logo text

Chapter 93: Selected suspect

MANDY YU POV:)
"Hey! Miss Mandy!"
Nagising na lamang ako nang marinig ang boses ng ka-officemate ko.
Napaayos ako ng upo at tumutok ulit sa harap ng computer.
"Okay ka lang?" tanong nito sabay lapag ng kape na tinimpla niya sa akin.
"O-okay lang ako," nautal na sagot ko."Salamat dito." sabay angat ng baso at umigop ng mainit na kape.
Ngumiti lamang ito ng natural sa akin."Sige, balik na din ako sa desk ko." paalam nito at agad ding umalis.
Pagkalapag ko ulit kape, sisimulan ko na sana mag-type sa keyboard nang natigilan akong pindutin ang letter D. Naalala ko nalang ang nangyari kaninang madaling araw.
***End of Flashbacks***
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat na lamang ako nang may isang bagay na yakap ko. Nakakumot ako at ulo lamang ang nakalabas pero ang bagay na yakap ko ay natatakpan din ng lumot. Kinapa ko pa ang kamay ko at nagtataka ako dahil hindi ito unan, at parang tao iyon.
Nanlaki mata pa ako nang sunod na nakapa ko ay parang naka-shorts at---wait! Ba't parang hotdog na matigas ito? Wag mong sabihin---?
Dali-dali na binaba ko ang kumot para makita ang misteryosong tao na nasa harapan ko. Napaatras na lamang ako sa nakita. Nasa harapan ko si---
"D-dylan?" mahinang sambit ko sa gulat."Paanong nandito siya sa higaan ko?" Himbing siyang natutulog at walang suot siya pang-itaas at naka-shorts lamang siya. Tumambad din sa akin ang masasarap niyang pandesal.
Jusko! Ano nangyayari?! Paano siya napunta sa higaan ko?
Sandali?
Natigilan na lamang ako nang may naalala.
Nakita ko na lamang ang sarili ko na walang damit na suot. Tarantang kinuha ko kaagad ang unan at tinakpan ang hubad kong katawan. Doon ko rin naramdaman na medyo masakit ang pangka-babae ko.
Ibig sabihin...
Tumingin kaagad ako sa sahig at nakita ko ang nagkalat na beer at mga damit namin ni Dylan.
D*mn! Sabay napasapo na lamang sa ulo.
"May nangyari sa amin ni Dylan?! Paano nangyari? Paano siya nakapasok dito? Isip, isip, isip! Ano nangyari kanina?" Sa loob-loob ko at inaalala ang nangyari kanina.
Doon na lamang lumabas ang imahe sa isipan ko.
"Dylan?"
"Hmm?"
"Mahal na kita." Lasing na amin ko habang hawak ko ang magkabilang pisngi niya.
"Bakit mo pinaglalaruan ang feelings ko? First ko magkaganito sa lalaki at ikaw iyon! Ngayon lang ako mainlab ng ganito at ngayon lang ako mabaliw sa isang lalaki. Bakit di mo pinapahalagaan ako?" Umiiyak na pahayag ko
"Dylan, handa ko iwan ang lahat basta wag mo kong iiwan ah?" Nagmamakaawang pahayag ko.
Lumabas naman ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at inalis ang mga iyon doon.
"Promise, di kita iiwan." sagot ni Dylan.
Hinalikan siya dito. Sa sobrang kalasingan, hinalikan din niya ito pabalik.
Tinutulak ko siya sa sobrang sakit nanararamdaman."Dylan, ang laki! Ang sakit!"
Napahawak ako sa matigas na dibdib nito habang bumabayo siya sa akin."Dylan, please be gentle."
"Dylan, mahal na mahal kita. Isagad mo---ah!" Naibaon niya ang kanyang kuko sa likod nito ng isagad nito sa kanyang kaibuturan ang pangkalalaki nito.
***End of Flashbacks***
"Waaah! No!" Sigaw ko na lamang nang maalala ang nangyari. Parang nababaliw na naisabunot ko ang aking sarili.
Gulat na napatayo naman sa kinauupuan ang ka-officemate ko. Nasaksihan naman nito ang kabaliwang ginagawa ko.
"O-okay ka lang---" di napatuloy nito ang pagtangkang paglapit sa akin nang magsimula akong umiyak at nagmukmok sa desk ko.
"Hindi pwede 'to! Nakakahiya! Waaah!"
Pag makita ko si Dylan? Ano mukhang ihaharap ko sa kanya? Iniwan ko lang siya mag-isa doon sa hotel? Hay! Paano na 'to? Ano gagawin ko?
DYLAN LORENZO POV:)
"Hey!" sabay clap ni Kuya Ramon sa aking mukha.
Nagising naman ako sa aking pagmumuni.
"Hmm?" tanong ko at tinuon ang atensyon ko sa printer.
"Kanina ka pang tulala mula kaninang pagpasok mo. Nakakapagtataka at mukhang ngayon lang kita nakitang natulala ng matagal." Sabi niya nang umupo na ulit ito sa desk nito."May iniisip kang babae 'no?" Nakangiting malisya na pahayag nito.
"Di ah!" tanggi ko naman.
Natapos na nga ang pini-print ko at kinuha na ang mga papeles. Bumalik na ako sa desk ko para ilagay na ito sa folder. Dadalhin ko ito ngayon kay Mr. Kailes dahil kailangan niya ito ngayon para mamaya sa meeting. Nandito ang mga details ng mga candidate na pagpipilian nila bilang bagong ambassador at ambassadress ng Uphone. Strategy ito para i-promote ang iluluwas na bagong modelo ng Uphone cellphone.
Nalalapit na rin bumitaw sa pagka-CEO si Mr. Sy at si Johnser na ang papalit sa pwesto niya. Bago iyon mangyari, dapat ay makaalala na si Clive at ma-plano na namin na i-expose sa lahat ang taong tumangka sa kanyang pumatay.
Narinig ko na lamang nag-vibrate ang cellphone ni Kuya Ramon. Kinuha naman niya iyon at binasa ang mensahe na natanggap niya.
"Hay! Kawawa naman itong kaibigan ko." Turan na lamang nito.
"Bakit?"
"Itong kaibigan ko, naka-one night stand niya yung crush niya pero paggising niya hindi na niya katabi sa kama at mag-isa na lang daw siya sa kwarto,"
Natigilan naman ako sa sinabi ni Kuya Ramon.
"Tapos nung tinatawatagan niya, hindi na niya ma-contact." Dagdag pa nito.
Mas lalo akong kinabahan. Sa pagka-interesado ko sa kwento nito, nagtanong ako dito.
"Tapos? Ano nangyari? Nagkita ba sila?" Baling ko dito.
"Iyon na nga! Magka-work sila, syempre magkikita sila sa pinagtatrabahuan nila. Para na daw silang hindi magkakilala kasi no'ng magkasalubungan sila, di man lang ito ng 'hi' o tingnan man lang siya." Kwento pa rin nito sabay kuha ng bagong ballpen sa drawer nito dahil nawalan ng tinta ang gamit niya.
"Tapos? Ano ibig sabihin pag gan'on?" Tanong ko pa rin.
Nagsimula na ulit ito sa pagsusulat."Ibig sabihin lang n'on naging parausan ka lang niya nung gabing iyon o maaring hindi siya satisfied sa ano n'yo."
Nabahala naman ako sa narinig kay Kuya Ramon. Iniwan rin ako ni Mandy kanina, posible kayang parausan---hindi, hindi. Alam kong ako ang nakauna sa kana kaya alam ko hindi siya gano'n. Pero posible kayang di siya satisfied sa performance ko dahil maliit ang...?
Nataranta na tumayo ako sa pagkakaupo sabay lagapak ng kamay ko sa mesa na kinagulat naman ni Kuya Ramon.
"Bakit?"
Hindi pinansin, kinuha ko kaagad ang cellphone ko na nakalapag sa desk at di-nial ang number ni Mandy.
MANDY YU POV:)
"Hey? May charger ka?" Tanong ko sa ka-officemate ko.
"Meron." Sagot nito habang sa harap ng computer ang tingin nito.
"Pahiram nga."
Lowbat ang cp ko ngayon. Dahil sa taranta ko kanina, di ko nai-charge ang cp ko at hindi ko rin nadala ang charger ko. Naiwan ko ata sa hotel pero bibili nalang ako ng bagong charger.
Kinuha nito sa bag nito ang charger at binigay sa akin.
"Thanks."
Sinaksak ko na nga ito sa saksakan at chinarge ang cellphone ko.
DYLAN LORENZO POV:)
"The number you have dial is now unattended. Please try again later..."
D*mn! Umiiwas nga siya sa akin?!
Di siya satisfied sa performance ko kagabi? Maliit ba itong jun-jun ko para sa kanya? Nakukulangan pa ba siya sa 8 inches ko?
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya Ramon nang makitang paalis ako.
"Diyan lang," tipid na sagot ko.
"Yung kay Mr. Kailes---"
Sinara ko na ang pinto pagkalabas ko at hindi ko na hinintay pa marinig ang sasabihin ni Kuya Ramon.
Mabilis ang hakbang na naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng office ni Mandy.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Basurahan 'to?" tanong ng isang employee sabay turo sa cart na dala ko.
"Opo, Ma'am. Dito n'yo na po itapon yung basura n'yo para di na kayo pumunta doon." Nakangiting sagot ko.
"Thank you." Pasalamat nito pagkatapos itapos ang basura. Umalis din kaagad ito.
Pinagpatuloy ko na ulit ang inaayos ko. Nasira ko kasi yung dustpan. Gumagawa ako ng paraan para maayos iyon. Mabuti nalang nakakuha ako ng tape. Baka kasi ikaltas 'to sakin sa sahod ko. Nagsisigurado lang baka ikaltas nga ito sa akin.
Nandito ako sa hallway, papunta palang ako ng office ni Sir Johnser para maglinis nang napatingin na lamang ako sa aking unahan. May dalawang pulis na nasa harapan ko. Takang napatingin naman ako dito halos nangunot ang mga noo ko.
"B-bakit po, Sir?" tanong ko dito. Nagulat na lamang ako ng kunin ng isang pulis ang kamay ko at pinosasan ako."Sir, bakit po? Ano po nagawa ko?" Kinabahang tanong ko sa kanila.
Marami namang mga empleyado ang nakakita sa amin. Lahat sila nagsimula nang magchismisan.
"Iniimbintahan ka namin sa prisinto dahil sangkot ka sa pagkamatay ng babae sa rooftop." Sabi ng lalaki at kinaladkad na ako nito.
"S-sir, p-paano po akong naging sangkot sa---aray!" Daing ko nang itulak ako nito.
"Tumahimik ka nalang. Sumunod ka nalang." Pwersahang hinila ako nito halos nasaktan ako sa pagkakahawak ng mga ito sa braso ko.
Naiiyak naman ako sa takot. Wala akong ka-ide-ideya paano ako nasangkot sa pagkamatay ng babaeng janitress. Ano konekta niyon sa akin? Hindi ko siya pinatay at mas lalong hindi ko siya kilala.
Umiiyak na niyuko ang mukha ko dahil sa mga empleyado na nadadaanan namin. Pinagchi-chismisan nila ako at pini-picture-an. Feeling ko tuloy nakagawa ako ng isang malaking kasalanan at nahuli na ako ng nga awtoridad para ikulong.
Bakit kailangan nila ako posas-an? Sasama naman ako sa kanila ng tamihik. Bakit kailangan pa nila ganituhin ako?
"Hoy!"
Natigil na lamang ang dalawang pulis sa tumawag iyon.
Umiiyak na tiningnan ko naman mula sa likuran ang misteryosong taong iyon. Nakita ko namang si Sir Leandro iyon. Nangunot na lamang ang noo nito nang makita ang kamay ko na naka-posas. Mabilis ang hakbang na lumapit ito sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko.
"Alisin ninyo 'to." Utos nito sa dalawang pulis.
"Sir, hindi po pwede dahil isa siya sa selected na---"
"Aalisin n'yo o idedemanda ko kayo?! Sa tingin nyo ba tama itong ginagawa n'yo?!" Tumaas na ang boses na sermon niya sa dalawang pulis."May patunay ba kayong siya ang pumatay sa babaeng iyon para posas-an ninyo kaagad ah?! Wala pa kayong ebidensya na siya ang pumatay sa babaeng iyon, bakit kailangan n'yo gawin sa kanya ito? Alam n'yo bang nasa batas ito? Sasama naman siya ng pormal, bakit kailangan nyo paabutin sa ganito?! Porket bang mahirap siya? Isang janitress? Ganito nalang itrato n'yo? Pag mayaman, masyado n'yo iniingatan ang image? Ganito ba ang batas ng pinas? Bulok?!" Di na napigilan na wika ni Sir. Bakas sa mukha ni Sir ang galit pero ang boses nito ay kalmado pa rin.
Natahimik naman ang dalawang pulis halos nagkatingin pa ang mga ito sa isa't-isa.
Tinanggal nga nila ang posas sa kamay ko. Sa sobrang takot, niyakap ko kaagad si Sir Leandro at nagpasalamat.
"Salamat po, Sir." Umiiyak na sabi ko.
"Wag kana umiyak. Sasama ako sayo sa prisinto. Gusto ko patas ang treatment nila sa'yo." Sabay baling ni Sir sa dalawang pulis.
Napayuko naman sa kahihiyan ang dalawa.
Humiwalay na nga ako sa pagkakayakap dito at pinunasan ang mga luha sa mata ko. Nung dumating si Sir Leandro, feeling ko secure na kaagad ako. Hindi na ako natatakot.
"P-pasensya na, Sir, mali po kami." Nakayukong hinging patawad ng isa nang nasa labas kami ng prisinto."Nasa CCTV footage po kasi siya kaya may itatanong kami ng mahahalagang katanungan sa kanya kaugnay sa babaeng namatay sa rooftop." Paliwanag nito.
"Sa akin na siya sasakay. Susunod kami sainyo." Parang tatay na tatay ko na sabi nito sa pulis.
"Sige po, Sir."
Pinagbuksan naman ako ni Sir ng pinto ng kotse niya. Nahihiyang pumasok ako sa loob ng kotse niya, nakaupo ako sa front seat. Pumasok na rin si Sir at siya ang magmamaneho.
In-start na nga ni Sir ang engine at sumunod na kami sa pulis.
"Thank you, Sir Leandro." pasalamat ko.
Nakangiting bumaling ito sa akin habang nakahawak sa manibela."It's okay. Wag kang kabahan mamaya ah? Nandito ako."
Nakangiting tumango ako bilang sagot dito.
JOHNSER SY POV:)
"WHAT?!" Bulalas ko sa gulat sa balita ng assistant kong si Ramon.
"Papunta na po si Miss Elizabeth sa prisinto. Ang sa CCTV footage kasi, si Elizabeth ang huling nakatagpo ng babaeng namatay sa rooftop kaya isa siya sa selected na suspek sa pagkamatay---"
"Ikaw muna bahala dito." Dali-daling kinuha ko ang susi ng kotse ko na nakalapag sa mesa at kinuha ko rin ang coat ko na nakasampay sa pinaglalagyan ko nito.
"P-pero Sir may meeting kayo ngayon---"
"Pasabi nalang na mali-late ako." Sabi ko pagkarating sa pintuan.
"Sir, pero---"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Ramon. Lumabas na ako ng office para puntahan kaagad at sundan si Elizabeth sa prisinta. Napahinto ako sa paghakbang na marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"Hey! Johnser!"
Naikunot ko ang aking noo nang makilala ang pagmamay-ari ng boses na iyon. Lumingon kaagad ako sa aking likuran at nanlaki mata na lamang ako nang makita si---
"Clive?" Sa isip ko.
Nakangiting nag-wave naman ito ng kamay habang ang isang kamay nito ay nasa bulsa nito.
Nataranta na lamang ako nang makita ang pamilyar na tao na nasa likod ni Clive na paparating.
"Tawagan mo si Dylan. Sabihin mo na siya na bahala dito." sabi nito sa assistant nito. Si Tito Andrew?!
Makikita niya si Clive? Malalaman niyang buhay ang kapatid ko?!

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    Fhem De Castro

    A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      2
  • avatar
    CasasPrecy

    very nice story

    10/05/2022

      1
  • avatar
    TadleLlean

    may ending po ba to

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata