Homepage/Mr. Billionaire, Don't English Me/
Chapter 78: Bok at Bol
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Aling Loreta, Mang Josefino, alis na po kami!" Paalam ni Lemuel dito.
"Alis na po kami. Maraming salamat po," sabay pasalamat naman ni Sir Johnser at Ros.
"Sige, mag-iingat kayo." Nakangiting sabi ni Aling Loreta at kumaway sa amin.
"Kuya Ros, yung secret natin ah?" Nakangiting pahabol ni Tonyet.
Nagkindatan lamang ang dalawa na tila nagkasundo ito sa isang bagay.
Ano kayang sekreto ng dalawang 'to?
Pababa na nga kami ng bundok at hindi ko mapigilang matahimik at tulala lamang habang naglalakad. Inaalala ko pa rin ang sinabi ni Lemuel sa akin. Kinabahan tuloy ako pero alam kong hindi ganun si Ros. Hindi siya ganoon na taong mapagpanggap.
"Okay ka lang?"
Gulat na napatingin na lamang ako sa gilid ko nang may humawak sa braso ko. Nakita ko namang si Sir Johnser iyon.
"O-oo," nautal na sagot ko kaagad at nakatinging bumaling sa daan.
"Elizabeth," sambit nito sa pangalan ko.
"Bakit, Sir?" Tanong ko naman sa kanya nang bumaling ulit ako dito.
Matagal ito hindi sumagot pero sa huli,
"Wala," sabi nalang ito at seryosong bumaling na lamang sa daan.
Halata kay sir na may gusto siyang sabihin o itanong sa akin. Ano kaya iyon?
ANDREW SY POV:)
"Ang ina ni Elizabeth na si Cassandra Villatorte at si Cassandra Villafalcon ay...iisa,"
Nanlaki mata naman ang mga mata ko sa nalamang impormasyon sa assistant ko.
"Base sa nakuha kong impormasyon, pinabago niya ang kanyang apelyido sa kanyang birth certificate bago siya umalis at piniling manirahan sa lugar kung saan taga doon ang nag-iisang kamag-anak niyang patay na at siya ang nagmana ng naiwang ari-arian nito," paliwanag nito.
Napangisi naman ako sa nalaman.
Hindi ko aakalain na ako pa unang makakaalam kung saan kinaroroonan ni Cassandra. Si Cassandra lang naman ang bestfriend ni Clara, ang taong minahal ko na asawa ng kapatid ko. Nasira ang pagkakaibigan nila dahil tinalikuran siya ni Clara noong panahong na-bankrupt ang kompanya nila na kagagawan ng magulang ni Lorisette. Nasira ang buhay niya dahil sa pagmamahalan nilang dalawa ni Leandro.
Sino mag-aakala na ang anak niya ay magta-trabaho dito---sandali? Tama kaya itong naiisip ko?
Kunot-noo na napatingin ako sa assistant ko.
"Kung naisip na po ninyo, oo, tama kayo. Anak nila Cassandra at Leandro ang janitress na kinahuhumalingan ngayon ni Johnser," dagdag nito."Bago umalis si Cassandra, nagdadalang-tao na siya,"
Natawa naman ako sa nalaman."Wow! What a coincidence!" Turan ko na lamang.
Naipalakpak ko na lamang ang kamay ko dahil sa nakakatuwang impormasyong nalaman ko.
"Mukhang mangyayari ulit ang nangyari sa magulang nila noon. Ito yung sinasabi nilang, 'history repeats itself," natatawang sabi ko. Umayos ako ng upo at pinagtiklop ang aking mga kamay na tila isang detective na nag-iisip ng malalim habang nakapatong ang mga siko sa mesa."May ipapagawa ako sayo," misteryosong turan ko.
"Ano po iyon?" Mahinang tanong nito.
"Kuhanan mo ng hibla ng buhok si Leandro. Gusto ko makasigurado na anak nga nila ang babaeng iyon. Mamayang hating-gabi, bumyahe ka papunta sa kinaroroonan nila Johnser at ikaw na bahala kumuha ng hibla rin ng buhok ng babaeng iyon," seryosong pahayag ko.
"Pag pareho ko na nakuha?" Tanong pa nito.
Ngumiti ako ng nakakaloko."Ipa-DNA natin..."
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Aray!"
Naisapo ko na lamang ang pisngi ko dahil nakagat ko ang dila ko.
"Bakit?" Alalang tanong ni Sir Johnser at Ros sa akin halos lumapit pa sila sa kinaroroonan ko.
"O-okay lang. Nakagat ko lang dila ko,"
"Number!" Sabi ni Ros sa akin.
Sapo pa rin ang pisngi na sumagot ako dito."O-one?"
"A? Sinong A?" Takang tanong ni Ros.
Kumibit-balikat naman ako sa kanya. Wala akong kilalang tao na nagsisimula ang pangalan sa letter A. Dito ko napatunayan na hindi totoo nga ito.
Kakarating lang namin ngayon sa bahay. Nasa labas kami, nakaupo sa upuan na gawa sa kawayan. Nagpapahinga pa kami at lahat kami pagod galing kila Mang Josefino at Along Loreta.
Dumating na nga si Lemuel dala ang biniling ice candy.
"Oh! Palamig kayo," sabay turol ng ice cream na nasa manipis na plastic.
Excited na kinuha iyon ni Ros dito at binigyan kami ng tig-isa ni Sir Johnser. Sakto lang sa amin ang binili ni Lemuel.
Naupo si Lemuel sa tabi ko. Nagulat ako nang may binibigay ito sa akin. Nakita ko naman sa palad niya na isang lollipop iyon. Hindi pa rin nagbabago ang best friend ko. Pag galing siya ng tindahan, palagi siyang may pasalubong sa akin na lollipop. Kaya ito isa sa nagustuhan ko kay Lemuel, maalaga at di nakakalimot ng pinagsamahan.
"Salamat," nakangiting pasalamat ko.
Ititiklop ko na sana ang mga palad ko kung nasaan ang lollipop na binigay ni Lem nang mabilis kinuha iyon sa akin ni Ros.
"Akin na 'to," parang bata na sabi nito sabay tago sa bulsa ng short-an nito. Katabi ko rin ito sa upuan at sa kabilang side ko naman siya nakaupo. Sa tabi naman niya si Sir Johnser.
"Kay Beth yan. Ibalik mo yan," suway ni Lemuel dito.
"Ayaw ko nga!" Tanggi nito.
"Ibalik mo yan sabi e!" Hinablot ni Lemuel ang short ni Ros.
"Ayaw ko nga!" Naki-hilaan si Ros dito.
"Akin na 'yan!"
"Ayaw ko nga sabi!"
Parang bata na nag-aagawan sila. Dahil napapagitnaan nila ako, napupurwisyo ako sa pinaggagawa nila. Para tuloy silang bata na nag-aagawan ng laruan sa tabi ko.
"Akin na nga yan!"
"Ayaw ko nga!" Matigas pa rin ang ulo na tanggi ni Ros.
Tumayo si Lemuel at pinahawak sa akin ang ice candy niya. Tila may binabalak na lumapit ito kay Ros. Kiniliti na lamang bigla nito si Ros sa tagiliran. Parang bata na hiyaw na hiyaw naman si Ros sa pinaggagawa nito.
"Nakikiliti ako!" Tawa ng tawa si Ros.
Patuloy pa rin niya kinikiliti ito."Ibabalik mo 'yan o ibabalik mo yan kay Beth?"
Mabilis na inalis ni Ros ang kamay nito at nakangiting tiningnan nito."Ayaw ko nga," nakangiting asar ni Ros dito.
"Ikaw," kiniliti ulit niya ito at sigaw lang ng sigaw si Ros.
Tawa naman kami ng tawa ni Sir Johnser sa pinaggagawa ng dalawa. Dahil sa pinaggagawa ng mga ito, nahulog na ni Ros ang kanyang ice candy sa ibaba.
"Ice candy ko!"
Napalayo naman si Lemuel dito. Bakas sa mukha ni Ros ang pagkalungkot ng makita ang icecream niya sa lupa. Parang bata na pagalit na tumingin ito kay Lemuel.
"Bilhan mo ko ng panibagong ice candy," nagmamaktol na sabi ni Ros dito.
Kinuha ulit ni Lemuel sa akin ang pinahawak niyang ice candy."Ayaw ko nga," pang-aasar niya kay Ros sabay subo sa ice candy para inggitin ito."Babosh! Uuwi na 'ko!" Paalam na nito at nakatingin pa rin siya kay Ros. Inaasar pa niya ito habang naglalakad paalis at kumakain ng ice candy.
"Psychopath!" Bansag ni Ros dito.
Tumatawa lamang si Lemuel papaalis.
Parang batang inapi na nagsumbong naman sa akin si Ros."Inaaway niya ako," nakangusong sumbong nito sabay turo sa papalayong si Lem.
"Pabayaan mo na 'yon," natatawang sabi ko nalang.
"Hmm," parang bata naman na sambit nito. Niyuyugyog niya ng mahina ang braso ko.
Na-cute-an naman ako sa pagiging isip bata ni Ros. Tinawanan ko na lamang siya.
"Isip-bata talaga." Umiiling na turan ni Sir Johnser sabay kain ng ice candy.
Nanlilisik ang mata na tumingin si Ros dito."Ano? Narinig ko 'yon!" Asal bata pa rin na sabi niya."Inggit ka 'no?"
"Ako? Maiinggit?" Naituro na lamang ni Sir ang sarili niya.
"Kasi di sayo bagay mag-isip bata. Tanda-tanda mo na kasi," pang-aasar niya dito sabay binelatan.
"Ros," hinawakan ko naman palihim ang manggas nito at tumingin ito sa akin."Umayos ka nga." Mahinang suway ko dito.
Anak ng! Mawawalan ako nito ng trabaho wala sa oras. Hayst! Napaka-kulit talaga ni Ros.
Sabay na napatingin na lamang kami kay Sir Johnser. Tumawa nalang kasi ito bigla na kina-creepy namin.
"Nababaliw na ba siya?" Takang turan ni Ros.
"Ulitin mo nga sinabi mo. Ako? Matanda?" Tanong ni Sir dito sabay tawa ulit.
"Oo. Naiinggit ka sakin kasi hindi na bagay sayo ang mag-isip bata. Kaysa ako, na fresh pa at ang bata pa," pang-aasar ni Ros dito at binelatan na naman niya ito.
Patay! Ang kulit talaga niya. Nakakalimutan ata niya na boss ko si Sir Johnser at dito ako nagtatrabaho. Sarap kutusan si Ros. Grgh!
"Bakit? Ilang taon kana ba?" Tila nanghahamon na tanong ni Sir dito.
"Ikaw muna. Ilan taon kana ba?" Balik tanong ni Ros dito sabay cross arms.
"Twenty-four,"
Tumawa naman si Ros."Kaya pala buknutin kana," asar pa rin niya dito.
"Wow! Nakakahiya naman sayo na bulbulin na." Pang-aasar din ni Sir dito.
Napatawa naman ako sa sinabi nito. Mabilis tumigil ako sa pagtawa dahil na-realize kong napalakas ko pala ang pagtawa ko. Dahil doon, napikon tuloy si Ros.
"Hoy! Atleast nagshi-shave ako!" Tanggol naman ni Ros sa sarili niya.
"Ilan taon kana ba?" Tanong ulit ni Sir dito.
"To-to-to..." Nag-isip naman si Ros."E-eighteen!"
"Sus! Maniwala!"
"Eighteen kaya ako!" Parang bata na turan ni Ros.
"Parang mas matanda ka pa nga sa akin e,"
"E Basta itatawag ko na sayo, bok...bukbutin," sabi ni Ros sabay tawa ng wagas.
Pagkatapos tumawa ni Ros saka rin bumanat si Sir Johnser."Ikaw naman si Bol...bulbulin,"
Natawa na naman ako at this time hindi ko na napigilan.
Napanguso na lamang si Ros. Sa huli, siya pa rin napikon sa kanilang dalawa. Pagalit na tumingin siya kay Sir.
"Ikaw..."
Mabilis naman kiniliti ni Ros ang tagiliran nito dahil dito parang tanga na pareho silang nagkikilitiang dalawa.
Tawa naman ako ng tawa sa pinaggagawa nilang dalawa.
DYLAN LORENZO POV:)
Naidipat ko na lamang ang mga mata ko nang bumalik ang pagkatino ng isip ko.
Mabilis humiwalay ako sa pagkakahalik sa kanya na may gulat sa mga mata habang nakatingin dito.
Hindi ko alam ano pumasok sa isip ko para gawin iyon. Yung tipong parang may sumanip sa akin ng kakaibang tao para gawin iyon.
Sandali! Dahil ba sa convo na nakita ko? Nagselos ako?
Naipikit-pikit ko na lamang ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ko ang kahibangan ito.
"Saan ka pupunta?" Tatayo na sana ako para lumayo dito nang marahas hawakan nito ang aso ko para pigilan sa binabalak."Pagkatapos mo kong halikan, aalis kana? Ano ka? Magnanakaw ng halik?!" Malditang kompronta nito sa akin.
"Hindi ko sinasadya," sabi ko nalang."Ano pumasok sa isip ko bakit hinalikan ko siya?" Sa loob-loob kong sabi.
Oo, nagalit ako dahil nalaman kong hinalikan siya ng sikat na artistang iyon. Pero laaking katanungan sa akin, bakit magagalit ako? May gusto na ba ako sa babaeng ito?
"Hindi sinasadya ah? Tsk!" Naipa-ikot na lang niya ang kanyang mata."Pwes, hindi ko rin ito sinasadya," makahulugang wika nito.
Di inaasahan mabilis na hinawakan ni Mandy ang magkabilang pisngi ko at marahas na hinalikan ako. Sa una, nagulat pa ako sa ginawa niya. Pero sa huli, hinawakan ko ang likod ulo niya at mas lalong diniin sa akin. Dahil sa bugso ng damdamin, sumabay na ako sa halik nito.
Dito ko napatunayan na may gusto na ako sa baliw na 'to.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
2very nice story
10/05/2022
1may ending po ba to
01/10/2024
0Tingnan Lahat