Chapter 65: Project

ANDREW SY POV:)
"What do you think, Ma?" Baling ko rito nang na-explain ko sa kanya ang gusto kong baguhin.
Nandito kami sa rooftop ng hospital na pagmamay-ari namin. Ang gusto ni mama ay dugtungan pa ng building ang hospital. Dahil habang tumatagal at dumadagdag ang panahon, mas lalong dumarami ang pasyente araw-araw.
Tila wala sa mood na tumango lamang si mama sa akin habang nakatingin sa unahan.
Ramdam ko sa kanya na tila wala siya sa mood.
"Bakit, Ma? May problema ba?" Takang tanong ko dito.
Matagal itong hindi umimik pero di nagtagal humugot ito ng hininga bago magsalita.
"Hanggang ngayon ba nagtatanim ka pa rin sa amin ng galit at pagtatampo ng ama mo?" Natigilan naman ako sa sinabi nito."Naghahangad ka pa rin bang mapasayo ang kompanya?" Sabay baling samin niya na mas lalong kinatigil ko.
Matagal akong hindi nakasagot.
"Totoo, nagtatampo at nagagalit ako sainyo ni Papa. Ako ang panganay, ako ang kasama nyo sa pagpapalago ng kumpanya at binuhos ko lahat ng oras ko kahit ang binata ko noong panahon na iyon, pinagliban ko halos di na ko nakapag-asawa dahil akala ko ibibigay nyo sa akin ang kompanya." Madamdaming pahayag ko sa aking isipan. Gusto ko mang aabihin pero pinili ko nalang na huwag sabihin.
Nakatingin lamang ako ng deretsyo sa mata nito.
****
Bumukas na lamang ang pinto at iniluwa doon si Johnser. Nang makita niyang nakahiga sa higaan ang kanyang Lola, dali-dali naman ito lumapit dito.
Mabilis hinawakan nito ang kamay habang himbing na himbing na natutulog ang kanyang lola.
"Tito, anyari? Ano nangyari kay lola?" Alalang tanong nito sa akin.
Sasagot na sana ako nang si Eladia na ang sumagot, ang assistant ni mama.
"Inatake siya sa puso habang pinapaliwanag ni Sir Andrew ang plano nilang irerenovate ang hospital." Naiiyak na sagot nito.
Hindi ako umimik bagkus tahimik lamang ako na nakatingin sa kanila.
"Ano sabi ng doctor?!" Tanong pa rin ni Johnser dito.
"Wag kang mag-alala." Sulpot ko. Bumaling naman si Johnser sa amin."Okay lang naman ang lola mo. Magigising rin siya pero hindi alam kung bukas o kailan." Ako na ang sumagot.
Malungkot na bumaling ulit si Johnser sa lola niyang natutulog. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay sabay hinalikan nito likod ng palad nito.
"Sorry, Lola kung palagi akong nahuhuli." Malungkot na wika nito.
Nakaramdam naman ako ng kaunting konsensya nang makita ang kalungkutan ni Johnser.
Pumasok na lamang ang kapatid kong kakarating lang. Humihingal pa ito tila tumakbo ito papunta dito. Nalaman palang ata nito ang nangyari kay mama. Nang makita nitong nakahiga sa kama si mama, mabilis na lumapit ito.
"Okay na ba si mama?" Tanong kaagad nito kay Eladia.
"Wag kayong mag-alala, Sir Cedric. Maayos na po ang kalagayan ni Señora Valencia." Sagot nito sa kanya.
Nakaramdam naman ako ng galit nang makita ko ang kapatid ko na sobrang alala kay Mama. Siya ang dahilan bakit inatake si mama. Siya ang sinisisi ko sa nangyari ngayon.
Napansin ko nalang sa pintuan ang assistant ko. Palihim na lumabas ako ng kwarto at iniwan ang mga ito sa loon.
Palihim na kinausap ko ito nang mapansin sa paligid na walang kahina-hinala.
"Na-check mo ba? Wala bang tao sa rooftop no'ng oras iyon?" Mahinang boses na tanong ko dito.
"Clear po. Kayo lang po ang tao ng oras iyon." Sagot nito.
"Good."
Ako ang dahilan bakit inatake sa puso si mama pero sinisisi ko sa nangyari ang kapatid ko, si Cedric.
THIRD PERSON POV:)
"Ano ginagawa mo dito?" Kunot-noong tanong ni Ros dito. Nang makita niya ito, kumukulo ang dugo niya ngayon."Dylan, right?"
Tila may nabubuong tensyon sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng salubong na tingin nila sa isa't-isa.
Sa huli, si Dylan na ang sumuko sa kanila.
"Nandito ako para may ibigay sa'yo." Panimula nito.
"Ano 'yon?" Medyo ambog ang tono na tanong ko dito.
Binigay niya sa akin ang isang flashdrive. Takang napatingin naman ako sa kanya.
"What is this? Para saan 'to?" Napataas ang kilay na tanong niya dito.
"Yan ang plano namin para sa Anniversary ng All Day Shop. Tingnan mo nalang, if may gusto ka idagdag o baguhin, inform mo sakin." Cold na sagot nito."Di na ko magtatagal, aalis na ko." Paalam na nito.
Sumakay na ito kaagad sa kotse nito. Bago pa man umalis, bumusina pa ito. Nakatingin pa sila sa kotse nitong papaalis.
"Sino 'yon, Ros?" Tanong na lamang ni Anthony sa kanya. Doon niya naalala na kasama pala niya ang kaibigan niya.
"Iyon ba?" Natawa naman siya ng mahina."Traydor 'yon." Napa-smirk na sagot niya.
Nilagay na niya sa kanyang bulsa ang Flashdrive at naglakad na siya papasok sa apartment. Sumunod din naman sa kanya ang mga kaibigan niya habang napakamot sa ulo si Anthony sa pagtataka sa sinabi niya.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Pinasok ko na nga ang cart ma naglalaman ng panlinis sa office ni Sir Johnser. Pagkapasok ko, tumingin pa ko sa paligid at sinisigurado kung nandito na ba si Sir o wala pa. Nang masiguro na wala pa, kinuha ko na ang walis tambo para maglinis.
Mga ilang minuto, natapos rin ako. Kinuha ko naman ang basahan at pinunas ang mga kagamitan ni Sir. Two days din akong absent at medyo maalikabok na dito. Sinunod ko naman ang mga kagamitan ni Sir sa table. Inayos ko ang mga folder at nilagay ang ballpen sa lagayan nito.
Sumunod naman ay inayos ko ang pagkaka-arrange ng mga libro ni Sir sa bookshelves. Bago ko ilagay doon, pinupunasan ko muna. Medyo ma-alikabok na rin.
Ilalagay ko na sana sa taas ang libro nang nagulat ako na lamang ako nang may humawak doon para pigilan ako sa paglagay doon. Dahil sa gulat, napaharap ako sa likuran ko. Napasinghap at natigilan na lamang ako nang may nakita akong tao na nasa harapan ko. Nakataas pa rin ang isang kamay ko habang hawak ang libro at hawak rin ng misteryosong tao. Nanlalaki mata na iniangat ko ang ulo ko at nagulat na lamang ako na ang lapit ng mukha ni Sir Johnser sa akin.
Hindi ko magawang huminga at na-estatwa ako sa kinatatayuan nang makitang nasa harapan ko si Sir.
Mabilis ko naman binitawan ang libro at umalis sa pagkaka-corner nito.
"S-sorry, Sir. Nilinisan ko lang ang mga libro nyo---" di ko na lamang napatuloy ang sasabihin ko.
"It's okay. Ito kasi yung librong matagal ko nang hinahanap." Sabi niya sabay pakita sa libro na hawak ko kanina.
Tumawa lamang ako ng pilit dito habang sinasabayan ng pagkamot sa ulo.
Tumungo na nga ito sa table niya at naupo sabay lapag ng libro doon.
Medyo awkward ang nararamdaman na pinatuloy ko na ulit ang ginagawa ko kanina.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong na lamang nito habang ino-on ang computer nito.
Napatingin naman ako dito."Opo. Okay na po ako," bumaling din kaagad ako sa ginagawa ko.
Nasiko na lamang ni Sir ang lagayan na naglalaman ng mga ballpen niya. Dahil doon, nagkalat iyon sa sahig.
Mabilis ko naman nilagay sa kahit saan ang basahan at lumapit dito para pulutin ang nahulog.
"Ako na po, Sir." Sabi ko nang tangkang pupulutin sana ni Sir iyon.
Bumalik ulit ito sa kinauupuan at hinayaan akong ako ang kumuha ng mga iyon.
Di naman nagtagal, natapos ko na rin iyon. Binalik ko na iyon sa pinaglalagyan nito kanina sa table niya. Aalis na sana ako para bumalik sa ginagawa ko nang napahinto na lamang ako sa nabasa.
Kinuha ko ang folder na bahagyang naka-bukas at binasa ang nakasulat sa coupon bond.
"Oh?!" Bulalas ko na lamang sa nabasa.
"Why? Is there something wrong?" Takang tanong na lamang ni Sir Johnsee sa akin.
"S-sir, may project po ba kayo sa lugar na 'to?" Tanong ko sabay turo sa nakasulat sa folder.
"Yeah! Diyan napili ni Mr. Kailes na idaos ang Reach Out Program sa anniversary ng All Day Shop," Sagot naman ni Sir."Bakit?"
"Wow?! Talaga, Sir?! Taga dyan po ako." Manghang bulalas ko.
"Really?" Manghang bulalas rin ni Sir. Kinuha niya sa akin ang folder at binasa ang lugar na kung taga saan ako."Taga bicol ka?" Manghang tanong nito.
"Oo, Sir. Bicolana po ako," Proud na sagit ko."Salamat, Sir at napansin n'yo ang lugar namin. First time na may dadayo sa amin ng malaking kompanya at doon pa mamgyayari ang Reach Out Program." Sobrang gaan sa pakiramdam na wika ko.
"What a coincidence!" Nakangiting turan ni Sir."Gusto mo na sumama? Para makauwi ka at makapagbisita sa lugar mo." Yaya na lamang ni Sir.
"Pwede, Sir?" Di makapaniwalang bulalas ko ulit.
Nakangiting tumango siya.
Napatili naman ako sa sobrang saya."Thank you, Sir!"
Di ko mapigilang pumalakpak dahil sa sobrang saya na nararamdaman halos napapatalon pa ko bahagya.
"Sa monday na ang alis namin papunta sa lugar nyo. Mag-start kana mag-prepare ng dadalhin mo," wika niya.
"Yes, Sir!"
THIRD PERSON POV:)
"Daddy Drew! Daddy Drew!"
Hindi niya mabuksan ang pinto. Pilit niyang binubuksan ito at ramdam niya ang takot dahil nakakulong siya sa kwartong tila abandonado at napaka-dilim.
"Daddy Drew! Open the door, please? I'm scare. I'm so scared." Naiiyak na sabi niya.
"Sana mamatay kang nakakulog diyan." Narinig niyang sabi ng tao na nasa labas.
Sumigaw na sumigaw lamang siya habang tinatawag ito. Rinig niya ang tunog ng sapatos nito paalis. Puno ng takot ang nararamdaman niya noong bata siya dahil dito.
*~~~~
Nagising na lamang si Ros nang may humawak sa balikat niya.
"Sir?" Gising ng babae sa kanya.
Napaayos naman siya ng upo at hindi naiwasan humikab.
"Yes?" Tanong niya pagkatapos humikab.
"Ito na po yung pinapakuha n'yo sa akin." Mahinahong sabi ng babae.
Nilagay naman nito ang mga papeles sa table.
"Thank you."
Umalis rin naman ang babae.
Kinuha niya ang mga papeles at binasa. Natigilan na lamang siya nang maalala ang panaginip niya. Ramdam niya na nangyari iyon sa kanya at isa iyong alaala sa pagkatao niya.
Pilit inaala kung sino at ano ang papel ng tinatawag niyang Daddy Drew. Sa palagay niya na hindi niya iyon ama dahil base sa nauna niyang alaala, may kapatid siyang tinawag itong Tito Andrew. Ibig sabihin lamang iyon, tito rin niya iyon.
Pero bakit tawag niya rito ay Daddy Drew?
Napailing-iling na lamang siya nang bumalik ang kanyang normal na isip.
Pinatuloy na nga niya ang ginagawa na naudlot kanina. Madami ang trabahong tatapusin niya ngayon at sa tingin niya hindi niya masusundo mamayang pag-out si Lady Beth.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Kita-kits nalang tayo bukas ah? Bye!" Paalam ni Rose sa akin nang lumiko na siya.
Kakalabas lang namin ng Uphone Building, uwian na namin at kaka-out lang namin sa work.
"Sige. Bye!" Paalam ko rin dito.
Tumakbo na nga ito para umalis. Kailangan nito mahabol ang bus na sasakyan nito pauwi. Ako naman ay tumigil sa paglalakad at kinuha ang cellphone sa bag. Nakita ko naman na may message akong natanggap kay Ros.
Binasa ko naman iyon kaagad.
Ros:
Hindi ata tayo sabay makakauwi. Madami tatapusin ko ngayon.
Natanggap ko ang mensahe niya sakin mga 30 minutes ago palang nakakalipas. Siguro hindi na kami sabay nito uuwi kaya mauuna na lang ako.
Aalis na sana ako nang nagulat na kamang ako nang may itim na kotse na huminto sa harapan ko. Takang napatingin na lamang ako sa bintana ng kotse. Hindi ko alam bakit ito humingo. May pakay kaya ito sa akin?
Dahan-dahan naman bumaba ang bintana at nagulat na lamang ako nang makita sa loob ng kotse si...
"Sakay na. Ihahatid kita sa sainyo." Prisinta ni Sir.
"Ah? Sir, pasensya na po. Nasa Uphone tayo. Baka ano isipin ng makakakita sa atin---"
Di ko nalang naituloy ang sasbihin ko nang bumaba ito sa kotse. Pumaikot ito para makalapit sa akin. Nagulat pa ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. Napansin ko naman na sa amin nakatingin ang mga tao dito.
Malaking chismis 'to bukas.
"Get in." Sabi niya sa akin sabay senyas na lumasok na sa loob.
Dahil sa kahihiyan, tahimik naman na pumasok na ako sa loob habang nakayuko. Ramdam kong sa amin nakatingin ang ibang tao. Alam kong may naiisip na ang mga ito sa amin. Bibigyan nila ito ng kahulugan.
Kailangan na naming umalis bago pa man may makakitang iba sa amin.
Pagkapasok ko sa loob, sasaraduhin na sana ni Sir ang pinto nang may pumigil doon.
Pag-angat ko nang ulo, nakita ko na lamang may isang kamay na nakahawak sa pinto ng kotse para pigilan sa pagsara iyon.
Nagulat na lamang ako nang makita ko ang taong gumawa iyon. Nakatingin ng seryoso si Ros kay Sir Johnser habang nakatingin naman ng seryoso si Sir dito. Kita ko sa kanilang dalawa Ang m kakaibang awra nila na parang ayaw nila magpatalo.
Tila may namumuong tensyon sa kanila habang nakatingin sila ng deretsyo sa mga mata. Na akala mo'y may kuryente sa mga mata nila na naglalabanan at ayaw magpatalo.
Nagulat naman ako sa nangyayari ngayon.
Author: Sorry sa mga wrong typos at wrong grammar.
HAHAHAHA! Habang sinusulat ko 'to inaantok na ko.
Kayo na muna umitindi nito. Don't forget to like, comment and follow me. Thank you L.A Babies!

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    Fhem De Castro

    A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      2
  • avatar
    CasasPrecy

    very nice story

    10/05/2022

      1
  • avatar
    TadleLlean

    may ending po ba to

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata