Chapter 29

Kyla Sanchez's P.O.V.
"You used this?" nakangising tanong nito at kinuha sa 'kin ang lip gloss.
"Yeah, kagagamit ko lang," saad ko habang busy na sa pagtingin sa salamin.
"Hey! Hey! Hey! What the f*ck is going on here?" binuksan ni Izzy ang pinto sa gawi ko at sumilip.
"Look, pinahiram ako ng lipstick ni Kyla. Ibig sabihin ay nag-indirect kiss na kami," natutuwang saad pa ni Harvy na siyang nagpataas ng kilay ko.
"What are you talking about? We already share the same lip gloss," wika ko.
"Nino?"
"Kaming mga girls!" obvious na saad ko.
"At least ikaw ang huling gumamit!" tinawanan ko na lang si Harvy bago nagpaalalay kay Izzy lumabas.
"Wow, you look so daring," usal ni Izzy nang makita ang kabuoan ko. I'm wearing sleeveless and backless dark long dress with a slit in the right side and 4 inches white heels.
"Thanks," tinitigan ko rin ang kabuoan niya at mahinang natawa sa naisip. "Ikaw, ang lakas ng dating mo mukha kang mafia boss na aattend ng party," bungisngis ko pa.
His wearing a tuxedo and his neck tie color is same with the color of my dress.
"Tara na! Nakapila na sila doon," sumunod na kami kila Zai papunta sa closed gym na katabi lang ng building namin.
Mula sa likuran ay natatanaw namin si Zai na nakahawak sa braso ni Dariel. Zai's long dress for tonight is a sleeveless turtle neck, colored dirty white. While, Dariel is also wearing a tuxedo with a dirty white bow.
Mula sa hallway ng building namin pati na rin sa mga picnic table ay nagkalat ang mga senior high school student suot ang kanilang mga naggagandahang dress and tuxedos.
"Everyone, pila na!" sigaw nung isang teacher mula sa pinto ng closed gym.
Hinanap namin ang pila ng section namin. "Zai!" lumingon kaming lahat sa likod kahit na si Zai lang naman ang tinawag.
Nakita namin si Matte kasama ang buong section namin na nakapila sa may picnic table.
"Matte, na saan na yung ka-date mo?" tanong Zai paglapit namin.
"Nagtatampo nga eh! Iniwan ko na, proxy na lang muna si Sarah," tila walang choice na sabi niya. Narinig yata 'yon ni Sarah kaya lumapiit siya sa 'min at malakas na hinampas si Matte.
"ARAY!" daing pa niya. "Sa ganda 'kong 'to, tila wala kang choice?" Bulyaw naman ni Sarah.
"Good luck sa braso mo, Matte. Volleyball player 'yan," bungisngis ni Harvy at humarap kila Charles.
"Girls, mabilis na picture daw!" sigaw ni Dust at pinapalapit kami. Agad naman kaming lumapit nina Zai para sumama.
"Baka sa susunod na picture nating nakagown ay sa kasal na ng isa sa 'tin!" saad ni Sarah habang hinihintay ang iba na makalapit.
"Si Kyla unang ikakasal! Imbitado kayo!" turo sa 'kin ni Zai.
"Bakit ako?" agad na react ko.
"2 years from now sa France daw ang kasal," dagdag pa ni Zai.
"Game kami basta libre ni Kyla pamasahe!"
"Makikisabay lang tayo sa eroplano! Doon tayo sa pakpak," matapos naming magkwentuhan at mag picture ay dumating na rin ang oras na isa-isa na kaming pumapasok sa closed gym.
Pagpasok pa lang namin ay ramdam na ramdam ko na ang pagmamahal ng bawat isa. The place is so romantic plus the smile of people around me giving each and everyone a comfortable feeling.
Tama nga siguro yung sabi nilang 'if you want a place to be romantic or happy, you must find your own happiness and love first.'
I think everyone find this event an escape. Away from stress, paper works, and report. We deserve this, who ever invented the Valentine's Day, I love you to the moon and back!
Noong lahat ay nakapasok na sa closed gym ay agad na nagsimula ang program, nasa iisang lamesa lamang kaming anim dahil wala namang arrangement about sa upuan at sakto namang anim lang ang pwede sa isang lamesa.
"Excited na 'kong sumayaw! Sino kaya una kong yayayain?" iginala niya ang tingin.
"Si Zayra!" magkakapanabayang sigaw namin na siyang nagpapitlag sa kaniya. "Si Zyrille daw ang first dance niya!"
"Ibig sabihin ay inaya mo? Ikaw ah!" panunura pa ni Matte na ginatungan naman namin.
"Napaka pangit niyo namang ka bonding! D'yan na nga kayo, kailangan kong mag-isip-isip!" tinawanan lang namin siya nang lumabas siya ng gym, marahil ay magc-cr lang.
Nag simulang mag serve ang mga waiter ng pagkain, at habang ginagawa iyon ay panay naman ang kuwento ng emcee about love stories na hindi ko alam kung saan nila nakuha o kung totoo ba 'yon o hindi.
"Kyla, kuhanan mo nga kami! Maganda ang backround sa side mo eh," saad ni Dariel at inabot sa 'kin ang cellphone.
"Sure! Sana pala ay dinala ko ang camera ko!" sabi ko pa habang kinukuhanan sila ng sunod-sunod.
"Oh madami na 'yan, mamili na lang kayo!" wika ko at inabot ang phone sa kanila.
"Kyla, pwede palagay ng phone ko sa bag mo? Baka mahulog sa bulsa ko eh," bulong ni Izzy na may kasama pang pagkurot sa pisngi ko.
"Ouch," reklamo ko habang inaabot ko sa kaniya ang maliit na shoulder bag ko. Tanging cellphone, pera, at inhaler lang naman ang laman no'n kaya kasya pa ang cellphone ni Izzy.
"'He taught me how to love, but not to stop.' wika ng babae sa tapat ng puntod ni Jerome," kwento ng emcee, naantig ako doon sa huling sinabi nung babae kaya na curious ako sa nangyari.
"Tungkol saan yung kwento? Hindi ko narinig!" tanong ko kay Izzy.
"Well, they met in a very unexpected way, parang tayo pero yung sakanila nagising na lang silang engaged na at nasa iisang bahay na lang," panimula ni Izzy, nakinig naman ako ng mabuti.
"Like us, hindi rin naging maganda ang simula nilang dalawa. Parehas silang nag-aaral at pinagkasundo sila na the day after ng debut ni Dayn ay ikakasal na agad sila para wala ng takas pa," lumapit ang waiter at nilapagan kami ng pagkain.
"Oh tapos?" na-eexcite na tanon ko.
"To make the story short, naging maayos rin sila but not in a way na mahal nila ang isa't-isa," nagtuloy-tuloy ang kwento ni Izzy hanggang sa gumawa na nga kami ng sariling mundo dahil sa kuwentong iyon.
"Akala ko ba Valentine's Day? Bakit parang tragic ang mga binabasang kuwento nung emcee?" reklamo ko habang maingat na pinapahid ang namuong luha sa kinuwento ni Izzy.
Inubos ko na ang huling laman ng baso ko at pabagsak na ibinaba iyon nang may maramdamang kakaiba. Hindi naman nila napansin iyon dahil malakas ang music.
Tumibok nang malakas ang puso ko at sigurado akong dahil iyon sa kaba. Nababalisa na ako kaiisip ngunit pilit kong hindi pinapakita iyon dahil alam kong malakas ang pakiramdam ni Izzy.
I started grasping of air kaya bago pa iyon lumala ay nagpaalam na ako kay Izzy na magc-cr at walang pagdadalawang-isip naman niya akong pinayagan.
Hindi niya napansin na may kakaiba sa nararamdaman ko? Mabuti naman.
Lakad takbo ang ginawa ko para lang maka-abot sa cr. Wala namang tao sa hallway kaya walang nakapansin sa akin.
Pagdating ko pa sa cr ay nanginginig kong kinuha ang inhaler ko. Buti na lang talaga ay dinala ko 'to.
Ilang minuto na akong nakapikit at pinapakiramdaman ang sarili habang nakasandal sa pader at nakaharap sa salamin. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Matapos umayos ang paghinga ko ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si mommy. Hindi ko alam kung ano o sino ang nagtulak sa akin pero narito na ako at pinakikinggan ang pag ring nito.
Lumabas ako habang hinihintay pa rin ang pagsagot ni mommy sa tawag ko. Mula sa kinatatayuan ko ay natanaw ko si Izzy sa dulo ng hallway malapit sa pinto ng closed gym.
Hanggang sa matapos ang ring ay hindi niya sinagot ang tawag ko, marahil ay busy lang ito at naiwan somewhere ang cellphone. Napagpasyahan ko na lang na mamaya na lang tawagan after ng program dito.
Lumapit ako kay Izzy. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng hallway ay nakita ko siyang napatakip ng bibig at medyo nagulat. Bigla tuloy akong na conscious sa hitsura ko. May dumi ba sa mukha ko, nagulo ba ang buhok ko, o may mali sa suot ko?
"Bakit?" tanong ko paglapit ko sa kaniya.
"You look like walking in an aisle. You look like my bride," mahinang paliwanag nito.
"Ay hindi ba ako? Sabi mo 'look like' lang ah," pagbibiro ko pa.
"Silly!" natutuwang sabi nito sabay ng pagpisil niya ng ilong ko. Hinawakan pa niya anh kamay ko at hinatak paakyat.
"S-saan tayo pupunta?" kinabahan agad ako sa mga iniisip ko dahil isa pa ay madilim ang tinatahak namin.
"Ano ka ba, Kyla. H'wag kang kabahan dahil kasama mo 'ko." he assured me at muling umakyat patungo sa rooftop.
Pagbukas namin ng pinto ay sumalubong agad sa 'min ang malamig na gabi. Agad akong tumingala para makita ng buwan pati na ang mga bituing nakapaligid rito.
Mula sa mga bituin hinanap ko ang hugis rosaryo at nang matagpuan iyon ay agad kong pinagsalikop ang mga kamay ko at nagpasalamat,
Pagdilat ko ay agad na lumiwanag ang paligid. Puno ito ng puting fairy lights at mga petals na color violet. Hindi ko alam kung favorite niya ang violet or dahil feeling niya ay gusto ko ito dahil sa BTS o talagang ito na ang simbolo ng pagmamahal niya sa 'kin.
"Did you like it?" bumaling ako kay Izzy na nasa tabi ko at hawak ang cellphone. Paano niya nakuha 'yon sa bag ko?
"Yes, pero para saan 'to?" nag play na muna siya ng instrumental music bago bumaling sa 'kin.
"Just... because," sagot nito.
"Gusto lang kita isayaw. I want our first dance to be romantic."
"First dance mo 'ko ever o ngayong gabi lang?" tanong ko habang nakatingin sa magkahawak naming kamay.
"Hindi ko alam kung nagseselos ka o pinagdududahan mo 'ko ah," tawa pa nito.
"Both!" mataray na sagot ko. "Ikaw lang. Saka ngayon lang naman kami nag prom, walang prom ang mga high school dahil hindi pa naman daw sila gumagawa ng research. Eh ikaw?"
"Ako? Mmm..." umakto pa ako na nag-iisip para inisin siya. Pero hindi man lang nagbago ang hitsura niya kaya wala na akong nagawa kundi sagutin iyon. "Wala rin kaming prom sa high school. At kung meron man ay hindi rin ako aattend dahil wala naman akong kaibigan sa school."
"I'm glad to hear that our first dance will be each other, shall we start?" aya nito na marahang tinanguan ko lang.
Patuloy sa pagtugtog ang isang malamyos na kanta, sinasabayan ang aming mahihinhin na paggalaw, ang hanging bumabalot sa pagitan namin, at ang mga ilaw na yaong nagbibigay ng liwanag sa aming mga mata.
Pero wala ng mas gaganda pa sa gabing ito kung wala ang lalaking nasa harap ko. He's the reason of all of this. Hindi ko na rin pipigilan ang sarili kong mahulog pa nang mas malalim dahil alam kong siya na... phanggang dulo.
"Inaantok ako," bulong ko habang unti-unting hinihilig ang ulo sa dibdib niya.
"Nabo bored ka na ba?" tanong nito.
"No, ang sarap lang sa pakiramdam. Napaka kalmado ng nasa paligid natin," wika ko at pumikit para lalo pang maramdaman ang lahat nang nasa paligid ko.
I am also cherishing every bit of it. Baka kasi ito na ang huli.
And this past few days ay mabilis na nga akong makalimot ayon sa kanila. Kaya natatakot akong paggising ko ay hindi ko na sila kilala dahil nakalimutan ko na sila.
Nanatili pa kami ng ilang minuto doon bago namin napagpasyahang bumaba. Inayos pa namin ang rooftop dahil mamayang pang last dance naman ay sila Zai ang gagamit nito.
"Ang tagal niyo ah! Kayo ah!" kurot ni Zai sa tagiliran ko. "Nag kiss kayo?" bulong pa niya na siyang nagpa samid sa 'kin kahit na wala naman akong iniinom.
"Paano magki kiss 'yan? Parehas 'yang mga banal, 'no!" singit ni Harvy pagkaraan ay tumawa ng malakas.
"Sigurado ka?" nakangising tanong ni Izzy. Natingin kaming apat sa kaniya at kita ang gulat sa mga mukha namin.
Nakalimutan ko na naman ba? O nanunura lang talaga siya?
"Nasaan na pala si Matte? May babae bang nag-aya?" pag-iiba ng topic ni Izzy.
"Pre, 'wag mo binabago yung usapan!" Pilit nilang binubuksan ang topic na 'yon.
"Hindi, baguhin natin!" pinandilatan niya sina Dariel at Harvy na agad naman nilang nakuha.
Matapos magkwentuhan ay unti-unti na kaming nauubos sa table para sumayaw.
"Maiwan ko na kayo ah. Yayayain ko na si Zayra," nagmamadaling tumayo si Harvy at iniwan kaming tatlo nila Matte.
"Hayst, nakakabore naman kapag walang girlfriend. Saan niyo ba nakukuha 'yang matitino niyong babae?" naghihikab na sabi ni Matte.
"Sa 11A-HUMSS," ngisi ni Izzy. Agad namang sumama ang mukha ni Matte sa narinig. "Hindi ako pumapatol sa kaklase!"
"Panindigan mo 'yan, ah!" ngisi ni Izzy.
Isinarado na muna nila ang dance floor para ituloy ang program. "Sa likod ng inyong mga upuan ay may blankong papel at may isang ballpen ang nakaipit sa mga bulaklak sa loob ng vase," agad naming hinanap iyon sa likod ng upuan namin.
"Ngayon, isulat niyo ang napupusuan niyo bilang Prom Queen and Prom King!" nagsimula ang lahat na magsulat.
"Sino isusulat mo?" tanong ni Izzy sa 'kin.
"Secret!" nagsalubong ang dalawang kilay niya sa 'kin na inignora ko lang dahil inabot na sa 'kin ni Zai ang ballpen.
Sinigurado kong ako lang ang makakakita nito bago ipinasa ang ballpen kay Izzy. Nang kinuha na ang mga papel sa 'min ay nagsabihan naman agad kami nang mga sinulat namin.
"Sila Kyla ang sinulat ko!" ani Zai.
"Kayo ni Dariel ang sinulat ko!" turo ko sa kanila.
"Kayo rin ni Izzy ang sinulat ko, ah?" sabi ni Dariel. Lumingon kaming tatlo kay Izzy na hindi pa sinasabi kung sino ang sinulat niya.
"Kayo ni Zai. Nakita ko kasing kayo ang binoto ni Kyla eh," nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Nakita mo?"
"No, base sa pagsulat mo. Nabasa ko," inirapan ko na lang siya at nakinig na sa host.
Muling binuksan ang dance floor habang binibilang ang mga boto. Tatapos lang daw ng limang kanta bago iannounce ang winner kaya hindi na nagdalawang isip si Harvy na hiramin ako kay Izzy.
"Pagbalik namin dito ay ako na ang mahal ni Kyla," bulong niya kay Izzy bago ako itakbo palayo.
Isinayaw din ako ni Matte at Dariel na puro kalokohan lang naman ang sinasabi sa 'kin. Nonetheless, I'm still happy to be with them...that I am still able to be with them.
Isinaway din naman nila si Zai at ang ibang kaibigan pa nilang babae sa section namin. Ilang saglit lang ay kapansin-pansin ang tawanan ng marami dahil sa pagsasayaw nina Travis at Kyle sa gitna.
"Pre, mahal na mahal kita!" naiiyak na sigaw ni Travis.
▪
Dala-dala ni Izzy ang kotse ko kaya sa kaniya na ako sumakay pauwi, may dala rin si Dariel na kasama si Zai at magkasama na namang uuwi sina Matte at Harvy.
"Pre, isang hatid mo pa sa 'kin mapo-fall na 'ko sa 'yo," pagbibiro pa ni Matte bago sumakay sa kotse ni Harvy.
"Okay lang pre. Sasaluhin na lang kita," tila walang choice na saad ni Harvy.
On our way home, someone called Izzy. Inihinto na muna niya ang sasakyan sa tabi para sagutin iyon. "Si mommy," wika niya bago sagutin.
"Yes po, kasama ko," sagot niya. Marahil tinanong kung kasama niya ako. "Dito ka lang. Lalabas lang ako saglit," marahan ko lang siyang tinanguan.
Sa totoo lang ay kinakabahan na ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Tinanaw ko ang likod ni Izzy habang kausap si tita sa cellphone.
Para itong naestatwa sa kinatatayuan at nakikinig lang. Ilang minuto pa siyang nakatayo doon bago ibinaba ang telepono. Ang akala ko ay papasok na siya sa kotse pero nanatili siyang nakatingin sa kawalan at saka huminga nang isang malalim bago pumasok.
Ramdam ko ang pagbabago ng mga mata niya kahit na nakangiti ito sa 'kin. "Nagugutom ka ba? May gusto kang kainin?"
"May... nangyari ba?" nagiingat na tanong ko. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan at makikita sa kaniyang mata ang pagdadalawang isip.
"Uhm... McDo. I want McDo," saad ko at nag-iwas ng tingin. Baka hindi pa siya ready'ng sabihin sa 'kin.
Pinaandar na niya ang kotse at tahimik kaming dumiretso sa malapit na McDo. Habang kumakain ng fries ay panay ang lingon ko sa kaniya dahil nawawala na siya sa sarili.
Siguro ay iaapproach ko na lang siya pag-uwi. Hindi ako papayag na matutulog siyang dala dala niya ang kung anong mabigat sa dibdib niya.
Pagdating namin sa bahay ay inihatid na niya ako sa kuwarto at walang paalam na umalis. Nagmamadali naman akong maligo para makausap na agad siya.
Ano kayang sinabi ni Tita Ilona?
Idinikit ko muna ang tainga ko sa pinto ng kwarto niya bago kumatok. Nang walang sumagot ay pinihit ko ang doorknob at tuluyan nang pumasok. "Izzy?" tawag ko nang hindi siya makita sa kahit saang sulok.
Maybe I'll ask Harvy first. Baka alam niya. Muli ay idinikit ko ang tainga sa pinto at kakatok na sana ng may marinig ako.
"Paano ko sasabihin sa kaniya?" boses ni Izzy. "W-wag na lang muna kaya?" dagdag pa niya.
"Gago ka ba? Lalong magagalit sa 'yo 'yun kapag malalaman pa niya sa iba gayong in the first place ay alam mo naman," napatakip ako ng bibig sa narinig. Ano ba 'yon? Nakakakaba naman.
Sa sobrang kaba at pagiisip ay hindi ko namalayan na kumakatok na 'ko. Kung hindi pa bumukas ang pinto ay hindi ko malalaman, lumayo ako sa pinto at nagpeke ng ubo bago magsalita.
"N-nand'yan si Izzy?" tanong ko. "Yeah, actually ay may sasabihin nga siya sa 'yo," saad niya at niluwagan ang pagbukas ng pinto.
Agad nahagip nang mga mata ko si Izzy na pinandilatan si Harvy. Hindi marahil inaasahan ang sasabihin ng kaibigan.
"A-ano..." naramdaman ko ang marahan na pagtulak ni Harvy. "Maupo ka muna," bulong nito at pinaupo ako sa harap ni Izzy dito sa kama.
Nakita ko ang pagtaas at pagbaba ng kaniyang adams apples kaya napalunok na rin ako sa kaba. Bakit ba ayaw niya akong diretsahin? Like the usual?
"Kyla, y-your parents," nahihirapang wika ni Izzy. Agad namang nag react ang puso ko sa kaba. Ako na ang humawak sa kamay niyang nilalamig.
"N-na-naaksidente sila," mahinang saad niya. Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang makitang may bumabagabag pa rin sa kaniya.
"T-they-shit! Hindi ko kayang sabihin!" tumulo ang luha niya kaya napatulala ako.
"S-sabihin mo. SABIHIN MO, IZZY!" Patunayan mong mali ang iniisip ko!
"They died!"

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YV ON

    very good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    Rosmalyn Guevarra Valle

    😍😍😍

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Obralheii

    An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜

    03/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata