalayo sa gate na ngayon ay yakap ko na. "Hoy bilisan niyo!" Rinig kong sigaw nung driver ng van. "IZZY!" Nang makita ko si Izzy na nagmamadaling lumabas ay lumuwag ang kapit ko sa gate kaya nahatak nila ako papunta sa van, hindi na ako masyadong nanlaban dahil umiikot na ang paningin ko sa panyo na ipina-amoy sa 'kin kanina at bago pa nila ako masakay ay nahawakan na ni Izzy ang kamay ko. Hinatak niya ako palapit sa kanya at sinipa sa mukha ng lalaking hawak nang hawak sa 'kin. Hinawakan ni Siv ang kamay ko at pilit tinatanggal sa pagkakahawak nung isa pang lalaki. "Ilayo mo na si Kyla!" Nawalan na ako ng balanse dahil sa sobrang hilo, nilalabanan ko na rin ang bigat ng talukap ng mata ko. "Kyla?" Halos wala na akong marinig sa paligid ko. Nagsasalita si Izzy habang buhat ang kalahati ng katawan ko at naka-salampak na sa kalsada ngunit hindi ko na iyon maintindihan at maramdaman pa. Hinahayaan na lang sila sa kung anong gusto nilang mangyari. "KYLA!" And the last thing I knew Charles is trying to keep me awake. ▪ Unti-unti kong iminulat ang aking mata at sa una ay blur lang ang aking paningin kaya naghintay ako ng ilang minuto bago medyo luminaw ang aking mga nakikita. Una kong napansin ay isang doktor, dalawang nurse at sa gilid ay ang parents ko na uiiyak. Pinapalibutan nila ako at parang pinu-pump, napansin ko ang mga machine sa gilid ko at ang kung ano-anong naka-tusok sa 'kin, kaya naman nag panic ako at umupo. Pero mas lalo pa yata akong nag panic ng makita ko ang sarili na naka-higa pa rin at pinu-pump ng doktor, nakita ko rin na 50-50 na ang heartbeat ko. PATAY NA BA 'KO? Umalis ako sa pagkakahiga at dinaanan ang mga nurse na hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan nila. Lumagpas lang ako sa kanila? Omg! Naiiyak na talaga 'ko! "Kyla?" nag-echo sa utak ko ang boses ni Izzy. Kaya lumingi-linga ako sa paligid ngunit wala naman siya. Sinubukan kong lumabas mula sa kuwarto na iyon na hindi binubuksan ang pinto. Patay na ba talaga ako? Kaya ba gano'n na lang nila ako pinipilit na huwag matulog? Kasi ikamamatay ko? Malinis at walang ka-tao-tao sa hallway, tinignan ko ang kuwarto na pinaglabasan ko. ICU. "KYLA!" "KYLA! GUMISING KA!" "KYLA!" Nagsunod-sunod ang pag-echo no'n sa utak ko dahilan para umikot ang paningin ko at nawalan ng balanse sa gitna ng hallway sa harap ng ICU room. Pinahid ko ang ilong ko dahil naramdaman kong may tumulo at nang makita na dugo iyon ay nanghihina akong humiga, wala ng pake sa paligid. I guess...this is really the end.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
YV ON
very good
04/05/2024
0
Rosmalyn Guevarra Valle
😍😍😍
31/07/2022
0
Obralheii
An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
very good
04/05/2024
0😍😍😍
31/07/2022
0An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
03/07/2022
0Tingnan Lahat