Kyla Sanchez's P.O.V. Naduduling kong binalingan ang pinto nang makarinig ako ng pagkatok. Nakita ko pa ang pagbukas nito na parang sinira ngunit hindi ko na narinig ang kalabog nito. Mula pinto ay humahangos na lumapit sa 'kin si Ralff, tila nawala ang kalasingan nito nang makita ako. Pilit niya akong inupo at inalog-alog ang balikat ko gamit ang dalawa niyang kamay, para akong naduduling sa antok at unti-unting nawawalan ng pandinig. Nararamdaman ko pa naman ang katawan ko kaya noong maramdaman na parang may tumulo sa ilong ko ay agad ko itong pinahid gamit ang thumb ko. Gamit ang inaantok na mata ay tinignan ko ang nanginginig kong kamay only to found out the blood coming from my nose. "Kyla!" nage-echo ang boses ni Ralff dahilan para lalo lang akong manghina. Pinipilit niya akong buhatin ngunit hinahawi ko ang kamay niya. "Leave me alone," labas sa ilong na saad ko pero hindi niya ako tinigilan hanggang sa mawalan ako ng malay. ▪ Nagising ang diwa ko ngunit hindi na muna ako dumilat, ramdam ko ang liwanag mula sa nakasara kong mata at unti-unting naamoy ang paligid. Amoy ospital... Idinilat ko na ang mata ko at mula sa bintana ay tanaw ko ang kalangitang kulay asul at ang ulap na nagiging pink and orange because of the sun. Wala sa hulog akong natawa. "Tangina, buhay pa rin ako." Mag-isa lang ako rito sa ICU at may kung ano-anong nakakabit sa 'kin ngunit wala na akong pake. Bakit ba nila pinipilit buhayin ang katawan ko? Knowing that my heart and brain died weeks ago. Hindi ko namalayan ang mga araw at tanging pagsikat at paglubog ng araw lang ang basehan ko sa mga araw na nagdaan. Doctor lang at nurses ang maaaring makapasok dito pero kahit papaano ay nakikita ko si Ralff mula sa bintana. Parang noong nakaraan lang ay siya ang sinisilip ko rito. Dumating yung time na inilipat na nila ako sa private room at si Ralff lamang ang nandyan para sa 'kin. Nasasanay na nga akong siya ang kasama ko, tinuring ko na itong nakakatandang kapatid, at halos tumayo ng magulang ko. Kung susumahin ay nakuha na niya ang loob ko at pinagkakatiwalaan ko na siya ng buo, napatawad ko na siya sa mga ginawa dahil ang tunay na kaaway namin dito ay ang mommy niya. "Kyla, nakilala ko na yung bumaril sa 'kin," dumating si Ralff at iyon agad ang ibinalita sa 'kin. Napaayos ako ng upo at nakinig. "Do you have a picture or yung pwedeng gawing eidensiya?" tanong ko. "Yes, pinapaayos ko pa sa tao ko kaya wala pa akong copy, I just know his name." "Sino?" "Mark Bautista, isn't he familiar?" nanlalaki ang matang tinignan ko ito. "I know someone named Mark but... I'm not sure--" "Yes, siya nga. He's your fvcking schoolmate," hindi ako makapaniwala. Why all of a sudden? Akala ko ay tumahimik na siya sa away nila Izzy. "May galit 'yon kila Izzy, ah? How come?" tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang ito at tila nagiisip ng malalim. "Hindi kaya tauhan 'yon ng mommy mo? Inutusan?" muling tanong ko. "I also checked his connection to my mom but... no, he's not her minion," mas lalo lang nadagdagan ang problema ko sa bawat nalalaman ko. Bakit dumagdag pa si Mark? What is it this time? Will it ever end? ▪ Hanggang sa makalabas ako sa ospital ay nariyan si Ralff para asikasuhin ako at sa totoo lang ay nahihiya na ako sa ibinibigay niyang atensiyon sa 'kin. Kaya naisipan kong ito ang pinakamagandang solusyon para makabawi naman ako. "Ralff, umuwi ka na at kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa lahat," nagpunas ng kamay si Ralff matapos maghugas ng pinagkainan namin. Lumapit siya sa 'kin at pinitik ang noo ko. "Aray," mahinang daing ko. "Ano na naman 'yang umiikot sa may sakit mong utak, ha?" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Bakit parang pinagdidiinan pa niya ang pagkakaroon ko ng brain tumor? "Hindi ako aalis, kung gusto mo ay ikaw ang umalis." mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko. "Wow ah! Condo mo 'to?" "Ikaw naman, pinapatawa lang kita. But seriously, I won't leave you again." prente siyang naupo sa sofa ko at binuksan ang tv. "Umuwi ka! Paano kapag nakahalata mommy mo? Baka isipin no'n ay magka live in partner na tayo!" pamimilit ko pa. "Ay bakit, hindi pa ba?" nanggigigil kong inihampas sa kaniya ang unan at tumawa lang siya nang tumawa. "Umuwi ka na kasi!" saad ko at muli siyang hinampas ngunit mas mahina na kumpara kanina. "Bakit mo ba 'ko pinipilit? May binabalak ka, ano?" hinuli niya ang unan at tinitigan ako. "Wala ah! Baka kasi..." baka kasi nakakaabala na 'ko sa 'yo saka nahihiya na 'ko sa sobra-sobra mong pag aalaga sa 'kin. "Kasi?" "Baka kasi may schedule ka ngayong gabi tapos you just cancel it because you can't leave me," mahinang paliwanag ko, iyon na ang pinaka magandang naisip kong panakip butas. "Sus, ayon lang? Pwedeng-pwede ko ngang katukin yung mga kapitbahay mo rito para matustusan ang mga pangangailangan ko eh," nanlaki ang mata ko at hindi na nakakilos. "Did you--om--EIWW!" Sigaw ko na may halong pandidiri saka tumakbo papuntang kuwarto. "I'm just here, good night!" rinig ko pang sigaw nito. Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi ko. Did he sneak in to my neighbor's condo and did 'that' while I'm sleeping or rather fighting with my monster in my head? He's unbelievable! Nang kumalma ang isip ko sa makamundong bagay ay nahiga ako sa kama at tumitig sa mga poster ko. A boy band who is now the most popular one. Inisip ko yung hardship na nangyari sa kanila when they are just starting. Walang nakakakilala sa kanila so, sila mismo ang lumalabas at nagbibigay ng invitation para pumunta sa mini concert nila. Nagsimula sila sa maliit, nagpatuloy sila kahit iisa ang naniniwala, and the lack of staffs and recording stuff. Plus the thing that they are not allowed to see their families, imagine how they suffer yet they strive more and not gave up. And now, I'm inspired! Hindi ko na papatayin ang sarili ko. Hihintayin ko na lang kunin ako ni Lord at ipasundo ako sa mga magulang ko. Maybe, I'll just enjoy the remaining years of my life. Gagawin ko lahat ng mga bagay na gusto kong gawin, yung mga bagay na hindi ko pa nararanasan, yung mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Well, life is short tapos malulungkot pa ako? No! I'll take a risk and do whatever I fvcking want!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
YV ON
very good
04/05/2024
0
Rosmalyn Guevarra Valle
😍😍😍
31/07/2022
0
Obralheii
An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
very good
04/05/2024
0😍😍😍
31/07/2022
0An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
03/07/2022
0Tingnan Lahat