Chapter 40

Kyla Sanchez's P.O.V.
"Ralff, please." bulong ko rito habang hawak na rin ang papel at pilit inaagaw iyon.
"Kyla, kahit lumuhod ka sa harap ko hindi mo ko mapipigilan sa bagay na 'to," seryosong saad nito.
"Let me see," agad ibinigay ni Ralff ang envelop nang hingin ito ni Izzy.
Natulala ako habang binubuksan niya iyon. Sinimulan niya itong basahin at pinalibutan naman siya nila Charles para makibasa.
Nang makita kong unti-unting nagsalubong ang kilay ni Izzy ay dahan-dahan rin akong umatras, tumalikod at balak na sanang umalis ng pigilan ako ni Ralff.
"Natatakot ako," naiiyak na sumbong ko sa kaniya.
"it's okay, kasama mo ako." hinaplos nito ang buhok ko at iniharap ako sa kanila.
"What the hell? Stage 3 na?" gulat na reaksiyon ni Harvy. Yumuko naman ako at hindi makatingin sa kanila.
"Wait-- ano yung pinainom niyo kay Kyla? Wine? Shit, bawal ang alcohol, Ralff!" sisi ni Charles kay Ralff.
"What? Is that alcohol? I thought that's healthy?" walang ideyang sagot naman nito.
"Yes, but not if you have a tumor! Anyway, kaunti lang naman ang nainom mo, hindi ba?" nag-angat ako ng tingin kay Charles na nag-aalalang tumingin sa 'kin. Marahan lang akong tumango at yumuko ulit.
"Kyla, 30% percent? Tinaningan ka na ba ni Dr. Reyes?" tanong naman ni Izzy na may hawak nang papel.
Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya, nagtitigan kami ng ilang segundo doon hanggang sa huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa kamay.
"Excuse us," paalam nito at hinatak ako paalis doon.
Umakyat kami sa pinaka taas ng cruise ship, tanaw sila mula dito pero sure akong hindi naman nila maririnig ang usapan namin dahil sa tunog ng tubig pati na rin yung hangin.
"Answer me," saad niya pag-upo namin, ramdam ko ang tingin niya habang ako ay nakatingin sa harap kung saan tanaw ang buwan at ang pag reflect nito sa tubig.
"Yes, 5 years... or more." sagot ko.
"Ayos ka lang?" kagat ko ang labi dahil sa simpleng sinabi niya, umabot iyon hanggang sa kalamnan ko kaya bumilis na naman ang tibok ng puso ko at hindi ko na napigilan ang pagluha.
Parang iyon yung hinihintay kong marinig noong mga araw na 'yon, narinig ko na rin sa wakas!
"Ngayon? Oo, maayos pa... maayos na," tatango- tangong sagot ko habang pinupunasan ang luha ko.
"Paano bukas? Sa mga susunod na araw?" Hinuli nito ang kaliwang kamay ko kaya lumingon ako sa kaniya na nakatingin pa rin sa 'kin.
"Mayroon pa naman tayong 5 or 6 years," wala sa hulog na sagot ko.
"Kyla, hindi naman after 5 years or 6 or 7 na one day hindi ka na lang magigising eh. Paano yung mga symptoms? I know na pinagdaanan mo na yung iba pero, kailan pa nagsimula?"
"I don't know... I can't remember. It just, one day sumakit na lang yung ulo ko, bigla na lang akong nasuka, and the rest is history."
"Napapansin ko na 'yon. Kung bakit iyon pa yung bagay na ipinagsawalang bahala ko," pahinang sabi niya at nag-iwas ng tingin.
"Wala tayong kasalanan, choice natin 'to. Panindigan natin," saad ko at lumingon pabalik sa buwan.
Ilang minuto kaming tahimik ngunit wala akong awkwardness na nararamdaman.
"How about your attempt suicide?" tanong ko at niyakap ang sarili, nilalamig ako kahit na longsleeve na ang suot ko, manipis lang kasi ito.
Napansin niya yata ang panlalamig ko kaya may inabot ito sa kaliwa niya at inabot sa 'kin. Isang itim na blanket.
"Here," inilapit niya ang nakasaradong kaliwa niyang kamay kaya akala ko ay may ibibigay siya ngunit napansin ko ang palapulsuhan niyang may hiwa ngunit magaling na ito at hindi na masyadong halata.
"Noong gabing nabasa ko yung note mo, kinabahan na agad ako sa hindi malamang dahilan saka isa pa ay hindi mo sinasagot ang tawag ko. Mabuti na lang ay naka open ang location mo kaya na track ka namin. Alam mo kung saan?" tumango lang ako kaya ipinagpatuloy niya ang pagkukwento.
"Pagdating namin sa ospital, nalaman naming si Ralff ang kasama mo at mas masama ang lagay niya kaysa sa 'yo."
"Doon pa lang ba... ako na agad ang pinagbintangan niyong gumawa no'n?" marahang tanong ko.
"No, inisip namin na parehas kayong biktima kaya hindi kami natulog kaiimbestiga sa nangyari. Noong nahingi namin ang footage ng CCTV kung saan kayo kumain it turns out na parang planado mo ang lahat kaya nagalit ako sa 'yo, wala na akong ibang naisip." nakatingin lang ako sa kaniya habang nagkukwento siya.
"Then, after 6 or 7 hours my father called me para sabihing nabaril si mommy and she's critical. Nabuo yung conclusions na dahil sa ginawa mo kay Ralff, napahamak si mommy. Galit akong bumalik sa ospital, hindi ko na alam ang ginagawa ko nang sigawan kita, I'm very sorry." tumingin siya sa 'kin at kinuha ang kamay ko saka hinalikan ang likod nito.
"It's okay, I still love you." nakangiting bulong ko kaya napatigil ito at nakangiti rin akong tinitigan. "Pagpatuloy mo na yung kwento mo," natatawang sabi ko.
"Uh, nasaan na ba 'ko?" tila nakalimutang wika niya at kumunot pa ang noo.
"Yung sinigawan mo 'ko," pagpapaalala ko.
"Ah right! So, nung hinatak ako ni Harvy paalis, the instant regret! Gusto kong bumalik pero ang higpit nung hawak sa 'kin ni Harvy. He's mad too kaya nagpalipas kami ng ilang araw, but after 3 days my mom died, sinabi ko sa kanilang h'wag na sabihin sa iyo pero sinabi rin yata ni Zai," marahan lang akong tumango.
"That night, gusto ko na lang din maglaho kaya nagawa ko 'yon. Kung hindi lang ako pinigilan ni Harvy, baka wala na rin ako ngayon. Saka hindi na 'ko galit sa 'yo, gusto kitang puntahan kaso wala na 'kong mukhang ihaharap sa iyo matapos kitang sigawan." He's surviving too, he's in pain too, I should've know that.
Ang pumapasok lang sa utak ko ay galit siya sa 'kin, galit sila sa 'kin na nakalimutan kong nasasaktan na din pala sila.
"After kong mag attempt ng suicide, hindi na muna ako pumasok at binabantayan na lang kita mula sa malayo, minsan inuutusan ko sila Charles until one night nag text si Ralff kay Harvy na nag attempt ka ng suicide, pumunta kaming dalawa sa condo mo but si Harvy lang ang pinapasok ko baka kasi bigla kang magising at makita ako, natatakot ako." nanatili kaming nakatingin sa buwan habang nag-uusap.
"Then, kinabukasan nilakasan ko yung loob kong kausapin si Ralff at sinabi kong h'wag kang iwan doon kahit na alam kong wala naman siyang magandang gagawin sa 'yo. After this ay lumayo ka na sa kaniya, he's a bad influence." nagsalubong ang kilay nito sa 'kin.
"Why? Siya nga nga plano nitong lahat para magkita ulit tayo tapos bigla ko na lang siyang hindi papansinin? That's unfair!" sagot ko naman.
"You even build a trust to him, are you friends now?" naiinis na wika nito.
"Wait, ano yung sinabi ko kanina? It's our choice, so, panindigan natin." nakangising sabi ko.
"TSS, OO NA!" tinawanan ko lang ito at muling tumahimik.
"Again, I'm sorry. I'll make it up to you kaya dapat magpagamot ka, ha?" pinagsalikop niya ang kamay namin saka ako nginitian ng matamis.
"Paano kapag ayaw ko na kasi nahihirapan na 'ko?" tanong ko rito na nagpawala ng ngiti nito.
"Hmm, wala naman akong magagawa kundi hayaan ka, kailangan ko lang maging handa kapag dumating na yung time na 'yon," sagot nito at malungkot na ngumiti.
"Iiwan kita. Lahat na lang ng mga taong pinahalagahan mo ay iniwan ka. Si Maki, yung kapatid mo, si Tita Ilona, tapos ako. Yung totoo, pinapahalagahan mo ba si Harvy? Bakit hindi pa siya namamatay?" nagtatakang tanong ko.
"Seryoso ka ba sa tanong mo?" tatawa-tawang tanong nito.
"Uh don't mind that. By the way, sorry din kasi wala ako nang mga times na nagluluksa ka sa mommy mo. Gusto kitang puntahan kaso hindi ko alam kung nasaan ka, saka natatakot rin ako na baka galit ka pa at hindi mo na mapigilang saktan ako." mahinang sabi ko.
Humarap siya sa 'kin at hinawakan ang dalawang pisngi ko saka iniharap sa kaniya ang mukha ko. "Sorry talaga kung nasigawan kita. Na trauma ka pa sa ginawa ko. I'm also a bad influence to you. You know, you deserve better." bigla akong kinabahan sa sinabi nito.
Ito na ba 'yon? Akala ko ba ay okay na kami? Friends na lang ba?
"What... do you mean?" mahinang tanong ko habang hawak pa rin niya ang pisngi ko.
"I can be better, hmm. Hindi kita nakikita sa ibang lalaki kundi sa 'kin kaya I will learn from my mistake and be better!" nakahinga ako ng malalim kaya nayakap ko siya ng wala sa oras.
Niyakap naman niya ako pabalik at nanatili kami sa ganoong posisyon habang nakatanaw sa buwan at pinapakinggan ang alon ng dagat, rinig din ang tawanan nila sa baba.
Ito! Bumalik na yung pakiramdam. Yung pakiramdam na natupad na yung matagal mong hinihiling and you're actually living in your dreams.
Sobrang sarap sa pakiramdam at sana ay lagi na lang ganito.
Bumaba na kami ni Izzy dahil tinatawag na kami at baka may ginagawa na daw kaming iba.
"Tangina, mali yatang nag arkila pa ako ng cruise ship! Naubos na nga yung pera ko, dalawang araw pa akong walang exercise!" reklamo nito habang umiinom sa bote.
"Ano? Pwedeng-pwede ka ngang mag push-up ngayon eh!"
"Gusto ko with partner," nakangising sabi nito at agad namang nakuha iyon ng mga lalaki.
"Na 'ko! Baka puro salita ka lang gaya ni Izzy pero birhen pa pala?" panunura ni Travis.
"I'm fvcking 18 and I can do everything I want. Tanungin niyo pa si Kyla!" sabi nito at itinuro ako na umiinom ng tubig kaya nang sabay-sabay silang lumingon sa 'kin ay nabilaukan ako.
"W...*cough* what?*cough*" nauubong tanong ko sa kanila.
"Nahuli mo ba siyang nakikipag- sex?" bulong ni Charles pero narinig din naman nilang lahat.
"Or..." bago pa ituloy ni Harvy ang sasabihin niya ay nagtakip na ito ng bibig dahil sa narealize. "Gago ka! Ginalaw mo ba si Kyla?" nanlaki ang mata ko sa pagsugod ni Izzy.
Kinuwelyuhan niya ito at akmang susuntukin ng pigilan ko ito. "NO! HINDI!" kinagat ko ang ibabang labi para sabihin ang nakita ko kahit na sobrang nakakahiya.
"Ano... nahuli ko lang siya!" mabilis na sabi ko kaya binitawan na rin ni Izzy si Ralff.
"Saan? Sa sofa ng condo mo?" tanong ni Dariel at agad namang siyang siniko ni Zai. Lalo akong namula dahil sa tanong nila. Hindi pa ba sapat yung sinabi ko?
"No, kumatok lang ako sa kapitbahay niya. Then, doon namin ginawa. Matapos no'n bumalik na agad ako sa condo niya kaya ayon nahuli niya ako HAHAHAHA!" nanggigigil kong binatukan si Ralff nang tumawa pa siya.
"AHH, CHANGE TOPIC NA TAYO, OKAY? Ikaw, kumusta naman ang pag-aaral mo?" hinagod pa ni Dirt ang likod ni Matte.
"Gago, h'wag mo 'ko kausapin tungkol sa bagay na 'yan!"
"Kyla, sorry!" naiiyak na lumapit sa 'kin si Zai at muli na namang umiyak kaya hindi ko na pinigilan ang sarili at umiyak na rin.
"Ayos lang, ang importante ay matuto tayong makinig muna, ha?" pangaral ko dito.
"Opo," lumapit sa 'min si Dariel at kinurot ang pisngi ni Zai na siyang nagpangiti pa ng todo sa 'kin. "Gusto niyo hot chocolate? May nakita akong coffee maker sa taas," parehas kaming pumayag ni Zai kaya muli siyang umalis sa harap namin.
"Coffee maker pero hot chocolate ang gagawin?" takang tanong ni Zai.
"He's weird, nagagaya na sa 'yo!" sabi ko at lumapit sa iba para makakuha ng pagkain.
"Kyla! Kyla!" lumapit si Charles sa 'kin at agad namang nag flashback yung unang pagkikita namin kung saan nag sorry siya pero hindi ko pinansin.
"Can I ask you something?" tanong nito na agad ko namang tinanguan habang ngumunguya.
"Sure," lumapit si Dariel para iabot sa 'kin yung hot chocolate. "Ang bilis naman? Powdered lang 'to eh!" puna ko.
"Kyla, anong inulam mo kanina?" humigop na muna ako nang bigay ni Dariel habang iniisip. "Tsk, I forgot," nahihiyang saad ko.
"Pork, a red meat." biglang singit ni Izzy.
"Chismoso!" dumaan lang talaga si Izzy para sabihin 'yon. "Kyla, red meat is bad for you! Hindi ba sinabi sa 'yo yung mga bawal?"
"Sinabi siguro, nakalimutan ko lang." tumango-tango ito na parang naiintindihan ang sitwasyon ko. "Sino bang kasama mo nung nalaman mong may sakit ka?" tanong pa niya.
"No one," bulong ko habang inaalala ang mga araw na 'yon. "Sorry, 'wag mo ng isipin 'yon, ha?" ginulo nito ang buhok ko at lumayo na.
Naramdaman kong para akong magsusuka kaya huminga ako ng malalim habang naghahanap ng basurahan in case na hindi ko na kayanin.
Humigop ako ng hot chocolate ngunit ayaw na yatang tumanggap ng inumin ang tyan ko kaya nagmamadali kong ibinaba ang tasa saka tumakbo sa natagpuan kong malaking basurahan sa gilid.
Lumuhod ako at isinuka lahat ng kinain ko na halos sumama na yata ang lamang loob ko. Nanginginig at ramdam ko na ang malamig na pawis kahit na malamig naman dito.
"Kyla?" hinawakan nila ang buhok ko para hindi sumayad sa mukha ko. Wala na 'kong pake sa paligid ko dahil ang gusto ko lang ay umayos ang pakiramdam.
Ilang minuto na akong nasa harap ng basura at dumuduwal dahil wala na akong mailabas, ramdam ko ang panghihina kaya napaupo na ako. Sapo-sapo ko ang aking ulo at nahilo sa nangyari.
"Kyla? Ayos na? Gusto mo tubig?" yakap-yakap ako ni Izzy dahil hindi ko na kayang buhatin ang katawan ko. Parang... sumusuko na.
Umiling lang ako at hinawakan ang pisngi niya gamit ang kaliwang kamay ko. "No, not now..." bulong nito na parang alam na niya ang pinapahiwatig ko.
"Ralff, bumalik na tayo! Kailangang madala si Kyla sa Ospital!" rinig kong sigaw ni Charles kay Ralff.
"Gago, bukas pa tayo babalikan dito! Hindi ko naman matawagan at walang signal dito eh!" pumikit ako at huminga ng malalim.
"Kyla, shit please I'm not ready," dumilat ako at hinigpitan ang paghawak sa pisngi nito.
"Izzy, please promise me that we will see each other again in our next lifetime... in another life," naiiyak na bulong ko rito.
Hindi siya sumagot at tanging hikbi lang ang naririnig ko mula sa kaniya. "Please promise me," mas mahina kong saad.
"I promise... in another life we will see each other and we will live longer." ngumiti ako at pumikit. Iyon lang ang gusto kong marinig.
"P-pa-pahinga ka na. You did well, thank you for fighting untill the end. I love you, Kyla." hinawakan niya ng mahigpit ang kamay kong nakahawak sa pisngi niyang basa na sa pag-iyak.
"I love you too," sagot ko at tuluyan ng sumuko.
"Kylaaa!" dumilat ako muli ng sumigaw na may kasamang poot si Izzy pero tanging itim lang ang nakikita ko.
"CPR! TABI!" Lumingon ako pero talagang itim lang ang nakikita ko.
"YUNG OXYGEN!" naririnig ko sila ngunit wala akong makita. Sinubukan ko ring igalaw ang kamay ko pero parang hindi rin naman nila napapansin.
Anong nangyayari? Ganito ba talaga kapag mamamatay na? Bakit black yung nakikita ko? Sa impyerno ba ako dadalhin?
Nagpatuloy lang ako sa paglingon hanggang sa makakita ako ng maliit na liwanag, hindi ko alam kung paano pero sinundan ko ito.
Palaki nang palaki ito hanggang sa masilaw ako at mawalan ng malay.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YV ON

    very good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    Rosmalyn Guevarra Valle

    😍😍😍

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Obralheii

    An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜

    03/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata