logo text

Epilogue (Part 2)

"Kyla?" sunod-sunod na katok ang narinig ko at ang pagtawag ni mommy.
Hindi naman ako makatayo dahil sa sakit ng ulo ko ngunit nang maalala ang nangyari kagabi ay napabalikwas ako at kinabahan na baka nalaman nila ang pagtakas ko.
"Kyla? Gising ka na? May sasabihin akong importante. Papasok na 'ko ah?" nagmamadali kong inamoy ang hininga ko dahil baka maamoy niya pa ang alcohol, nagmamadali ko ring kinuha ang pabango ko at nag spray sa paligid.
Dumapa ako sa kama at binalot ang sarili ng kumot na halos mata na lang ang makikita.
"Kyla, we will have informal dinner tonight. Umuwi pala ang business partner namin na kaibigan din naman. The one I am talking about, remember? Umuwi sila kaya ipapakilala kita!" excited na sabi ni mommy.
"Kailan?" tanong ko.
"Ang linaw ng pagkakasabi ko. Dinner na may tonight pa! Find your soul! Bye~" natawa naman ako dahil sa tinanong ko, oo nga naman.
Balak ko sanang pumunta sa school, sa Dionysus HS Academy, but things got worse kaya next time na lang siguro.
I wore long baggy jeans and V-neck crop top. I forgot to ask mommy about the place pero hindi na rin ako nagtanong para surprise.
Bumaba na ako para sana doon na lang maghintay kaso ako pa yata ang hinintay nila. Magandang opportunity rin ito para hindi ko muna maisip ang mga bagay-bagay.
Ngunit nang huminto kami sa isang pamilyar na restobar ay muli na naman akong sinubok ni bathala.
Ito yung bar kung saan nagsimula ang lahat, kung saan kinausap at umamin si Ralff. Huminga ako ng malalim at sumunod kila mommy.
Pagsakay namin sa elevator ay may nakasabay rin kami kaya tahimik, hindi ko alam kung anong mangyayari pero kinakabahan ako ng slight.
Paglabas namin ng rooftop ay sumalubong agad sa 'min ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili habang iginagala ang tingin.
Ang ganda rito...
"Mommy, nandito na ba sila? Can I look around first?" tanong ko at ipinakita ang phone para magpicture.
"Go ahead!" dumiretso ako sa gilid at huminga ng malalim habang nakatingin sa malawak na paligid, city lights, stars.
Then, I realized... the world is so big to think about that dream. But how? How can I move forward if I used to live like that, then suddenly I woke up and have nothing?
Muli akong huminga ng malalim at niyakap ang sarili. Ang lamig dito, pinagsisisihan ko na agad kung bakit hindi ako nagtanong kung saan kami kakain, hindi ko tuloy napaghandaan ang isusuot ko.
Napataas ang balikat ko at agad lumingon sa naglagay ng jacket sa 'kin. Agad umawang ang bibig ko at hindi na naman makapagsalita sa nakikita.
Nasa harap ko siya at malinaw na nakikita. Mas malinaw, maliwanag gaya ng puso at utak kong unti-unting nakakakita ng liwanag, pag-asa.
"Balik mo na lang sa 'kin. Friday night," lumapit siya sa 'kin at ibinulong ang dalawang huling salita saka umalis.
Izzy...
Nang mawala na siya sa paningin ko ay muli akong humarap sa kalangitan at lumunok para pigilan ang pagluha. Bakit gano'n?
Hindi naman gano'n ka wild si Izzy, saka-- inamoy ko ang jacket na binigay niya para makumpirma-- pamilyar ang amoy ngunit sigurado akong hindi ito kay Izzy.
Shit, pupunta ba ako sa Friday night? Anong gagawin namin?
Mag-uusap lang naman kami, hindi ba? Tapos isasauli ko sa kaniya yung jacket niya.
"Kyla, tara na!" bigla na lang akong hinatak ni mommy kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Mabuti na lang ay hindi pa niya napapansin ang jacket sa balikat ko.
Nang bitawan niya ako ay inayos ko sa pagkakasuot ang jacket bago lumingon sa kaibigan nila mommy.
Hindi pamilyar ang mukha nila kaya tipid lang akong ngumiti. "Kyla, this is Mr. and Mrs. Pascual."
"Good evening po." nakangiting bati ko at medyo yumuko tanda ng pagrespeto.
"Good evening! Nasaan na naman yung anak mong babaero? Alam mo Kyla, h'wag ka papaloko sa anak ko ay talaga namang hindi nagseseryoso sa babae iyon!" kwento ni Mrs. Pascual ng umupo kami.
Pascual? Sounds familiar...
"Tama, ang sabi sa 'min noon ay type ka niya pero kinabukasan lang ay may kasama ng ibang babae! Tsk, he's hopeless!" saad naman ni Mr. Pascual.
"What the hell? Sinisiraan niyo na agad ako?" sabay-sabay kaming lumingon at napatayo pa ako sa gulat.
"What are you doing here?" bulong ko.
"Uh, he's my son." narinig pa yata nila ang itinanong ko rito.
"My god, did you know each other?" tanong ni Mr. Pascual. Hindi naman siya natinag at nginisihan pa ako dahil sa narinig.
OMG, DON'T TELL THEM!
Umiling ako sa kaniya na hindi halata para ipahiwatig na h'wag sabihin kung saan kami nagkita.
Naiilang ako sa pagngisi niya dahil nakikita ko talaga sa kaniya si Izzy. Kamukhang- kamukha niya! Kung desperado lang ako ay baka nayakap ko na siya, well-- we already kissed...
"Is it your jacket? You remember her, huh?" tanong naman ng mommy nito.
"She borrows it from me. Malamig daw kasi rito tapos hindi siya nakapag dala ng jacket." tinaasan ko ito ng kilay.
Sinungaling! Siya nagbigay sa 'kin nito eh!
Kung legal lang ang pagpunta ko sa bar na 'yon ay isusumbong ko siya sa paghalik niya sa 'kin eh!
"Kyla, kilala mo ba siya? Para humiram ka ng jacket sa kaniya?" tanong ni daddy sa 'kin. Umayos na kami ng upo at tumabi pa sa 'kin si-- Izzy...
"H-hindi po," nakayukong saad ko.
"Let me introduce myself, then," nagpeke pa ito ng ubo at humarap sa 'kin.
Tinitigan ko ang mata niyang katulad ng kay Izzy. I don't know why I still hoping for something that will have connect my dreams.
"Harvy Pascual, remember that name."
Sky has no end, as well as love.
My dream to have friends with specific people is a pie in the sky. It will never happen, but at least... I felt the feeling of having friends like them, right?
I met an accident and thought it was the reality. I woke up having Izzy and Harvy in our house unexpectedly. Having Zai on the first day of school, having Dariel talk to me because he like Zai, and having Matte in an instant.
I thought it was meant for me, having them by my side. Destiny let me taste the feeling of having them. Am I that desperate?
I had a coma for 10 months. When I woke up, I started thinking about where they were? Aren't they going to visit me? Did they already forget me? Did they already consider me dead?
I want to ask, why and where?
Then, after a lot of thinking, I finally realized that it was all dream. A dream where I found myself, a dream where I made friends, and a dream that comes to the fantasy.
They didn't exist, but I remember every bit of it.
I remembered waking up and eating breakfast with Izzy and Harvy.
I remembered talking to them casually, genuinely, laughing, crying, and it was everything!
I remembered going on a trip with them and making it a password to unlock our friendship.
I remembered going to school and meeting everyone there, making memories that would become my greatest nightmare.
I did not want to attend therapy just to move on. Actually, I wanted to go back. I don't want to stop thinking about our memories. I'll go crazy because I miss them, I miss the feeling, and I can't do anything.
I could not breathe normally from now on. This is so cruel, tragic, and traumatic experience.
END!
THANK YOU FOR READING MY STORY 'TILL THE END! HOPE YOU ENJOY EVERY BIT OF IT!
If you want to approach me and read my other story you can add/follow me on Facebook (Clia Yllota Senque)
See you on my next story, muah!♡

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YV ON

    very good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    Rosmalyn Guevarra Valle

    😍😍😍

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Obralheii

    An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜

    03/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo