Chapter 31

Kyla Sanchez's P.O.V.
Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin si Ralff.
"Ma'am? Kayo po ba si Kyla Sanchez?" lumapit sa 'kin ang isang waiter at tinanong iyon.
"Ah ako nga po?" nagtataka kong sagot.
"Nandoon po sa rooftop si Sir Desilva," nagpasalamat ako at dali-daling umakyat sa taas.
Tumakas lang ako doon sa bahay at alam kong matatagalan ako rito. Pero nag iwan naman ako ng note at sinabi kong babalik agad ako dahil may pupuntahan lang, sinabi ko ring kakain na 'ko kaya h'wag na silang mag abala pa.
"Kyla!" tawag ni Ralff pagpasok na pagpasok ko sa rooftop. Kami lang ang tao rito kaya medyo kinabahan ako na baka may gawin siyang hindi kanais- nais.
Tahimik akong nagpahila ng upuan sa kaniya. Pinapakiramdaman ko siya at baka bigla na lang akong dakmain nito.
"What do you want to eat first?" inabot niya sa 'kin ang menu at nag-aalangan ko pa iting tinanggap.
"Hindi mo naman siguro lalagyan ng lason ang pagkain ko, ano?" mahinang tanong ko.
Mahina siyang natawa bago umiling. "Hindi ko gagawin iyon hangga't hindi ako inuutusan ng mother ko," nagsalubong ang kilay ko pero hindi na muna ako nagtanong dahil dumating na ang isang waiter na kukuha sa order namin.
Simula nang mamatay ang magulang ko ay ito na yata ang pinaka maayos na kain ko. Kasi it's either nakatulala ay umiiyak ako kada subo ko ng pagkain.
"I just want to say sorry first," panimula niya nang umalis ang waiter. "Kyla, naalala mo yung time na binigyan kita ng invitation ng birthday ko? Yung unang beses na nakita mo 'ko?" marahan lang akong tumango.
"Planado 'yon. Exclusive ang birthday party ko and my mom is planning something na hindi mo magugustuhan. Buti na lang at hindi ka pumunta. I'm sorry, because at that time I was furious kasi hindi ka dumating."
"Bakit galit ka na hindi ako pumunta?" tanong ko.
"Kasi ang dami kong gustong gawin sa 'yo, nasty and unforgivable things. Para bang ikaw na yung nakita kong way na malalabasan ko nang sama ng loob." paliwanag niya.
Base sa kuwento niya ay nakikita ko ang evil side ni Ralff. And I don't know how to react.
"In my 18 years, naging sunod-sunuran ako sa mommy ko na hindi ko namamalayang gusto ko na rin yung ginagawa ko kahit nakaka-aakit na 'ko," malungkot na saad niya ngunit nagdadalawang isip pa rin ako kung totoo ba ang mga sinasabi niya.
"Eh yung sa Paris? Planado niyo 'yon?" tanong ko.
"Alin? Yung pagiging tour guide ko sa inyo? No, actually ay close ko ang parents mo kaya tinawagan nila ako para samahan kayo. Napakasama ko kasi trinato nila ako ng higit pa sa sariling magulang ko pero may balak akong masama sa anak nila," mapait siyang tumawa kaya tumingala ako para hindi matuloy ang nagbabadyang luha ko.
"Bakit?" sa dami ng tanong na umiikot sa utak ko ay iisang salita lang ang nabigkas ko.
"Our company is in good terms... back then," dumating ang order namin kaya pansamantala kaming natigil.
"To make the story short, umutang yung company niyo sa 'min ng malaking pera para magpagawa ng another branch sa Korea and binigyan sila ni mom ng 1 year para mabayaran iyon," napaawang ako sa gulat. Unti-unting nasasagot ang mga katanungan ko.
"Kailan nila inutang iyon?"
"Last two years pa and hindi pa sila nangangalahati ng hulog kaya narinig ko sila na pinagbabantaan na ang magulang mo and even the three of you. Kinakabahan na ako that time kasi siguradong ako ang iaatas ng magulang ko para patayin kayo. Gano'n sila kasama!"
"So, matagal mo na kaming minamata?" tanong ko pa.
"Yah, noong natapos ang kasunduan nila na one year babayaran yung utang nila pero hindi pa sila nakakabayad ay pinakilala kayong tatlo ni mom through picture then, kinabukasan pinauwi ako dito sa pilipinas para pag-aralan kayo."
"Yung pagkamatay ng parents ko... aksidente ba talaga or..." hindi ko magawang ituloy dahil ayoko namang magbintang base sa kuwento niya.
"Yes, it was a planned," hindi ko na magawang pigilan pa ang luha ko.
"Pero hindi ko alam iyon. That night pinauwi nila ako sa bahay, 'di ba sa condo niyo ako nakatira? Pinauwi nila ako at pinagbawalan nila akong lumabas hanggang sa tumawag kayo. Kaya gano'n ang approach ko ay dahil nasa harap ko ang magulang ko at may nakatutok na baril sa sentido ko." nanatili akong nakikinig at hindi na makain pa ang inorder ko.
Akala ko ay magiging maayos na ang pagkain ko pero hindi pa pala ito. "Kaya I am very sorry for everything that I did! Gagawin ko ang lahat para lang mapatawad mo 'ko."
"Bakit ka nandito? Baka pinasundan ka ng mom mo, anong gagawin mo?"
"I don't care! Natauhan na 'ko, Kyla. Simula nang pinatay nila ang magulang mo ay natauhan na 'ko sa lahat ng ginawa ko. Binibilog nila ako para sumunod ako sa kanila! And I won't let that happen again!"
"Mabuti naman at natauhan ka na," mahinang saad ko.
"Noong namatay parents mo. Parang namatayan na rin ako ng magulang, yung liwanag na nakikita ko nawala pa at nang dahil din iyon sa totoo kong pamilya. Sana mapatawad mo pa ako..." yumuko siya at pinaglaruan ang pasta na inorder niya.
"You made my life miserable but I can't hate you... I just can't," sa dami ng masamang ginawa niya sa 'min bakit sa isang paliwanag ay napatawad ko na siya?
"Thank you! Thank you, Kyla!" mangiyak-ngiyak na pasasalamat niya. Kinagat ko ang labi ko mula sa likod at nag focus sa pagkain. Ayoko siyang tignan na may awa sa mukha ko dahil sa tingin ko ay ayaw niya rin ng gano'n.
Saka ayokong gawin sa kapwa ang ayaw kong gawin nila sa 'kin.
May lumapit na waiter sa 'min akala ko ay may ibibigay sa 'ming dessert or kung ano pero pagbukas niya ng takip ay sobrang bilis ng pangyayari at naramdaman ko na lang na may kung anong tumutulo sa leeg ko.
Nang punasan ko iyon gamit ang kamay ay saka ko lang nakita na dugo iyon, nang makita rin ni Ralff ay maagap itong tumayo para habulin ang papalabas na waiter.
Ngunit hindi pa man nakakaalis sa kinatatayuan si Ralff ay namalipit na ito habang hawak ang bandang dibdib.
Kinakabahan naman akong tumayo habang hawak ang leeg na nagsisimula nang humapdi, hindi naman masyadong malalim ang sugat at tila sinadya akong hindi patayin.
Nanunura ba sila? Bakit hindi pa nila tinuloy?
Hahawakan ko na sana ang cellphone ko para humingi ng tulong nang may malakas na puwersa ang nagpigil sa 'kin.
Tinakpan niya ang bibig ko ng isang panyo na may nakahihilong amoy. Pero hindi ko hinayaang mawala sa katinuan lalo na't parehas kaming sugatan ni Ralff at ako na lang ang maaasahan niyang magliligtas sa amin.
Lumaban ako ng buong lakas at natanggal ko naman ang pagkakatakip niya sa bibig ko, nabuwal ako dahil umiikot na ang paligid ko. Nanghihina na ako at kahit anong buhat sa katawan ay hindi ko na magawa.
Ang huling nakita ko na lang ay si Ralff na walang malay sa tabi ko, puno ng dugo ang kamay na nakahawak pa rin sa dibdib.
▪
Iminulat ko ang aking mata dahil nasisilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana.
Iginala ko ang paningin at tanging ingay lang ng air con ang aking naririnig. Mag-isa lang din ako rito sa maliit na silid. Alam kong nasa hospital ako dahil sa amoy at sa kung ano ang mga nakasabit sa 'kin.
Nang malamang nag-iisa ako ay umayos ako ng higa at tumulala sa kisame, sa dami ng nangyayari ay hindi ko na alam kung ano ang unang iisipin.
"Kyla? Maayos na ba ang lagay mo?" lumingon ako sa pinto at ang akala ko ay si Izzy na ngunit nagkamali ako.
"Doc, nasaan po yung kasama ko?" unang tanong ko.
"Si Desilva ba?" tumango lang ako. Ang tagal niyang sumagot kaya kinakabahan na 'ko.
"Ahmm, he's in coma," nagaalangang balita nito.
"M-magigising pa naman siya, 'di ba?" mabilis na tanong ko.
"50% ang chance, Kyla. Malapit sa puso ang tama niya, kung hindi siya lumaban ay baka wala na siya ngayon," natahimik ako at lalong nanghina sa narinig.
"But I'm here to discuss something..." tinignan ko si Doc at hinintay ang kaniyang sasaihin.
"While I'm checking you earlier, I found something na hindi normal, so, I made some test and I don't know how to say this..." muling sumiklab ang kaba ko sa sinabi ni Doc.
What is it this time?
Inabot niya sa 'kin ang hawak niyang papel at ako na ang pinagbasa nito. Nanginginig ako at hindi ko na maintindihan pa ang mga nakasulat, mula sa huling papel, sa bandang ibaba makikita ang resulta.
Kusang tumulo ang luha ko at mahinang umiling nang mabasa na ang sakit ko. Hindi ako makapaniwala at hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
"Stage 3 na, Kyla. You only have 30% survival rate o mas mababa pa. And you can only live 5 years or longer," may kung ano-ano pang ipinaliwanag si Doc pero lumipad na ang isip ko sa katotohanang mamamatay na 'ko.
Hindi ko alam kung ilang oras na 'kong nakatulala habang hawak pa rin ang papel na bigay sa 'kin ni Doc. Malakas na bumukas ang pinto ngunit hindi man lang ako napitlag.
Sinubukan kong ngumiti nang makitang sila Izzy na iyon, pero naglaho din iyon ng makita ang galit sa mukha niya.
"KYLA, ANONG NANGYAYARI SA 'YO? BAKIT MO GINAWA 'YON?" Nanlaki ang mata ko sa pagsigaw niya sa 'kin.
"KAHIT GAANO PA SILA KASAMA AY MASAMA PA RIN ANG GUMANTI! WHO TOLD YOU TO DO THAT, HUH?" Nanggagalaiting dagdag niya.
"W-w-what?" halos hindi ko iyon mai usal sa takot.
"YOU ALMOST KILLED RALFF! SABIHIN MONG ITATANGGI MO PA 'YON? KITANG-KITA SA CCTV!"
I almost killed Ralff? Ako ba ang may gawa no'n sa kaniya?
Hindi ko... maalala.
"Why you look clueless?" lumapit pa siya sa 'kin at akmang hahawakan ako nang humarang na si Harvy at hinila palabas si Izzy.
Hinintay kong tumingin sa 'kin si Harvy at ngitian ako, isang paraan para sabihing siya na ang bahala.
Pero hindi nangyari. Hindi siya lumingon at tignan ako ng isang tingin na nagsasabing magiging maayos din ang lahat.
Hindi na nga ba maaayos?

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YV ON

    very good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    Rosmalyn Guevarra Valle

    😍😍😍

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Obralheii

    An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜

    03/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata