Chapter 47: Rose

DYLAN LORENZO POV:)
Pagkaparada ko ng kotse sa gilid ng daan, mabilis na sumakay ang hinire kong investigator. Mabilis na tinuro niya ang isang apartment na medyo luma na. Puro sa gilid ay mga tambay na nag-iinuman, nagsisigarilyo at may mga kasamang mga babaeng bayaran. Nandito kami sa tondo kung saan dito nakatira ang pinapahanap ko.
"Diyan nakatira ngayon ang pinapahanap nyo." Sabi nito sa akin ng ituro ang lumang upahan.
"May kasama ba siya?" Baling ko dito habang nakahawak pa rin ako sa manibela.
"Mag-isa lang po siya. Kakamatay lang ng nanay niya, namatay sa stroke." Sagot nito.
"Anong number ng kwarto niya?" Tanong ko ulit nang tinatanggal ko ang seatbelt.
"Sa second floor, sa pinakadulo."
Pagkasabi nito ay bumaba ba ako ng kotse. Tinginan naman ang mga tao sa amin. Minsan na din ako nakapunta sa tondo at alam kong mga tao dito ay siga. Para hindi ako mapaaway ay hindi ako makikipag-eye contact sa kanila. Magkukunyari akong hindi sila nakikita at straight lang sa daan ang mata ko.
Pagkapasok sa apartment, nakakita naman ako ng isang lalaking nakasandig sa gilid habang nakapulupot ang kamay nito sa baywang ng babae, naghahalikan sila. Pagtaas ko palang ng hagdan, may nakasalubong akong dalawang babae at binugaan ako nito ng usok ng sigarilyo. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad.
Di nagtagal ay nakarating na ako sa pinakadulo na kwarto. Nakita ko ang payong nito na nakasandig lamang sa gilid na sira-sira na. Nagsimula na ako kumatok at hinihintay na pagbuksan ako ng kapatid ni Tomas. Kumatok ulit ako pero sa pangatlong katok ay bumukas ang pinto ng kabila. Lumabas doon ang isang babae maraming kolorete ang mukha at halatang bayaran ding babae dahil sa suot nito at mga alahas na nakasabit sa katawan nito.
Di pa nito nasasarado ang pinto, gulat na gulat na makita ako nito halos napa-atras ito ng isang baitang at napahawak ng bahagya sa dibdib nito. Kilala kaya ako nito?
Bahagyang nagulat ako nang may lumabas na lalaki sa pintong pinaglabasan nito. Mabilis na hinawakan nito ang braso nito ng napakahigpit dahil kita niya na bahagyang nasasaktan ito.
"Wag kang uuwi na wala kang dalang pera.  Malilintikan ka sakin." Pananakot sa babae, galit na pinandilatan ito ng mga mata sabay tinuro-turo pa ito.
"O-oo." Halatang takot na sagot nito.
Pawaksing binitawan ito ng lalaki at pumasok na sa loob. Halos kumalabog pa ang pinto dahil sa pagsara nito. Nahihiyang tumingin siya sa akin. Nang makitang nakatingin ako sa kanya at nasaksihan ko ang lahat, mabilis na tumalikod ito at tumakbo paalis.
Saka ko lang naalala ang babaeng iyon. Siya yung kasa-kasama ni Elizabeth na isang janitress din?
Nang maalala iyon ay napaangat ako ng ulo at mabiliw na tinawag nito.
"Sandali, kilala kita!" Tawag at pigil ko dito.
Napahinto naman ito sa pagtakbo. Mahigpit ang hawak sa maliit na bag nito na dahan-dahan na tumalikod ito at humarap sa akin. Nakayuko lamang ito at pilit kinukubli ang pagkahiya at takot.
Humakbang ako para lapitan ito. Nang makalapit ako sa kanya ay pinagmasdan ko muna ito. Sinisigurado ko na siya nga ang kaibigan ni Elizabeth.
"Ikaw yung kaibigan ni Elizabeth, di ba?" Tanong ko rito.
Dahan-dahan na iniangat nito ang ulo at bakas sa mukha nito ang pagkahiya nang tumingin ito sa akin.
Marahan na tumango siya bilang sagot sa akin.
*////
Nandito kami sa isang kainan, nagulat ako dahil sunod-sunod ang pagkakain niya ng pansit halos hindi niya iyon nginunguya. Kita ko sa kanya na sobrang gutom na gutom na siya at hindi pa pala siya kumakain ng tanghalian at pang-gabi.
Mabilis na sinalinan ko ang baso niya ng coke. Pagkatapos ay kinuha niya agad iyon at ininom. Pagkainom pinunasan niya ang kanyang labi halos hingal na hingal siya.
"Kaano-ano mo yung lalaking iyon?" Panimulang tanong ko sa kanya.
Iinom ulit siya ng coke sa baso nang nahinto naman ito. Takang napatingin ito sa akin. Dahan-dahan nilapag niya ang hawak niyang baso saka sumagot sa akin.
"Boyfriend ko." Sagot nito sa natural na boses. Boyfriend? "Kung gusto mo tanungin kung bakit ganito ang damit ko, yes! Bayaran akong babae. Umaga, janitress. Gabi, pokpok." Prangka agad nito. Naluluhang kinuha niya ulit ang baso na naglalaman ng coke at lumagok.
Kita ko sa mga mata nito na hindi niya ginusto ito. Napipilitin at nakukulong siya sa kamay ng kanyang kinakasama. Napansin ko rin sa kanyang braso na bahagyang may pasa siya. Kagagawan ito ng boyfriend niya panigurado. Kita naman sa boyfriend nito na kaya manakit ng babae tulad niya.
Matindi rin ata pinagdadaanan nito ngayon.
Nilapag ulit niya ang baso na wala nang laman. Nagpatuloy na ulit ito sa pagkakain habang pinipigil lumandas ang mga luha nito sa kanyang mga mata.
"Alam ba yan ng kaibigan mo?" Tanong ko maya-maya.
"Nino? Ni Elizabeth?" Nakatingin sa kinakain na sabi nito.
"Oo."
Napabuntong ito bahagya na tila napaisip.
Pinagpatuloy ulit niya ang pagkakain ng pansit."Hindi pa." Sagot nito habang ngumunguya at nakabalik lang sa pagkain nito."Oo nga pala," Umangat ang ulo nito para tingnan ako."Ano ginagawa mo dito?" Curious na tanong nito.
"Kilala mo ba ang nakatira sa katabi mong kwarto?" Tanong ko.
Tumango ito."Si Ryan? Oo naman! Kaibigan ko ang kuya nun. Bakit?"
"Asan siya ngayon?"
Kumibit-balikat ito."Ewan ko. Mula nang ilibing ang mama nila, umalis si Ryan para hanapin ang kuya niya." Sagot nito sabay kain ulit.
Saan ko hahanapin ang kapatid ni Tomas?
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Dahil sa nangyari kanina, di ako makatulog ngayon. Alas tres na ng gabi, dilat pa rin ang mga mata ko. Di ako maka-get over sa kiss namin ni Ros. Di ko inaasahan na mangyayari ito sa amin at di rin inaasahan na nababaliw ako dahil sa kiss na iyon.
First kiss ko iyon at si Ros ang unang naka-dampi sa labi ko. Hayst! Anong mukhang ihaharap ko sa kanya nito bukas? Nakakahiya! Sabihin niyang gustong-gusto ko yung ginawa niya. Natatakot ako baka mabuntis ako---wait! Nakaka-buntis ba ang halik?
Pinapakiramdaman ko kung tulog pa si Ros. Nakahiga kami sa kama habang nakatagilid ako at nakatalikod sa kanya. Nang mangyari iyon, di ko alam gagawin ko. Basta para na kong timang kanina. Di ako makatingin masyado sa kanya tapos wala sa isip ko na may pinaggagawa ako na di ko naman inisip na gagawin ko. Basta! Parang baliw ako kanina! Natagpuan ko sarili ko nagbibilang ng butil ng bigas. Shunga lang 'no?
Dahan-dahan lumingon ako sa likod ko at humiga ng straight. Nakita ko naman na himbing na himbing na natutulog si Ros habang nakatagilid paharap sa akin. Matagal akong napatitig sa mukha ni Ros. Di ko pa rin ma-imagine na matatagpuan ko siya dito sa maynila. Nandito ako para hanapin ang papa ko pero bakit nandito ako para makasama siya?
Paano kung bumalik ang alaala niya? Paano kung ang buhay niya noon ay may asawa na pala siya o girlfriend?
Mabilis na napapikit-pikit ko ang mata ko dahil sa weird na iniisip ko. Bumangon na ako sa pagkakahiga para maligo na at maghanda ng almusalan namin. Kailangan ko pumasok kaagad ng trabaho at dapat bago siya magising, umalis na ako. E basta! Nahihiya talaga ako sa kanya.
Naalala ko na naman ang kiss namin sa CR. Slow motion pang binalik alaala ko ang pagdampi ng labi nito sa labi ko habang nababasa kami. D*mn! Lubayan mo muna ako please!
Tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama at tumungo sa pinto para lumabas ng kwarto.
*****
Kakatapos ko lang mag-prepare ng almusal namin. Tinakpan ko na ang pagkain na kakainin mamaya ni Ros paggising niya. Pumasok na ulit ako sa kwarto para mag-ayos na dahil papasok pa ko ng trabaho. Naabutan kong tulog pa rin si Ros at iba na ang posisyon niya kanina.
Sumulyap ako sa taas kung saan nakasabit ang wall clock. Nakita kong alas 4 palang ng umaga. Kailangan ko nang mag-ayos at dapat makaalis na ko kaagad bago magising si Ros.
Umupo ako sa upuan sa harap ng salamin kung saan nandodoon yung mga pangpaganda ko. Lahat na pampaganda ko ay bili ni Ros. Dati maitim ako pero ngayon um-okay na ang kulay ng balat ko dahil kay Ros. Tinutulungan niya ako magpaganda dahil nakikita niyang naiinggit ako sa mga dalagang alagang-alaga sa sarili niya.
**Flashbacks**
"Ros, paano paggamit ng mga ito? Hindi ko alam paano ito." Sabi ko habang isa-isa kong tiningnan ang mga pampaganda na binigay niya sa akin.
"Take a bath first. Ito ang gamitin mong shampoo saka sabon. Isabay mo na rin itong conditioner. Pati rin itong pH Care." Sabi niya nang kinuha niya ang iyon at nilagay sa kamay ko.
Napa-pout na lamang ako."May shampoo pa tayo, sayang yun---"
Pinutol naman niya bigla ang sasabihin ko na mabilis na hinila ako para patayuin sabay tulak papuntang pintuan.
"Wag na yun. Yan na gamitin mo."
"Wait lang!" Pigil ko pero tinutulak pa rin niya ako.
Pagkarating namin sa pintuan, binuksan niya iyon at pinalabas ako."Maligo kana ah?" Nakangiting sabi niya sa akin.
"Wait lang! Tuwalya?"
Dali-dali naman siyang pumasok sa kwarto at kinuha ang tuwalya ko. Binato naman niya iyon sa akin halos natakpan ang mukha ko. Naka-pout na inalis ko ang tuwalya sa mukha ko at pagalit na tumingin sa kanya.
"Maligo kana ah?" Nakakaasar ang ngiti sabi niya. Pagkatapos ay umupo ulit siya sa sofa at nanood ulit ng T.V.
Kakamot-kamot ng ulo na sinarado ko na ang pinto at tumungo na nga ng CR para maligo.
****
Mabilis na nilayo ko ang mukha ko na lalagyan ako ni Ros sa mukha na pampaganda.
"Uy! Legit ba yan? Sa mukha ba talaga yan? Baka hindi ah!" Sabi ko. Kailangan makasiguro baka may lason yan o chemical na matapang, masunog pa mukha ko.
"Oo. Wag ka nalang kasi malikot." Sabi niya at hinawakan ang magkabilang braso ko para paayusin ako sa pagkakaupo.
Lalagyan ulit niya ako na pinigilan ko ulit siya."Wait lang!"
"Why?" Naiinis nang sabi nito.
"Lagay ka rin nyan." Request ko."Para pag masunog mukha ko, pati rin sayo. Damay-damay na 'to." Pabirong sabi ko sabay tawa.
"Sige ba!" Payag niya agad."Wait lang!"
Mabilis na tumungo siya sa kusina para hilamusan ang mukha. Di pa nag-iisang minuto, dumating na siya. Naupo na siya sa sofa kung saan din ako nakaupo. Magkaharap na kami ngayon.
Nakangiting kinuha ko yung binili niyang parang headband na gawa sa tela at nilagay sa ulo niya. Para pag maglalagay ng kung ano sa mukha, di nakaharang ang buhok naming dalawa. Pareho na kami naka-headband, design ng headband ko parang pink na bear saka sa kanya naman ay panda na design. Dalawa kasi binili nyan na ganyan, sumakto naman kasi tig-isa kami.
"Ang cute mo." Namumula ang pisngi sabi ko. Pagkakasabi ko nun parang kinikilig ako. Deym!
"Talaga?" Lumaki agad ang ngiti sa labi nito na sabi nito.
"Tara na nga! Mag-beauty ritual na tayo." Umiiwas na sabi ko kaagad.
Mabilis na kinuha ni Ros ang isang pampaganda, siguro creame iyon at nilagyan ang mga parte ng mukha ko na parang dots. Pagkatapos niya ay kumuha rin ako at nilagyan siya. Sa sitwasyon namin ni Ros parang mag-jowa kami na ang sweet-sweet. Syempre, di naman talaga totoo. Kunyari lang.
Pagkatapos ko, pareho na namin iyon in-spread sa mukha namin. Pinalo pa niya ang kamay ko kasi mali raw ang pag-spread ko ng creame sa mukha ko. Dapat daw one direction. Napabilib nga ako sa kanya e. Kahit lalaki siya, dami alam niya sa pang-paganda ng babae. Parang mas babae pa nga siya sa akin e.
Nagulat ako kasi bumula yung nilagay naming creame sa mukha namin.
"Ros! Ano nangyayari?! Nasusunog ang mukha ko!" Takot na takot na bulalas ko habang nakatingin sa salamin na hawak ko.
Tumawa lamang siya. Kainis naman! Tini-trip ba ako nito?
Pumunta kami ng lababo at naghilamos. Pagkatingin ko ulit sa salamin, medyo lumambot at pumuti-luti ang mukha ko. Napa-wow naman ako.
Sunod namin ginawa ay naglagay kami ng facemask sa mukha namin. Habang naghihintay ng matapos ang oras ay tawanan kami habang nanonood ng T.V.
Nang matapos iyon, napa-wow ulit ako. Ang ganda sa balat at ang lamig sa mukha, presko.
Nagtatawanan lamang kami ni Ros habang naglalagay na kami ng panghuli na ilalagay sa mukha namin.
**End Of Flashbacks**
Nang maalala ko ang magandang alaala na iyon, napangiti na lamang ako. Hindi ko aakalain na maaalala ko iyon. Para sa akin, isa iyon sa magandang alaala namin ni Ros na ayaw kong kalimutan at mawala.
Kinuha ko sa lamesa ang pang-kilay. Kinilayan ko naman ang sarili ko habang nakatingin sa salamin. Sunod, kinuha ko ang foundation at nilagyan ng kaunti ang mukha ko. Pagkatapos, kukunin ko na sana ang lipstick na nasagi iyon ng kamay ko kaya nahulog. Mabilis na kinuha ko sa ibaba.
Pagbalik ko sa upuan, pagkatingin na pagkatingin ko sa salamin, nagulat na lamang aki nang makita si Ros sa tabi ko. Tumingin ako dito na sakto nasa harapan ko ang nakakaakit na mapulang labi niya.
Ang lapit niya sa akin.
Tumibok na lamang ang puso ko na dahilan mawala ang pagkatino ng isip ko.
Dahan-dahan ko iniangat ang ulo ko. Nang magtama na ang mata naming dalawa, mas lalong lumakas ang tibok puso ko na mas lalo naman nagpabaliw sa sarili ko ngayon. Halo-halo ang kaba at kilig ko ang nararamdaman ko ngayon. Di ko alam kung gusto na ba lumabas ng puso ko at tumalon papunta kay Ros o ako ang tumalon papunta sa labas para matigil ang nakakabaliw na nararamdaman kong ito ngayon.
Ang isang kamay niya ay nasa likuran ng upuan na kinauupuan ko habang ang isa namang kamay nito ay nakalapag sa lamesa. Bahagyang nakayungko ang ulo niya para magkaharap ang mukha namin ng lapitan.
Nakakaakit ang mata niya. Ang mga tingin niya at nagpapagulo sa puso at sistema ko. Kung isang bagay siya, maihahalintulad ko siya sa magnet. Hinihigop ako ng tingin niya papunta sa kanya.
Hindi ko na kayang pigilan ang kakaibang nararamdaman ko ngayon.

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    Fhem De Castro

    A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      2
  • avatar
    CasasPrecy

    very nice story

    10/05/2022

      1
  • avatar
    TadleLlean

    may ending po ba to

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata