Kyla Sanchez's P.O.V. Walang emosyon kong tinitigan si Izzy, matagal at hinahanap ang pwedeng maramdaman sa oras na 'to. Naramdaman ko ang paghigpit nang hawak sa 'kin ni Izzy at wala sa oras na nag sunod-sunod ang pagluha ko. Agad akong niyakap ni Izzy nang magsimula akong humikbi. Naramdaman ko rin ang paghaplos ni Harvy sa ulo ko bago ako mamanhid. Ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay ang mga oras na kasama ko sila. At ang huling beses na nakasama ko sila. Iyon na pala ang huli, sana pala ay tinagalan ko na, sana pala mas pinahaba ko pa ang pag-uusap namin. Natatakot akong kalimutan ang mga ngiti nila, natatakot akong mag-isa. Bakit gano'n? kapag namamatayan tayo ang una nating maiisip ay ang mga memories natin with them? Alam kong narito ang mga kaibigan ko para samahan ako pero sa oras na 'to feeling ko nag-iisa na lang ako sa mundo at walang kakampi. Ang saya-saya ko na kanina eh. Bakit nga ba hinayaan ko na naman ang sarili kong maging sobrang saya? When I let my guard down, it always ended tragically. Kailan ba 'ko magiging masaya na hindi aalalahanin ang mangyayari pagkatapos? A never ending scenario... I hate this. Tumigil na ako sa pag-iyak dahil nailabas ko na yata lahat ng tubig sa katawan ko. Nakatulala lang ako sa kisame habang naka sandal. Hindi ako iniwan ni Izzy and I really owe him one. "Kyla, inaasikaso na ni mommy yung mga kailangan natin. Lilipad tayong France para... makita mo sila... sa huling pagkakataon," mahinang bulong ni Izzy. Hindi ako sumagot at akala ko ay naubos na ang luha ko ngunit muli na naman itong tumulo at inalala ang mga oras na nahahawakan at nakakausap ko pa sila. When we first went to La Ciel de Paris Restaurant gusto niyang makita ko kung gaano ito kaganda tuwing gabi but we came at sunset and she said 'Maybe, next time'. Then, the next time came and I am with my friends but it's lunch time so 'marami pa namang susunod'. Akala ko mayroon pang next time? Oo, marami pang susunod pero paano kapag nakita ko na iyon sa unang pagkakataon ngunit wala kayo? Hindi niyo masasaksihan yung reaksiyon ko. Baka imbis na matuwa ako ay umiyak lang ako habang inaalala kayo. Ayokong maniwala hangga't hindi ko nakikita sa personal pero hindi rin naman sila mukhang nagbibiro. At the moment, I knew that I cannot escape. Maybe I can but not so long, at the end of the day I'll still go back and find myself thinking about it. Nakatulog ako no'n sa sobrang pagod kaiiyak at maaga ring nagising dahil naalala kong ngayong araw din ay lilipad kami patungo sa France. Kaya bago pa kumatok si Izzy ay nakahanda na akong umalis. "Gigisingin pa lang sana kita. I cooked breakfast kumain na muna tayo," inakay niya ako pababa sa kusina at pinaghanda ng pagkain. "Nasaan si Harvy?" tanong ko. "Naliligo na, sasamahan muna kitang kumain," ngiti niya sa 'kin na nginitian ko rin. Nang dumating naman si Harvy ay umalis na siya para maghanda na rin. Hindi nila ako hinayaang maiwan mag-isa, dahil alam nilang malulungkot lang ako. Nagpahatid kami kay Kuya Jud sa airport at sinabing hihintayin niya kaming makapasok sa arrival area bago siya umuwi, na lagi naman niyang ginagawa tuwing umaalis kami. "Feeling ko may problema," saad ni Izzy habang naglalakad kami. "Bakit?" "Sabi kasi sa 'kin ni mommy ay try natin pumuntang airport. Try? So, ibig sabihin ay wala pang kasiguraduhan kung papapasukin tayo," paliwanag niya. "Anong gagawin natin?" tanong ni Harvy. "Well, isa lang ang gagawin natin. We will track down that person and ask his or her." "Hindi mo sasaktan or what?" naninibagong tanong ni Harvy. "Well, it depends," mahinang tawa niya. Nakapila na kami at handa nang kunin ang passport namin nang umalis ito saglit at may tinanong sa kasamahan. "Ayan na." bulong ni Harvy. "Kyle, be ready," nilingon ko si Izzy na may kausap sa cellphone. "Anong nangyayari?" tanong ko nang ibaba na niya ang tawag. "Magkakasama kayong tatlo? Patingin ng passport niyo," inabot namin ang passport sa kaniya at binasa ang personal information namin. "Sumunod kayo sa 'kin. Dito na muna kayo," pinatabi niya kami at inabot sa isang kasama niya ang mga passport namin. "Bakit po? May problema ba?" tanong ni Harvy na parang walang alam sa nangyayari. Ang galing naman niya um-acting, pinag aaralan din ba nila iyon? "Oo eh, hindi kayo maaaring umalis ng bansa sa loob ng dalawang taon," nanlaki ang mata ko sa sinabi. "Na ban kami? Paano?" this time ay hindi na siguro acting iyon dahil nakita ko ang gulat sa mukha niya. "Hindi ko alam kung paano nangyari 'to pero kayong tatlo lang ang banned ngayon. Actually ay kahapon lang ito nalagay. May ginawa ba kayo?" mukha namang hindi kahina-kinala ang kausap namin dahil pinakita pa nito ang monitor kung saan naka banned nga ang pangalan namin. "Wala naman po ah? Ngayon nga lang kami napunta sa airport eh," sagot pa ni Harvy. "Hello? Excuse lang po," sagot ni Izzy sa tawag at hinatak kami palayo kay kuya. "Na track mo ba?" he touch the speaker button para marinig namin ang sasabihin ni Kyle. ["Yeah,"] sagot nito. "Teka, paano niyo na track?" Naguguluhang tanong ko. "Noong pinakita sa 'tin yung monitor na banned tayo I secretly send the picture to Kyle, so, sino?" paliwanag niya at tinanong si Kyle. ["Well, his name is Ralff De silva. I do backround check too and he's the heir of De silva enterprise. And--"] "Stop," pinatigil na siya ni Izzy at nagkatinginan kaming tatlo dahil kilala namin ito. "Kilala namin 'yan. I'll call you again later. Thank you, Kyle." pasasalamat pa ni Izzy. ["No problem, bestie"] pagbaba pa lang ng tawag ay agad nag ring ang cellphone ni Harvy. "Tinatawagan ko na si Ralff. Siguraduhin lang niyang valid ang reason niya, tangina niya!" nanggigigil na saad ni Harvy habang nagri-ring ang cellphone. "Excuse, labas na muna kayo," pinalabas kami noong kumausap sa 'min kanina na sinunod naman namin. ["Hello, sino 'to?"] sumagot na si Ralff kaya pare-parehas kaming natahimik. "Harvy Pascual," seryosong sagot nito. ["Uy pre, ikaw pala! Napatawag ka?"] masayang saad niya. "H'wag mo sabihing hindi mo alam kung bakit ako napatawag?" sarkastikong wika ni Harvy. ["What... do you mean?"] patay malisyang sagot pa niya kaya huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Ang sama niya, akala ko ay maayos kami. Peke lang ba lahat nang pinakita niya? "Narito kami sa airport... hindi kami pinapasok kasi you banned us, right?" ["How... did you know?"] hindi makapaniwalang tanong nito. "Just explain!" nanggigigil na sigaw ni Harvy. I look at Izzy dahil kanina pa siya tahimik marahil ay bumubuo na ng kung ano sa loob ng utak niya. ["Alright, inutusan lang ako."] nagsalubong ang kilay nilang dalawa sa narinig. "And?" ["Hindi ko naman gustong mangyari 'yan sa inyo... pero inutusan ako eh."] unti-unti kong naikuyom ang kamay ko sa inis. Naririnig ba niya ang sarili niya? "Ralff, paano kapag inutusan kang kumain ng tae?" seryosong tanong ni Harvy. Parehas pa kaming lumingon ni Izzy kay Harvy. ["Yuck pre, ibang usapan naman 'yon."] "Parehas lang 'yon, parehas mong ayaw gawin, 'di ba? Pero ginawa mo pa rin sa 'min. By the way, alam mo ba kung bakit kami pupuntang France, ha?" tanong pa ni Harvy. ["Yeah, namatay ang parents ni Kyla. Send my condolences to her,"] kumunot ang noo ko nang tila wala lang sa kaniya ang pagkamatay ng magulang ko. Bubulyawan ko na sana siya nang takpan ni Izzy ang bibig ko. "Calm down," alam na alam niya kung kailan ako sasabog. "Now, we don't have a time. So, fix this fvcking mess you made," wika ni Harvy na seryosong-seryoso. ["I'm sorry but I can't"] ani niya at binaba ang tawag, "What the hell?" bulyaw ni Harvy nang patayan siya nang tawag. "Sabi ko na nga ba at may masamang binabalak 'yan. Sinabi ko na sa 'yong h'wag mong pagkatiwalaan ang hayop na 'yon, 'di ba?" wika naman ni Izzy. "Hindi ko naman siya pinagkatiwalaan ah? Naniniwala ako sa instinct mo. Hindi ko lang pinahalata kaya kinaibigan ko nang gano'n," nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan nila kaya sumingit na 'ko. "Hayaan niyo na," pahina nang pahinang sabi ko. Parehas silang lumingon sa 'kin at tuluyang nawala ang tensyon. "Mag... hihintay na lang siguro ako ng dalawang taon," dagdag ko pa. "Are you serious? Gagawa na lang tayo ng ibang paraan," pagpapalubag pa niya ng loob. Kahit na gusto kong tanggapin ang offer nilang tulong para makarating ako sa France at makita ang mga magulang ko sa huling pagkakataon ay ayoko namang magkakagalit pa sila dahil doon, dahil sa pamilya ko. "Pwede naman tayong makipag video chat sa parents niyo, 'yon na lang muna siguro," hindi makatinging saad ko. "Kyla..." bakas sa boses ni Izzy ang awa. "Please, h'wag niyo akong kaawaan. 'Yan ang pinakahuling gusto kong makita at marinig mula sa inyo," mahinang sabi ko, hindi pa rin tumitingin sa kanila. ▪ Umuwi kami nang tahimik. Walang kibo naman akong bumalik sa kuwarto ko at nagkulong maghapon. Actually ay hindi ko na mabilang pa kung ilang araw na ang lumipas. Lumalabas lang ako para kumain, minsan ay dinadalhan na nga ako nila Izzy dito sa kuwarto ko at sasabayan akong kumain. Every night ay nagsisindi ako ng kandila at kinakausap sila gamit ang panalangin. At sa tuwing ginagawa ko 'yon ay nakakatulog ako sa kaiiyak. Maybe, God is comforting me in that way. Habang patagal nang patagal ay mas lalo ko lang nararamdaman ang pagiging ulila. Hinayaan ko ang sariling magluksa at maging mahina. Napakabigat sa loob na hindi ko man lang sila nakausap bago sila nawala. Kung sana'y mas maaga ko silang tinawagan noong araw na 'yon ay nakausap ko pa sana sila. Sa bawat pagtunog ng cellphone ko ay umaasa pa rin akong sila 'yon at tinatawagan ako. Pero hindi na nangyari... Sa ika-limang beses na tumunog ang cellphone ko ay nagkukumahog ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nag text. Ineexpect ko na kung hindi ang mga magulang ko ay isa na naman ito sa mga kaibigan or schoolmate kong nakikiramay. Sa totoo lang ay nagsasawa na akong marinig at makatanggap ng condolences, hindi naman no'n nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Unknown Number Hi Kyla, si Ralff Desilva 'to. I just want to say sorry for how I act the last time we talk through the phone. Alam kong nakikinig kayo ni Izzy doon. Kagat ko ang labi habang binabasa ang text sa 'kin ni Ralff. Hindi ko na alam kung ano ang totoo sa sinasabi niya. Muli akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya. Unknown Number Please accept my invitation to clarify my name. Gusto kong magpaliwanag sa 'yo at sabihin lahat ng nalalaman ko. You're still my friend, right? Do you still trust me? Ilang minuto akong nag isip kung papayag ba ako pero noong sinend niya ang location at oras at sinabing maghihintay siya doon hanggang sa dumating ako ay parang kahit papaano ay gusto kong marinig ang side niya. Pumayag ako sa gusto niya kaya buong gabi akong gising kaiisip sa kung anong maaaring marinig at mangyayari bukas. I just hope that Ralff will regret everything he did and learn from it. I hope that this closure will find my peace.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
YV ON
very good
04/05/2024
0
Rosmalyn Guevarra Valle
😍😍😍
31/07/2022
0
Obralheii
An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
very good
04/05/2024
0😍😍😍
31/07/2022
0An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
03/07/2022
0Tingnan Lahat