Homepage/Mr. Billionaire, Don't English Me/
Chapter 82: Tuli
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Beth, pa-help!" Tawag ni Miss Mandy sa akin.
"Sige." Sagot kong lumapit sa kinaroroonan.
Alas otso palang nagsimula na nga out reach program at dumagsa ngayon ang mga tao dito sa court. Pati ang mga malapit na barangay ay nagsidayuan rin dito para makapag-check up ng libre. Lahat kami ay busy sa araw na ito.
"Tulungan mo kaming i-check yung mga taong nabigyan na ng ayuda. Baka kasi may umulit, kawawa yung hindi mabibigyan." Sabi nito nang makalapit ako. Binigay naman niya sa akin ang makapal na coupon bond na naka-stapler."Andyan na lahat ng pangalan ng mga pamilya pati sa kabilang barangay, nandyan na rin. Ang gusto ni Mr. Kailes, mabigyan lahat ang tao." Aniya'y dagdag pa nito.
"Sige." Sagot ko.
Sinimulan ko na nga gawin ang trabaho ko. Ang ayuda lang naman ay isang sakong bigas at mga relief goods. Malaking tulong na ito sa isang pamilya para sa pang-araw-araw nila.
Maagang nandito na yung mga truck dala ang mga ayuda. Galing pa ito ng manila at mabuti ngang sakto ito dumating. Marami na ang tao ngayon dito at mukhang aabutan kami dito ng gabi.
Nakita ko naman si Ros, hinahabol ito ng mga bata. Tuwang-tuwa naman siyang makipaglaro sa mga dito. Hindi na ko magtataka bakit close niya kaagad ang mga ito. Friendly naman kasi siya at may pagka-isip bata rin kaya iyon kinagusto ko rin sa kanya.
Mabilis naman ito inakbayan ni Lemuel sabay ginusot ang buhok nito.
"Ouch! Wag mo kong sabunutan!" Maktol naman ni Ros dito at pilit inaalis ang kamay nitong nakapulupot sa kanyang leeg.
"Ang kulit mo talagang hilaw ka. Isip-bata ka talaga! Halika nga dito, may tatrabahuin tayo." Hinila na nga ito ni Lemuel.
"Wait! Wait!"
Tuluyan na nga ito inakay ni Lemuel papunta sa kabilang tent.
Sisimulan ko na sana ang trabaho ko nang may matandang nasa harapan ko na tinatawag ako.
"Ineng?"
Napalingon naman ako.
Sumilay na lamang ang matamis na ngiti sa aking labi nang makita ito.
"Hello, 'nay! Magandang umaga po. Ano kailangan n'yo po?" Magalang na tanong ko dito.
"Ineng, itatanong ko sana kung saan nagpapatuli dito. Ipapatuli ko lang sana ang apo ko," sabay turo sa apo nitong nasa likod niya na nag-eedad ng dose anyos. Nahihiya pa itong tumingin sa akin.
"Halika 'nay! Dadalhin ko po kayo doon." Nakangiti pa ring yaya ko sa kanila.
Sumunod na nga ito sa akin. Di naman nagtagal, nakarating na rin kami sa tent kung saan tinutuli ang mga lalaki.
"Dito po 'nay."
"Salamat, ineng." Pasalamat nito.
In-assist na nga ito ng mga volunteers. Pinapasok na sa loob ang lalaki at pinaupo naman si Lola sa upuan para hintayin na lamang matapos ang apo niya. Ako naman ay naglakad na para bumalik sa pinaggalingan ko kanina nang may tumawag sa aking pangalan.
"Elizabeth."
Napalingon naman ako sa aking likuran at nakita ko si...
"Sir Johnser," sambit ko. Umayos ako sa pagkakatayo para humarap ito.
"Tubig. Baka nauuhaw kana," concern na sabi nito sabay lapat ng kamay na may hawak na mineral bottle.
Nakangiting tinanggap ko naman iyon."Thank you, Sir---"
Di ko napatuloy ang sasabihin ko nang may kumuha na lamang sa tubig na binigay ni Sir sa akin. Mabilis naman iyon binuksan ni Ros at ininom.
Pagkainom, pinunasan pa nito ang gilid ng labi."Thank you sa tubig, Brother Bok!" Nakangiting pasalamat ni Ros dito.
Tumango lamang ng bahagya si Sir Johnser dito. Hindi ko alam kung nagalit ba siya sa ginawa ni Ros o okay lang iyon sa kanya. Hindi kasi siya ngumiti, seryoso lang ang mukha niya. Sabagay, ganoon naman talaga si Sir. Akala mo palaging galit kasi seryoso lang ang mukha niya.
Baka nag-ooverthink lang ako?
"Pinapawisan ka."
"Ah?" Sambit ko nalang sabay tingin kay Ros.
"Hindi ka ba nagdala ng panyo?" Tanong nito sa akin.
"Nalimutan ko," sagot ko sa kanya.
"Mero'n ako dito. Sandali," mabilis naman nito kinuha ang panyo sa bulsa ng pantalon nito.
Slow motion pang pinunasan nito ang namumuong pawis sa aking noo. Dahil doon natigilan ako at natulala habang nakatingin kay Ros. Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking dibdib. Feeling ko ang lakas ng kalabog ng puso ko kunti nalang mag-bounce ito palabas at pumunta kay Ros.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa magandang mukha ni Ros. Napaka-seryoso niya habang pinupunasan niya ako, kinikilig ako dahil para niya akong bini-baby sa ginagawa niya. Sobrang maalaga talaga si Ros sakin kahit kailan.
Napasinghap ako ng bahagya nang napatingin sa akin si Ros. Tumigil ito sa ginagawa at pareho kami nakatingin sa isa't-isa. Parang ayaw na namin paawatin ang sarili namin sa nakakakilig na tensyon na iyon. Pareho na kami hinihigop sa kakaibang tinginan naming iyon halos nalimutan na naman na kasama pala namin si Sir Johnser.
JOHNSER SY POV:)
Naikunot ko na lamang ang noo ko habang nakatingin kila Elizabeth at Ros. Ayaw ko mag-isip ng malisya pero may kakaiba sa tinginan nilang iyon. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o nag-iisip lang ba talaga ako ng kakaiba kaya mali na pagkakaintindi ko sa kanila.
Pero bakit ganito sila magtitigan? Hindi ito gawain ng normal na magkapatid lang. Magkapatid ba sila?
"Beth!"
Nang marinig nila ang pamilyar na boses iyon, natigilan sila sa kinatatayuan at nanlalaki mata. Siguro na-realize nila na kasama pala nila ako.
Bigla nalang kinurot ni Ros ang mga pisngi ni Beth. "Pangit mo talaga, ate!"
"Aray!" Pinalo kaagad ni Beth ang kamay nito. Kinuha nuya dito ang panyo na pinunas nito sa kanya ni Ros."Akin na nga 'to!" Pagalit na sabi nito.
Nagkamali lang ba ako ng inaakala?
Bumaling nga si Elizabeth sa akin halos hindi siya masyado makatingin ng deretsyo sa aking mata."S-sige, Sir. Balik na po ako sa trabaho ko." Nautal na paalam nito sa akin. Si Mandy kasi ang tumawag sa kanya kanina.
"Sige." Sagot ko.
Tumakbo na nga si Beth paalis at sinundan ko pa ito ng tingin. Hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng malisya sa nasaksihan ko kanina. Nakakabuo na ako ng hinala sa isip ko. Siguro hindi lang sila magkapatid. Alam kong may higit pa doon.
Siguro naman nag-ooverthink lang ako?
Baka nga...
"S-sige. Balik na din ako," paalam ni Ros. Hindi na nito hinintay pa ang sasabihin ko nang tumakbo na ito paalis.
Naiwan akong gulong-gulo at takang-taka sa nasaksihan ko sa kanila kanina.
LEMUEL ESCALANTE POV:)
"Ikaw? Saan ka na naman galing? Dami trabaho dito, ikaw ayahay lang buhay mo?" Sermon ko kaagad dito nang makabalik na ito."Dito ka! Hintayin mong tawagin ka ni Doc baka may kailangan siya ng tulong." Sabi ko at mabilis na tinuro ko ang isang upuan malapit sa tent.
Sumunod naman ito, umupo nga ito sa upuan na tinuro ko. Magkatabi kami umupo niya ngayon at tamang hintay lang tawagin ni Doc. Minsan din ina-assist din namin ang mga pasyente nito.
"May nunal ka pala sa ulo," saad ni Ros sabay turo sa nunal kong naka-pwesto sa ulo ko nga.
"Matalino kasi ako," pagmamayabang ko sabay nag-cross arms.
"Meron din ako nyan." Nakangiting sabi nito sabay turo din sa nunal sa ulo nito."Matalino din ako. Bleh!" Sabay binelatan ako.
Pinigilan ko naman sarili ko hindi mapikon sa ginawa nito.
Kailangan kong hindi patulan siya. Isip-bata siya, pag pinatulan ko parang pinatunayan ko na rin na isip-bata rin ako. Hindi ko dapat sinasayang ang oras ko sa kanya. Saka baka magsumbong pa ito kay Beth na inaaway ko siya ako. Ako pa mapasama.
Pasalamat siya boyfriend siya ni Beth, kung hindi matagal ko na siya tiniris. Kahit boyfriend pa rin siya, kaya ko pa rin siya tirisin ng pinong-pino.
Napatingin na lamang kami sa kabilang tent nang makarinig ng sigaw. Rinig namin ang iyak ng bata habang tinutuli doon. Bigla naman ako nakaisip ng kalokohan.
Nakakalokong ngiti na bumaling ako kay Ros.
"Hoy? Pst!" Tawag ko dito.
"Oh?"
"Di ka pa nakakaalala 'di ba?" Tanong ko dito.
Umiling naman ito."Bakit?"
"Naaalala mo ba kung kailan at paano ka tinuli?" Tanong ko dito na may nakakalokong ngiti.
Nag-isip naman ito para alalahanin iyon.
Naka-pout na bumaling ito sa akin sabay umiling-iling.
"Luh ka! Baka di ka pa tuli?" Pabirong sabi ko dito.
"Ah? Ano itsura ba ng ano pag tuli na?" Gulat na tanong nito sa akin.
"Aba! Malay ko sayo. Magpatuli kana baka di ka pa tuli. Lagot ka pag di ka pa natutuli ngayon." Pananakot ko dito at palihim tumingin sa ibang direksyon at tumawa na walang sound.
"Bakit? Ano mangyayari kung di pa natutuli?" Takot na takot na bulalas nito sabay hawak sa short nito.
Pagkatawa umayos ako ng upo at normal ang mukha na tumingin ulit ako dito."Alam mo ba, pag ganyan nang mga katulad mo na hindi pa tuli, di makaka-buntis. Inshort, 'baog'." Pagsisinungaling ko dito.
"Ah?!" Gulat na turan nito halos manlaki ang mga mata nito at umawang ang labi.
"Oo!" Pananakot ko pa rin dito. Sinisikap kong hindi matawa dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha nito."Patay ka! Ayaw pa naman ng mga babae na baog. Hala ka! Baka iwan ka ni Beth." Pang-aasar at pananakot ko dito.
"No! No!" Tanggi kaagad nito."Hindi ako baog!" Nagsisimula nang umiyak na sabi nito.
Isip-bata talaga. Ang dali niyang lokuhin. Tsk!
Bakit pa kasi ito nagustuhan ni Beth. Ano ba meron dito? Para tuloy siyang nag-aalaga ng batang may abnormal sa pag-iisip.
Nagulat ako nang nilapit nito sa akin ang upuan kaya ang lapit na nito sa akin.
"Tuli kana?" Seryosong tanong sa akin nito.
"Oo," kunot-noo na sagot ko.
"Pakita nga! Tingnan ko ano itsura ng tuli."
Hahawakan na sana niya ang short ko na mabilis na tumayo ako at umilag dito.
"Hep! Hep! Ano ginagawa mo?!" React ko kaagad sa sinabi nito.
"Bilis na! Pakita ako!" Pagpupumilit nito. Tumayo ito at lumapit sa akin. Ako naman ay lumayo dito at kumakarate para hindi ito makalapit sa akin.
"Hep-hep! Diyan ka lang. Wag kang magkakamaling lumapit sa akin!"
Madami nang taong nakatingin na sa amin. Kailangan ko na umalis baka saan pa umabot itong pinaggagawa ni Ros. Baka hubadan ako nito wala sa oras.
"Sige na..." Pagpupumilit nito pagkatapos nag-pout ito para magpaawa sa akin.
"Bahala ka diyan..." Sabi ko at nakangiting pilyo na iniwan ko ito.
"Lemuel! Lemuel!" Tawag ni Ros sa akin.
JOHNSER SY POV:)
Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako nang bumungad sa harapan ko si Ros. Bahagyang napasinghap pa ako nang makita ito. Seryoso lamang ito nakatingin sa akin at feeling ko may kailangan ito sa akin.
Lumabas na nga ako ng cubicle at dumeretsyo sa lababo para maghugas. Nandito kami ngayon sa C.R, nag-CR lang naman ako. Naki-CR lang naman ako sa barangay hall. Hindi ko alam na nandito rin ngayon si Ros, kasama ko.
"Bakit?" Tanong ko dito pagkalapit sa lababo. Sumunod naman ito sa akin. Binuksan ko na nga ang gripo para hugasan ang kamay ko.
"Busy ka?" Nakangiting tanong nito sa akin sabay sandig sa lababo.
Pagkatapos maghugas, winisik-wisik ko ang basa kong kamay. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at iyon pinangpunas ko sa basa kong kamay.
"Bakit?" baling ako dito.
Ngumiti na lamang ito ng nakaka-weird. Kita lahat ng ngipin, feeling ko may binabalak ito dahil sa kakaibang ngiti nito.
"Tuli ka na?" May ngiti pa ring nakaka-weird na tanong na lamang niya sa akin.
Napatawa naman ako bahagya sa tanong nito."Anong klaseng tanong 'yan?"
"Sagutin mo nalang kasi," sabi nito sabay pout.
"Oo. Bakit?"
"Patingin!"
Nagulat na lamang ako nang hinawakan nito ang pantalon ko. Pilit inaalis niya ang pagkakakabit ng sinturon ko.
"Hoy! Ginagawa mo?!"
Para tuloy kaming bata na naglalaro sa CR at paikot-ikot kami. Para kaming naglalaro na dapat mahubaran niya ako ng short.
"Patingin ako!" Tumatawa na sabi ni Ros.
"Baliw ka talaga!" Natatawang sabi ko at patuloy lamang ako sa ginagawa dito sa CR.
Natigil na lamang kami ni Ros sa kinagagalawan ng makarinig ng bagay na tila bumagsak sa ibaba. Ganoon pa rin ang posisyon na sabay na napalingon kami sa pintuan. Nakita naman naming may nakatayong lalaki sa paanan ng pinto. Nabitawan nito ang hawak na walis ting-ting dahil sa nasaksihan nito sa amin. Tarantang nagmamadaling umalis ito ng CR.
Naiwan kaming napatingin sa isa't-isa ni Ros at ganoon pa rin ang posisyon namin. Sino di magugulat pag makita ang ganitong sitwasyon namin? Pag-iisipan mo kaagad ng kakaiba.
Di nagtagal, humagalpak na lamang kami ng tawa pareho.
THIRD PERSON POV:)
Bumaba na nga sa kotse ang misteryosong lalaki. Bumyahe pa siya galing manila mula kagabi pa. Nakita naman niyang madaming tao sa venue ng pinagdaosan ng event.
Nagsimula na siya maglakad para hanapin ang taong hinahanap niya. May nilapitan siyang lalaki na hindi pamilyar sa kanya para pagtanungan ito.
"Excuse me. Pwede magtanong?"
Pagod na nilapag ni Lemuel ng box sa ibaba. Nilingon niya ito at umayos ng pagkakatayo.
"Ano 'yon?" Tanong niya sa lalaki na medyo may katandaan na. Tiningnan pa niya ang kasuotan nito, baba hanggang taas.
Base sa kasuotan nito, para itong nagtatrabaho sa loob ng building.
ZERO POV:)
Mabilis na hininto ko ang kotse pagkarating. Nakita ko kaagad ang naka-paradang kotse ng assistant ni Mr. Andrew. Dali-daling bumaba ako at tumakbo para hanapin at pigilan na makita nito si Ros.
"Na-late ako!" Damnit ko at tumakbo para hanapin si Sir Dylan o kahit si Ros.
Kailangan kong mapigilang malaman ng assistant ni Sir Andrew na buhay pa ang pinapatay niyang pamangkin niya.
JOHNSER SY POV:)
"Ganoon ba?"
Tumango naman si Ros sa akin.
"Wag kang papaniwala doon. Tinatakot ka lang niya. Basta in-explain ko na sayo ano itsura ng tuli, kaya relax ka lang." Nakangiting sabi ko dito habang naglalakad na kami para bumalik sa court.
"Oo!" Nakangiting sagot ni Ros. Bumaling na ito sa daan at nakita na lamang nito di kalayuan si Elizabeth."Lady Beth!" Tawag nito.
Napalingon naman si Elizabeth at Mandy. Nakangiting kumaway-kaway dito si Ros.
Parang bata na tumakbo kaagad si Ros papunta sa kinaroroonan nito. Nang makalapit, mabilis na niyakap nito si Elizabeth.
"Namiss kita, a-ate." Nautal na sabi ni Ros dito.
"Namiss rin kita." Nakangiti ring sagot din niya dito.
"Sana all may sweet na kapatid." Sulpot ni Mandy sabay paikot ng mata.
Tumatawang bumitaw naman si Ros sa pagkakayakap kay Elizabeth.
Pagkalapit ko rin sa kinaroroonan nila, may tumawag na lamang.
"Sir."
Sabay-sabay na napatingin kaming apat sa nagmamay-ari ng boses na iyon.
Napakunot-noo ako nang makita ang misteryosong taong iyon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
2very nice story
10/05/2022
1may ending po ba to
01/10/2024
0Tingnan Lahat