Chapter 34

Kyla Sanchez's P.O.V.
"Kyla," hindi ko pinapansin si Ralff, hindi dahil pinigilan niya ako sa tangka kong pagpapakamatay kahapon, kundi dahil wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.
Natatakot akong baliktarin niya ang nangyari, o baka nga nakausap na niya sila Izzy at binaliktad na ang kuwento.
"Kyla--"
"Hindi ko alam kung bakit mo pa ako pinigilan kagabi," putol ko sa pagtawag niya.
"What's with you? Akala ko nga ay may kasama ka sa condo mo kagabi kaso nagtaka ako, na kung may sakit ka ay pwede mo namang utusan ang kasama mo. Kaya sinundan kita..." nagsimula na siyang magkuwento kaya natignan ko siya sa mata.
"Paano ka nakapasok?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya.
"Really? Alam mo pa ba ang ginagawa mo? You didn't lock the door, but I'm thankful because you didn't," naglapag siya ng mainit na inumin sa harap ko pero tinitigan ko lang ito.
"Ano pang ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko.
"W-what? Galit ka pa rin ba sa pagpigil ko sa 'yo o dahil doon sa mga sinabi ko sa 'yo nang gabing 'yon?" nagtatakang tanong niya.
Huminga ako ng malalim at hinarap siya, it's now or never. "Anong nangyari nang gabing 'yon?" diretsong tanong ko.
"Hindi mo maalala?"
"Hindi ako sure sa naaalala ko," mabilis na sagot ko dahil gusto ko ng marinig ang ikukwento niya.
"Dahil ba sa sakit mo?" nagulat ako sa tanong niya at hindi agad nakapagsalita.
"P-paano mo nalaman?"
"Nakakalat sa lamesa kagabi yung papers, hindi ko maiwasang basahin, sorry." paghingi pa niya ng tawag.
"Just... don't tell to anyone," mahinang pakiusap ko at lumingon pa sa paligid na parang may makakarinig sa 'min ngayon..
"Alam kong hindi ka pa ready'ng sabihin sa kanila, but this is very alarming, Kyla." saad pa niya.
"I know," at wala akong balak sabihin sa kanila.
"Buti na lang ay naitago ko sa drawer mo bago dumating si Harvy," mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
"P-pu-pumunta si Harvy? Hindi ba siya galit sa 'kin?" mabilis na tanong ko.
"Why? Bakit sila magagalit sa 'yo, eh wala ka namang ginagawang masama," muli akong tumahimik sa sinabi niya.
"Ako ang pinagbibintangan nilang bumaril sa 'yo, may ebidensiya sila." inilabas ko ang cellphone at pinanood sa kaniya ang CCTV.
"What the hell? Alam mo bang bago ako mawalan ng malay ay natanaw ko pa sa malayo ang sniper na bumaril sa 'kin?" hindi ako nakapagsalita pero gumaan ang pakiramdam ko.
Ralff is on my side!
"And?" tila interesadong tanong ko.
"I saw the whole thing, kung paano ka daplisan ng kutsilyo sa leeg at yung pagtakip sa 'yo sa bibig nang waiter, and what happened? Hindi ka nila pinaniwalaan?" marahan lang akong tumango habang lumuluha.
Finally! Si Ralff ang lilinis sa pangalan ko.
"Hush now, akong bahala. Lilinisin ko ang pangalan mo at magiging maayos na ulit ang lahat," tinapik-tapik ako nito sa balikat bago tumayo at magluto ng tanghalian namin.
Hinayaan ko na muna siya dito dahil gusto niya raw akong bantayan.
"Kyla, okay lang bang may itanong ako tungkol sa tumor mo?" maingat na tanong nito.
Kumakain na kami ng hapunan at sabi niya ay uuwi na muna siya ngayon sa bahay nila at babalik bukas.
"What is it?"
"Uhmm, tinaningan ka na ba ng doctor?" dahan-dahan at mahina nitong saad.
"Yeah," nasaksihan ko ang pagtigil nito at nanlalaki ang matang nakatitig sa 'kin.
"5 years or more pa naman. Pero pinaglalamayan na sana ako ngayon kung hindi mo ako napigilan. Maybe, hindi ko pa talaga time." tatango-tangong saad ko, nakatitig lang naman si Ralff at parang gulat pa rin sa sinabi ko.
"5 years na lang? Shit, seryoso? Pwede naman sigurong gamutin, 'di ba?"
"Hindi mo ba nabasa? Wala na nga sa 50% ang chance kong mabuhay..."
"Kailangan na nga talaga nating maayos ang lahat, as soon as possible dahil umiikot ang oras at bawat segundo ay mahalaga," wika niya at parang lumalim ang iniisip.
Marahil ay nag iisip na ng paraan kung paano niya ako matutulungan na maayos. Well, I can't see myself again with there group, maybe, closure na lang?
▪
"Ralff, napaka-aga mo!" pinapasok ko siya at tinulungan sa ibang bitbit niya. Mga pagkain at sangkap sa pagluto, may dala pa itong bag.
"Dito na rin ako titira," pagbibiro nito nang inilapag sa sofa ang medyo may kalakihang bag.
"Bakit? Pinalayas ka na sa inyo?" pagbibiro ko dito at tumawa na siyang pinagtakahan ni Ralff.
"Did you just laugh? I mean-- You can't even smile yesterday..." natawa ako sa gulat na reaksiyon niya.
Well, I made myself clear last night that I will hide all my misery to Ralff. He did nothing wrong... recently, so, hindi ko dapat siya pakitaan ng kahinaan.
Pero hindi ko pa rin kayang itago ang lungkot, kitang-kita pa rin ito sa mga mata ko, but he remained silent kaya hindi ko alam kung nahahalata ba niya o hinahayaan niya akong lokohin ang sarili ko.
Kinabukasan ay gano'n pa rin ang pakikitungo ko at sumasakay naman siya pero noong dumaan ang gabi ay lumabas muna siya dahil may bibilhin lang daw.
Tulala lang ako simula nang umalis si Ralff, sobrang hirap magpanggap na okay ka, kasi kahit sa sarili mo ay parang pinapatunayan mong masaya ka kahit kitang-kita namang hindi.
Siguro nga ay mas maayos na ang pakiramdam ko kaysa noong mag-isa ako dahil katulad ng nangyari ay muntik na akong paglamayan. Mas masarap ang may kausap, hindi man mismo iyon ang pinaguusapan niyo pero panandalian namang nakakalimutan.
"Kyla, drinks?" pumasok si Ralff at itinaas ang dala niyang supot. Nakangiti ito ng nakakaloko habang ibinababa iyon sa harap ko.
"Lalasingin mo ba ako? May balak ka ba sa 'kin, ha?" tanong ko pero kumuha pa rin ng isa at binuksan iyon gamit ang binili niyang pambukas.
The time I touch this bottle, I know to myself that I trust him and he can't do anything silly or unforgivable.
Matapos niyang ilagay sa mangkok ang mga junkfood ay nagbukas na rin siya ng bote niya.
"Ready ka na ba malasing?" ngisi niya na inirapan ko lang.
"Baka mauna ka pa?" dahil ikaw lang ang uubos ng binili mong alak. Hindi ko hahayaan ang sariling malasing ng todo to the point na hindi ko na alam ang ginagawa ko. Kahit na may tiwala ako sa kaniya ay lalaki pa rin siya.
"HAHAHAHAHAHA!" Tawa namin sa sagot niya. Inilabas niya ang card na may title na 'These cards will get you drunk' para daw mabilis maubos ang alak.
"Mayroon din akong dalang snake and ladder dito, ang unang makakabalik sa 1 kailangan tanungin o utusan ng isa." inilabas niya ang cardboard na hindi ko alam kung kailan pa niya dinala.
"Yung dice?" tanong ko. "Teka, hinahanap ko!" halos pumasok na siya sa loob ng bag niya sa paghahanap ng dice na siyang ikinatawa ko na naman.
Umeepekto na ba yung alak? Hindi pa naman siguro.
"Ito! Mauna ka na," ibinigay niya sa 'kin ang dice na agad ko namang sinimulan.
Nang huminto ay inilapit ko pa ang mukha ko dahil hindi ko mabasa. "BAKIT MGA TAO? AKALA KO 4! BASTOS!" Inihagis ko sa kaniya ang dice na nasalo naman niya at tinignan din.
"Ay HAHAHAHAHA Mali pala yung nadala ko! Hayaan mo na gawin na lang natin," inihagis ko sa kaniya ang lahat ng mahawakan sa paligid.
"Yuck, gan'yan ba laro niyo ng mga babae mo?" nandidiring tanong ko.
"Maka yuck naman 'to! Nasa iyo pa yung card mo, ano?" nagsalubong ang kilay ko.
"Anong card? Anong connect?"
"Yung V card mo!" kung hindi lang ako nakainom ay namumula na ako sa tanong niya pero ngayon ay nakikisakay pa ako.
"Oo, naman!"
"Ang hina naman ni Izzy!" natahimik ako at tinitigan lang siya. Tumigil din siya sa pagtawa at medyo nailang pero ilang segundo lang iyon dahil iniba na niya ang topic.
"Ang tagal mo namang magsalita, nalalasing na 'ko dito," natatawa kong nginuya ang pagkain. "Bakit, ano ba gusto mong marinig sa 'kin, ha?" maangas na saad ko.
As I planned, halos siya ang umubos ng drinks na dala niya, kaya siya ang nalasing. May katabi na nga akong bread knife rito sakaling mawala na siya sa katinuan at gumawa ng masama.
"Maglabas ka ng sama ng loob! Kaya nga kita nilalasing eh!" nagsalita pa siya ng french kaya binato ko sa kaniya ang huling unan sa tabi ko.
"Nasa bansa kita, h'wag kang magsalita ng ibang lenggwahe!"
"Tsh, napagaling mong magtago sa nararamdaman mo. Gaano na ba kasakit at parang manhid na manhid ka na?" nakapikit na sabi ni Ralff.
Naitungga ko naman ang huling laman ng baso ko bago iwan si Ralff doon sa sofa. Pagtayo ko pa lang ay nahilo ako at pakiramdam ko'y isusuka ko ang lahat ng ininom at kinain ko.
So, I hurriedly go to the bathroom and let myself throw up until my throat hurt so bad.
Hawak ko ang ulo nang bumalik ako sa kuwarto. Hinayaan ko na doon si Ralff dahil mas importante ang nararamdaman ko. Napatigil ako sa pagkuha ng painkiller nang may maalala.
"May Brain Tumor nga pala ako. Bakit ko hinayaan ang sariling uminom?" sinabunutan ko ang sarili na siyang nagpalagas ng karamihan nito.
Kaya imbis na ang kuhanin kong painkiller ay ang inireseta sa 'kin ni Dr. Reyes, ang kinuha ko ay ang Oxycodone.
Umupo ako sa lapag at tinitigan ang label nito ngunit hindi ko naman binabasa. Nag-iisip ako ng mabuti kung gagawin ko ito, ngayon ay siguradong wala ng pipigil sa 'kin dahil bagsak na si Ralff.
I know I do nothing but why do I feel like I'm suffering a lot? For the last time, I'll ask again, do I deserve all of this?
Inilabas ko ang huling tatlong tableta nito at ilang minuto itong tinitigan. Maya-maya ay tumawa ako ng mapait. "Do I need to make a letter?"
Pinahid ko na muna ang luha ko kahit na tumatawa saka wala sa sariling isinubo nang sabay-sabay ang mga tableta at lunukin ito ng walang tubig.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YV ON

    very good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    Rosmalyn Guevarra Valle

    😍😍😍

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Obralheii

    An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜

    03/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata