logo text

Epilogue (Part 1)

I opened my eyes as soon as I realized that I was still alive.
The first thing I saw was the window beside me with the pastel blue, pink, and orange sky, the exact place and scenario where I tried to kill myself, and I ended up in ICU.
"Kyla?" lumingon ako sa tumawag, hindi pamilyar ang boses kaya medyo nagulat pa ako nang mamukhaan ito.
Si Zai, nagbago na ang mukha niya mas naging mature at gumanda.
Ilang taon akong tulog?
Lumabas si Zai at wala pa akong lakas para tawagin siya kaya hinayaan ko na muna siya, sigurado naman akong babalik iyon.
"Kyla, anak!" nanlaki ang mata ko at sinubukan pang maupo para mayakap si mommy.
BUHAY SILA! NAKALIGTAS SILA!
She stopped me and held my hand instead. She's real!
Nakahinga ako ng malalim at hinayaan muna ang sariling magpahinga.
One week had passed, but my friends didn't show up even a glance. I wanted to ask my parents about them, but maybe they are just waiting for the time they will say about them.
Ever since Zai visited me, she didn't come back either. Something is up, it's weird, and I can't understand a thing.
"Lets go?" marahan akong tumango at tumayo na. Ngayon ang araw ng labas ko rito sa ospital, kakalabas lang ni Dr. Reyes pero wala naman akong maalala sa mga sinabi niya.
Masyado akong na preoccupied parang hindi na ako sanay na hindi sila ang kasama ko kapag nasa ospital ako. Nasaan ba kasi sila?
Nanlaki ang mata ko nang may naisip. Baka kaya hindi sila nagpapakita or kahit binabanggit sa 'kin ay dahil isu-surprise nila ako sa pag-uwi!
Ngingiti-ngiti akong sumakay sa sasakyan at hindi na makapag hintay na makauwi.
"We're here! Welcome back!" pinagbuksan pa ako ng pinto ni daddy nang huminto na kami sa labas ng bahay namin. Walang nagbago pero malinis ito at parang alagang-alaga.
Hinayaan nila akong magbukas ng pinto kaya lalo lang lumawak ang ngiti ko sa mga senaryong pumapasok sa utak ko.
"WELCOME BACK!" nagulat ako sa pagputok ng party poppers kaya hawak ko ang dibdib habang iginagala ang paningin.
Medyo nawala ang ngiti ko nang pamilya lang ni Kuya Jud ang narito. Huminga ako ng malalim at ibinalik ang ngiti ngunit may bahid na iyon ng lungkot na hindi ko naman pinahalata.
"Hi Ate Kyla!" lumapit sa 'kin ang dalawang babaeng anak ni Kuya Jud at niyakap ako na niyakap ko naman pabalik. Mas matanda lang ako rito ng tatlo o apat na taon kaya halos kasinglaki ko na rin ang mga ito.
"Lets eat!" sabi ko matapos yumakap sa dalawa. Habang kumakain ay nawala na naman ako sa sarili at iniisip kung anong pakulo na naman ang iniisip nila at hindi ako pinuntahan sa welcome party ko!
Tanungin ko na kaya si mommy?
"Mommy," pabulong na tawag ko rito. "Yes?"
"Hmm, nasaan sila Izzy?" tanong ko at nang magsalubong ang kilay niya ay dinugtungan ko pa ito. "Si Harvy? Zai? Si Matte at Dariel?" mas lalong nagsalubong ang kilay nito.
"Who are they? I know the rest are your classmates but... I don't know the first two name you mention," nagtatakang sabi ni mommy.
Mahina lang akong tumawa at tumango-tango. Hindi naman na siya nagtanong at bumalik na sa pakikipag kwentuhan sa asawa ni Kuya Jud.
Matapos naming kumain at nagkukwentuhan na lang naman sila ay nag paalam na akong magpapahinga, agad silang pumayag kaya dala ang bag na dala ko pa sa ospital ay umakyat ako sa mga kwarto namin.
I don't know why but my instinct said I should check their rooms, or have they moved to their house since my parents are already here?
Binuksan ko ang tinutuluyan ni Izzy or yung guest room namin noon at saglit na natulala dahil wala man lang bakas na may tumira ditong nagngangalang Izzy Fernandez. Pigil ko ang luha nang buksan ko naman ang kuwarto nila mommy.
Hindi ko na napigilan ang pagluha, naguguluhan ako at kinakabahan. Kinalimutan na ba nila ako?
Isa na lang ang naiisip kong paraan, ang tawagan sila.
Pagpasok ko sa kuwarto ay dumiretso ako sa aparador para hanapin ang phone ko. Nanginginig kong binuksan ito at pumunta sa contact.
Wala...
Wala akong number nila! Iba rin ang wallpaper ko sa huling pagkakatanda ko ay picture namin iyong anim pero ang wallpaper ko ay kuha ko pa last year mula sa camera ko.
TAMA! YUNG CAMERA! Marami kaming memories doon!
"Wait, kung nakalabas na ako sa ospital at magaling na magaling na 'ko. Ibig sabihin ay naka survive ako sa brain tumor ko?" mas natuwa ako sa isiping iyon.
Isasara ko na sana ang aparador para hanapin ang camera ko nang masilip ko ito sa ilalim ng damitan ko. Dali-dali ko itong kinuha at binuksan. Habang hinihintay na bumukas ay inilibot ko ang paningin at lalong nagtaka sa ayos ng kuwarto ko.
Ang huling pagkakatanda ko ay isinabit ko ang mga pictures namin dito sa taas ng headboard ko. Pero ang ayos nito ay noon pa kaya bumaba ako para magtanong kay mommy na nasa kusina at naghuhugas ng plato.
"Mommy, saan mo po nilagay yung mga pictures na naka sabit sa kuwarto ko?" tanong ko at handa na agad umalis.
"What? Hindi namin ginagalaw ang mga gamit mo. Nililinisan namin pero hindi namin ginagalaw. Kung nasaan ang hinahanap mo ay naroon lang din iyon kung saan mo huling nilagay," sagot nito.
"Ahh, ilang buwan ba akong na coma?" muling tanong ko.
"Hindi ka nakikinig kay Doc, ano?" sabi nito na tinawanan ko lang. "Almost 10 months saka h'wag mo muna intindihin ang kung anong iniisip mo at magpahinga ka muna."
"Okayyyy!" sagot ko at bumalik sa kuwarto. Imbis na makinig sa sinabi ni mommy ay mas inisip ko pa iyon.
Huminga ako ng malalim at dinampot ang camera ko saka mabilis na inilipat ang picture. Nanlaki ang mata ko dahil paulit-ulit kong tinignan ito ngunit ang last picture doon ay last year pa bago ako maaksidente at noong bago kami pumunta sa Paris.
"Panaginip... lang ba 'yon lahat?" mahina kong tanong sa sarili.
Inihilamos ko ang kamay sa mukha ko at litong-lito na umikot sa kuwarto ko.
"Ano 'yon? Bakit gano'n? hindi ba sila totoo? Eh bakit ramdam ko sila?" kausap ko pa sa sarili ko habang nag-iisip.
Tinignan ko ang oras sa wall clock ko kaso sira yata iyon kaya kinuha ko ang phone ko at nang makitang maaga pa naman para sa hapunan ay may naisip akong puntahan.
Kaya muli akong bumaba at pumunta sa sofa kung nasaan sila Kuya Jud at sila mommy na nagku kwentuhan. "Mommy, pwede magpahangin?" paalam ko at nag beautiful eyes pa para payagan ako.
"Ay na 'ko, Kyla! Kakagaling mo lang sa ospital may balak ka na namang mag drive! Hindi ka pa ba nadala? Basta bilisan mo lang, ah? 'wag ka rin lalayo at wala ka pang lisensiya!" nanenermon pa papayagan din naman ako.
Nakangiti kong inilabas ang kotse ko and I felt something weird while driving parang first time ko lang ulit mag drive. Sabagay, halos isang taon akong nakaratay talagang maninibago ako.
I wonder what they are doing right now!
Nang medyo masanay na ay binilisan ko na ang pagmamaneho hanggang sa makalabas ako ng village namin at huminto sa isang pamilyar na bahay.
All white and looks so boring. Lumabas ako dahil napansin kong bumukas ang pinto ngunit nawala ang ngiti ko dahil isang katulong na may hawak na basura ang lumabas. Kailan pa sila nagpapasok ng maglilinis d'yan?
"Ano 'yon, hija?" lumapit sa kaniya ang babae at binuksan ang gate para kausapin siya.
"Ah, nand'yan po ba si Charles?" tanong ko at tumingin pa sa bukas na pinto. Alam kong mas madalas ito rito kaya baka kilala niya.
"Hinahanap mo ba ang iyong nobyo?" tanong nito na agad ko namang inilingan. "Kaibigan po siya ng boyfriend ko, kaibigan ko na rin po 'yon, so, nand'yan po ba siya? Pwede ko ba siyang makausap?"
"Na 'ko, hija. Namali ka yata ng pinuntahang bahay dahil wala namang nakatira ditong kaedaran mo. Matandang mag asawa ang nakatira dito." umawang ang labi ko at gusto sanang pumasok pero nakakahiya naman.
"Eh 'yung dati pong may ari nito? Yung mga nakatira dito noon, alam niyo po ba kung nasaan na?" tanong ko po.
"Sa kanila ang bahay na 'to simula nang ikasal sila noon saka pamana pa ito ng magulang nila kaya walang ibang may ari nito kundi sila," paliwanag pa nito.
"G-gano'n po ba? Sige po salamat sa time," pasasalamat ko at bumalik sa loob ng sasakyan. Huminga ako ng malalim at muling bumalik sa loob ng village hindi para umuwi kundi para pumunta sa park, doon mismo sa nadiskobre kong tambayan namin.
Gusto kong puntahan si Zai pero gusto ko munang makumpirma ang lahat. Gusto kong patunayan na totoo lahat ng iyon at hindi lang isang magandang panaginip. Isa sa ebidensiya ko ay yung si Zai ang una kong nakita sa paggising ko sa ICU.
Ipinasok ko ang sasakyan ko, natatabunan ng makapal na mga dahon ang daan nito at parang walang taong pumupunta o naglilinis dito.
Bumaba ako at naglakad papunta sa dulo ng bangin. Wala rin dito yung mga kahoy na inayos namin para upuan. Panaginip ko lang ba talaga 'yon? Bakit totoo naman yung mga lugar na nagkaroon kami ng memory?
Hindi na masakit sa balat ang araw kaya nanatili ako doon habang hinayaan ko na ang luhang tumulo.
The waterfalls, the trees, and the birds fly around me as if they have the freedom to do all they want.
Naalala ko pa nang una kong dinala rito si Zai. Dito niya sinabi yung family problem niya, dito siya unang nag open up sa 'kin.
"Actually, sa lahat ng naging kaibigan ko ay sa 'yo lang ako nagkwento about my family problem."
"Salamat sa tiwala," mahinang pasasalamat ko.
"Nagsabi na ako ng problema sa 'yo kaya kailangan ay hindi mo na 'ko iwan! Mag promise ka sa 'kin!" Pinilit pa niyang itinaas ang kanang kamay ko.
"I won't leave you," hawak ko na ang pangarap ko eh, bakit bibitawan ko pa? Unless someone or something will happen that surely make us apart.
Promises meant to be broken. These shit happened and I don't know where I am. Is this another world? Another life?
"AHHHH!" Sigaw ko nang may kasamang poot, hinagpis, or whatever you call this feeling.
Umaasa na sana totoo na lang lahat ng iyon, na sana hindi na lang ako nagising, na sana hindi ko na lang inisip na magpakamatay, na sana inalagaan ko ang sarili ko doon sa panaginip ko para mas makasama ko pa sila ng mas matagal.
Bakit pa ako nagising? Kaya pala dito ay buhay pa ang parents ko, kasi in the first place ay wala namang naganap na aksidente.
Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko, yung pighati, at yung lungkot. I can't even describe what I am feeling right now.
As I watch the sun goes down, I accept the fact that the hardest goodbye is the memory that didn't even exist.
What a tragic ending we have. Namatay ako doon sa panaginip ko, so, pinagluluksaan na ba nila ako doon? Or after I closed my eyes, the world I made, the dreams I reached just ended like that?
Bago pa lumalim ang gabi ay nagtext ako kay mommy na dadaan na muna ako sa condo, I can't face them after I cried wholeheartedly.
Agad naman ako nitong pinayagan at sinabing bumalik before dinner. I drove to my condo and I can't wait to feel the home again.
I mean-- marami akong memor-- napanaginipan dito. Tumakbo ako hangga't may pagkakataon, hindi na ako makapaghintay na makitang muli yung condo na naging tahanan na rin namin.
Hinihingal na binuksan ko ang pinto at muli lang umiyak dahil sa dami ng alaalang nakikita ko. Napaluhod ako habang hinahayaan na naman ang luhang hindi maubos-ubos.
I feel the yearning for something that did not happen.
"Wow! Ang astig naman dito!"
"Nakabalot pa yung mga libro mo! Sobrang dami mo pa palang hindi nababasa!"
"Kyla! Picturan mo nga kami dito!"
"Gandahan mo ah! Dapat magmukha kaming k-pop group!"
"Against the light naman kayo! Magmumukha kayong kinukuha na ni Lord!"
"Maiwan na kami ni Matte, maghahanap kami ng mga papanoorin natin!"
"Parang wala akong tiwala kapag silang dalawa ang namili ng papanoorin ah."
"Narinig namin 'yon!"
"Totoo naman ah! Mamaya rated SPG pa ipanood sa 'tin-- oh my gosh my eyes!"
"Ano ba 'yan Harvy!" kada may maghahalikan sa tv ay si Harvy ang sinisisi nila.
"Hindi ko kasalanang magpadala sila sa tukso! Pumikit na lang kayo!"
"Sino namang makakatulog kung puro horror ang pinapalabas niyo?"
"Pagtapos nito ay tragic romance na."
"Sabi na eh, hindi pwedeng walang gano'ng genre."
"Paano tayo makakatulog kung tragic yung palabas?"
"Eh 'di matulog ka na para hindi mo na abutan yung part na mamamatay yung bida- Aray!" nagliparan ang mga unan namin kay Harvy sa pang-iispoil niya, nadamay pa si Matte dahil magkatabi sila.
Yung time na una silang nakapunta sa condo ko at yung una naming sleepover na naganap rito. Yung mga time na bumibisita sila dito, and of course the last memory I had here is yung kasama ko si Ralff. Kaunti lang ang pinagsamahan namin but it was pure and genuine.
I never knew that the greatest and the happiest memory I had, was the most painful thing I think about right now.
Alcohol. I want to know the taste of alcohol.
Inayos ko ang sarili bago umuwi. Magdadahilan na lang akong nakatulog sa condo kaya medyo may something sa mata ko.
Masaya naman kaming kumain pero parang may kulang, I should prioritize my family, at least buhay sila rito rather than my dreams.
Kaya ko bang ipalit ang pamilya ko over them? My answer? I don't know-- I mean-- they change me, naramdaman ko yung pagiging kabataan ko, nakita ko yung halaga ko.
Pero bakit kailangan pumili kung pwede namang both?
Matapos naming kumain ay kakausapin muna ako ni mommy kaya hinayaan niya si daddy na maghugas ng plato habang kami ay dumiretso sa pool area.
"Gusto mo bang marinig yung mga nangyari habang na coma ka?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko at sumiklab ang nag uumapaw na pag-asa, na baka totoo nga yung mga nangyari at hindi iyon isang ilusyon lamang na ginawa ko.
"I'm willing to listen," umayos pa ako ng upo at interesadong-interesado sa sasabihin niya.
"Did you remember the last memory you have?" tanong nito. Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba o magsisinungaling na hindi ko maalala.
"Mmm, I am at the cruise ship with my friends... and I lost my consciousness," mahinang sagot ko na siyang nagpatahimik kay mommy.
"How about the accident last year, where you went to the mall before we fly to Paris, France?" mahinang tanong rin nito.
"Yeah, I still remember. Kinabukasan ay nagising rin ako no'n, hindi ba?" umaasang tanong ko.
"No, you're not. Noong sinabi sa 'ming na comatose ka ay agad naming pina-cancel yung flight natin papunta sa Paris at yung business meeting pagdating doon, wala namang kaso iyon sa business natin dahil kaibigan naman namin ang mga iyon." panimula nito.
"Pero kinabukasan no'n ay biglang gumalaw ang ulo mo, tinawag namin noon si Dr. Reyes, yung private doctor natin, at sinabi niyang kapag nagpatuloy pa ang pagbibigay mo ng sign ay maaga kang magigising kaya naghintay kami. Ilang oras, ilang araw, ilang buwan pero patuloy sa paggalaw ang katawan mo, minsan yung kamay, paa, minsan kumukunot pa ang iyong noo, dumadaing ka rin pero hindi ka pa rin nagigising." kagat ko ang labi habang pinipigilan ang luha.
"I-ibig sabihin hindi ako nakapasok ng grade 11?" tanong ko habang nakatingin sa taas para hindi tuluyang tumulo ang luha ko.
"No, but it doesn't mean na napagiiwanan ka na." hindi iyan ang concern ko, mommy.
Mahina akong tumawa at tumango-tango.
Hindi sila totoo.
Lahat pala iyon ay hindi totoo.
How?
How can I move on? How will I survive?
"Nang mga dalawang buwang comatose ka ay dumalaw yung kaibigan ko na dapat ime-meet natin," nilingon ko si mommy na nakangiti at ang tingin ay nasa swimming pool.
Gusto kong umasa...
Pero ayokong masaktan...
"Alam mo bang nagandahan sa 'yo yung anak nila kahit halos hindi na makita ang mukha mo dahil sa mga nakasabit?" It must be a simple boy who admire me and that's it. No string attached.
Tumango-tango ako at ngumiti ng tipid. "Noong mga bandang 5 months na naisip naming magpatugtog ng mga songs ng favorite band mo. Alam kong narinig mo iyon dahil kumalma ka at alam kong masaya ka pero hindi ka pa rin nagising."
Tuluyang tumulo ang luha ko sa narinig.
Yung BTS concert...
Kaya pala random song ang pinatugtog nila sa iba't ibang album.
Kaya pala parang tumagos lang ang kamay ko kay V.
Kaya pala ang weird nang pakiramdam.
Hindi pala totoo...
"Mommy, pwedeng bukas na ulit tayo magkwentuhan? I'm kinda tired," saad ko at ngumiti sa kaniya.
"Okay, lets go back inside." dumiretso na agad ako sa kuwarto matapos magpaalam sa kanila.
"Izzy, please promise me that we will see each other again in our next lifetime... in another life."
"I promise... in another life we will see each other and we will live longer."
"P-pa-pahinga ka na. You did well, thank you for fighting until the end. I love you, Kyla."
"I love you too."
Muli kong tinakpan ang bibig para pigilan ang paghikbi.
Really... promises meant to be broken.
Nasaan ka na Izzy? Pwede mo ba silang isama? Kaya mo ba 'yon?
Dahil kung hindi... hindi ko alam kung anong gagawin ko sa paggising ko sa umaga.
Matapos kong kumalma ay nakatulala lang ako sa kisame, questioning my life.
Kung sana ay hindi na lang pala ako pumunta sa mall para hindi kami naaksidente at nakapunta pa ako sa Paris, France... for real.
Inaantok na ako sa kaiiyak pero parang may gusto pa rin akong gawin bago matapos ang araw na ito.
Since, I'm healthy... why not taste some alcohol?
Nagkaroon agad ako ng lakas kaya nag-ayos ako at nagsuot ng jacket bago sumilip sa labas, madilim at tahimik, clear.
Dahan-dahan akong lumabas ngunit may pagmamadali, mabuti na lang ay hindi ko pinasok sa garahe ang kotse ko dahil gagawa lang ako ng ingay.
Nang makapasok sa kotse ay tinanggal ko ang jacket at mapait na natawa. "Hindi sila totoo pero anong ginawa nila? Binago nila ako. Natuto pa akong tumakas sa magulang ko," muli kong pinahid ang luha habang tumatawa.
"Ahh! How can I live my life now? Huh?" muli kong pinakalma ang sarili bago umalis at dumiretso sa Ultimate.
Huminto ako sa harap nito at nagbadya agad ang luha ko dahil sa kamukhang-kamukha nito ang nasa panaginip ko, parking lot muna bago ang mismong bar.
"Talagang paglalakarin mo kami?"
"Yep, labas na!"
"Congrats! Panalo ka pa rin sa puso ko."
"Bakit sa 'yo lang? May puso rin naman kami ah?"
"Nakakain ba 'to?"
"Oo naman! Ayaw mo raw kasi sa bulaklak kaya ang ginawa nila ay nakakain na bulaklak na lang! 'di ba, ang galing!"
"Sinong may pakana nito? Masyado akong pinapakilig!"
"Oy! Sino raw may pakana! Lumabas ka na, masyado ng kinikilig si Kyla dito oh!"
"Joke lang 'yon!"
"Ito ang sa 'yo. Waterproof 'yan kaya no need ng hubarin lagi."
"Salamat."
"Anong salamat? Wala kang dapat ipagpasalamat dahil pinili kong gawin lahat ng ito para sa 'yo."
"Nagpapasalamat lang ako kasi tinanggap at minahal mo kung sino ako. Pero, sure ka ba sa 'kin? Pwede mo pang bawiin."
"Kyla naman, you're unbelievable! Anyways, since I made myself clear to you. Liligawan na kita ah."
"Manliligaw ka? Bakit?"
"Alam mo, it doesn't matter to me kung may nararamdaman ka na sa 'kin o wala pa. I can and I will work on that, basta payagan--"
"Oo na, sige na nga!"
Huminga ako ng malalim at lumabas sa sasakyan matapos I-park. I don't know if nagpapapasok sila ng minor pero narito na ako sa loob.
Do I look 18? well, malapit naman na akong mag-17, pwede na siguro. Tutal ay narito na ako sa loob.
Dumiretso ako sa counter top habang iginagala ang paningin. Parehas na parehas ang pagkakaayos nito at ako'y naglakad na parang suki ako dito at alam ang pasikot-sikot.
"Isang Imperial Blue," malakas na sabi ko dahil siguradong hindi niya ako maririnig kung hininaan ko.
Agad naman ako nitong binigyan ng isang bote na may kasamang shot glass. Lumunok na muna ako ng dalawang beses habang nakatingin sa alak.
Kinakabahan ako dahil hindi ko talaga alam ang tama nito but I want to feel the feeling of everything. Baka matauhan ako or magising or basta ay maramdaman ko lang muli sila.
Sa lahat ng lugar na napuntahan namin na nagkaroon kami ng memories or bond ay naroon pa, gaya nung tambayan nila na sila mismo ang nagpagawa, yung natagpuan kong paradise sa pagkalagpas sa park, at itong ultimate.
Lahat totoo, yung mga tao lang ang nagbago, nawala, or rather hindi naman nage-exist.
Nanghingi ako ng mas malaking baso para ibuhos ang natitirang alak at makapagikot-ikot.
Wala namang kumakausap sa 'kin kaya lilibutin ko na lang ito at habang naglalakad ay nasasaktan ako dahil ilang beses na akong nabunggo.
Kaya pala doon ay kahit halos mamatay ako sa aksidente ay hindi man lang ako nasaktan o medyo dumaing. Talagang ang target ng panaginip na iyon ay ang emotions ko na hanggang dito ay dala-dala ko.
Cheers to the world I can't have, to the destiny who made me suffer, and to my so called brain tumor who woke me up to my dream land.
Inisang lagok ko ang natitirang Imperial Blue sa shot galss ko at inabot ito sa waiter na nakasalubong ko. It has a strong taste na gumuguhit sa lalamunan ko. I can't believe I sneak out of our house just to taste a real liquor.
Umakyat ako sa tatlong private room para sumilip kung gano'n din ba ang interior nito. Nang makitang nakaawang ang huling pinto ay dahan-dahan akong sumilip dahil baka may tao.
Naging mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lang ang isang lalaki sa harap ko pati ang mabilis na pagtulak nito sa 'kin sa pinto dahilan ng pagsara nito. Hindi pa ako nakakapag react ay inilapit na niya ang mukha sa 'kin at walang pasabing hinalikan ako.
Natulala lang ako habang hinahalika niya ako. YUNG FIRST KISS KO!
Hindi ko matanaw ang mukha nito dahil madilim dito at nakatalikod siya sa buwan na medyo maliwanag.
"Hmm, so beautiful," bulong nito na siyang nagpataas ng balahibo ko sa buong katawan.
Pigil ko hininga ko habang hinahalikan niya ako. Hindi ko naman siya matulak dahil nanghihina ako. Napapikt na ako at pinakiramdam ang mga labi niya.
"Move your lips," muling bulong nito.
Mainit, masarap, at bago sa pakiramdam.
PERO MALI!
Kahit naliliyo na sa sarap ay tinulak ko ito saka siya sinamaan ng tingin. Alam kong natatanaw niya ang mukha ko dahil sa buwan na tumatagos sa bintana.
Mahina itong tumawa at pinunasan ang labi kaya medyo tumagilid ang mukha nito at natanaw ko ang mukha niya. Agad nanlaki ang mata ko at itinuro pa siya.
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hindi sila totoo!
Tama, baka madilim lang, lasing ako, or worst... baka nagha-hallucinate lang ako.
"What?" tanong nito nang mapansing nakaturo ako kaya ibinaba ko ang kamay ko.
"Can we continue? You're so beautiful. What's your name?" nakangiti niyang hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya.
Mainit at masarap sa pakiramdam. Kung sana siya talaga ito...
"Hey? Why are you crying? Is it your first time? Luh!" agad niyang tinanggal ang kamay sa mukha ko kaya ako naman ang humawak sa mukha nito at pinakiramdaman.
"Izzy," mahinang tawag ko kaya hindi ako sure kung narinig niya.
"Can we contin--" may kumatok sa pintong sinasandalan ko kaya bumalik ako sa katinuan at umalis mula sa pagkakasandal.
Hindi ako makapaniwala, hindi ko alam kung paniniwalaan ko, gusto kong buksan yung ilaw para makasigurado kaso natatakot ako sa hindi malamang dahilan.
"Pre, okay na 'yan!"
"Awat na! Hoy HAHAHAHA!"
"Hindi pa nga kami nagsisimula! Lumayas nga kayo!" isasara na sana niya ang pinto ngunit hinahatak na ito ng mga kaibigan.
Mas lumiwanag ang nakikita ko at tumulo ang luha nang mas makita ko ng buo ang mukha nito.
Hindi ako pwedeng magkamali! Si Izzy 'yon, siya yung taong minahal ko sa imahinasyon!
No, hindi siya iyon. Hindi siya gano'n! lasing lang ako, hindi maaari! Hindi ko na alam, please stop!
"Pangatlong beses niyo na 'kong binitin ngayong gabi! Tangina niyo talaga! Miss, kita tayo rito next Friday exact 10pm! Bye~" sigaw nito mula sa nakabukas na pinto.
Nang mag-isa na lang ako ay hinawakan ko ang labi kong hinalikan niya. Yung first kiss ko...
Huminga ako ng malalim at pinili na lang umuwi bago pa ako mahuli nila mommy na wala sa bahay.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YV ON

    very good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    Rosmalyn Guevarra Valle

    😍😍😍

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Obralheii

    An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜

    03/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata