Kyla Sanchez's P.O.V. "Noong graduation party ba natin 'yon? Sa bar ni Charles?" muling tanong ni Zyrille nang hindi sumagot si Harvy. Bakit ba ayaw niyang sumagot? Bakit ayaw niyang magpaliwanag? "Oo," simpleng sagot niya. Huminga ng malalim si Zyrille kaya kinabahan ako at baka mawalan na rin ito ng pasensiya. Mukha namang nataranta rin si Harvy kaya kahit nagkakanda-utal-utal ay nagsimula siyang magkwento. "S-sa ano...nasa private room tayo no'n nila Izzy a-at nagku-kwentuhan, 'di ba?" "Tapos ano...lumabas kayong lahat. N-nag paiwan na 'ko no'n dahil nga inaantok na 'ko at balak ko nang matulog doon," nanatili kaming nakikinig kay Harvy. "Sa totoo lang ay gustong mag-stay ni Zayra pero hindi ko pinayagan dahil alam kong parehas kayong lasing noon, kaya isinama ko siya sa paglabas," mahinang saad ni Zyrille. "Oh tapos?" singit ni Charles. "Hindi ko alam... nakalimutan ko na siya noong pinainom ako nang pinainom nila Siv," sabi ni Zyrille at inihilamos ang kamay sa mukha. "Bumalik siya sa private room... nagising ako nang may naramdaman akong tumabi sa 'kin and it was Zayra..." "Hindi ko na kayang pakinggan," umikot si Zyrille at tila kinakabahang ano... siguro ay naghalo-halo na rin ang emosyon. "Makinig ka muna, noong nakilala ko siya ay niyakap ko lang siya dahil nga antok na antok na 'ko noon," namumula na ang mukha ko habang iniimagine ang ikinukwento ni Harvy. Hindi ko na nga rin yata kayang pakinggan si Harvy. "And... she initiate the kissed, pero hindi ko siya sinisisi dahil nagpadala ako at mas pinalalim pa ang halikan dahilan para mawala kami sa mga sarili namin," violet na yata ang mukha ko rito, hindi na rin ako makagalaw sa kinakatayuan ko. "May I ask kung virgin ka pa ba nung araw na 'yon?" usapang lalaki na 'to, bakit pa ako nandito? Nagmumukha akong chismosa! Kaya nga ako narito ay para pakalmahin si Izzy, pero umalis na siya kaya dapat sumama na ako! "Oo," mahinang sagot niya. Nagkatinginan kami ni Charles at parang nag-usap kami na tama ang konklusyon ko kanina. "At paano kayo natigil na gawin 'yon? May pumasok ba, may witness?" seryosong tanong pa ni Zyrille. "I think Zayra came back to her senses. She pushed me at nang mauntog ako sa sahig ay saka lang din ako natauhan sa ginawa ko. Magso-sorry na sana ako pero nagmamadali na siyang lumabas. Walang kahit anong nangyari sa 'min, maniwala ka," nakita ko ang pagtulo ng luha niya kaya nag-iwas ako ng tingin. "Sorry, sorry talaga!" paghingi pa niya ng tawad, hindi ko siya magawang tignan dahil baka maiyak din ako. "Sorry din sa pagsuntok ko. Nagpadala ako sa galit," paghingi rin ng tawad ni Zyrille. "Bakit ngayon lang naikwento sa 'yo ni Zayra? B-buntis ba siya?" tanong ni Charles. "Gago hindi, matagal ko ng itinatanong iyan sa dalawang 'yan. Ngayon lang sinabi sa 'kin ni Zayra. Mukhang nakamove-on na eh," bakas sa tono niya ang pangaasar. "Balikan na ba or more like...closure na lang?" panggagatong pa ni Charles. Nauna na kaming bumaba ni Charles dahil may pag-uusapan pa raw sila, tutal ay wala naman kaming teacher ngayon. Pagbalik namin sa room ay hinanap ko agad si Izzy noong tinanong ko naman sila Zai, ang sabi nila ay hindi pa raw bumabalik since lumabas siya para kausapin si Harvy. Kaya lumabas ako para hanapin si Izzy. Pero bago pa ako makababa sa hagdan ay namataan ko na siyang umaakyat habang isinasara ang dala niyang soft drinks. "Where are you going? Hinahanap mo ba 'ko?" tanong niya sabay abot sa kamay ko at marahang hinatak pabalik sa room. "Okay ka na?" bulong ko. "Zayra is still my friend, and as a friend, I'll protect her from Harvy. I hope you understand," paliwanag niya na nagpakunot ng noo ko. "What do you mean? I fully understand what's going on," narito na kami sa harap ng pinto at huminto na muna para mag-usap. "Baka kasi isipin mong may feelings pa ako kay Zayra kaya gano'n ang inakto ko." "Actually, I almost doubt you dahil sinabi sa 'kin ni Charles. Pero kung hindi ay iisipin kong friendly gestures lang 'yon," pag-amin ko pa. "Do you trust me?" sa paraan ng pagkakasabi niya ay bakit ang sexy pakinggan? "Of course I do," walang pag-aalinlangang sagot ko. "Izzy," parehas kaming lumingon sa tumawag. "Magsimula na tayong magsagot," sabi niya sa 'kin at pumasok. "Give him time, ligawan mo para mapatawad ka," pang-aasar ko kay Harvy. "Argh, he's so childish!" kamot-ulong saad niya. ▪ Hindi na pinansin pa ni Izzy si Harvy. Kinausap ko na rin siya at ako na ang nag kwento sa kaniya nung ikinuwento ni Harvy sa 'min kahit na magkanda-utal-utal na rin ako sa pamumula. Ngunit tila natutuwa pa siya sa pagkukwento ko kaya matapos magkuwento ay pinaghahampas ko siya sa pagtawa niya. Niligawan na rin ni Harvy si Izzy para lang magka-ayos na sila. Grabe naman palang magalit si Izzy. Inaabot ng dalawang linggo. Bago ang christmas party namin ay inaya pa ako ni Zai para mamili ng isusuot at nagsi-samahan naman yung apat kaya nagbonding na rin kami. Noong mismong christmas party naman namin ay naghanda ang adviser namin ng boodle fight na... siyempre ay pinagkontrohan namin. "Hoy, Trav nakikikain 'to. Belong ka ba?" pambabatok ni Dust. Hindi ako nalilito kina Dust at Dirt dahil magkaiba sila ng section and medyo may pagkakaiba naman sila. "Oo, nga! Ang layo ng pinanggalingan mo ah!" reklamo ni Charles na punong-puno ang bibig. "Tinitikman lang eh," depensa niya sa sarili at nagtatatakbo palabas tangay ang isang saging. Matapos naming maglaro at magkwentuhan ay pina-uwi na rin kami ni Ms. Delos Santos bago pa lumubog ang araw. "Tara na! Excited na 'ko!" matapos naming palabasin ay nagkita-kita pa kami sa parking para sabay-sabay na kaming makapunta sa Ultimate at doon ituloy ang party. Natanong ko nga sa sarili ko na sobrang dalas namin doon ay may kinikita pa ba sila? Minsan ay buong 11-HUMMS pa ang invited katulad ngayon. Kasama ko sila Zai, Matte, at Dariel papunta sa Ultimate. Ayaw pa ngang pumayag ni Izzy dahil mami-miss niya raw ako. Sobrang corny, 'di ba? "Kyla, mahal mo ba talaga si Izzy? Bakit parang napipilitan ka lang sa sagot mo? Sinira mo naman yung moment!" ilang beses ko ng ipinanood kay Zai ang proposal sa 'kin ni Izzy pero iyon ang paulit-ulit niyang tanong. Sinisi niya rin si Harvy dahil matapos halikan ni Izzy ang kamay ko ay naputol na ang video, bitin daw. "Matte, sa tingin mo ba ipagpapatuloy ko pa ang paghihintay kay Zai? Imbis kasi na tulungan ako ni Kyla ay mas inilayo pa niya sa 'kin si Zai ko," sabi ni Dariel at halatang ipinaririnig sa 'kin. "Alam mo pre, ito ang advice ko sa 'yo," umayos ng pagkakaupo si Dariel kahit na nagmamaneho ay nakahanda siyang makinig sa sasabihin ni Matte. "Kapag nalaos na 'yang relasyon nila Izzy sa sistema ni Zai, saka ka pumasok, ayos ba?" bulong ni Matte ngunit narinig pa rin namin dahil kaming apat lang naman ang nandito at tahimik ang paligid. "Salamat pre, buti ka pa napaka-laki ng naitulong mo," muling pagpaparinig ni Dariel kaya medyo lumapit ako para sumbatan siya. "Sinong nagsuggest na lumipat ka sa school namin? Sinong nagbigay sa 'yo ng number ni Zai? Doon kayo nagsimula, 'di ba? So basically, ako ang naging tulay niyo sa isa't-isa!" galit na sumbat ko at kulang na lang ay itulak siya palabas sa kotse. "Wala namang sumbatan! Oo, na ikaw na naging tulay namin!" ▪ "KYLA!" tawag niya habang papalapit sa 'min. "Ah, kinikilig ako! Pwede bang akin na lang si Izzy?" bulong sa 'kin ni Zai. "Oy, narinig ko 'yon!" singit ni Dariel. "Dariel, ayos ka pa ba? Iinom na lang natin 'yan!" pandadamay pa ni Matte na narinig din yata ang ibinulong sa 'kin ni Zai. "Hindi ikaw ang mahal ni Izzy! Dapat doon ka sa mahal ka!" pangaral ni Dariel kay Zai. "Tama! Tama!" pagsang-ayon pa namin ni Matte. "Tara na sa loob!" aya ni Charles. "Ahh, so much memories," bulong ni Izzy habang iginagala ang paningin sa parking lot at palihim na hinawakan ang kamay ko. "Pre, 'wag naman masyadong PDA. Nakakasakit na kayo physically and mentally," lumingon kami sa likod at nandoon sila Matte, Dariel, at Zai. Pakiwari ko ay pinagpapalo na naman ni Zai si Dariel dahil kinikilig siya sa 'min. Funny, she's our number one fan and I can't wait for her own love story. I hope that she's okay now, about her family problem. Para mabuksan na niya ang puso kay Dariel na may sama na ng loob sa 'min ni Izzy. Pagpasok namin sa Ultimate ay nagsisimula na silang kumain. Busog pa ako dahil sa boodle fight namin kaya kumuha na lang kami ng himagas. Noong mga bandang 9 pm ay saka pa lang naglabas si Charles ng alak. Wala akong balak uminom dahil pakiramdam ko ay ako ang magmamaneho. "Kyla, hindi kita papayagang uminom dahil ikaw ang magda-drive," bulong ni Izzy sabay lagok ng alak. "Anong hindi papainumin? Ikaw nga 'tong bigay nang bigay sa 'kin ng baso!" ...na tinatanggap ko naman. "Oh, sorry babe," mahinang tawa niya. Naramdaman ko naman ang pag-init ng aking pisngi sa ganda ng pagkakatawag niya. "Gago, lasing ka na ba? Tinawag mo na 'kong babe ah," hampas ko rito pero hindi naman ako pinansin. "Oy pre, ang sarap pala uminom kapag may girlfriend, ano?" saad pa nito kay Matte. "Aba, malay ko!" galit na turan nito. Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa lumalim ang gabi. Nasa tamang huwisyo pa naman ako pero si Izzy? Hindi na yata. ▪ "Uwi na kami! Salamat!" paalam ko kay Charles habang akay si Izzy. "Anong salamat? May bayad 'to, Kyla. Isang kiss lang!" lasing na saad niya sa 'min kaya hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglabas. Isinakay ko siya sa passenger sit at tinulungan ng ikabit ang seat belt na hindi niya maikabit ng maayos. "Kaya bang mag drive ni Dariel?" tanong ko kay Zai. "Kaya pa! Minamaliit mo ba 'ko?" sabat ni Dariel. "HAHAHAHA! Sige, mag-ingat kayo at mahal ang kabaong ngayon!" saad ko at pinaharurot ang sasakyan. "Kyla, bagalan mo naman! Naliliyo ako," reklamo ni Izzy. "Hala, nakalimutan natin si Harvy!" ngayon ko lang naalala na hndi pala namin kasama si Harvy. "Oo nga, 'no?" simula yata nung naglabas sila ng alak ay hindi ko na nakita si Harvy. "Hindi ba't kotse niya 'to? Paano siya uuwi?" tanong ko pa. "Hayaan mo na siya. Doon na matutulog 'yon!" sabi nito kaya muling tumahimik ang sasakyan. Nasa tamang huwisyo pa naman ako at alam ko pa ang dinadaan namin. *beep!* Ishinake ko ang ulo ko at bumalik sa tamang linya. Hindi ko napansing nasa kabilang linya na ako, kung wala pa kaming makakasalubong na sasakyan ay hindi ko pa alam. "Izzy, malapit na tayo! H'wag ka matutulog! Hindi kita kayang buhatin. Bahala ka d'yan!" saad ko rito. Napapansin kong pumipikit na ang mata niya. "What do you mean malapit? Sa bahay o sa langit?"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
YV ON
very good
04/05/2024
0
Rosmalyn Guevarra Valle
😍😍😍
31/07/2022
0
Obralheii
An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
very good
04/05/2024
0😍😍😍
31/07/2022
0An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
03/07/2022
0Tingnan Lahat