Chapter 80: Peryahan

ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Kanina ko pa pinapanood ang tatlo na naglalaro ng color game dito sa peryahan. Para silang magkalaban. Kada tataya sila sa mga kulay, matalim ang tingin ang tinatapon nilang tatlo. Akala mo'y pagalingan sila sa larangan ng larong ito.
Matalim ang tingin na tiningnan ni Ros sila Lemuel at Sir Johnser sabay tumaya sa kulay puti. May talim rin sa mata na tumaya rin si Lemuel sa kulay yellow at ganoon rin si Sir Johnser. Tumaya naman siya sa kulay puti.
Napansin ko ngang mas maraming tao sa pwesto namin kaysa sa ibang palaro dito sa peryahan. Dahil pinagkakaguluhan nga ng mga ito ang mga kasama ko. Sabagay, ang guwapo naman kasi ni Ros at Sir Johnser at syempre sikat sila dito dahil bago ang mukha nila sa barangay namin.
Mapabata at kabataan, kinikilig habang minamasdan nila ang mga ito. Kahit mapatanda, nandito rin, nakikipag-tilian din.
"Iyan ba 'yong magpapa-reach out program dito?" Narinig kong tanong ng matanda sa katabi nitong mga babaeng kabataan.
"Oo. Lahat sila galing maynila. Lahat sila nagtatrabaho sa Uphone, Sumex at All Day Shop." Sagot naman ng babae dito."Ang guwapo nung naka-jacket na gray," kinikilig na turan nito.
"Oo nga. Napaka-hot naman nung naka-jacket na black," payag naman ng kasama nito.
"Naku! Ibibida ko din si Lemuel, kahit moreno pero napaka-guwapo niya," tila di papatalo na sabi ng matandang babae.
Napakamot na lamang ako sa leeg dahil sa narinig na chismisan ng mga ito.
Nagsimula na ngang mag-roll ang dice at ang lubas na kulay ay...
"White! Yes! White!" Masayang sabi ni Ros nang lumabas ng triple ang kulay puti. Inasar naman niya ang dalawa sa pamamagitan ng pag-iisip bata nito, binelatan.
Habang tumatagal sa paglalaro sila Ros, dumadami na rin ang tao ngayon dito. Mag-aalas diyes na rin ng gabi at marami nang ibang barangay ang dumayo sa lugar namin para makisayaw at maglaro dito sa peryaan.
"Excuse!"
Napagilid na lamang ako nang may mga kabataan na sumingit sa pwesto ko kaya ang nangyari, hindi ko na mapapanood ang paglalaro ng tatlo. Balak ko sana sumingit ulit para lumapit kila Ros nang may humawak na lamang sa braso ko.
Napalingon naman ako sa kumalabit sa akin.
"Hey, Beth! Kumusta? Long time no see,"
Bahagyang nagulat ako nang makita si...
"Elizabeth, kumusta na? Pumuti ka ata," sabi ng babaeng bagong dating.
"Balita ko nagpa-maynila ka. Kakauwi mo lang?" Nakangiting tanong naman ng isang babae na bagong dating rin.
Matagal ko ring hindi sila nakita. Dahilan na rin tumigil ako sa pag-aaral at sila ay napagpatuloy nila ang pag-aaral sa kolehiyo. Napatingin ako sa kasama nilang tatlo, may kanya silang lalaking kasama at mukhang boyfriend nila ito.
Kaklase ko sila mula elementary at high school. Hindi ko masasabing kaibigan ko sila pero nag-uusap naman kami. May time nga lang binu-bully nila ako dahil sa buhay ko. May kaya kasi sila samantala ako noon palaging late pumasok at gusot-gusot ang damit. Maputi sila at kabaligtaran naman sa akin na palaging nabibilad sa araw dahil sa bukid.
Nakaramdam rin ako sa kanila ng inggit dahil swerte sila dahil maganda ang buhay nila. Lalo na nakapag-aral sila sa kolehiyo kaysa sa akin na tumigil ako dala na rin sa kahirapan namin. Pero tinuruan ako ni mama na makuntento sa kung ano meron sa akin. Magpasalamat sa diyos pag may biyayang dumarating.
"Ah, oo. Kasama ko mga boss ko dito sa amin," sagot ko sa kanila.
"Bakit? Ano trabaho mo saka bakit nandito ang boss mo?" Tanong ni Jaylyn, ang babaeng nangalabit sa akin kanina.
"Ah, janitress ako. Nagta-trabaho ako sa U---" Di ko napatuloy ang sasabihin ko nang magsalita sila.
"J-janitress?" Sabay tulang bulalas.
Tumango naman ako dito.
Di ko inaasahan humagalpak nalang sila sa tawa pati na ang boyfriend nila.
May mali ba sa trabaho ko?
"Janitress? Janitress trabaho mo?" Tumawa ulit si Jaylyn."Akala ko pa naman manager kana. Tumigil ka pa kasi sa pag-aaral, yan tuloy, janitress bagsak mo." Natatawang sabi nito.
"Ano ka ba, Jaylyn! Ano pa ba expected mo e high school grad naman tinapos niya," tila pabirong sabi ni Dianne.
"Uy! Umayos kayo baka nasasaktan si Beth sa pinagsasabi n'yo," natatawang suway naman ni Bethy sa kanila.
"Ops! Sorry, Beth. Wag mo seryosohin  'yon," natatawa pa ring sabi ni Jaylan sabay tapik sa braso ko.
Nasaktan naman ako sa pinagsasabi nila. Ano naman kung janitress ako? Marangal naman na trabaho iyon ah? Atleast, nakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Pero sabagay, para sa kanila napakababang uri na ng trabaho iyon sa kanila. Mababa ang sahod bilang janitress kaysa sa nga manager o matataas na trabaho, mas maganda ang sahod.
"Beth, jowa pala namin." Pag-iiba ng topic ni Jaylyn at pinakilala nila sa akin ang mga jowa nila.
Nag-ngitian lamang kami ng mga ito.
"Siya si Elizabeth. Siya iyong kinukwento ko na palaging bumibili ng recess namin. Siya rin palagi bumibili ng ice water kada may activity kami," sabi ni Jaylyn sa boyfriend niya.
Ayaw ko maglagay ng kahulugan pero feeling ko pinapahiya nila ako.
Sabagay, totoo naman na ako taga bili nila ng pagkain pag recess at ako palagi inuutusan ng mga kaklase ko bumili ng ice water pag may grouping kami.
"Beth, may boyfriend kana?" Tanong na lamang ni Diane sa akin.
"A-ah?" Gulat na naituran ko na lamang."M-meron---"
"Pakilala mo naman," pamimilit ni Jaylyn.
"P-pero---"
"Babe!"
Sabay-sabay na napalingon na lamang kami sa tumawag.
Nanlaki mata na lamang ako nang makita si Sir Johnser na papalapit sa kinaroroonan namin. Slow motion pa ito naglalakad patungo sa akin halos umiiwas pa siya sa mga taong dumadaan din.
Slow motion rin na hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinaharap sa kanya.
"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Tara? Fishball na tayo?" Nakangiting tanong nito sa kain.
Nanlalaki pa rin ang mata na nakatingin ako dito.
Sandali? Babe? Tinawag ako ni Sir na babe?
"S-sino siya?" Nautal na tanong ni Jaylyn sa akin.
Nakangiting humarap si Sir Johnser dito at nagulat ako nang hawakan niya ang isang kamay ko. Para tuloy kami magka-holding hands sa ginawa niya.
"I'm Johnser Sy, boyfriend ni Elizabeth." Pagpapakilala ni Sir sa mga dito.
Mas lalo akong nagulat sa sinabi nito halos napatingin ako dito.
Napasinghap naman sa gulat ang tatlong kaibigan ko halos napahawak sila sa kani-kanilang dibdib.
"B-boyfriend?" Di makapaniwala na turan ni Jaylyn.
Nakangiting matamis na tumingin sa akin si Sir Johnser.
RYAN/PUBG POV:)
"Confirm, boss!" Nakangiting nakakaloko sabi ng lalaking nasa harapan ko habang nakatingin sa akin.
Anong confirm? Sino tinutuloy nila? Ako ba? Sino sila? Kilala ba nila pagkatao ko?
Napatingin na lamang ako kay Bossbrad nang magsalita ito halos pumunta pa ito sa harapan nito.
"Bakit, boss? May problema ba?" Malakas loob na tanong nito dito.
Nakangiting demonyo na bumaling ang lalaki kay Bossbrad."Meron, boss. Sa kanya," sabay turo  sa akin.
Nakaramdam naman ako ng takot. Feeling ko naramdaman ko na ang takot na nararamdaman kong ito ngayon. Nararamdaman ko rin na hindi sila mabuting tao base na rin sa pananamit nito at mga nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
Sa tingin ko rin may pakay sila sa akin at hindi ko alam kung ano iyon.
Napakunot-noo naman sila bossbrad sa sagot nito.
Di inaasahan, nagulat na lamang ako nang marahas na hawakan ng dalawang lalaking kasama nito ang mga kamay ko at kinaladkad papasok ng sasakyan nila.
"Bitawan n'yo ko!" Sigaw ko.
"Bitawan n'yo ang kaibigan namin!" Sigaw ni John at tangkang hahablutin na sana niya ako nang may apat na lalaking bumaba sa van at hinarangan ang mga ito.
Nagpupumiglas at nanlalaban ako sa dalawang lalaki. Balak talaga nila ako papasukin sa sasaktan nila para kidnappin ako. Bakit? Sino na sila? Ano nagawa kong kasalanan noon at bakit kailangan nila ako?
"Guys! Tulong!" Sigaw ko pa rin.
"Bitawan nyo siya!" Galit na sigaw ni Bossbrad.
Susugod na sana ito nang hinarangan siya ng mga lalaki.
Sinuntok na lamang ako sa sikmura ng isang lalaking hawak ako at tuluyan na nga ako naipasok sa loob.
"PUBG!" Sigaw ng mga kaibigan ko at sinubukan na nilang manlaban pero nakatanggap sila ng nga suntok mula rito.
Panay ubo lamang ako at namimilipit sa sakit. Hindi ko alam kung makikita ko pa ba sila pero hinihiling ko nalang hindi sila mapahamak kahit makuha ako ng mga taong ito. Gusto ko lamang makauwi sila ng maayos sa kanila at mabilhan ni Bossbrad ng manok ang mama niya.
Okay na sa akin iyon kahit ito na ang huli pagkikita naming lahat.
Nagpapasalamat ako dahil kinukupkop nila ako sa kabila nitong may amnesia ako ngayong dinadamdam pero tinuring pa rin nila akong isang pamilya nila at mabuting kaibigan.
Naluluha na lamang ako nang makita ang mga kaibigan ko na pinagbubugbog ng mga lalaki at lahat sila lumalaban para makuha ako mula sa mga lalaking ito. Kahit nahihirapan sila, pilit pa rin silang lumalaban para iligtas ako. Sobrang nagpapasalamat ako dahil may nakilala akong mabubuting tao tulad nila.
Hindi ko nalamayan umiiyak na pala ako habang inaalala ang maikling panahong pinagsamahan naming lahat.
"Bossbrad! John! Jake! Jero!" Tawag ko sa kanila habang tinatali na ng lalaki ang kamay ko mula sa likuran.
Napatigil naman ang mga ito at tumingin sa akin habang nasa loob na ako ng van.
"Salamat. Hanggang sa muli," naluluhang pasalamat ko sa kanya.
Galit na sinuntok ni bossbrad ang lalaking nasa harapan niya at tumakbo papunta sa van para iligtas ako. Tangkang papasok na sana siya sa van nang mabilis na sinipa siya ng lalaking katabi ko kaya napaupo siya sa kalsada.
"Bossbrad!" Sabay sigaw nila John nang makita ang nangyari kay Anthony.
Namilipit naman si Anthony sa sakit.
Nakatanggap naman ng suntok sila John at lahat sila napaluhod sa sakit.
"Alis na tayo!" Sabi ng lalaking nagmamaneho ng van.
Dali-dali naman pumasok ang mga ito sa loob.
"Hindi! PUBG!" Nahihirapang sambit ni Bossbrad at pinipilit makalapit sa van.
"Mga bro, mag-iingat kayo palagi. Ipaalam n'yo nalang ako kay Ate Beth at Kuya Ros. Sabihin n'yo na nakakaalala na ako at bumalik na ako sa kinaroroonan ko. Mag-iingat kayong lahat. Hanggang sa muli ulit," naiiyak na sigaw ko at dahan-dahan na sinarado ng lalaki ang pinto ng van.
"Hindi!" sigaw pa rin ni Bossbrad at pinilit bumangon."PUBG!" Sigaw nito at pinaghahampas ang kamay sa bintana ng van."PUBG! Ilabas n'yo siya! PUBG!"
"Tara na!" Sabi ng lalaking nagsabi kanina ng confirm.
Pina-andar na nga nito ang van at sinasabayan lamang ito ni Bossbrad. Panay sigaw lamang itong at pinagtutoktok ang bintana.
Nagulat na lamang ako nang tinakpan ng lalaking katabi ko ang bibig ko ng panyo at naamoy ko na lamang ang mabahong amoy na nagpahilo sa akin.
"Matulog ka muna. Have a safe ride," nakangiting demonyo na sabi nito.
And everything went black...
"PUBG!"
Narinig ko pang sigaw ni Bossbrad nang tuluyan akong nakatulog.

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    Fhem De Castro

    A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      2
  • avatar
    CasasPrecy

    very nice story

    10/05/2022

      1
  • avatar
    TadleLlean

    may ending po ba to

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata