Kyla Sanchez's P.O.V. Kahit na sabihin at paniwalaan mo ang sarili mo na ikaw ang pinaka the best, ikaw na ang pinaka magaling, kapag hindi ikaw ang nanalo ay mai-insecure ka. Sasabihin mo sa sarili mo na 'Ah may mas magaling pala sa akin', 'Akala ko enough na yung mga pinakita ko, hindi pa pala'. Na parang sa lahat ng ginawa at pinagdaanan ko kulang na kulang pa rin. Pero ng dahil sa kanila, pinaniwala nilang enough na ako, magaling ako, at deserve naming mag celebrate para sa araw na 'to. Nanalo man o hindi. "Nasaan na sila Harvy?" tanong ko pagpasok namin sa kotse ko. Sa likod nila ako pina upo at si Travis or si Siv? Ang may hawak ng manibela habang katabi ko naman si Zai dito. Simula kasi nang dumugin nila ako kanina ay hindi ko na nakita sila Izzy at Harvy. "Si Harvy ba talaga ang hanap? O yung kaibigan?" tanong ni Siv? "Teka, sino ka ba?" tanong ko sa naka-upo sa passenger seat. "Ito naman, nagbibiro lang ako hindi na agad ako kilala," nagsimula na kaming lumabas ng school. "SERYOSO KASI! Hindi ko kayo ma-identify eh!" natawa sila parehas kaya sinamaan ko sila ng tingin kahit hindi nila ako nakikita. "Mas pogi ako, Kyla," sumilip sa salamin yung nagda-drive. "Ang panget-panget mo nga!" reklamo agad ng kambal niya. "Magkamukha lang tayo eh!" Parehas kaming nagpigil ni Zai ng tawa ngunit pareho ding nabigo kaya ipinaglakasan na namin ang pagtawa. "Magka-ugali pa! Buti hindi nalilito sa inyo sila Charles?" sabat ni Zai. "Mas mabait ako!" agad na dugtong ni...? ahh basta sabi nung nagda-drive. "Ako ang mas mabait! Kyla, Zai, ito ang tandaan niyo ah." humarap sa 'min yung nasa passenger seat. "Huwag kayong maniniwala sa sasabihin niyan! Bibilugin lang niyan ang mga utak niyo!" "Travis San Jose! Manahimik ka na nga d'yan! Nakikita niyo ba 'to?" tinuro ni Siv ang right jaw line niya na may tatlong maliliit at magkakasunod na nunal. "Tatlo yung sa 'kin. Dalawa lang ang kay Travis," parehas kaming lumapit ni Zai para makita ang nunal nilang isa lang ang pinagkaiba. "H'wag mo sabihing hahanapin at bibilangin pa namin ang nunal niyo para makasigurado?" um-agree naman ako sa sinabi ni Zai. "Mas malaki ang muscle ko kaysa kay Trav! Tamad kasi 'yan!" Ipinakita pa niya sa 'min ang braso niya at binunggo ang kay Trav. Baka nakakalimutan niyang nagmamaneho si Travis? Paano kung mabangga kami? Maililigtas ba kami ng muscle niya?! "Mas maganda naman ang pangalan ko kasya sa 'yo, Tarsiv San Jose!" naitikom ni Siv ang bibig at masamang tumingin kay Travis! "Nauna ka lang lumabas! Nakikipag-unahan kasi 'to! Paano kasi hindi alam ng magulang namin na kambal ang nasa tiyan niya kaya ang ginawa binali-baliktad na lang yung Travis. Eh 'di sa susunod na lumabas mapupunta ang Tarsiv na pangalan," sumbong sa 'min ni Siv masamang- masama ang loob. "Wala ka ng magagawa, little brother," panunura pa ni Travis. Umayos na ng upo si Siv at tila nawalan na ng gana mikipag-usap. "Buti pa sina Dust and Dirt, kahit alikabok at dumi ang pangalan ay maganda pakinggan," sabi ni Siv at malalim na bumuntong hininga. "Iinom mo na lang 'yan. Nandito na tayo," Huminto kami sa harap ng Ultimate. Bali, sa harap ng mismong bar ang parking lot at nandito pa kami sa labas ng parking lot. "Talagang paglalakarin mo kami?" tanong ko kay Travis. "Yep, labas na!" nagtataka ko siyang tinignan pero parang seryoso siya sa sinabi kaya wala na akong nagawa nung pinagbuksan ako ni Siv ng pinto. Tabi kami ni Zai na naglalakad papasok sa parking habang nauunang naglalakad si Siv, si Travis naman ay naiwan sa kotse ko dahil ipapasok daw niya ito sa parking, MAY SALTIK TALAGA ITONG MGA 'TO! "Kyla, 'wag ka mabibigla ah," nilingon kami ni Siv at sinabi iyon, wala pa man ay kinakabahan na 'ko. "Ha? Bakit?" nakita ko mula sa kaliwa ko ang paglabas ni Harvy mula sa kanyang kotse, may hawak itong tiara at nakangiting naglalakad palapit sa 'kin. "Congrats! Panalo ka pa rin sa puso ko," uminit ang mukha ko sa narinig, seryosong-seryoso kasi ang pagkakasabi niya habang isinusuot sa 'kin ang tiara. "Bakit sa'yo lang? May puso rin naman kami ah?" gatong ni Zai at inabutan ako ng isang bulaklak na blue na may balot na plastic na tila ba isa itong edible. "Nakakain ba 'to?" tanong ko. "Oo naman! Ayaw mo raw kasi sa bulaklak kaya ang ginawa nila ay nakakain na bulaklak na lang! 'Di ba, ang galing!" natutuwang pahayag ni Zai. Habang naglalakad kami ay unti-unting nagsilabasan ang mga schoolmates namin na may mga dala ring bulaklak na bigay sa 'kin ni Zai. Oh my god, this is so weird, confusing, and--*sigh*--kinda sweet. "Sinong may pakana nito? Masyado akong pinapakilig!" nagbibiro kong tanong matapos nilang ibigay sa akin ang mga bulaklak. "Oy! Sino raw may pakana! Lumabas ka na, masyado ng kinikilig si Kyla dito oh!" hinampas ko ng pagkalakas-lakas si Harvy nang isigaw niya iyon. "Joke lang 'yon--" natigilan ako ng tumugtog ng malakas ang isang pamilyar na kanta. Now playing : I Need You by BTS Nahawi ang daan sa harap ko at sa hindi kalayuan ay nakita ko si Izzy na nakatalikod, suot pa rin ang formal attire niya gaya ko. Pagtungtong ng chorus ay mag-isa niyang sinayaw iyon sa harap namin. Puro at damang-dama. Umaapaw ang kakisigan at ang ekspresiyon nitong sinasabing kailangan niya ako. Nakatayo lang ako dito at hindi alam ang dapat na maramdaman, halo-halo, iba-iba, masarap na nakakahiya, na gusto na lang magpalamon sa lupa. Hindi pa man natatapos ang kanta ay pawisang naglakad papalapit si Izzy sa 'min. Sa kaba ay napahakbang pa ako paatras at itinakip ang mga bulaklak sa mukha ng maramdaman ko ang kanyang tingin. Lord, ako ba yung love niya? Ehhh! Nahihiya ako! Kunin mo na 'ko, Lord! "Kyla," inilabas ko ang mata ko mula sa mga bulaklak at itinaas ang dalawang kilay sa pagtawag ni Izzy. "'Di ba, sinabi ko sa'yo na may nagugustuhan na 'kong iba?" naiiyak ako at gusto nang magiwas ng tingin ngunt hindi ko magawa. "Oo, at ako 'yon?" mahinang tanong ko. Kinagat niya ang kanyang labi ngunit hindi rin napigilan ang pagngiti. "Paano mo nalaman?" tanong niya pa kaya naman bumuntong hininga ako at ibinaba na ang mga bulaklak mula sa mukha ko. "Sa tingin mo ba gagawin mo lahat ng 'to para lang aminin mismo sa harap ko na si ano pala ang gusto mo?" medyo mataray na sabi ko. "Panira ka talaga ng moment. Tara na nga--ay wait lang pala," may kinuha siya sa kanyang bulsa. Dalawang itim na adjustable bracelet, na manipis. "Ito ang sa 'yo. Waterproof 'yan kaya no need ng hubarin lagi," kinuha niya ang kaliwang kamay ko na may hawak na mga bulaklak at doon inilagay ang bracelet. "Salamat," nahihiya kong sabi. "Anong salamat!? Wala kang dapat ipagpasalamat dahil pinili kong gawin lahat ito para sa 'yo," pakiramdam ko ay kulay violet na ang mukha ko sa sobrang init. "Nagpapasalamat lang ako kasi tinanggap at minahal mo kung sino ako. Pero, sure ka ba sa 'kin? Pwede mo pang bawiin," saad ko. "Kyla naman, you're unbelievable! Anyways, since I made myself clear to you. Liligawan na kita ah," hindi agad ako nakapagsalita sa narinig. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. "Manliligaw ka? Bakit?" Mahinang tanong ko. "Alam mo, it doesn't matter to me kung may nararamdaman ka na sa 'kin o wala pa. I can and I will work on that, basta payagan--" pinutol ko na siya sa kung ano mang sasabihin niya dahil gusto ko ng magpalamon sa lupa. "Oo na, sige na nga!" Sabi ko at nilagpasan siya para pumasok na sa bar dahil kami na lang ang naiwan dito sa labas. Nakangiti siyang sumunod sa 'kin sa loob, pagpasok namin ay sinalubong naman ako ni Zai at sinamahan sa cr para magpalit. Matapos magbihis ay bumaba na kami, suot ko ay yung ginamit ko sa casual wear dahil hindi naman ako prepared na may magaganap na ganito, mabango pa naman kaya go lang. Suot ko rin ang korona na bigay ni Harvy dahil sa nag-insist si Zai na isuot ko ito. Pagdating namin sa upuan nila Harvy na nasa tabi ng bar top, nandoon pa nga si Charles na may suot na apron habang ineentertain ang mga babae niya. Wala akong nagawa nang umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Izzy, tila pinagplanuhan ng mabuti. "Paano ba 'yan, Dariel. Nanliligaw na si Izzy," nakangising panunura pa ni Matte. "Mas una pa rin kami ni Zai! Nirerespeto ko lang ang desisyon niya na friends MUNA," diniinan pa niya ang salitang 'muna' para iparating na hindi doon natatapos ang relasyon nila. "Kyla, hindi ko makabit--atsaka ikaw ang gusto kong magkabit, baka sabihin mo na naman na ipakabit ko kay Harvy, inunahan na kita," ibinigay sa 'kin ni Izzy ang kapareha nung ibinigay niyang bracelet sa 'kin at iniharap ang kanyang kaliwang braso. "Ewan ko sa 'yo," sabi ko pero ikinabit pa rin ang bracelet sa braso niya. Habang kinakabit ay naramdaman ko ang kanyang tingin kaya tinignan ko siya gamit ang peripheral vision ko at nakitang tinutunaw niya ako sa kanyang ngiti. ▪ "Ipapadala mo sa 'kin lahat 'to, tapos ang dadalhin mo ay yung gamit ni Kyla?! Lalayas na 'ko dito," reklamo ni Harvy pagpasok namin sa bahay. Oo nga pala, nangako ako kay mother nature na kapag natalo ako ay palalayasin ko sila, kaya ko ba? Hayaan mo na nga, promises meant to be broken naman eh. Nakasunod sa 'kin paakyat si Izzy habang hirap na umaakyat si Harvy na nangunguna sa pa-akyat. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa aking kama ang tatlong bouquet. Tinignan ko muna si Izzy na marahang tumango lang bago nilapitan ang mga iyon. "Ngayon ako magsisimulang manligaw, ngayon pa lang ay sasabihin ko ng hindi ako sweet na tao kaya please bare with me," ANONG HINDI SWEET? Hindi pa ba sweet sa kanya iyong mga ginawa niya? "Mauuna na ako, magpahinga ka na rin at may pasok pa tayo bukas, bye," hindi ko siya nilingon hanggang sa maramdaman kong naka- alis na siya. Nagmamadali akong naligo at nakangiting nilapitan ang tatlong bouquet na bigay ni Izzy. A bouquet of chocolate, bouquet of books, and a bouquet of BTS Merch! "I am not ready for commitment and courting thing, but if it is Izzy? I can be more than ready." ▪ 5:24 a.m Papunta ako sa condo ko para ilagay ang mga ibinigay sa 'kin ni Izzy. Actually ay mga bandang 1 am na ako nakatulog at maaga rin akong nagising. Para bang nakahanap ako ng mga reasons para gumising tuwing umaga. Pagpasok ko sa condo ay hinihingal kong ibinaba sa sofa ang mga chocolate, BTS Merch, at tatlong libro, iniwan ko ang ibang libro sa bahay para naman may mabasa ako doon. Hindi ko namalayan ang oras dahil nalibang ako sa aking paga-ayos. Napatayo ako nang makita ang oras, 7:15 am ay kailangang nasa school na kami dahil pagdadamuhin sa gitna ng init ang male-late at 7 am na ang oras. Kaya kahit hindi pa ako naga-almusal ay nagmamadali akong bumaba at pumunta sa school. Mabuti na lang ay nakahanda na ang maliit na bag na dadalhin ko. Naka-silent ang cellphone ko kaya hindi ko napansing tumatawag sila Zai kanina, pagpasok ko sa gate ay sinabihan pa ako nung guard na sakto ang dating ko dahil 7:14 am na. Pagdating ko sa parking lot ay nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Zai para malaman kung nasaan sila. ["KYLA! SAAN KA NAG SUOT? NA-LATE KA B--KYLA! WHAT THE FVCK! BAKIT HINDI KA MAN LANG NAGPAALAM? Sinisi ko pa si Mark sa pagkawala mo! Baka pinagtatawanan na ako no'n!"] pakiwari ko ay inagaw ni Izzy ang cellphone mula kay Zai. "Uhmm, I'm sorry. Let me explain pero nasaan ba kayo?" mahinahong tanong ko. Feeling ko ay kakainin ako ng buhay ni Izzy. "Nandito sa canteen, bilisan mo," kinabahan naman ako ng slight dahil sa maotoridad na sabi ni Izzy, mapapagalitan na naman ako. 7:30 magsisimula ang flag ceremony at ang opening of the games namin sa tapat ng grade 10 building kaya may oras pa akong kumain. Pagpasok sa canteen ay imbis na hanapin sila Izzy ay dumiretso muna ako sa vendo machine para bumili ng hot chocolate at tinapay. Natagpuan ko sila kung saan sila nakapuwesto nung pinilit nila akong sumali sa Mr. And Ms. Intramurals. Umupo ako sa tabi ni Zai sa dulo. "Explain," hindi ko tinignan si Izzy dahil ramdam ko na agad ang malalamig niyang tingin. Humigop muna ako ng hot chocolate bago siya tignan na nasa harap ko lang. "Pumunta ako sa condo k--" "Bakit?" hindi pa man natatapos ang sasabihin ko ay tinanong niya agad ako. Why do I need to explain myself ba? I can do whatever I want! "Okay, uhmm inayos ko yung mga binigay mo sa 'kin kagabi sa condo, hindi ko lang namalayan ang oras," pahina nang pahina kong sabi. "Okay," hindi makapaniwalang tinignan ko siya. 'Okay' lang? Matapos ang lahat? "Hindi ka nag-almusal 'no?" basag ni Harvy sa seryosong pag-uusap namin. "Hindi nga hehe," sagot ko at awkward na tumawa. Habang iniinom ang hot chocolate ko ay nararamdaman ko pa rin ang tingin ni Izzy kaya kahit anong mangyari ay hindi ako lilingon sa kanya. "Na late ka?" tila excited na sabi ni Zai. "Magdamdam ka na dahil I'm just in time," sura ko sa kanya. "Sayang. Anyways, tikman natin 'to!" nagulat ako nung hawak niya ang anim na chocolate flower na dala ko. "Go lang. Tig-iisa tayo," pinamigay ni Zai iyon at inilapag sa harap ko ang dalawa. Pinanlakihan ko siya ng mata ngunit nginisihan lang niya ako. Jusko naman! Hanggang kailan ako pahihirapan ni tadhana? 'wag ko na lang kaya ibigay? Tutal siya naman ang nagbigay eh hehe.. "Kung para sa 'kin 'yan bakit ayaw mo pang ibigay? Naghihintay ako, Kyla," dahan-dahan ko siyang tinignan at ang kilay niyang nakataas ang sumalubong sa 'kin. Nang magtama ang paningin namin ay saka pa lang siya ngumisi kaya nawala ang kaba ko at umayos ng upo, hindi na siya galit, sa wakas. "oh," kinuha ko ang isa at inabot sa kanya, mas lumawak naman ang ngisi niya saka kinuha. "Ano kayang mangyayari sa kanila? Hindi sila sweet pareho! Sabi ko naman sa'yo Kyla, ako na lang eh! Mamahalin kita ng buong-buo!" wika ni Harvy. "Tayo yata ang mamomroblema kapag nag-away 'tong dalawa," tawa pa ni Matte. "Hoy! For your information, hindi pa nahuhulog si Kyla, nakakapit pa eh! Ayaw bumitaw, natatakot kasi," siniko ko si Zai dahil sa pinagsasabi niya. Dahil totoo iyon. "Pustahan tayo ng limang piso, tinatago lang ni Izzy yung sweet side niya kasi para kay Kyla lang daw iyon," binato ko ng baso sa mukha si Harvy. "Yuck! Kadiri ka!" matapos kong sabihin iyon ay tumahimik sila saglit at saka tumawa ng pagkalakas-lakas. "HAHAHAYU-HAHAHA! YUCK DAW! HAHAHAHA!" Halos maubusan ng hiningang panunura ni Matte kay Izzy. "Payag ka, pre? Yuck daw HAHAHAHA!" Panggagatong ni Dariel. Kaya naman tumingin agad ako kay Izzy para magpaliwanag. "That's not what I meant!" Iwinasiwas ko pa sa harap niya ang kamay niya para hindi siya maniwala. "It's okay, sabihin mo lang nang sabihin hangga't hindi ko pa pinaparamdam sa 'yo," matapos niyang sabihin iyon ay tumunog ang bell indikasyong kailangan na naming pumunta sa harap ng grade 10 building. "AHHH! AYOKO NA! HINDI PA SILA NAGSISIMULA, NILALANGGAM NA 'KO!" tumayo na sila Zai kaya nagmadali akong sumunod sa kanila, talagang iniiwan na nila ako kay Izzy eh! Pagdating namin sa harap ng building ay ibinaba namin ang mga bag namin sa isang gilid at pumila, nagsimula agad ang flag ceremony dahil may magaganap pang opening of the games. Suot ang aming jersey uniform ay binigyan kami ng tigi-isang colour party poppers. "Gusto ko color blue!" reklamo ko nang bigyan ako ni Harvy ng color red. "Palit tayo," inabot sa 'kin ni Izzy ang kanya at walang pagdadalawang isip na tinanggap iyon. "Thank you!" nakangiti kong sabi ng malamang color blue iyon. Matapos mabigyan ang lahat ay pinamunuan ni dean ang pagsisimula. "In the count of TEN!" nagsimula ang countdown at masaya naman kaming nakibilang. "NINE! EIGHT! SEVEN! SIX! FIVE! FOUR! THREE! TWO! ONE!!" Makulay at masaya naming sinalubong ang pagsisimula ng mga laro. Kabi-kabila rin ang kamera habang may kulay na nakikita sa paligid kaya hindi na kami nagpahuli. "Dariel! Picturan mo muna kami ni Kyla!" we genuinely smile at the camera. Then, Dariel passes me the camera to take them a picture. "Sarah! Pa-picture naman kaming apat! Mahirap maging single kaya groupie na lang!" inagaw sa 'kin ni Matte ang kamera at pinakiusapan si Sarah na madali namang kausap. "Kyla! Tara!" matapos niyon ay lumapit sa 'kin si Izzy at hinila ako palapit sa isang photographer. Bago iyon ay humarap muna siya sa 'kin at inayos ang buhok ko. "Ayusin mo naman ang mukha mo! Ipapa-frame ko 'to," inagaw ko ang sariling buhok at ako na ang nag-ayos saka humarap sa kamera. "Mas bagay nga kayo! Iba ang chemistry! Kayo na ba?" tanong nung photographer matapos kaming kuhanan. Agad naman akong sumagot. "Ay hindi po!" awkward pa akong tumawa. "Hindi PA po," pinagdiinan pa ni Izzy ang salitang 'pa'. "Ay na 'ko mga kabataan talaga! Oh siya, diyan na nga kayo, pag-usapan niyo 'yan ha?" sabi niya at umalis na, sasamaan ko sana siya ng tingin pero naiilang ako sa tingin at ngiti niya kaya bumalik na lang ako kila Zai. ▪ Binigay sa 'min kanina ang mga schedule ng laro at nangarag agad sila Izzy nang malamang first game sila sa basketball. Kaya heto kami ngayon sa court at pinapanood silang maglaro, dikit na dikit ang laban at seryoso ang kanilang mga mukha. Akala ko ba ay mag-enjoy? Bakit ang seryoso nila? Ano bang prize nila bukod sa trophy? Hindi kasi ako nakikinig eh. Natapos ang 3rd quarter na lamang ang kalaban kaya masama ang hubog ng kanilang mga mukha paglapit sa 'min. "Okay lang 'yan! May isang quarter pa naman!" pang-eencourage ko pa kay Izzy na nakabusangot na. "Oo nga! Kaunti lang naman ang lamang eh!" saad ni Zai. "Back to the ball game!" naging mas mainit ang laban at lahat kami ay kinakabahan. Tuwing napapahiyaw nga ako ay hindi ko na nakikilala pa ang aking sarili. "11A-HUMSS FOR THE WIN!!" Naghiyawan kami at nawala ang kaba na bumabagabag sa 'min ng manalo. Kung kanina ay binabalutan ng masasamang elemento ang paligid, ngayon ay magaan na ito at nilibre pa kami ng ice cream. ▪ Third day of our intramurals at nakasaad sa schedule na may laro kami ng volleyball girls and boys. "Kyla, kaya mo 'yan! Tandaan mong patay na patay sa 'yo si Izzy. Ibuhos mo lahat ng galit mo!" bulong sa 'kin ni Matte na agad namang nakatanggap ng batok mula kay Izzy. Hindi na ako makapagsalita sa sobrang kabang nararamdaman ko. Nasa loob na kami ng court at inaayos ng referee ang puwesto namin. Ilang beses akong huminga ng malalim at palihim pang ishinake ang kamay para mabawasan man lang ang kaba. "Guys! Enjoy, ha? Enjoy lang," mahinang payo sa 'min ni Sarah na tinanguan lang namin. 'Prrrrrt!' Si Zai ang unang nag serve ng bola na sucessful namang umabot sa kabila. Hindi ko tinitignan ang score namin at nag-enjoy lang katulad nila. Kaya ang ending ay panalo kami sa first set. "Guys! Tuloy niyo lang! Kaya natin 'to!" Nag-enjoy na lang kami the whole game, hindi iniintindi ang mga nanonood at ang score na nagpanalo sa 'min. "Nice! Sa susunod ay huwag na masyadong makampante, grade 10 lang ang kalaban natin kaya easy lang tayo ngayon," pangwakas na wika ni Sarah bago umupo, nagsunudan naman kami at naki-upo na rin, mga pagod na pagod. ▪ "GO, DARIEL!" medyo lumayo ako kay Zai at nagpanggap na hindi siya kilala. May laban ang volleyball boys ngayong hapon bago ang uwian kaya halos lahat ng estudyanteng tapos na ang laro ay nakatambay dito at sa may basketball court. Maraming tao ngayon ngunit boses ni Zai na chini-cheer si Dariel ang nangingibabaw, M.U pa lang daw sila niyan ah. Nasa second set na sila ngunit ang kalaban ang panalo sa una kaya kung manalo man sila Matte ay magkakaroon pa ng 3rd set kung saan mas tatagal kami dito sa school. "Ano kaya pa ba?" seryosong tanong ni Charles na captain ball nila. Malaki ang lamang ng kalaban kaysa sa kanila kaya parang nawawalan na sila ng pag-asa. "Kaya pa 'yan!" pang-eencourage ni Matte. 14-7 Isang puntos na lang ang kalaban at mananalo na sila nang mag patawag ng break ang kabilang team. "Mero'n pa namang isang laban bago ma-eliminate 'di ba? Doon na lang tayo bumawi," ngayon pa lang ay tanggap na nila ang pagkatalo nila ngunit hindi pa rin sila nagbigay sa kabilang team hanggang sa napasobra ang pag receive ni Charles na siyang nagpanalo sa kalaban. Minsan talaga mayroong mga bagay na hindi talaga para sa 'tin, pero marerealize mo lang iyon kapag natanggap at nalaman mo na yung mas malaking nakalaan para sa 'yo.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
YV ON
very good
04/05/2024
0
Rosmalyn Guevarra Valle
😍😍😍
31/07/2022
0
Obralheii
An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
very good
04/05/2024
0😍😍😍
31/07/2022
0An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
03/07/2022
0Tingnan Lahat