Kyla Sanchez's P.O.V. "Kyla! Buksan mo ang pinto!" Nagising ako dahil sa malakas na sigaw at pagkatok sa pinto. "Kyla! Bilis, excited na 'ko!" Bumangon ako at dumiretso sa cr para maligo, hindi alintana ang pagtawag ni Zai sa labas. Mawalan pa siya ng boses d'yan. Paglabas ko sa cr ay tahimik na ang pinto kaya nagmadali na akong nag-ayos at binuhat ang mga kahon sa kama saka bumaba para tawagin si Zai. "Pakain ako ah?" nadatnan ko si Zai na kau-upo lang at kumuha ng hotdog. "Zai, napaka-aga mo naman ngayon," lumapit na rin ako sa kanila, umupo, at nakikain. "Tumakas lang ako sa 'min eh HAHAHAHA," tinitigan ko siya, nakangiti siyang kumakain ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at hindi mapangalanang sakit. "Sinong nagluto? Bakit sunog!?" Reklamo ni Zai habang ini-scan ang hotdog na kalahati ang sunog. "Ikaw na nga itong nakikikain ay nagrereklamo ka pa! Masarap kaya ang sunog!" Confirmed, si Harvy ang nagluto. Pagkatapos naming kumain ay hinatak na ako ni Zai sa taas at hinayaang si Izzy ang mag hugas ng mga pinagkainan. Pumunta kami last week sa divisoria para umupa ng gown pero wala akong nagustuhan kaya ang ending ay sinabi ko kay mommy na magpapatahi na lang ako. Dumating na kahapon lahat ng isusuot ko , kumpleto na mula sa ball gown, sa talent na gagawin ko, at sports wear. Yung sa casual wear ay naghalungkat na lang ako ng damit sa cabinet ko. Noong isang linggo ay nagsimula na rin kaming mag practice ng talent ko at talaga namang umaayaw na ako. Parang ayoko na lang umatend, nagi-isip na nga ako ng dahilan at mga paraan para hindi na ako makadalo like mabalian ako ng buto, ma-aksidente, ma-ospital, or something worst. "Wow! Ang ganda nito! Bilis, isukat mo na!" hindi pa man natitignan ay inabot na agad sa 'kin ni Zai ang sports wear ko na naka lagay sa maliit na box. "Tapos aralin na rin natin ang pag rampa. Isukat mo na 'yan, magse-search lang ako." wala na akong magawa kung hindi pumasok sa cr at isukat ang susuotin ko para sa sports wear. Sa loob ng dalawang linggo ay si Zai ang nag-asikaso at nag-encourage sa 'kin na magpatuloy. Dalawang araw na lang ay intrams na namin at magkakaalaman na nga. Gagawin ko 'tong lahat para kay Zai, para hindi masayang yung effort niya. Noong araw na iyon ay nag-focus lang kami ni Zai sa kung paano ang tamang paglalakad. "Okay na! Pagod na 'ko," hinihingal akong humiga sa kama ang kalahati ng katawan ay nasa lapag at may suot na 7 inches na pumps. "Bukas ulit tapos practice ulit nung talent mo, ah?" umupo ako para tanggalin ang pumps ko at nakitang namumula ito. "'Wag na kaya? Baka magsugat yung paa ko tapos sumakit sa monday," saad ko habang hinihimas ang namamagang paa. "Hala, oo nga! Sige, practice na lang tayo ng talent mo bukas ah! BYE~" Tinapik-tapik niya ang likod ko at lumabas ng kuwarto ko. Itinabi ko na ang heels na gagamitin ko sa gilid ng kabinet ko at iika-ikang bumaba ng naka paa. "Saktong-sakto! Kyla! Tara kain na tayo!" sinilip pa ako ni Zai mula sa pintuan ng kusina, mabagal akong naglakad papunta sa kusina para kumain. "Oh, anong nangyari sa 'yo?" nilingon ko si Izzy na pababa na rin ng hagdan. Marahil ay napansin ang mabagal na paglalakad ko. "Namamaga yung paa ko dahil sa heels," paliwanag ko pa. "Nag practice na kayo? Bakit hindi niyo sinabi? Ipapatawag ko sana si Zayra," kahit mabagal ay sinabayan niya akong maglakad. "Hindi na kami magpa-practice bukas. Baka magsugat pa ang paa ko. Pwede na siguro 'yon." "Wait, Ito oh, isuot mo. Malamig ang sahig," pinahinto niya ako pagbaba namin sa hagdan at pina suot sa 'kin ang kulay brown na may design na teddy bear na furry slippers na suot-suot niya. "Wow, ang cute naman nito. Mahilig ka sa teddy bear?" nakangiting tanong ko. "Kay Harvy 'yan. Bigay niya sa'kin kasi..." nagda-dalawang-isip pa siya kung sasabihin niya sa 'kin kaya ako na ang nag tuloy sa sasabihin niya. "Kasi nga mahilig ka sa teddy bear," siguradong saad ko at naunang pumasok sa kusina. Naabutan namin si Zai at Harvy na nagbabangayan. "Bakit ba parang mas gutom ka pa kay Kyla?!" inubos muna ni Zai ang pagkain sa bibig bago sagutin si Harvy. "Sobrang hirap kayang turuan ang taong ayaw naman ang ginagawa niya!" napahawak ako sa dibdib ko at kunwaring nasaktan sa sinabi niya. "Eh ano ng gagawin mong talent?" tanong sa 'kin ni Harvy habang nagsasandok ako ng kanin. "Wala! Magpapakamatay na ako bago magsimula ang talent portion," casual na sabi ko. "Sama ako." ▪ Kahit malamig ay lumusong ako sa malamig na tubig. I'm at the pool just to calm myself. Tomorrow is the day and I am really nervous about that, that's why I came here to relax myself. Quiet, peaceful, calm, chill, cold water that will go through my veins and say hi to my red and white blood cells--kidding. Today, I practiced my talent for Mr. And Ms. Intramurals and I am pretty confident about that, hindi ko alam na may talent pala ako. But I'm still nervous. Nagpalutang-lutang lang ako rito habang nakapikit at dinadama ang bawat sandali hanggang sa maginaw na at naisipan namang tumambay sa ilalim ng tubig. I let myself drone in a very deep thought. Na sa sobrang lalim, naisip ko lang na paano kung hindi na makapag bayad ng utang sila mommy? Paano kung bumaksak ang kompanya nila? Paano kung malakas yung inutangan nila at maghiganti? I mean--I know that they are doing their best. Pero magkano ba ang utang nila? Sa pagkaka-alam at base na rin sa dami ng branch nila ay malaki na ang kinikita nila, so, gaano kalaki? Gaano kamahal? Is it cost a live? Bago pa ako tuluyang malunod ay umahon na ako sa tubig at binalot ang sarili ng tuwalya, umupo muna ako sa lounge chair at inubos ang inumin habang naka-tulala sa pool. ▪ Naka-upo lang ako sa gilid ng room namin habang abala ang nasa paligid, at tinatawag ko na rin lahat ng santo. Ginamit ang room namin para gawing dressing room namin ni Izzy. May tig-isang kurtina kami sa isang gilid kung saan mabilis kaming makakapag palit ng damit. Suot-suot ko na ang t-shirt namin na may print na Mr. And Ms. Intramurals with my super duper ikli na shorts. Katatapos lang akong make-up-an ni Zayra at hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa kaba. "Kyla, anong nangyayari sa 'yo? Giniginaw ka ba?" tanong ni Izzy at tila may kinuha somewhere. Pagbalik niya ay may dala na siyang makapal na kumot at ipinatong sa hita ko saka umupo sa tabi ko. "Kinakabahan ka?" sinamaan ko siya ng tingin nang tawanan niya ako. Nakakatawa ba 'yon? Kinakabahan na nga ako! "'Hindi ka nakakatulong! Ikaw ba? Bakit hindi ka kinakabahan? Ang daya mo!" sinubukan ko pang hampasin ang balikat niya kahit na nanginginig pa rin ang kamay ko ngunit sinalag niya iyon, hinawakan, at hindi na binitawan. Gulat ko siyang tinitigan ngunit abala siyang hawakan ang kamay ko. What the fvck is he doing? Lord, ito na ba ang sign? "Ayan, hindi ka na nanginginig," nakangiti niya akong tinignan, hindi pa rin binibitawan ang aking kamay. Bakit parang lalo siyang gumwapo-- Arghh! NO! SYEMPRE NAG MAKE-UP KAYA LALONG NA DEFINE ANG FEATURES NIYA! "AHHHHH! KINIKILIG AKO!" Nataranta ako sa sigaw ni Zai kaya binitawan ko ang kamay ni Izzy at lumayo sa kanya. "Bakit?" biglang lumapit si Dariel kaya siya ang pinaghahampas ni Zai. "Sila kasi eh! Ito tiginan mo," ipinakita niya ang kanyang cellphone kay Dariel. "Patingin," hindi makapaniwalang tinignan ko si Izzy nang lumapit din siya kila Zai. Did she took us a picture? At bakit parang nagustuhan pa iyon ni Izzy? "Did he-? Did he--omg," kung ano-anong theory na ang nabuo sa utak ko na dumating sa puntong ayoko ng harapin si Izzy. "Candidates! Punta na raw sa backstage!" Napa hawak ako sa dibdib at nagsimula na namang kabahan sa narinig. "Kyla! Tara na! Mamaya ka na kiligin!" maingat na tinanggal ni Zai ang blanket na ibinigay ni Izzy at hinatak ako palabas ng room. Ramdam kong naka sunod sa likod ko si Izzy na kasama sila Harvy. "Pre, alam kong mas kinakabahan ka para mamaya kaya tapusin mo na agad ang laban," bulong ni Matte kay Izzy. "Dapat nga ay dahan-dahanin lang, hindi pa 'ko ready," ramdam ang kaba sa boses ni Izzy. "Kyla, focus sa goal! Mamaya mo na isipin si Izzy, ha?" seryosong sabi sa 'kin ni Zai. "Ha? Hindi ko naman siya iniisip eh," mabilis na tanggi ko. "Ay hindi okay lang, para may inspirasyon ka." tinapik pa ako ni Harvy sa likod bago bumaling ulit kay Izzy. Nandito na kami sa backstage at rinig namin ang ingay ng mga estudyante, nagsasalita na rin ang emcee bilang panimula ng program. Hanggang sa oras na ito ay kinukuwestiyon ko kung bakit ako pa rin ang pinili nila. Pero sinasabi nila sa 'kin na bawal daw lumaban ulit ang mga lumaban na last year, pero hindi iyon sapat! Hindi kailan man magiging sapa-- "Huy, mag line-up na raw kayo! Kyla, ayusin mo buhay mo!" nabalik ako sa reyalidad ng mahina akong sinampal ni Zai. Nakakarami na siya ah! May galit ba siya sa 'kin? "Bakit ba kasi ngayon pa niya naisipang gumawa ng moves? Nagugulo ang utak ni Kyla! Kapag 'yan natalo, sasabunutan ko si Izzy," rinig kong sabi ni Zai kila Dariel. "Eh kasi wala ng time!" "Eh bakit kasi ngayon niyo lang naisip?" "Gago! Ngayon lang natauhan si Izzy eh!" Huminga ako ng malalim at nag-focus sa gagawin. Kailangan kong ipanalo man lang ito para sa mga sumusuporta sa 'kin lalo na kay Zai na kasama ko mula simula kahit na pakiramdam ko ay masyadong magulo ang buhay niya dahil sa family problem. "Ms. Kyla, bago po kayo magpakilala pumunta muna kayo sa magkabilang stage then sa mic na. After naman no'n ay dito sa bandang gitna stop muna sandali then exit na, okay?" tila hinahabol ng kabayong paliwanag sa 'kin ng babae na may kamera sa leeg. Tumango naman ako at huminga pa ulit ng malalim bago magsimulang maglakad. Sa bukana pa lang ay nagkatinginan na kami ni Izzy. Umiwas ako ng tingin ng kindatan niya ako at tumingin na lang sa harap kung nasaan ang mga manonood. This is going to be a bloody day. "Kyla, ito yung slippers mo! Kailangan nating tumakbo!" agad kong hinubad ang heels ko at sinuot ang slippers, hawak ni Zai ang heels ko ng tumakbo kami papunta sa room para magpalit. I am wearing a simple black korean dress. Para siyang mahabang polo na hanggang legs ko, bukas ang butones hanggang ibabaw ng dibdib ko tapos may black na belt sa may waist then may strap siya na kapareha nung belt. Ang sapatos ko naman ay boots na black. "Hala ka! Pinartneran mo yung damit ni Kyla, no?" lumingon ako kila Zai matapos kong isuot ang aking boots. Naka-upo si Izzy sa harap ng salamin at minimake-up-an ng kaibigan yata iyon ni Zayra. Tinignan ko ang suot niya, manipis na black polo na bukas ang tatlong butones, black fitted pants at ang belt niya ay kapareha nga nung akin. "Kyla, retouch na kita," nagmamadali akong umupo sa upuan ko dahil baka mahuli akong tumitingin sa kanya. "Okay na kayo? Pumunta na kayo sa backstage!" may sumilip ulit sa 'min para sabihing pumunta na kami sa backstage. "Susuotan na kita ng contact lens," tumango lang ako at hinanda ang mata ko. "Masakit ba 'yan? Baka hindi na matanggal 'yan?" tanong ko habang hawak-hawak ni Zayra ang mata ko. Mahina lang siyang tumawa, hindi sinagot ang mga tanong ko kaya naman kinabahan ako. "Ayan, pumikit-pikit ka," naluha ako sa unang lagay niya kaya naman binigyan niya ako ng tissue para hindi masira ang make-up ko. "Next, mabilis na lang," kahit ayaw ay wala na akong nagawa dahil nakakabit na ang isa, sino ba kasi nag-isip ng idea'ng kailangan ko pa mag suot ng ganito? "Okay na!" "Tara na!" "Ay teka lang pala! Izzy, picture muna! Mukha kayong korean couples!" kinikilig na wika ni Zai, walang reklamo namang bumalik si Izzy at tumabi sa tabi ko. Sinamaan ko ng tingin si Zai sa ideya niya ngunit hindi man lang niya kinonsidera ang nararamdaman ko. "Smile!" kaya kahit bad trip ay ngumiti ako sa kamera. "TARA NA DAW!" Matapos naming rumampa isa-isa ay pinatawag kaming lahat sa stage para i-judge or mamili or something. Mula sa gilid ay by partner kaming lumabas, wala namang problema sa 'kin 'yon not until naunang umakyat sa 'kin si Izzy at inilahad niya ang kamay niya sa 'kin. "Big boy na ang alaga natin!" "Wuhoo! Panalong-panalo agad!" rinig kong sigawan nila Zyrill na nasa bandang harapan at may mga hawak na notebook kung saan may mga nakasulat sa cover na 'Go!' lang, yung kay Charles nga ay 'Go, my bebeloves!', tapos mero'n pa ngang Kyla love Izzy which is I found it creepy. Matapos naming tumayo doon ng ilang minuto ay pinabalik na kami para maghanda sa talent portion. "Kyla, seryoso ka bang magpapakamatay ka na?" tila concerned na tanong sa 'kin ni Harvy habang nakasunod. Did he take it seriously? "Huy! Nagi-isip ka ba ng paraan kung paano mo tatapusin ang buhay mo?" pumasok kami sa room at agad akong umupo sa harap ng salamin at tumulala, kinakabahan. Parang gusto ko ng totohanin ang sinabi ko. Hindi ko na kaya huhu... "Oh ito, nakakita ako ng blade," tinignan ko ang inabot ni Harvy bago tumingin sa kanya. "Seriously?" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya ngunit tinanggap pa rin ang blade. "Harvy! Nababaliw ka na ba?" nagulat ako ng may mahigpit na humawak sa palapulsuhan ko kung saan hawak ko ang blade. "Ibigay mo sa 'kin 'yan," nagbabantang sabi sa 'kin ni Izzy. "Okay, kunin mo na," kalmadong sabi ko, agad naman niya itong kinuha sa kamay ko at saka ako binitawan. "Kyla, gusto mo ba mag-practice? Bukas yung kabilang room, tara!" hindi na hinintay ni Zai ang sagot ko at hinila na lang ako palabas, iniwan si Harvy at Izzy na nagsusurahan. "Hindi na muna ba ako magpapalit?" tanong ko, suot ko pa kasi ang ginamit ko sa casual wear. "Okay lang 'yan. Mamaya ka pa naman eh, para hindi mapawisan yung damit mo," pagpasok namin sa kabilang room ay nakatabi sa gilid ang mga upuan at nandoon din si Zayra. "Kami muna ang judges. Oh game na ah?" tumango naman ako at umayos ng tayo. Pagkasimula pa lang ng kanta ay para na agad akong mauubusan ng energy. "ENERGY!" sigaw ni Zayra kaya naman dinama ko ang kanta at sumabay sa agos nito. "Ang galing! Dancer ka pala?" tanong ni Zayra matapos ang kanta. "Not my thing but practice makes perfect," hinihingal na sagot ko. "'Yan na lang kaya suotin mo? Parang mas bagay HAHAHAHA!" Lumapit ako kay Zai at pinanood ko ang performance ko. Habang pinapanood namin iyon ay parang gusto kong kuhanin ang cellphone at sirain, sobrang nakakahiya, parang hindi ko na kaya. "Ayoko na! Pwede pa bang umatras? Baguhin nating yung talent ko!" habang patagal nang patagal ay hindi ko na nagugustuhan ang sayaw ko. "Maganda nga eh! H'wag na! Kailangan mo lang ng konting energy saka confidence," sabi ni Zayra. Napakamot ako sa ulo, naii-stress na kinakabahan, na hindi ko maipaliwanag. "Tapos na kayo? Malapit na mag-perform si Izzy, manood tayo," saad ni Harvy pagbukas niya ng pinto. "Tara!" nagmamadaling tumayo si Zai kaya naman pati kami ay nataranta at tumakbo palabas ng room. Pumunta kami sa bandang harapan kasama ang ibang classmate namin. "Kyla, anong talent gagawin mo?" agad na tanong nila paglapit namin. "Secret!" sigaw ni Zai at tinakpan ang bibig ko, as if sasabihin ko kung ano, gusto ko ring ma-surprise sila 'no! "Let us all watch and mesmerize the performance of Mr. Izzy Fernandez!" lumingon kaming lahat sa stage ng tawagin na si Izzy ng emcee. Intro pa lamang ay hindi ko na maiwasang mapatakip ng bibig. Unang gumalaw si Izzy papunta sa harap at sinundan iyon nila Siv at Travis. "Sana pala ay may back-up dancer din ako! Para hindi ako nag-iisa sa stage," reklamo ko kay Zai na sigaw nang sigaw sa tabi ko. "Mamaya mo na intindhin 'yan! Tignan mo si Izzy, kamukha ni Heeseung! AGHHH!" Mula sa galaw nito, ekspresyong na nakaka tunaw, at ang kantang nakakalagnat dahil sa pagsabay ng kanilang ritmo, it's perfect! Matapos ang kanta na Fever by Enhypen ay hindi ko na rin mapigilang mag cheer at kiligin. "Wow! What a very hot day! Ano? Laglag na ba ang mga panty niyo?!" Hindi pa man nakaka move-on sa ginawa nila ay hinatak na ako ni Zai pabalik ulit sa room namin. Pagpasok namin ay mga nakasalampak sila sa kung saan man sila inabot. Pawis na pawis at mga hingal na hingal, lumapit ako kay Izzy at tinapatan siya ng maliit na electric fan na nakita ko sa upuan ko. "Sumasayaw ka pala? Masyado mo pang ginalingan, hindi mo man lang binigyan ng chance yung iba," umayos siya ng upo at pinunasan ang kanyang pawis. "Sanay na sila. Sure akong pinangarap na nilang lumipat kami ni Harvy pag graduate ng highschool para iba naman ang manalo bukod sa 'min eh. Kaya ikaw, kung ano man ang gagawin mo mamaya, just give your best. Think like it is once in a life time experience," payo niya matapos magmayabang. "Huh! Talagang once ko na lang 'to gagawin, dahil hindi na ako papayag sa susunod!" Bumalik ang lahat ng sama ng loob ko sa naalala. Mahina siyang tumawa at hinawakan ang baba ko. "Bagay sa 'yo yung contact lens mo," pumikit- pikit ako at nailang na naman sa mga tingin niya kaya nag peke ako ng ubo at lumayo sa kanya. "Magpapalit na 'ko," mahinang sabi ko at tuluyang umalis sa harap niya. "Zai, nasaan yung susuotin ko?" tanong ko sa kanya na may makahulugang tingin sa 'kin. "Ito naman umalis agad eh! Ayun oh!" reklamo niya ngunit itinuro din ang isusuot ko na nakasabit sa may kurtina. Simpleng black semi-fitted long sleeve na pinatungan ng white shirt, then plain black loose army pants. Comfortable when dancing, feel na feel ang galawan natin d'yan. Habang nagsusuot ay dumoble ang kaba ko at hindi na mapakali hanggang sa dumating na ang oras na pinakahihintay nila, ngunit tila ikamamatay ko. "Let us all welcome and watch the lovely performance by Ms. Kyla Sanchez!" nanginginig kong shinake ang mga kamay ko habang hinihintay ang tugtog. Nandito pa ako sa backstage at magsisimula lang lumabas kapag nagsimula na ang kanta. Huminga ako ng malalim at nag focus, inilabas ang confidence at tinanggap ang mga flaws. Now playing Rainism by Rain Isinawalang bahala ko ang kanilang mga tingin, paghanga man iyon o kapighatian. Wala akong pakialam sa lahat basta ang plano ko ay matapos na ito. The song smoothly change to Three Dopeboyz(feat. Zion. T) by Dynamic Duo. Gaya ng sabi ni Izzy ay iginalaw ko ang katawan ko na parang once in a lifetime ko lang ito gagawin. And for the last song, I manage to smile and enjoy my performance. Now playing One of a Kind by : G-Dragon Gaya ng pinraktis ko ay sinamahan ko ito ng ekspresyong naaayon sa kanta. Mad, fierce, confidence, and a little bit of rudeness. Matapos ang huling lyrics ay maayos kong nai-deliver ang pang outro ko. Naka- fierce akong tumalikod paalis sa stage. Hindi na ako bumalik sa stage pagtapos ng kanta dahil tapos naman na. "I think that's not a lovely performance, but a very sexy one!" Rinig kong comment ng host sa ginawa ko. Habol ko ang hininga ko nang sinalubong ko sila, inabutan ako ni Izzy ng maliit na electric fan saka umatras palayo. Si Zai naman ay inabutan ako ng tissue. "Kyla, 5 minutes.Then, magpalit ka na ng sports wear," tinanguan ko lang si Zayra at pabagsak na umupo sa harap ng salamin ko para magkahinga. "ASTIG NO'N KYLA! Akala ko ay kung ano na ang pinraktis mo kanina ay 'yon na 'yon! Hindi pa pala! Grabe, take two nga!" Hindi ko na inentertain si Zai dahil hindi ako makapaniwalang tapos na. Kaso joke lang pala, dahil may magaganap pang question and answer mamaya. Tsk, binigyan pa ako ng problema nitong pageant na 'to! Eh hindi ko naman kasi 'to ginusto! Sa sobrang inis ko ay tumayo na ako at pumasok na sa dressing room para isuot ang sports wear ko. Gusto ko ng matapos, dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang katawan ko. ▪ Nang matapos ang pagrampa namin ay nagmadali kaming bumalik sa mga room namin para magpalit for ball gown. Sumama na sa loob ng kurtina sila Zai at Zayra para mapabilis ang pagsuot ko. "Maupo ka, aayusin ko ang make-up mo," nagmamadaling usal ni Zayra na mabilis ko namang sinunod. Habang si Zai ay lumuhod sa paanan ko at isinuot ang heels ko. Kung hindi lang makikita ang paanan ko sa gown ay hindi na talaga ako magsusuot ng heels pero lumilitaw pa rin kaya no choice na naman ako. Kailangan kong ipagpatuloy ito para sa mga taong sumusuporta at tumulong sa 'kin. Kailangan ko ring manalo para sa kanila, kahit hindi na para sa 'kin. "Oy, alalayan niyo naman si Kyla! Baka parehas pa kaming madapa! Ano ba?" mataray na wika ni Zai kila Izzy na nagdadaldalan habang naglalakad sa harap namin. Tinignan ko si Izzy na walang imik na lumapit sa 'kin. Kanina pa niya ako iniiwasan simula nung sumayaw ako ah. Napangitan ba siya sa sayaw ko? Did I offend him? Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya kung hindi lang ako natapilok. "Aray!" "Ayan! Kung saan-saan kasi tumititig eh!" Sinamaan ko ng tingin si Zai at nagpatuloy sa paglalakad. "Okay ka lang? Hindi ba masakit?" Tanong ni Izzy na inilingan ko lang. Matapos naming rumampa individually ay nagsimula na ang Q and A. nandito kaming lahat sa ibaba ng stage at hinihintay ang turn. Alternate ang pagtawag nila kaya matapos ng babaeng representative ng 11-GAS ay tinawag na ng host si Izzy. Bumunot ng question si Izzy sa isang bowl at binasa naman iyon ng host. "What's the best relationship advice that someone has ever given to you?" nagpintig ang tenga ko ng magsimulang magsalita si Izzy. "Well, I get a lot of advice but this one hits different. Someone said to me that 'When it comes to love the happiness and agony are twins. A lifetime emotion, and a true love, indeed. So, that will lead to a happy ending.' Thank you," halos mabingi ako sa sigawan matapos magsalita ni Izzy. "Wow, sino naman kaya ang nag-advice no'n kay Mr. Fernandez? Anyways, let's proceed to our next contestant, Ms. Kyla Sanchez," lumapit ako sa hagdan at inalalayan naman ako ni Izzy maka-akyat. "AKO! AKO PO ANG NAGSABI NO'N KAY IZZY! ANG TORPE PO KASI!" Mahina akong natawa dahil talagang ipinagsigawan pa iyon ni Harvy. "Paano mo nagagawang rumampa sa maraming tao kung hindi mo man lang kayang umamin sa harap ng isang babae?" panunura ko. "Ikaw? Bakit ka kinakabahan at nanginginig pa ang kamay kung manhid ka?" iniwan niya ako matapos sabihin iyon. Wait, 'yon na ba ang tanong na para sa 'kin? Pinabunot ako sa bowl na maunti na lang ang laman. Kinuha ko ang unang naabot ng kamay ko. Bahala na si tadhana. "So, Ms. Sanchez. If all of this is just your dream, would you rather stay here forever or wake up and live your life better? And why?" agad akong naka isip ng sagot dahil na rin siguro sa experience. "I would rather stay here forever not because my life is almost perfect but because I have someone who understand me, love me, accept me for who I am and appreciate me for being myself. The dream I had before is the dream I am living now, so, no need to stay awake and I thank you," bahagya pa akong yumuko sa mga judges bago naglakad papunta sa hagdan. Agad tumalima si Charles na inaabangan pa talaga yata lahat ng bababa para alalayan or makipag-flirt lang. "My bebeloves, invited ka sa bar ko later ah? Celebration lang, bye! Muah!" nag flying kiss pa ito bago bumalik sa tabi nila Travis. Bakit ba sure na sure silang mananalo kami? Paano kung hindi? Paano yung celebration? Masyado silang nage-expect! Nakakakaba naman! Baka madisappoint ko sila kapag natalo ako, ano na lang sasabihin ko? ▪ "Huwag na nating patagalin pa! The second runner up for Mr. and Ms. Intramurals is...!?" tumunog ang drum roll that gives a lot of excitement to the viewers. Please, kahit 2nd runner up lang! Para lang sa mga nag-effort na magpatuloy ako dito. "Mr.Waquin and Ms. Corea!" huminga ako ng malalim at pumalakpak. Galing sa grade 9 at isang grade 12-HUMMS ang nanalo. I already won best in casual wear at best in ball gown. Para sa 'kin ay ayos na 'to, masaya na ako sa nakuha ko. "Okay! Let's proceed for the Mr. And Ms. Intramurals first runner up!" nag drum roll ulit at lalong lumakas ang hiyawan ng mga nanonood. "Mr. Martinez and Ms. Santos!" pumalakpak ako para maibsan ang kaba. Isang grade 10 at isa sa 11-STEM ang nanalo. "Are you nervous?" bulong sa 'kin ni Izzy na katabi ko. "Obviously," sagot ko, wala ng pake kung narinig niya iyon o hindi. "The reigning Mr. Intramurals is...?!" nag kanya-kanya ng cheer ang mga estudyante, dumoble ang ingay sa paligid. "MR. IZZY FERNANDEZ!" Nakita ko sa harap ko ang mga estudyanteng nagwawala dahil sa pagkapanalo ni Izzy. Nabahala ako at nataranta ng makitang burado ang kanilang mga mukha. "The reigning Ms. Intramurals is...?!" pati ang pandinig ko ay humihina. "MS. SALAZAR!" habol ko ang hininga ng bumalik na sa normal ang lahat. Ang sigaw ng mga tao at ang putok ng mga party poppers, indikasyon na tapos na. Naiyak ako sa takot at parang gusto ko na lang tumakbo palayo? Ano 'yon? Bakit gano'n? nakakatakot sila! Dahil ba 'yon sa suot kong contact lens? Pero nangyari na sa 'kin 'yon nung first day of school eh! Lumingon ako sa stage para malaman kung sino ang nanalo, si Izzy at kung hindi ako nagkakamali ay tiga 11-GAS 'yon. "Kyla? Ayos ka lang?" lumapit sa 'kin sina Zai na tinanguan ko lang. "Sorry, hindi ako nanalo," mahinang sabi ko. "Okay lang 'yan! Panalo ka pa rin para sa 'min!" masiglang saad ni Matte. "Oo nga! Dalawa naman ang best mo!" sabi ni Zayra. "Saka isa pa papel, at bagay lang iyan! Experience lang! Ang mahalaga, masaya tayo, nanalo man o hindi!" ngumiti ako sa sinabi ni Zyrille. Gaya ng sabi ko kanina kung panaginip man ito, ayoko ng magising, dito na lang ako forever. Darating talaga tayo sa point na hindi lagi tayo ang bida pero masaya at kuntento tayo. Yung mga effort will all be useless, worthless, or what ever you name it kung iisipin natin, kung magpapabulag tayo na kailangan nating manalo para lang masabing worth it lahat. Ngayon ko na realize iyon, kung hindi pa ako matatalo, baka nabulag na rin ako. "KYLA! TARA, LET'S CELEBRATE!" Lumapit sa 'min si Charles at excited kaming inaya sa parking. "Teka! Naka gown pa 'ko!" natatarantang sabi ko. "Okay lang 'yan!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
YV ON
very good
04/05/2024
0
Rosmalyn Guevarra Valle
😍😍😍
31/07/2022
0
Obralheii
An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
very good
04/05/2024
0😍😍😍
31/07/2022
0An indeed highly recommend and a must read story! if you're looking for a action-romance try this one! kudos to the author ! 💜
03/07/2022
0Tingnan Lahat