Chapter 81: Zero

JOHNSER SY POV:)
Nawala na lamang sa paningin ko si Elizabeth. Iba nang tao ang naka-pwesto ngayon na kaninang kinapu-pwestuhan niya. Hinanap ko naman siya kung nasaan siya.
"Panalo ka!" Kinalabit naman ako ni Ros.
"Ah?" Takang baling ko dito. Nakita ko naman na lumabas ang kulay na tinayaan ko. Kinuha ko na nga ang perang napanalo ko."Sandali lang ah? Magsi-CR lang ako." Paalam ko sa kanila.
Tumango lamang ang dalawa sa akin. Nakangiting tumaya ulit sila.
Iniwan ko na nga sila para hanapin si Elizabeth.
Di pa ko nakakalayo, nakita ko na lamang siya na di kalayuan sa kinaroroonan ko.
"Ah, janitress ako. Nagta-trabaho ako sa U---"
Narinig kong sabi ni Elizabeth sa kausap niya.
"J-janitress?" Sabay bulalas ng mga ito.
Marahang tumango naman si Elizabeth.
Napakunot-noo na lamang ako nang makitang pinagtawanan siya ng mga ito. Naikuyom ko na lamang ang mga kamay ko nang makita ang paglungkot ng mukha niya.
Pinagtatawanan siya ng mga ito dahil sa trabaho niya.
"Janitress? Janitress trabaho mo?" Tumawa ulit ang babae na mukhang siya ang leader sa grupo nila."Akala ko pa naman manager kana. Tumigil ka pa kasi sa pag-aaral, yan tuloy, janitress bagsak mo." Natatawang pang-iinsulto nito.
"Ano ka ba, Jaylyn! Ano pa ba expected mo e high school grad naman tinapos niya," sabi ng isang babae.
"Uy! Umayos kayo baka nasasaktan si Beth sa pinagsasabi n'yo,"
"Ops! Sorry, Beth. Wag mo seryosohin 'yon," natatawa pa ring sabi ng leader sabay tapik sa braso ni Beth.
Naawa naman ako sa kanya dahil kita ko sa mukha niya ang pagiging malungkot. Sinisikap niyang ngumiti dito para ipakita na hindi siya naaapektuhan sa mga pinagsasabi nito.
Bakit hindi siya lumaban? Halatang kaya naman niyang  patahimikin ang mga ito. Sabagay, kilala ko Beth. Hindi siya yung klaseng tao na mahilig makipag-away.
"Beth, jowa pala namin." Pagpapakilala ng leader sa mga kasama nila."Siya si Elizabeth. Siya iyong kinukwento ko na palaging bumibili ng recess namin. Siya rin palagi bumibili ng ice water kada may activity kami," sabi pa nito sa boyfriend niya.
Hindi ko na matiis ang pag-iinsulto nila sa kanya. Lumapit na nga ako sa kinaroroonan nito.
"Beth, may boyfriend kana?"
"A-ah?" Gulat na naituran lamang niya."M-meron---"
"Pakilala mo naman," pamimilit nito.
"P-pero---"
"Babe!" Tawag ko.
Sabay-sabay na napalingon naman sila.
Nanlaki naman ang mata ni Elizabeth habang nakatingin sa akin. Nakangiti lamang ako ng matamis sa kanya papalapit sa kinaroroonan niyala. Umiiwas pa ako sa mga taong nagsisidaan rin, habang gumagabi, dumarami na rin ang tao sa court.
Nang makalapit sa kanya, tumigil pa ako bahagya sa harapan niya sabay hinawakan ang magkabilang braso niya at pinaharap sa akin.
Nakangiti pa rin akong matamis sa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Tara? Fishball na tayo?" Sabi ko na kinagulat naman ng mga nanlalait sa kanya.
Nalilito pa ring nakatingin sa akin si Elizabeth.
"S-sino siya?" Tanong ng mga ito sa kanya halos ituro ako.
Bakas sa kanilang mukha ang pagtataka at pagkagulat.
Nakangiti natural na bumaling ako sa kanila at lahat sila napatingin sa akin. Sunod na ginawa ko ay marahan na hinawakan ko ang isang kamay ni Elizabeth at pinakita pa sa kanila ang magkahawak naming kamay.
"I'm Johnser Sy, boyfriend ni Elizabeth." Pagpapakilala ko.
Napasinghap naman sa gulat ang tatlo halos napahawak sila sa kani-kanilang dibdib.
"B-boyfriend?" Di makapaniwala bulalas ng leader sa kanila.
Nakangiting matamis na tumingin ako sa kanya. Mas lalong hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya para ipa-intindi sa kanya na sumabay siya sa trip ko. Masyado siya nitong dina-down. Panahon na rin ata na iparamdam sa kanya na gusto ko siya.
Naibuka lamang ni Elizabeth ang kanyang bibig at hindi niya magawang makapagsalita. Para siyang na-pepe dahil sa nangyayari ngayon.
"Boyfriend? Imposible na maka-binwit ng sobrang guwapo siya." Mahinang bulong ng leader sa kanila na narinig ko naman.
"Ginayuma ata 'yan ni Elizabeth?" Mahinang sabi naman ng kaibigan nito.
Akala ba nila hindi namin naririnig ang pinagsasabi nila?
"Anyway," bumaling ako sa mga plastic na kaibigan niya."Alis na kami ng girlfriend ko ah? May pupuntahan pa kasi kami." Sabi ko sa kanila at pinilit pa ring ngumiti sa mga dito.
"S-sige." Nautal na sabay sabi ng tatlong babae kaagad."Bye!"
Nginitian ko lamang sila.
"Tara na, babe?" Yaya ko kay Elizabeth at hawak ko pa rin ang kamay niya ngayon.
"Ah? S-sige." Nautal na sagot niya at hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari ngayon.
Naglakad na nga kami paalis.
"Sandali! Ano pangalan niya ulit?" Narinig kong tanong ng leader sa kasama niya at hindi pa kami nakakalayo sa kinaroroonan nila.
"Johnser Sy raw!"
"Wait! Parang kilala ko yan. Ise-search ko sa google!" Mabilis na nag-search nga ito sa cellphone nito."What?!!" Nanlalaking mata na bulalas nito.
Mabilis naman lumapit ang mga kaibigan nito at tiningnan ang cellphone niya.
Nagulat naman ang mga ito sa nakita.
"Oh my god, sis! Siya ang heir ng Uphone!" Di makapaniwala na sabi ng isang babae.
"Tapos girlfriend niya si Beth?!" Saad din ng isang babae.
"No! No!" Di matanggap na sabi ng maarteng leader nila.
Napangiti naman ako sa narinig na reaksyon nila. Ngayon, nasampal sila sa katotohanan na di lahat ng may pinag-aralan ay nagwawagi sa buhay. Mas doon ako sa babaeng simple at kuntento sa kung ano estado ng buhay niya. Isa iyon sa dahilan rin na nagustuhan ko si Elizabeth. Hindi siya mapangmataas at nang-aapak ng taong mas mababa sa kanya.
Napansin ko naman tumigil sa paghakbang si Elizabeth kaya takang napatingin ako sa kanya. Tiningnan ko naman ang taong tinitingnan nito na dahilan nagpahinto ito sa kinagagalawan.
Bahagyang naikunot ko na lamang ang aking noo nang makita ang taong nasa harapan namin.
Walang iba si...
Salubong ang kilay na nakatingin sa amin si Ros.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Nagulat na lamang ako nang makita si Ros. Nakakatakot ang tingin niya sa aming dalawa ni Sir Johnser dahil nakita niya kaming magkasama at mas lalong sumalubong ang kilay niya nang makitang magkahawak kamay kami ni Sir Johnser.
Paano ko sa kanya ito ipapaliwanag? Baka mag-away pa sila dahil sa maling akala niya? Ano na kaya pumapasok sa isip niya? Baka iniisip niya na na nangangaliwa ako?
Kung alam lang niya na sobrang faithful ko sa kanya. Siya lang lalaking gustong-gusto ko. Sana huwag siya mag-isip ng malisya sa amin ni Sir Johnser.
"Ano meron?" Tanong nito sa amin."Bakit mo hawak ang kamay ni Elizabeth?"
Expected ko na galit siya pero yung tono ng pagsasalita niya parang...
Mabilis naman ako hinila ni Ros kaya nabitawan ako ni Sir.
"Dirty kamay niya. Naghawak yan ng mga barya, dami bacteria sa kamay nya. Yuck!" Parang bata na turan nito at pinunas ang kamay kong hawak kanina ni Sir sa jacket niya.
Akala ko talaga galit siya e. Akala ko aawayin niya si Sir. Sa napapanood ko sa mga drama pag nakita nila na may humahawak sa kamay ng girlfriend nila, nambubugbog na. Akala ko mangyayari gayon 'yon.
Sabagay hindi naman pala-away si Ros. Doon ko napatunayan na malaki ang tiwala niya sa akin. Hinding-hindi ko iyon sasayangin.
Tumawa lamang ako ng maiksi dito.
"Tara na! Lugaw na tayo!" Sigaw ni Lemuel na  napalingon naman kami dito. Kinakawayan kami nito.
Bumaling ulit sa alin si Ros."Wag kana papahawal sa kanya ah? Dami germs niyan." Pabirong sabi ni Ros at tumawa.
"Nakakahiya naman sayo na 100% na walang germs," pabiro ring pilosopo dito ni Sir Johnser.
"Bok-bok!" Asar ni Ros dito.
"Bol-bol!" Ganti rin ni Sir dito.
Tinginan naman ang mga tao sa paligid namin dahil sa sinabi ni Sir Johnser. Tumawa naman ako ng sobrang lakas.
Sobrang laughtrip silang dalawa. Para silang magkapatid dahil palagi silang nag-aaway at nag-aasaran. Dahil sa kakulitan nilang dalawa may nabuo na silang tawagan nila.
"Yucks! Lagyan mo nga yang bibig mo bukas ng holy water. Kung ano-anong masasamang hangin lumalabas dyan." Pang-aasar pa rin ni Ros dito.
"Pikon ka lang kasi e," nakangiting sabi ni Sir Johnser.
Tumawa naman ng pilit si Ros."Sinong pikon dyan? Baka ikaw?"
"Bol--"
"Hey! Ano 'yan? Nang-iinsulto ka ba?" Putol ni Ros dito dahil iniinsulto siya sa tawag nito sa kanya.
"Bol-bol---"
Di naman napatuloy ni Sir ang sasabihin nang mabilis na tinakpan nito ang bibig niya."Patay sakin yang bibig mo mamaya. Itatahi ko yan."
Tinanggal naman ni Sir ang pagkakahawak sa bibig niya."Bol-bo---" tinakpan ulit nito ang bibig niya.
"Hayst! Isa pa!" Napikon nang sabi ni Ros.
Tawa lang ako ng tawa sa kanilang dalawa.
RYAN/PUBG POV:)
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nasilaw naman ako sa ilaw na nasa itaas ko. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Hindi sa akin pamilyar ang kwartong ito.
"Gising na si PUBG!" Narinig kong boses ni John.
Nakita naman niyang nagsilapit ang mga kaibigan niya. Akala ko ba na-kidnap ako? Bakit kasama ko sila ngayon? Ano nangyari?
"Pubg!" Sabay-sabay nilang turan na may ngiti sa mga labi nila.
"May nararamdaman ka ba? Ano masakit sayo?" Tanong ni Bossbrad sa kanya.
"A-anong nangyari?" Namaos na tanong ko sa kanila.
"May nagligtas sayong lalaki kagabi." Sagot ni Jero kaya napatingin ako sa kanya.
"Hinabol niya yung van na sinasakyan n'yo at binaril niya yung gulong ng kumidnap sayo. Dahil nawalan na rin sila ng kontrol sa pagmamaneho, tumama ang sinasakyan n'yo sa isang poste. Sa awa ng diyos, walang nasaktan sa inyo." Kwento ni Jake.
Nagulat naman ako sa narinig ko. So, nasa mabuting kalagayan na ako?
"Yung mga kumidnap sa akin?" Tanong ko pa rin sa kanila at pinilit bumangon sa pagkakahiga.
Inalalayan naman ako ni Bossbrad at John para makaupo. Sinandig ko ng dahan-dahan ang likod ko sa headboard ng kama. Doon mo na-realize na nasa hospital ako ngayon. May band aid ako sa gilid ng noo ko at ito ata ang pinsalang natamo ko no'ng mabangga ang sinasakyan namin sa poste.
Mabuti na lamang nakaligtas ako.
"Nasa kulungan na silang lahat. Ang dami pala nilang kaso. Mga adik daw iyon at mamamatay tao." Sagot ni Jake.
"Magnanakaw pa daw." Dagdag din ni Jero.
"Nasaan na 'yong nagligtas sa akin?" Tanong ko pa rin. Gusto ko makapagpasalamat sa kanya ng personal dahil sa pagtulong sa akin.
"Umalis din kaagad dahil nagmamadali siya papuntang bicol pero nakuha namin ang pangalan niya. Pangalan niya si...si?" Inisip naman ni Jero ang pangalan.
"Zero." Sagot ni Bossbrad na napatingin ako dito.
"Zero?" Takang turan ko.
Pamilyar sa akin ang pangalan na yan. Saan ko na ba 'yan narinig?
THIRD PERSON POV:)
"The numbers is out of coverage area. Please try again---"
Pinatay ulit ng lalaki ang tawag at tinawag ulit ang numero ni Dylan. Ganoon pa rin, out of coverage area.
Nilapag na lamang niya ang cellphone sa ibaba at tinuon na lamang ang atensyon sa unahan.
Nagmamaneho si Zero at mahigpit ang hawak niya sa manibela. Gamit niyang sasakyan ang pinahiram sa kanyang sasakyan ni Dylan. Papunta siya ngayon sa bicol para sundan ang pinababantayan nito sa kanya, ang sekretarya ni Sir Andrew na patungo sa lugar kung saan nagre-reach program ngayon ang kanyang boss.
Dahil ilang araw nang hindi niya ma-contact si Dylan, sinundan niya ito para mapigilang makita ang bunsong anak ni Mr. Sy.
Mas lalo pa niyang pinabilis ang pag-andar para maabutan niya ito at mapigilan.

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    Fhem De Castro

    A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      2
  • avatar
    CasasPrecy

    very nice story

    10/05/2022

      1
  • avatar
    TadleLlean

    may ending po ba to

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata