Chapter 39

Kyla Sanchez's P.O.V.
Inutusan muna ni Ralff si Harvy at Matte na ilipat ang maliit na lamesa para ipuwesto doon ang laptop niya.
"Kyla, tumayo ka d'yan," agad naman akong tumayo at dinala ni Ralff ang upuan ko sa tabi para doon idugtong ang maliit na lamesa.
"Maupo ka na," bulong nito sabay ngisi, tumalas ang tingin ko sa kaniya at wala nang nagawa kundi umupo sa tabi ni Izzy, hindi na lang ako tumingin sa kaniya para hindi ako ma-awkward.
"Okay, I'll let you ask me. Ano gusto niyong unang malaman?" tanong ni Ralff habang may pinipindot sa laptop.
Nilingon ko sila na nagtitinginan ngunit sinadya kong hindi dapuan ng tingin si Izzy.
"Yung CCTV muna," sumagot si Izzy at halos magsitayuan ang balahibo ko dahil sa lapit ng boses niya.
"Okay, pinanood din sa 'kin ni Kyla yung fake. Hindi niyo ba naisip na hindi siya iyon? Hindi niyo naisip na hindi siya marunong humawak nang baril? At hindi niyo rin ba naisip na hindi niya kayang gawin iyon kahit na ako pa ang pinaka masamang tao sa paningin niya?" yumuko ako dahil sa sinabi niya.
Iyon mismo ang gusto kong itanong sa kanila. Nanatili lang silang tahimik at ramdam ko ang mga tingin nila ngunit bakit ako pa yata ang nahihiyang magpakita sa kanila?
"Here," muli lang akong nagtaas ng tingin nang iplay ni Ralff ang isang CCTV footage.
Tanging hangin at ang alon lang ng dagat ang naririnig habang pinapanood namin ang CCTV, gusto kong maiyak sa napaka raming rason pero isa lang ang sigurado ako, masaya ako kasi bago pa matapos ang gabi ay malilinis na ang pangalan ko at isa na lang ang proproblemahin ko.
Kung anong mangyayari sa 'min...
Noong nawalan ako ng malay sa video ay agad dumating yung ibang staff para dalhin kami sa hospital. Pero matagal nila kaming kinalikot na pararng may kinukuha sa katawan namin.
Lihim tuloy akong napahawak sa singsing na bigay ni Izzy nang makita ko itong gumulong pa bago ibulsa noong babaeng nagpanggap na ako.
Magkasing haba kami ng buhok at parehas ng height saka ng body. No, wonder na naniwala sila sa video. Siguro ay sinadya lang nilang hindi humarap sa camera at medyo labuan ang quality nito para hindi masyadong mahalata kung madala man sila sa eksena.
Nang mailabas na kaming dalawa ni Ralff ay agad nilang nilinis ng kaunti ang pinangyarihan saka inumpisahan ang fake video na ibinigay nila kila Izzy.
"So, sino may pasimuno niyan? Mommy mo?" seryosong tanong ni Harvy.
"Alam kong may sama ng loob sa 'tin ang mommy ko but nah, hindi siya ang gumawa niyan," cool na sabi niya.
"Wait, 'di ba nabaril ka? Sino bumaril sa 'yo?" tanong ni Zai.
"Huminga muna kayo ng malalim. May mga sakit ba kayo sa puso? H'wag kayo mabibigla--"
"RALFF! WHAT THE HELL? SABIHIN MO NA!" sigaw ni Izzy dahil ginagawang biro pa ni Ralff ang usaping ito.
"Chill! Pinaghahanda ko lang kayo baka kasi may mahimat--"
"ISA!" napalingon ako sa tabi ko ng makitang kinuha ni Izzy ang kutsilyong pinanghiwa sa ulam kanina at tinusok ito sa may table.
"Okay, It's Mark Bautista! He shot me with his fvcking sniper and he planned all of these! So, ako naman ang magtatanong sa inyo. Anong kinalaman naming dalawa ni Kyla sa away niyo?" seryosong wika nito na siyang lalong nagpatahimik sa paligid.
"Si Mark? Yung classmate ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyle.
"Yes, you're right." sagot naman ni Ralff na medyo kumalma na sa pagsigaw kanina.
"So, anong pinagawayan niyo? Ikukwento mo o ihuhulog kita mula rito?" pagbabanta ni Ralff habang nakatingin sa gawi ko kaya wala akong nagawa kundi lumingon din kay Izzy.
Nagkatitigan na muna kami bago siya lumingon kila Harvy na tinanguan lang nila, umayos siya ng upo at tumingin kay Ralff. Halos pigil ko ang hininga dahil pinagigitnaan nila ako.
"Mark has a twin. His name is Maki and we're friends back then. Galit na talaga sa 'min si Mark noon dahil iniimpluwensiyahan daw namin ng masama si Maki. Hindi naman humihiwalay sa 'min si Maki kaya sino ba naman kami para itaboy siya?" hindi maalis ang tingin ko sa kaniya kaya paminsan-minsan ay tinatapunan pa niya ako ng tingin.
"Hinayaan lang niya si Maki na sumama sa 'min pero tutol pa rin siya. Tapos pag graduate namin nang highschool kinabukasan ay may pupuntahan kaming laban ng basketball, then, ayon binangga kami noong truck. Nakaligtas kaming lahat bukod kay Maki," nakita ko pa ang pagbabadya ng luha niya.
"Ako ang nagda drive nang van noong araw na 'yon," nagtaas pa ng kamay si Siv na parang proud pa na nakaligtas siya.
"Dahil si Maki lang ang namatay ay lalong nagalit sa 'min si Mark at pinagbantaan pang gaganti raw siya sa ginawa namin kay Maki as if ginusto rin namin iyon." wika ni Harvy.
"Sorry, hindi ko alam na gano'n ang nangyari." mabilis na paghingi ng tawad ni Ralff.
"It's okay, wala namang dapat itago sa nangyari. Pare-parehas naman kaming inosente," sabi ni Dust.
"Gago, inosente raw," medyo nabawasan ang tensiyon sa paligid ng magsimula silang tumawa.
"Izzy, Kyla, para sa inyo naman 'to. I already talked to you about this, right? Yung about sa CCTV noong aksidente?" marahan lang akong tumango. Kaya niya siguro ako tinanong ay dahil baka nakalimutan ko na naman ito.
"What's that?" lumapit pa nang kaunti sa 'min si Izzy habang nag-iingay na ang iba sa paligid namin.
"Yung nangyaring aksidente sa parents ni Kyla and to your mom, gusto mo bang mapanood?" may kung ano na naman itong pinindot sa laptop kaya nilingon ko si Izzy habag hinihintay ang sagot.
"Yeah, go ahead." sagot nito at tinignan rin ako. "Are you... doing fine?" mahinang tanong ko.
"Me? Recently, yes but I almost killed myself too," mahinang sagot nito at mabilis na pinahiran ang luhang tumakas.
Nagulat ako sa sinabi niya but he just smiled at me. " I did it once but you did it twice, I'm sorry for causing you a lot of trouble. We'll talk later," sabi nito at itinuro ang laptop ni Ralff na nagpe-play na.
"Inedit ko na yung mga dinaanan nila kaya isang video na lang," nakita namin ang kotse nila daddy na mabilis ang patakbo, madaling araw ito kaya wala masyadong sasakyan.
"Tinanggalan nila ng preno at kinabitan ng bomba, talagang ayaw ng buhayin. Sorry Kyla wala man lang akong nagawa they become my parents too," nagdire-diretso ang kotse hanggang sa ibangga na lang nila sa isang poste para tumigil pero agad din iyong sumabog at nagkaroon ng malakas na apoy.
Kagat ko ang labi at pilit pinipigilan ang luha pero hindi ko na kaya, kaya tinakpan ko na lang ng panyo ang mukha at doon humagulgol.
Ang sakit pa rin.
Ramdam ko ang paghagod nila sa likod ko kaya lalo lang akong naiyak.
"I'll play the other one," rinig kong sabi ni Ralff kaya pinilit kong tumahan at uminom ng tubig ngunit wala ng laman ang baso ko.
Agad tumayo si Izzy at kinuha ang pitsel saka ako sinalinan.
"Thanks," agad kong ibinaling ang tingin sa laptop. Gaya kanina nakita rin ang pagandar ng kotseng sinasakyan ni Tita Ilona.
"Ibig sabihin kung may kasama si mommy ay papatayin din nila?" tanong ni Izzy habang nanonood.
"No, target nila si Mrs. Fernandez dahil siya ang namumuno sa funds ninyo at siya ang naghuhulog sa 'min nang inutang niyo." huminto ang kotse dahil red light kaya nagsitawiran ang mga tao.
"Look at this guy," itinuro niya ang balot na balot na lalaking tatawid, nang nasa harap na siya ng kotse ay mabilis siyang naglabas ng baril at pinaputukan ng isang beses ang drivers seat saka naglakad na parang walang nangyari.
"Saan mo 'yan nakuha?" tanong ni Travis.
"Tanga mo Trav, hanggang ngayon ba ay clueless ka pa rin?" binatukan ni Charles si Travis na ginantihan din naman agad niya.
"Of course, my mom is the mastermind and I can pull some strings too. Binigyan niya ako ng sarili kong tauhan na ginamit ko mismo sa kaniya," saad niya at tumawa.
"Sure ka bang anak kanila? Baka ampon ka or what," sabat ni Harvy.
"Mas matutuwa pa nga ako kapag hindi ko sila kadugo pero wala eh, positive anak ako ng demonyo HAHAHA!" siya lang ang tumawa sa sinabi niya kaya ang awkward na naman tuloy.
"By the way, nakausap ko si Mark." huminto siya at parang may iniisip.
"Ano 'yon?" tanong nila.
"'wag niyo na alamin, mga chismoso kayo!"
"Aba pre, upakan ko na ba 'to? Ha?" naiinis na banta ni Charles.
Tatawa-tawang binuksan ni Ralff ang isang file na may lamang isang video, he open it and press the play button.
Makikitang sa unang segundo nang video ay magkaharap si Mark at si Ralff.
"Kilala mo ba 'ko?" tanong ni Ralff.
"Yeah, ikaw yung binaril ko," sagot nito at humagikgik.
"He's crazy!" kinikilabutang komento ni Kyle.
"So, why did you do that?"
"Kasi nga, nangako ako kay Izzy na gaganti ako."
"Nakaganti ka na?"
"Hindi, nabuhay ka pa eh." nakakuyom na ang kamay ni Ralff at nagtitimpi na lang na hindi siya saktan.
"Anong kinalaman ko sa away niyo?"
"Well, the truth is si Kyla talaga ang babarilin ko that time at ikaw ang patutulugin ko, ang utos ko sa kanila ay paupuin si Kyla sa kung saan nakaharap ang baril ko but nauna kang dumating at doon ka umupo kaya binago ko yung plano which is naging maganda pa ang kinalabasan, 'di ba? Hitting two birds with one stone HA HA HA HA!"
"Wait, paano mo nalamang magkikita kami ni Kyla?" nanlilisik na tanong ni Ralff.
"I've been following Kyla since day 1," ngisi nito at muling tumawa hindi na nakatiis si Ralff at binugbog na doon si Mark.
"Shit, kaya pala minsang pumasok 'yon na basag ang mukha, pfft deserve!" sabi ni Kyle nang matapos ang video.
"KYLA!" Malakas na sigaw ni Zai at lumapit sa 'kin saka ako niyakap ng mas mahigpit kaysa kanina.
Umayos naman ako ng tayo at niyakap siya pabalik. "We're really sorry," bulong nito at hindi ko na napigilan ang luha ko.
Naramdaman ko rin ang iba't-ibang pagtapik nila sa likod at braso ko tanda na humihingi rin sila ng tawad sa 'kin.
"Kyla, sorry kasi nandito talaga ako para magbakasyon, payakap ha?" rinig kong sabi ni Zayra mula sa likod ko sabay yakap din.
"Mali, nandito ka kaya dahil kay Harvy!" pagtatama ni Matte na siyang tinawanan ng lahat.
Huminga ako ng malalim at tila nakahinga na ng maluwag. Finally... after weeks of surviving I thought I will not feel this kind of warm again.
Walang sawang pasasalamat ang mabibigay ko kay Ralff after this trip.
"Excuse me lang, I still one more thing to say," tumingin kaming lahat kay Ralff na seryoso pa rin ang mukha at nakatitig sa 'kin.
Itinaas niya ang isang puti at pahabang envelop. Agad ko iyong namukhaan kaya hinawakan ko ang kanang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko saka siya mariing tinitigan pabalik.
"What's that?" tanong ni Harvy.
"Ah wala," ako na ang sumagot at awkward na tumawa habang pilit ibinababa ang kamay niya.
"They need to know!" mariing sigaw ni Ralff.
"Ralff, respect her privacy. Kung ayaw pa niyang ipaalam sa ngayon--"
"Wala siyang balak sabihin sa inyo kaya ako na ang magsasabi--" putol ni Ralff sa sasabihin ni Izzy pero pinutol din siya nito.
"I said let her! Sino ka ba para mangialam sa desisyon niya, ha?" galit na sigaw nito.
"This is something important that we will waste time and cost a life!" nagpapaintinding sigaw ni Ralff.
Hindi pa ako ready'ng sabihin sa kanila! H'wag naman sana ngayon kung kailan maayos na kami.
Pwede namang ipagpabukas, hindi ba?
"RALFF, ENOUGH!"

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YV ON

    very good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    Rosmalyn Guevarra Valle

    😍😍😍

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Obralheii

    An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜

    03/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata