Chapter 17

Kyla Sanchez's P.O.V.
"OHMAYGHADD! AYOKO NA!" kinakabahang sigaw ni Zai habang nakakapit sa braso ni Dariel.
"Medyo magaling pa naman yung 11A-ABM," panunura pa ni Harvy.
"'Wag ka na nga magsalita! Hindi ka nakakatulong," nguso pa ni Zai.
"Nananahimik si Kyla ah. Nag-iisip na siguro kung sino tatamaan mamaya sa mukha," natatawang sabi naman ng katabi ko.
"'Wag mo 'kong igaya sa'yo," irap ko sa kan'ya.
"Kyla, hindi ka ba kinakabahan?" tanong ni Matte.
"Konti," tipid kong sagot.
"Pwede ba 'yon? Ikaw, kinabahan ka na ba ng konti?" Curious na tanong ni Harvy sa nakasalubong naming babae. Binigyan lamang siya nito ng kinikilig na ngiti at nagtatatakbo palayo.
"Nagtatanong ako ng maayos tapos tatakbuhan lang ako?" nakangusong sabi ni Harvy.
Pag dating namin sa volleyball court ay naghanda na agad kami para sa laban. Habang hinihintay ang 11A-ABM ay hiniram muna namin ang bola at nag practice.
"Game na! Umayos na kayo!" sigaw ng referee sa 'min.
'Prrrtt!'
Nag serve ako na agad na ni receive ng kalaban, ni-receive din iyon ni Zai at nagpaulit-ulit ang ganoong eksena. Totoo yung sinabi ni Harvy na magaling sila at determinadong manalo, gaya namin.
5 - 7
Lamang sila at nag-iisip na ako ng pwede naming gawin kahit malayo pa sa 25 points ay feeling ko matatalo nila kami.
9 - 9
Patas ang laban na siyang lalong nagpainit ngayong hapon na ito.
"Kyla, set," bulong sa 'kin ni Sarah na tinanguan ko lang.
Nang pumunta sa'min ang bola ay nag-set ako na agad ini-spike ni Sarah na parang gigil na gigil kaya walang naka-receive niyon.
"Nice, gigil na gigil! Walang aawat kay Sarah ah!" natatawa kong sabi.
10 - 9
'Prrrtt!'
Nag serve ang kalaban, ni-receive iyon ni Zai and the rest are history. Nag patuloy ang pag puntos namin at ang paghabol ng kabila. Talagang nagkakasundo kami sa court na parang ine-enjoy na lang namin ang laban.
24 - 19
Last na lang at matatapos na ang first set.
'Prrrrtt!'
Nag serve si Zai ng bola na agad namang ni-receive ng kalaban. Noong pumunta sa side ko ay sinubukan ko ulit mag set saka tinawag si Sarah para iispike.
Naghiyawan ang mga nanonood pati na rin kami dahil sa pagkapanalo sa first set. Pumunta kami sa side nila Izzy para magpahinga at paghandaan ang second set. Inabutan ako ng tubig ni Izzy at pinaupo sa kaniyang tabi.
"Kyla, sino ang gusto mong matamaan sa mukha?" seryosong tanong sa 'kin ni Izzy.
"Ikaw," saad ko habang nagpupunas ng pawis.
"Izzy, kayo na ba? Akala ko ba pasasagutin mo si Kyla bago ang finals niyo?" nabilaukan ako sa sinabi ni Zai. Umubo ako nang umubo at lumayo kay Izzy.
"May ilang oras pa naman at kung hindi ko man siya mapapasagot, sisiguraduhin ko namang mahuhulog na siya," rinig kong sagot ni Izzy kay Zai.
Hindi na ako lumapit sa kanila at naghintay na lang na magsimula ang second set. Nag change court muna kami at inayos bago magsimula.
'Prrrtt!'
Nag-focus ako sa laban namin para may maitulong naman sa labang ito. Paminsan-minsan ay nagagawi ang tingin ko kay Izzy na nginingisihan lang ako.
'Prrrtt!'
Pag serve ko ng bola ay kumirot ang aking sentido kaya napatigil ako.
"Kyla," lumingon ako sa likod ko nang may tumawag sa 'kin, ngunit wala namang nanonood sa part na iyon kaya iginala ko ang aking paningin nang maalala na ganito rin ang nangayari sa 'kin nung isang araw.
Ito na naman yung mga naririnig kong boses! 'Wag ngayong nasa kalagitnaan pa ako ng laro!
"KYLA!" narinig ko ang pag sigaw nila kaya napatingin ako sa harap. Then suddenly my body froze, literally! Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko na parang may pumipigil. Kinagat ko ang aking labi habang pinipilit ang katawan na gumalaw at mag-focus sa laro.
Nakita ko ang papalapit na bola at pinilit kong igalaw ang kamay ko para mai-receive man lang iyon ngunit huli na ang lahat dahil tumama na sa ilong ko ang bola saka lamang bumalik ang five senses ko.
'Prrrrttt!'
Napaatras ako habang hawak ang ilong na natamaan ng bola, agad naman akong dinaluhan nila Zai at inihatid sa kung saan para paupuin. Nawala ako sa sarili ko at wala nang pake sa paligid kundi ang maging maayos na ulit ang nararamdaman.
"Does it hurt?" rinig kong tanong ni Izzy at binigyan ng panyo, agad ko naman iyong inilagay sa ilong ko kahit hindi dumudugo. Naliliyo ako sa pagtama ng bola at hindi pa nagsi-sink-in ang nangyari.
"Kyla? Ayos ka lang, 'nak?" lumapit sa 'min ang adviser namin para magtanong.
"Okay lang po! Buo pa naman po yung ilong ko," saad ko.
"Oh yelo! Lagay mo sa ilong mo baka mamaga 'yan," kinuha sa 'kin ni Harvy ang panyo at ibinalot ang yelo.
"Magpahinga ka muna d'yan, ha? Maya-maya ka na pumasok ulit," wika ng adviser namin.
"Yes po," magalang na sagot ko at pinakiramdaman ulit ang katawan.
Nagpatuloy ang laro at nanonood lang ako rito habang may yelo sa aking illong. "Ikaw tuloy ang natamaan sa mukha. May galit yata sa 'yo 'yon. Ang alam ko nga crush ako no'n tapos alam pa nilang nililigawan kita. May galit nga talaga sa'yo! Kailangan mo na rin masanay na maraming nagkakagusto sa 'kin," daldal ni Izzy.
"Ang sabihin mo... ako ang sumalo sa karma mo dahil sa ginawa mo kay Mark!" saad ko.
"Salamat sa pagsasakripisyo! I owe you a lot," wika niya na nginiwian ko lang.
"Anyways, bakit ka pala nawala sa sarili mo? Lumingon ka sa likuran mo, may tumawag ba sa 'yo?" tanong niya. Nag-iwas naman ako ng tingin noong tinitigan na naman niya ako ng may mapanuring mata.
"Namali lang siguro ako ng dinig kaya akala ko ako yung tinawag," Mahinang pagdadahilan ko. Medyo nawala na yung sakit ng ilong ko at hindi na ako nahihilo, pwede na siguro ako pumasok.
"So we badly need to visit Dr. Reyes," gulat akong lumingon sa kanyang sinabi.
"Anong connect? I mean pupunta naman talaga tayo sa doktor pero anong connect sa nangyari kanina? Na nabingi na ako? Namamali na ako ng mga naririnig?" saad ko..
"No, it's about your health," singit pa ni Harvy.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko kay Harvy.
Bumuntong hininga siya bago ako sagutin. "Kyla, hindi ako doktor. So, wala akong karapatan na mag-diagnose lalo na't wala naman tayong katibayan. It's just a symptoms, pwedeng normal lang naman 'yan," tumayo ako matapos niyang magpaliwanag.
"Naiintindihan ko. Papasok na ko," sabi ko at nagtungo sa committee.
Noong maka-score kami ay agad kaming nag palit doon sa sinub nila sa 'kin kanina. "Ayos ka na ah?" marahan lang akong tumango sa kanila at nag-focus na sa laro para matapos na.
'Prrrtt!'
Nagpatuloy ang laban namin at masasabi kong maayos na ang lagay ko. Buti na lang hindi na ko inatake ng kung ano-ano. Ngayon ko lang din na realize na nakakahiya palang tamaan sa mukha ng bola. Ang dami pa namang nanonood.
24 - 23
Lamang sila sa 'min at nate-tense ang kalaban dahil isa na lang ay panalo na sila para sa second set. At kapag nanalo sila ay magkakaroon pa ng third set.
Hindi kami makakapayag!
'Prrrrtt!'
Sinerve ng kalaban ang bola na agad na receive ni Keycy, na receive din iyon ng kalaban at nang gumawi sa 'kin ang bola ay nag set ako.
"Sarah!" ini-spike iyon ni Sarah dahilan para makapuntos pa kami ng isa.
24 - 24
"Tapusin na natin 'to," nakangising sabi ko bumalik na ang enerhiya mula sa nangyari kanina.
"Kyla, magse-set ako. Try mo mag spike, ha?" bulong ni Sarah sa 'kin.
"Pero--we are taking a risk, I can't do that," sagot ko.
"Just be yourself. Subukan mo walang mawawala. Ilabas mo lahat ng galit at hinanakit mo para hindi na nila ma-receive. Zai, ikaw ang mag-set para kay Kyla mag-aabang ako malapit sa net," pagpaplano pa ni Sarah na tinanguan lang ni Zai.
'Prrrtt!'
Kumabog ang puso ko nang pumito na ang referee. Wala na akong ibang magawa kundi subukan at pagkatiwalaan ang sarili na magagawa ko iyon.
Nag serve ang kalaban, ni-receive ko iyon at sa panginginig ay kamuntik pang hindi pumasok sa net, akala ko ay doon na kami mananalo ngunit na habol iyon ng kabila kaya nagpatuloy ang laban.
"Kyla, get yourself together!" tinanguan ko si Zai at huminga ng malalim.
"G!" sigaw ni Sarah noong pumunta sa gawi ni Zai ang bola na malapit sa net.
It's now or never!
Bumwelo ako para kumuha ng lakas. Tumakbo ako palapit at kinuha ang tamang tiyempo ng bola saka tumalon at ginamit ang lahat ng lakas, inilabas ang poot, galit, panghihinayang, lahat-lahat para i-spike iyon.
"NICE!"
"YESSS!"
"GO 11A-HUMSS!"
"Congrats! Uy, sorry kanina ah!" bati sa'min ng kabilang team at nag-sorry sa 'kin yung iba na sinagot ko lang na okay lang iyon at ako naman ang may kasalanan na mukha ko ang pinangsalo ko.
"Thank you! Ang gagaling nyo rin!"
"Nice game!" bati rin namin sa kanila.
Nilapitan na kami ng mga committee at ngiting-ngiti na tinanggap ni Sarah ang trophy habang kami ay naka-tanggap ng certificate.
"Congrats everyone! Manang-mana talaga kayo sa 'kin," bati sa 'min ni Charles.
"Para kay Kyla 'to! Si Kyla ang nagpanalo sa 'tin!" Inabot sa 'kin ni Sarah ang trophy na tinaggap ko rin, ibabalik ko rin naman after ng picture taking.
"Picture! Lapit kayo!" naglapitan lahat ng classmate namin at syempre nasa gitna kaming mga players.
"Naka-reserve na ang bar ko mamayang gabi, manalo-matalo iinom tayo!" mahinang sigaw ni Charles para hindi marinig ng mga teacher
"Pumunta kayo ah! Isama niyo si Kyla!" siko ni Charles kay Harvy.
"Kahit hindi mo kami ayain pupunta kami," saad ni Harvy.
"Magpapalit muna kami ni Kyla ng shirt, mauna na kayo sa basketball court," sabi ni Zai.
"Tara!" umalis kami ni Zai sa harap nila at pumuntang cr.
"Oy nakuhanan nila yung winning shot natin! Pang finale talaga!" nagkuwentuhan lang kami papunta sa cr na parang nakahinga kami ng maluwag sa nangyari.
"Ate! Congrats sa inyo!" bati sa'min nung nakasalubong naming mga babae.
"Thank you!" pasasalamat naman namin.
Nakapag palit na kami ng damit at nasa basketball court na rin kami. Hindi pa naman nila laro dahil sila ang pinaka huli. Mga bandang 5 pm siguro.
"Congrats!" nakasalubong namin sila Siv at Travis na nakipag-apir pa sa 'min.
"Salamat!"
"Punta kayo mamaya ah?"
"Syempre naman basta libre!" umalis na rin agad sila dahil nagugutom na daw sila. Marami pang bumati sa 'min bago kami makarating kila Matte.
▪
Nanood pa kami ng isang game bago ang laro nila pero parang may hinihintay pa akong mangyari kasi 'di ba... Anyway, magsisimula na nga ang laban nila.
"Magiging madugo 'to ah," nakangising sabi ni Harvy habang naglalagay ng safety gear sa braso.
"Pag natalo kayo palalayasin ko kayo sa bahay!" pabiro kong sabi.
"Grabe naman! Ganyan ka ba mag goodluck sa 'min?" naka ngusong sabi ni Izzy.
"Parang noong una kung maka-ayaw ka na tumira sa'min ah," panunura ko sa kanya
"Noon 'yon! Sinanay mo na 'ko eh," wika niya.
"Ay wow! Ako pa ang may kasalanan?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hindi ah! Ginusto ko kaya 'to, bakit naman kita sisisihin? Pero kung maiinlove ka sa 'kin... guilty ako," ngisi niya.
"Kinakagat ako ng langgam! Aray!" nagkunwaring kinagat si Harvy ng invisible na langgam saka sumali kila Charles na nasa court na at nagwa-warm up.
"No wonder that Harvy fell in love too, but you're mine na. So, ipapakilala ko na lang siya kung magkakaroon pa ng pangalawang ikaw." naalala kong bulong sa 'kin ni Izzy noong isang gabi.
"OMG! Totoo ba 'yon?" usal ko habang nakatingin sa kawalan.
"Bakit parang gulat na gulat ka? Pananagutan kita, Kyla," nabalik ako sa sarili at na-realize ang ginawa ko na namang wala sa plano.
▪
Maya-maya lang ay nagsimula na rin ang game. Napuno ang mga upuan dito dahil na rin sa mga fan girls nila, yung iba naman ay gusto lang makanood ng mga poging naglalaro ng basketball.
Habang nanonood kami at nagsisimula na ang laro ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko na nasa loob pa ng bag ko. Kinuha ko nakita na tumatawag si mommy.
"Zai! Sasagutin ko lang 'to!" pasigaw kong paalam kay Zai dahil maingay dito.
"ANO? Sasagutin mo na si Izzy?!" gulat na sigaw ni Zai at napa tigil pa sa paghiyaw ang mga malapit sa 'min na tila narinig ang sinabi ni Zai.
"HINDI! Ang sabi ko sasagutin ko lang 'tong tawag!" Hindi ko na hinintay ang sagot nya at lumabas na agad sa basketball court.
"Mommy!" nakangiti kong bungad.
["Kyla, how's life?"] masiglang pangangamusta ni mommy.
"Mmm... nag-champion kami sa volleyball! And right now, naglalaro na sila Izzy for championship ng basketball," kwento ko.
["Congratulations! At nako, alam kong sure win na 'yang sila Izzy! For sure may celebration kayo?"] Tanong niya.
"Hmm... yes! Sa bar daw nila Charles, classmate ko," dahan-dahang sabi ko na parang nagpapaalam na rin.
["That's good! Go and join them. Siguro naman ay alam mo na ang tama at mali?"] napangiti ako ng makapagpaalam ng maayos kay mommy. Last time kasi ay tinext ko lang siya at hindi na hinintay ang sagot.
"Makaka-asa kayong buo pa akong makaka-uwi!" naka-ngiti kong sabi.
["At isa pa ay nand'yan naman sila Izzy. May magbabantay sa'yo. Alam mo Kyla, kung sino ang matipuhan mo sa dalawa ay ayos lang naman sa 'min--"]
"MOMMY!" nahihiya kong pinutol ang sinasabi niya. Hindi pa nga pala alam nila mommy na nililigawan na ako ni Izzy.
Nag kwentuhan pa kami ni mommy sa kung ano-anong bagay na hindi ko na namalayan pa ang oras.
▪
"AHH!"
"Go! 11A-HUMSS!"
Sigawan ang bumungad sa 'kin pag pasok ko ng court.
Katatapos lang ng pangalawang quarter. Ibig sabihin halos 30 minutes kaming nag-usap ni mommy?
"Saan ka na naman galing?" nakataas ang kilay na tanong ni Izzy habang naka pamewang, hinahabol ang kanyang paghinga, habang pinagpapawisan.
Napalunok ako sa nakikita ko ngayon sa harap ko. Umatras ako at nailang sa atensiyon na ibinibigay niya sa 'kin. Nagsimulang mawala ang mga taong nasa paligid ko at tanging ako, si Izzy at ang puso kong kumakabog ang natira sa paligid.
"I'm asking you, Kyla Sanchez," napitlag ako nang magsalita siya, ngunit mas lalo lang nadagdagan ang nararamdaman ko to the max level.
"N-n-na-napasarap kasi ang kwentuhan namin ni m-mommy," utal-utal kong sagot at umiwas nang tingin dahil sa paninitig niya sa 'kin.
"Ah si mommy pala ang kausap, akala ko naman kung sino," sabi niya at pinunasan ang buhok nitong nabasa ng pawis saka umupo at kumuha ng tubig. Kunot- noong sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maubos niya ang isang bottled water.
"Nakiki-mommy? Kapatid kita?" hindi ko mapigilan ang bibig kong barahin si Izzy.
"'di ba mommy din ang tawag sa mommy ng future wife mo?" tanong niya kay Matte na katabi niya.
"Oo pre, pinag-uusapan niyo na ba kasal niyo? Ninong ako ng anak niyo ah--ARAY!" isa lang ang tanong ni Izzy ngunit bakit umabot na ito sa anak?
Matapos kong tuktukan si Matte ay tumayo na sila sa pagkakaupo dahil magsisimula na ang 3rd quarter.
Nakanguso naman akong tumabi kay Zai dahil sa nangyari na naman between me and Izzy.
Grabe, malala na talaga 'to. Wala na akong takas.
"Napaka-tagal mo naman! Baka nanlalaki ka na! Hindi mo man lang ako sinama. Pogi ba?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Nagkwentuhan nga lang kami ni mommy. You know na medyo matagal na kaming hindi nagkausap ni mommy dahil busy sila sa business na pinapatakbo nila, yung mga problems, sobrang complicated talaga kaya ayoko ring pasukin ang mundo nila eh."
"Unti-unti na bang naaayos yung business niyo?" Tanong pa niya.
"Hindi pa nga eh. Naghahanap na raw sila ng paraan. At ang sabi ni mommy ay mukhang matatagalan pa 'yon," saad ko at tumahimik na rin ka--ay mali. Itinigil na namin ang pag-uusap at sumigaw na lang nang sumigaw para magbigay suporta.
Nasa amin ang bola at idini-drible iyon ni Izzy. May naka-bantay sa kanya pero madali niya iyong nalusutan. Inikutan lang niya iyon at nag-shoot sa 3 points line. Hindi iyon pumasok pero nakuha iyon ni Matte at muling shinoot.
43 - 49
Konti lang naman ang lamang namin pero at least lamang kami.
Hawak naman ng kabilang team ang bola na binabantayan ni Dariel. At syempre cheer nang cheer ang kanyang number one fan na si Zai. Paglabas ko siguro ng court ay maninibago ako sa tahimik ng kapaligiran.
Naipasa ng kalaban sa kakampi niya ang bola at ang nagbabantay naman doon ay si Harvy na nakangiti pa ng nakaka-asar.
Humahanap ng tyempo ang kalaban para ipasa ang bola at ng hindi makahanap ng tiyempo ay nag-shoot na lang siya sa 3 points line. Dahil medyo malayo pa iyon sa mismong line ay hindi pasok ang bola kaya tumalon si Izzy, Charles, at ang captain ball ng kalaban para kunin ang bolang hindi na shoot.
Nakuha iyon ni Charles at agad itinakbo ang bola sa court nila. Habang na-siko naman ni Izzy yung captain ball ng kabilang team kaya napahiga iyon dahilan ng pag sigaw ng mga nanonood. Binalikan pa iyon ni Izzy at tinulungang maka tayo saka nag-usap pa sila saglit bago bumaba ng court.
"Kyla! Abutan mo si Izzy ng tubig at pamunas! Bilis!" umawang ang aking bibig sa pinapagawa ni Zai. Ano na namang naiisip nitong si Zai?
"Ha?"
"Ganito kasi 'yan! first step, salubungin mo siya. Second step, iabot mo sa kan'ya ang tubig at ang pamunas niya. Then, third step, mag-iwan ka ng salitang sa tingin mo ay hahabulin ka ng tingin ni Izzy at tuluyang ipapanalo ang laban nila!" nae-excite na kinikilig na paliwanag ni Zai.
"Nako, ayoko! Kahit naman yata tumayo lang ako sa harap niya ay naaakit na 'yon." biro ko sa kanya.
"Oo na! Pero kahit na, gawin mo pa rin alang-alang sa relasyon niyo! Eh 'di ganto na lang... gagawin ko din 'yon kay Dariel, deal?" Inilahad pa niya ang kamay niya sa harap ko.
"Seryoso ka nga?"
"Oo nga! Bilis na! Para maganda mood ni Izzy, eh 'di sure win na agad tayo!" nakalahad pa rin sa harap ko ang kamay niya.
"Seryoso nga?" tanong ko ulit habang unti-unti nang inaangat ang kamay para pumayag.
"Deal!" kinuha niya ang kamay ko at siya na ang nag-effort na I-shake iyon.
55 - 60
Natapos ang 3rd quarter at lamang pa rin kami ng ilang puntos.
Papalapit na ulit sa 'min sila Izzy. At napalunok na naman ako sa titig niya, ako yata ang naaakit dito eh! "Game na, Kyla!"
Inabutan ako ng bottled water at bimpo ni Zai, kaya wala na akong nagawa kundi tumayo. Huminto si Izzy sa mismong linya ng court at nakangiting nameywang, tila hinihintay akong lumapit.
Huminga muna ako ng malalim at ako na ang lumapit sa kan'ya. "Here," inabot ko sa kanya ang dala ko at nakangising kinuha niya ito ng dahan-dahan na para bang nagugustuhan niya ang nakikita niya.
Hindi kaya sinabihan ni Izzy si Zai na gawin ko 'to sa kan'ya?
"In love ka na ba? Ha? Ha? O baka naman pinaglalaruan mo lang yung feelings ko at pinagseselos mo si Harvy dahil siya pala talaga ang gusto mo?" mahabang paglilitanya niya.
"Uhmm... hindi ako katulad ng mga babaeng kilala mo. Kapag pumayag akong magpaligaw ibig sabihin binuksan ko na yung puso ko para sa taong 'yon, so nasa kan'ya na 'yon kung paano niya palalaguin yung nararamdaman ko para sa kanya," I genuinely smiled at him while looking at his eyes. Wala akong nararamdamang hiya sa harap niya ngayon.
"So, lumalago na ba?" nakangiting tanong niya.
"Ayon ang problema nati--" Napitlag ako at bahagyang napaatras nang hampasin niya ang poste sa tabi ko, bahagyang inilapit ang mukha sa 'kin at madilim ang tingin.
"Sabihin mong wala pa rin akong epekto sa 'yo?" naghahamong saad niya. "Meron na kaya!" nanlalaki ang matang saad ko na siyang nagpangisi sa kan'ya. Na-realize ko ang sinabi ko kaya umisip ulit ako ng isusunod doon.
"Konti hehe," awkward na dagdag ko pa saka ako unti-unting umatras at nang medyo malayo na ay tumukbo ako sa tabi ni Zai.
"Tara na, Izzy!" sinalubong ni Matte si Izzy na papunta sa gawi ko at hinatak na sa court.
"Hindi pa tayo tapos, Kyla!" sigaw nito at nagpahatak na kay Matte sa gitna ng court.
"OMG! Kinikilig na 'ko~!" pinagpapalo ni Zai ang braso ko nang magsimula ang laro.
Hindi na ako maka-imik pa at tahimik na nanood na lang.
Hindi ko na mahulaan ang nadarama ko ngayon, ang gulo--
Pero isa lang ang sigurado ako.
SI izzy Fernandez ang rason nito.
▪
Last 5 minutes na lang at lamang pa rin kami ng 3 points. Sobrang init ng laban ngayon pero hindi na ako masyadong makasigaw dahil dinadamdam ko pa rin ang sinabi ni Izzy na hindi pa daw kami tapos. May kasunod pa ba 'yon?
Na kay Harvy ang bola pero... kasi... na kay Izzy ang paningin ko.
Nagbabantay siya ng kalaban nang pinasa sa kan'ya ni Harvy ang bola tapos yung pag drible niya ay tila nag slow motion sa paningin ko at siya na lamang ang nakikita ng aking dalawang mata.
Tumira siya sa 3 points line at napa-awang ang aking bibig nang parang ngayon lang ako nakakita ng isang magandang nilalang na binuo ng maykapal na gumagalaw sa harap ko.
"Teh, laway mo," agad kong isinara ang bibig at hinipo iyon para i-check kung tumulo nga talaga ang laway ko.
"Wala naman eh!" nakanguso ko siyang siniko at nagfocus na ulit sa panonood.
"Kanina ko pa napapansin na kahit wala kay Izzy yung bola sa kanya ka pa rin nakatingin. Ay na 'ko iba na rin 'yang ngiti mo ah!" sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko.
"Parehas lang tayo eh!"
"So, inaamin mong may gusto ka na rin kay Izzy?"

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    YV ON

    very good

    04/05/2024

      0
  • avatar
    Rosmalyn Guevarra Valle

    😍😍😍

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Obralheii

    An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜

    03/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata