Kyla Sanchez's P.O.V. "Ang cute mo ngayon," hindi ko alam kung anong kulay nang mukha ko ngayong dinagdagan pa niya ang sinabi niya. "Ngayon lang?! Lagi naman akong maganda!" sinagot-sagot ko siya para lang mabawasan ang pag-iinit ng mukha ko. "I won't argue with you. I still have a lot of questions to ask and I'll give my answer as well para hindi ka na mahirapang mag-isip ng tanong but If you want to ask me about anything, let it out," mahinang paliwanag niya. "Grabe nakakakaba naman 'to, parang masahol pa 'to sa pagsali ng mga beauty pageant ah," reklamo ko. "Atleast dito masagot mo man o hindi, panalo ka pa rin para sa 'kin," banat na naman niya. Bago matapos ang gabing ito ay siguradong mag-iiba na ang nararamdaman ko sa kanya kapag pinagpatuloy pa niya iyang mga galawan niya. Naging banayad ang pag-uusap namin nang gabing iyon na hindi na namin namalayan ang oras. Inabot kami ng alas siete ng gabi sa coffee shop na iyon. Pag-uwi namin sa bahay ay wala kaming nadatnan, wala si Harvy sa bahay, noong tinawagan naman siya ni Izzy ay sinabi niyan umuwi siya sa bahay nila at doon magpapalipas ng gabi. ▪ Sabado ngayon kaya wala kaming pasok at wala na rin ako masyadong ginagawa ngayong hapon kaya naisipan kong linisin ng kaunti ang swimming pool at maligo doon. Nakalubog na ako sa tubig ng maisip na wala akong dalang pagkain, umahon ulit ako sa tubig at kinuha ang roba ngunit tutulo pa rin iyon kapag pumasok ako sa bahay. Nakaisip na ako ng paraan, tinignan ko muna ang suot ko yung kaaya- aya bago kunin ang cellphone sa may table na katabi ng lounge chair at tinawagan si Izzy. ["Bakit?"] bungad na sabi niya. "Nasaan ka?" tanong ko. ["Nasa kusina, kumakain ng pizza. Anong kailangan mo?"] nanlaki ang mata ko sa narinig. "PIZZA? Dalhan mo 'ko dito sa pool! Nagugutom ako!" anong karapatan niyang ilihim ang pagbili ng pizza? Huh?! Ilang saglit lang ay naramdaman ko na siyang dumating na may hawak na box ng pizza at sa kabilang kamay ay may hawak na slice na kinakain niya. "Naliligo ka? BAKIT HINDI KA NAG-AAYA?" bungad na tanong niya at inilapag ang pizza sa table. "Gusto kong mapag-isa," balewalang sagot ko at kumuha ng pizza. "Ahh sige, aalis na 'ko," isusubo ko na sana ang pizza ng tumayo si Izzy at akmang aalis na ng pigilan ko siya. "Wait! Kanina 'yon! Samahan mo na 'kong kumain," bumalik naman agad siya sa pagkakaupo. "Nasaan nga pala si Harvy?" pagbubukas ko pa ng topic. "Nasa kuwarto niya yata," tipid na sagot niya. "Ba--" magtatanong na sana ulit ako nang tumunog ang cellphone ko indikasyon na may tumatawag. Agad ko namang sinagot iyon ng makitang si Zai. "Why?" inubos ko muna ang pizza sa bibig bago makipag-usap ng maayos. ["SLEEPOVER TAYO!"] Inilayo ko ang cellphone sa tainga ng bigla na lang siyang sumigaw. "Saan naman?" magkasalubong ang kilay na tanong ko kahit hindi niya ako nakikita. ["Sa condo mo!"] masayang sambit niya na parang papayag ako. "Ha? Bakit?" tanong ko at kumuha ulit ng isang slice ng pizza. ["Wala naman, mukhang magandang mag sleepover eh."] ramdam kong hanggang ngayon ay may pinagdadaanan siya kaya pumayag na ako sa gusto niyang mangyari. Matapos naming ubusin ni Izzy ang pizza ay parehas na kaming naligo sa swimming pool. "HOY! ANONG KAGULUHAN 'TO?" Lumitaw si Harvy na tila kagigising lang. Tumingin siya sa table kung na saan ang box ng pizza na wala ng laman at nakasimangot na tumingin sa 'min. "BAKIT HINDI KAYO NAG-AAYA?" Sigaw niya at tumalon sa tubig. ▪ "KYLAAAA!" Tuloy- tuloy na pumasok si Zai sa kuwarto ko na may dalang isang malaking bag. "Para namang ayaw mo ng bumalik sa inyo," puna ko sa bag niya. Bumuntong hininga siya at tila nanghinang umupo sa kama ko. "Ayoko naman na talaga eh. Kaso lalong walang mangyayari kung tatakasan ko lang yung mga problema ko," saad niya at tumulala. Nanatili na lang akong tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. I am not really good when it comes to comfort thingy because I never had a friend back then. "Anyway! Kaya nga ako umalis sa 'min ay para makalimutan saglit ang mga problema ko! Tara na nga!" nagbago na ulit ang mood niya at hinatak ako palabas ng kuwarto ko. "Hindi ba tayo kasya sa isang kotse? Tinatamad akong mag-drive," humihikab na saad ni Dariel. "Kasama kayo? Akala ko ay tayong dalawa lang?" gulat na tanong ko. "Boring naman kung tayong dalawa lang! Okay na 'yan, pwede ng mga pagtiyagaan," sagot ni Zai at hinila ako papasok sa kotse ni Dariel. "Grabe naman sa pwedeng pagtiyagaan! Buti nga ay pumayag pa kami!" isinara ko na ang pinto dahil magsisimula na naman magbangayan sila Harvy. "Kyla! Yung pinto!" binuksan ko ang bintana para marinig ng maayos si Izzy. "Anong meron sa pinto?" tanong ko. Pumasok na si Dariel sa driver's seat at sa kabila si Matte. "Sasakay kami!" ipinasok na ni Izzy ang kamay niya at siya na mismo ang nagbukas, nagtataka naman akong umusog sa tabi ni Zai. "Game na!" sigaw ni Harvy ng maisara niya ang pinto at pinagkasya kaming apat dito sa likod. "Saan nga pala yung condo mo? Dapat si Kyla na lang ang nag-drive eh! Hindi ko naman alam kung saan iyon!" reklamo pa ni Dariel. "Go na! Ituturo ko na lang sa'yo yung daan," wala na siyang nagawa kundi ang sumimangot at paandarin ang kotse. "H'wag nga kayong malikot." "Napaka baho naman! Sino bang umutot!" "Kadiri naman!" "Ikaw 'yon 'no?" Ilang segundo pa lang kami sa biyahe ay kabi-kabila na agad ang reklamo namin dito sa likod hanggang sa makarating kami sa building ng condo ko. "Hay salamat! Nakahinga rin!" nag- uunahan pa kami sa paglabas ng kotse. Naging maayos naman kami bago pa kami makapasok sa building. Pagdating namin sa huling palapag ay nagreklamo na naman sila na pinangungunahan nila Harvy at Zai. "Bakit sa 15th floor?" "Oo nga! Paano kung magkaroon ng sunog?" daldal nila habang naglalakad kami sa hallway. "Hindi 'yan!" sabi ko at binuksan na ang pinto saka ako nangunang pumasok para I-welcome sila. "Wow! Ang astig naman dito!" hindi sila magkamayaw sa nakikita. Para sa 'kin ay simple at relaxing dito at aaminin kong malinis at maganda nga dahil na rin siguro hindi kami madalas dito ng pamilya ko. "Nakabalot pa yung mga libro mo! Sobrang dami mo pa palang hindi nababasa!" saad ni Zai habang tumitingin sa bookshelf ko na halos puno na ng mga libro. "Kyla! Picturan mo nga kami dito!" Lumingon ako kila Matte na naka-puwesto na sa may malaking bintana ko sa tabi ng kuwarto, naka-upo sina Harvy at Matte habang nakatayo naman ni Izzy at Dariel. "Gandahan mo ah! Dapat magmukha kaming k-pop group!" request pa ni Izzy. "Against the light naman kayo! Magmumukha kayong kinukuha na ni Lord!" tawa ko pa pero pinicturan pa rin sila doon. Matapos nilang tignan ang picture na inaprobahan nila ay nagkanya-kanyang tour na naman sila sa maliit kong condo. "Kyla, anong mayroon dito?" curious na tanong ni Harvy at itinuro pa ang pinto ng kuwarto ko. "Kuwarto ko, gusto niyong silipin?" hindi ko na hinintay ang sagot nila Izzy at binuksan ko na ang pinto. Nagtuloy-tuloy naman sila sa pagpasok at hindi ko mabasa ang reaksyon nila. "OH! MY! GOSH!" lumingon ako sa pinto at ang hindi makapaniwala at namamanghang mukha ni Zai ang aking nakita. Nakatakip pa ang kamay niya sa bibig at dahan-dahang naglakad papasok. "Maiwan ko muna kayo d'yan. Namnamin mo muna ang mga mukha nila ah?" wala sa hulog na tumango lang si Zai habang hinihimas ang mga poster ko doon. Lumabas ako ng kuwarto at hinanap sila Matte at Dariel na nasa kusina at nilalantakan na ang chocolate ko! "Kyla, penge kami ah," hindi ko na lang sila pinansin at binuksan ang ref para maghanap ng mailuluto sa hapunan. "'Wag na tayong maghapunan. Bumili na lang tayo ng maraming snacks!" sabi ni Dariel na sinang-ayunan ni Matte. "Sige, anong oras na ba?" nagkibit-balikat ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain ng chocolate ko. Pumunta na lang ako sa sala at hinanap ang cellphone ko. 6 pm pa lang naman kaya nag-search na muna ako sa internet ng mga midnight snack. Ilang saglit lang ay nagtipon-tipon kami dito sa sala para pag-usapan ang mga pagkain na kakainin namin. "Ano bang gusto niyong kainin?" tanong ko at hinanda ang ballpen at ang sticky note ko. "Order tayo pizza! Hindi ako tinirahan nila Izzy eh!" natatawa ko namang isinulat ang pizza. "Saan pala tayo mamimili?" tanong ni Zai. "No worries, may sariling pamilihan ang condo na 'to," sabi ko at inilista ang mga nakita ko kanina sa internet. "Astig naman dito! May extra pa kaya silang kuwarto? Parang gusto kong tumira dito," wika ni Matte. "Anong inumin natin?" "Bumili na lang tayo ng powdered juice," sumang-ayon ang lahat kaya inilista ko iyon. "Ngayon, pag-usapan natin kung saan tayo kukuha ng perang pambili," saad ni Harvy. Ibinigay ko naman kay Izzy ang papel at sinabing sumahin niya ang magagastos namin. "Kontro-kontro!" sigaw ni Matte. "Magkano sa tingin mo ang magagastos natin? Tapos divide mo na sa anim," tanong ko kay Izzy. "Tig-100 pesos tayo!" mabuti naman at madali silang kausap at agad na dumukot ng 100 pesos. "Si Kyla na paghawakin niyo! Ay umorder na kayo ng pizza para maagang dumating! Ako na nga!" nagbigay ako ng 200 pesos kay Harvy pambili ng pizza. "Maiwan na kami ni Matte, maghahanap kami ng mga papanoorin natin!" tumayo na kaming apat para mamili. "Parang wala akong tiwala kapag silang dalawa ang namili ng papanoorin ah," saad ni Zai habang papalabas kami. "Narinig namin 'yon!" sigaw ni Harvy. "Totoo naman ah! Mamaya rated SPG pa ipanood sa 'tin--oh my gosh my eyes!" aalis na lang kami ay magbabangayan pa ang dalawa. Paglabas namin ng condo ko ay diretso lang ang lakad namin patungo sa sinasabi kong pamilihan dito sa loob ng condo. "Maliit lang pala 'to! Paano kung wala yung iba nating bibilhin?" sabi ni Zai nang matanaw na namin ang store. "Kumpleto sila dito, kaso kailangan mong libutin ang buong 15th floor para makita ang hinahanap mo, may hagdan sila pababa sa susunod na floor kung sakaling wala dito sa floor nito yung kailangan mo," paliwanag ko pa habang pumapasok kami sa store. "Ihanda mo na yung calculator natin! Bawal tayong sumobra!" paniniko ko pa kay Dariel. "Bakit ako? Wala akong dalang cellphone, iniwan ko," ako na lang ang nagkusa na buksan ang cellphone ko at dalhin sa calculator. Nag simula na kaming mamili at kada pagkain na inilalagay nila sa basket ay tinutuos ko, mahirap na baka sumobra. "Ano pa?" nabili na namin lahat ng nasa listahan pero mayroon pa kaming natira na 50 pesos. "Ibili na lang natin ng fishball!" suggest ni Zai na sinang-ayunan namin. "Kaso wala namang frozen foods dito ah?" patanong na sabi ni Dariel at tinignan pa ako. "Sumunod kayo sa 'kin," sabi ko at isinukbit ko ang braso ko sa braso ni Zai at marahan siyang hinila pababa sa hagdan. "Paano 'to? Baka pagkamalan tayong magnanakaw!" pabulong na sabi ni Dariel na hawak ang basket. "Ikaw lang naman ang mukhang magnanakaw dito," balik na sabi ni Izzy. "Okay lang 'yan. Kada floor ay may cashier dito," kalmadong sabi ko at dumiretso sa mga frozen foods ngunit hindi ko na matagpuan si Zai sa tabi ko. Maliit lang ang store pero hindi ko siya makita, may ilang tao rin kasi na namimili ng mga frozen meat. Hawak-hawak ko na ang isang pack ng fishball ngunit tila nanghina ang kamay ko at hindi ito makabuhat kahit ang cellphone ko na hawak ko sa kanang kamay ay halos mabitawan ko na kung hindi ko lang inipit sa may bandang dibdib ko. "Excuse me," walang kibo naman akong tumabi at pinanood ang babaeng kumuha ng isang balot na hotdog. "Nakakuha ka na ba?" lumingon ako kay Izzy at tahimik na umiling. "Ako na ang kukuha," marahan lang akong tumango at habang kumukuha siya ng fishball ay shinake ko ang aking kaliwang kamay upang bumalik ang enerhiya nito. "Tara na! Magluluto pa tayo--nasaan si Zai ko?" tanong ni Dariel nang mapansing hindi namin kasama si Zai. "As usual nawawala na naman," sabi ko at itinago na sa bulsa ang cellphone. "Oh bayaran niyo na. Hahanapin ko lang si Zai," inabot sa 'kin ni Dariel ang basket, nag-aalala man na hindi ko iyon mabuhat ay kinuha ko ito gamit ang dalawa kong kamay. "Akin na, ihanda mo na yung pambayad," agad namang kinuha sa 'kin ni Izzy ang basket at dumiretso sa cashier. Muli kong shinake ng palihim ang mga kamay ko bago kunin ang 400 pesos sa bulsa ko at ibigay iyon kay Izzy. Habang hinihintay ay sinubukan kong kumuha ng tamarind powder na nasa bote at maayos ko na itong nabubuhat. Para akong nabunutan ng tinik nang mabuhat ko na ng maayos iyon. Normal pa ba yung nangyari sa 'kin? "Ayos ka lang? May gusto ka pa bang bilhin?" agad akong lumingon kay Izzy at malapad na nginitian saka umiling. "Okay, let's go." Paglabas namin ay nandoon na sila Zai at masayang nagkukwentuhan. "Tara na! Nagugutom na 'ko!" umakyat kami sa hagdan dahil isang palapag lang naman at mas tatagal kung maghihintay pa ng elevator, baka makasabay pa namin ang pizza delivery ni Harvy. "Kyla, para saan yung hagdan na 'yon?" tanong ni Zai pag-akyat namin sa 15th floor at itinuro ang paikot na hagdan sa gilid na katapat nung store. "Rooftop. Open for all naman 'yan kaya pwede sa lahat," sabi ko pa. "Parang tinagalog mo lang ah?" wika ni Izzy. "Sus! Pwede na 'yon! Kapag pinagpapaliwanag nga tayo ng teacher tinatagalog lang natin eh!" sinang-ayunan namin ni Dariel ang sinabi ni Zai. ▪ "Hoy nand'yan na yung pizza!" hampas ko kay Harvy nang marinig ang pagkatok sa pinto agad naman niyang iniwan ang ginagawa at tumakbo sa pinto. Nagsisiksikan kaming anim dito sa kusina at nagkakagulo sa pagluluto. "Yung mga luto na ay ilagay niyo na sa lamesa at h'wag na kayong bumalik dito!" naiistress na sambit ni Zai. "Oh Kyla dalhin mo na doon, ayokong napapagod ka," inabot sa 'kin ni Matte ang isang platong puno ng tinapay na may palaman ng itlog at ketchup sa loob saka ako tinalikuran kaya wala na akong nagawa kundi umalis doon at samahan si Harvy sa sala. Paglabas ko ay wala si Harvy ngunit nasa lamesa na ang pizza kaya iginala ko ang aking tingin at natagpuan ang cr na may ilaw kaya siguradong nagpapalit na iyon ng pajama. Dumiretso ako sa kuwarto ko at naghalukay ng pajama para makapagpalit na rin pagtapos ni Harvy. Nang makapaglinis na ay nagpaalam naman ako kay Harvy na lalabas lang. "Saan ka pupunta?" "Sa labas lang," "Saan? Exactly? D'yan sa labas ng pinto?" hinawakan ko na ang doorknob at binuksan ito saka lumabas, bago isara ay sinabi ko kay Harvy kung saan talaga ako pupunta. "Roodtop," mabilis na sabi ko at isinara ang pinto saka tumakbo paakyat sa rooftop. Pagsara ko ng pinto ng rooftop ay nakangiti akong lumanghap ng hangin at naglakad papunta sa gilid at pinagmasdan ang paligid. Tuwing dito ako natutulog sa condo ko ay lumalanghap ako ng hangin para magpahinga, mag-relax, o magkaroon ng time sa sarili bago matulog. But today is kinda different, something is wrong and I can't figure it out. "Kyla!" lumingon ako sa pinto at nakitang sunod-sunod silang pumasok sa rooftop. "Wow, ang ganda dito!" natutuwang iginala ni Zai ang mata niya sa paligid. Kami lang ang tao ngayon dito kaya malaya silang gawin ang gusto nila. Nag-ikot-ikot sila habang diretsong naglakad sa 'kin si Izzy. "Ikaw ang pinaka magandang tanawin na nakita ko sa lugar na 'to kaya sa 'yo ako lalapit." wika niya at tinabihan ako. "Corny mo," sabat ko pa. "Minsan na lang bumanat ayaw pang kiligin," nakangusong bulong niya sa sarili pero tila pinaparinggan ako. "Try harder," bulong ko sa kanya at humilig sa railings saka tinitigan ang mga bituin sa langit. I figured it out. The thing is, everything around me are perfect, I'm happier now, I am calm, and that is wrong. I'm afraid that everything will be upside down. ▪ "Buksan niyo na yung tv!" nagkanya-kanya na kami ng upo nang binuksan ni Harvy ang tv na naka-connect sa cellphone niya. "Anong papanoorin natin?" tanong ni Izzy sa tabi ko. "Walang kissing scene dito," agad na sagot ni Harvy. "Sabi ko anong papanoorin! Napaghahalataan ka Harvy," ngisi ni Izzy. "Ikaw, 'wag kang pa-inosente!" napipikon na sabi ni Harvy. "Sino may sabing inosente ako?" patawang sabi ni Izzy. "Tama na 'yan mga pre, konti na lang magkakabunyagan na kayo HAHAHAHAHA!" Awat ni Matte habang kumakain ng sandwich. Tumahimik na rin ang paligid nang magsimula ang palabas, sinasabayan na rin namin ng kain bilang hapunan. Pagabi nang pagabi ay parang mas tumitindi ang takot na nararamdaman ko sa bawat horror na ipinapalabas. "Ano ba 'yan Harvy!" kada may maghahalikan sa tv ay si Harvy ang sinisisi nila. "Hindi ko kasalanang magpadala sila sa tukso! Pumikit na lang kayo!" ang laging sagot naman ni Harvy. "Sino namang makakatulog kung puro horror ang pinapalabas niyo?" reklamo ni Dariel. "Pagtapos nito ay tragic romance na," nakangising saad ni Harvy. "Sabi na eh, hindi pwedeng walang gano'ng genre," sabi ni Izzy at binato si Harvy ng unan sa mukha. "Pampatulog nga 'yon kaya ko dinala sa huli eh!" kinuha ko ang baso para uminom ngunit wala na 'yong laman, wala na ring laman yung pitsel ng tubig kaya no-choice ako kundi utusan si Izzy. "tubig?" nakangiting sabi ko at inabot sa kanya ang pitsel. "Alam mo, tumayo ka d'yan at isiping pagsubok lang ang lahat," nag-usok ang ilong ko sa narinig at sinamaan siya ng tingin. "Joke lang," agad na bawi ni Izzy at kinuha sa 'kin ang pitsel saka nagmamadaling pumunta sa kusina at binuksan ang ilaw doon. "Lakas mong utusan si Izzy ah. Ni hindi nga mautusan ni tita 'yan HAHAHAHAHA!" Pagbalik ni Izzy ay natapos na ang palabas at sumunod na nga ang tragic na romance na sinasabi ni Harvy. Tumahimik ang lahat at nag-focus sa pinapanood. "Paano tayo makakatulog kung tragic yung palabas?" mahinang tanong ko. "Eh 'di matulog ka na para hindi mo na abutan yung part na mamamatay yung bida- Aray!" nagliparan ang mga unan namin kay Harvy sa pang-iispoil niya, nadamay pa si Matte dahil magkatabi sila.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
YV ON
very good
04/05/2024
0
Rosmalyn Guevarra Valle
😍😍😍
31/07/2022
0
Obralheii
An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
very good
04/05/2024
0😍😍😍
31/07/2022
0An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
03/07/2022
0Tingnan Lahat