Homepage/Mr. Billionaire, Don't English Me/
Chapter 45: Mother like daughter
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Napatingin na lamang kami sa pinto nang may pumasok. Nakita namin ang pamilyar sa amin na nanlalaki mata at ang tatlong alalay naman nito ay ang lalaki ng ngiti sa mga mukha nito. Wait! Ano ginagawa ng mga ugok na 'to dito?
"Wow! Ang ganda pala dito." Manghang turan ni Jero at nilapitan ang mga naka-display na gamit dito.
"Wow! Nakita ko 'to sa online. Ang ganda pala!" Manghang turan naman ni John nang nilapitan ang mamahalin na vase.
"Hoy! Umayos kayo baka may mabasag kayo!" Suway naman ni Jake sa dalawa pero lumapit na rin siya kay John para pagmasdan din ang mamahalin na vase.
"Ito ba office ng boss mo, Elizabeth? Ang ganda ah? Pwede na dito tumira." Nakangiting turan ni Anthony at naglakad papunta sa amin. Dumaan pa ito sa pagitan namin ni Ros at pumunta sa desk ni Sir Johnser. Hinawakan pa nito ang isang bagay kung saan doon naka-ukit ang pangalan ni Sir Johnser.
"Ano ginagawa nyo dito? Paano kayo nakalusot sa guard?" Gulat na gulat na tanong ko sa kanila.
"Pinapunta kami ni Ros dito." Imbes sagot ni Jero habang hawak ang isang maliit na trophy.
"Ah?" Naituran ko lamang.
"Pinatawag kasi kami ni Mr. Kailes. Maglilipat kami ng gamit dito kasi magkakaroon na rin ng office dito si Mr. Kailes." Sagot ni Anthony sabay upo sa swivel ni Sir at itinaas pa nito ang paa sa mesa. Butas pa ang sapatos nito halos kita ang medyas na ang kupas na medyas nito.
"Ah?" Naituran ko pa rin sa pagkagulat.
"Hindi sayo sinabi ni Ros?" Takang tanong nito sa akin.
Nalilito pa rin na napatingin ako kay Ros, hindi siya makatingin ng deretsyo sa akin.
"Ang t-totoo kasi, kukuha sana ng ibang tao si Mr. Kailes kaso sila Bossbrad nalang ni-recommend ko. Wala naman kasi sila ginagawa." Paliwanag ni Ros habang nagkakamot-kamot sa ulo. Tumawa pa siya ng pilit.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Kailangan ko mapalayas na ang mga ito sa office ni Sir Johnser. Sabihin nun nagdala ako ng mga tauhan para nakawin ang mga gamit niya dito. Lagot ako!
*****
"Diyan mag-office si Mr. Kailes?" Tanong ko sa kanila habang pinapasok na nila ang mga gamit sa isang bakanteng opisina.
"Oo." Sagot ni Ros sa akin."Sige, ipasok nyo na sa loob." Sabi niya kila Anthony habang isa-isa ang mga ito dala ng gamit.
"Sige na, maiwan ko na kayo ah? May trabaho pa ko." Paalam ko kay Ros.
Tatalikod na sana ako nang napatigil ako sa tinuran ni Ros.
"Kiss ko?"
Napataas-kilay na napatingin ako sa kanya."Eh?" Bahagyang natawa na saad ko.
"Joke lang." Biro ni Ros sabay tawa."Sabay na tayo uuwi ah?" Sabi niya sa akin sabay flying kiss.
Namumulang napangiti naman ako sa ginawa niya. Kumindat pa siya sa akin kaya mas lalong kinilig ako sa ginawa niya.
Si Ros talaga!
Tumalikod na ako para umalis. Habang naglalakad na ako palayo sa kinaroroonan nila, hindi mawala sa labi ko ang matamis na ngiti dahil sa kinilig ako sa ginawa ni Ros. Di ko alam bakit laking impact sa akin iyon. Siguro ibang tao gumawa nun sakin, pagkakamalan kong manyak. Charr!
Nag-kunyare nalang akong sinalo ko ang kiss ni Ros at kiniss ko sa labi ko. Nahihiya kasi ako kaya sinarili ko nalang. Atleast nag-response ako sa flying kiss ni Ros kahit sekreto lang. Hehehe.
Iba talaga tama sa akin ni Ros. Sobrang 101% ang impact niya sakin. Ang sarap sa pakiramdam.
DYLAN LORENZO POV:)
"Naging business partner na natin ang All Day Shop. Mas lalong lalaki ang sakop ng ating kompanya sa iba't-ibang bansa at may chance na lumaki this years ang makuha nating benta." Pahayag ni Sir Cedric, ang ama ni Clive at Johnser.
Tama narinig nyo, All Day Shop (parang Lazada and Shopee) ay pagmamay-ari ni Mr. Kailes. Nakipag-business partner na sila at mas lalong lumakas ang Uphone Company sa nangyari. Dahil sikat ang All Day Shop sa lahat ng mundo dahil lahat ng lugar ay sakop nito. Pero pino-problema ko ay mas lalong lumalapit si Clive sa Uphone. Kailangan bago siya makita ng lahat ay bumalik na ang alaala niya para magawa na namin ang plano para palabasin ang salarin dito.
Nandito kami sa office ni Sir Cedric at kausap nito si Sir Leandro at si Sir Johnser para pag-usapan ang kompanya. Nandito ako dahil ako na ang butler ni Sir Johnser at isa na rin akong employee dito. Nakaupo ako sa kabilang sofa habang katabi ko si Sir Johnser habang sa kabilang sofa naman ay si Sir Leandro, ang ama ni Mandy. At sa unahan naman namin nakaupo si Sir Cedric.
"Ikaw, Johnser. Magsimula ka nang pag-aralan ang lahat dahil next month ay ipapasa ko na sayo ang pwesto." Baling nito dito.
"Opo, Dad." Sagot ni Johnser sabay tango.
"About sa kasal nyo ni Mandy," Tumungin muna si Sir Cedric kay Sir Leandro. Bakas sa mukha nito ang hindi sang-ayon. Ayaw kasi nito ipakasal ang anak kay Johnser at alam na rin iyon ng lahat ng dahilan."...pag-uusapan pa namin." Dugtong rin sa wakas nito.
"Opo." Magalang na sagot lamang ni Johnser.
"Dylan," tawag ni Sir Cedric.
Mabilis naman akong bumaling dito."Yes, Sir?" Bahagyang nakayuko na tanong ko.
"Padating si Mr. Kailes mamaya. Icheck mo ang bagong office niya. Tingnan mo kung tapos na iayos ang lahat. Kung may kulang pa, ikaw na bahala." Bilin nito.
"Masusunod po." Nakayukong sagot mo.
Tumayo na nga kami sa kinauupuan. Nag-bow pa ko sa kanila bilang paggalang. Pagkatungo sa pintuan ay pinagbuksan ko pa silang tatlo ng pinto. Nang makalabas na silang lahat ay lumanas na rin ako.
Dumaan na nga kami sa ibang ruta.
Napatigil ako sa paglalakad na tinawag ako ni Johnser.
"Dylan." Lumapit naman kaagad ako dito."Mamaya magkakaroon ng simpleng party dito para i-welcome si Mr. Kailes. Ikaw na bahala para mamaya ah?" Sabi nito sa akin.
"Opo." Nakayukong sagot ko.
Tinaptap muna nito ang balikat ko saka iniwan ako nito. Kailangan kong mapuntahan kaagad ang kinaroroon ni Clive. Kailangan kong mabantayan siya at maiwas siya sa mga nakakakilala sa kanya. Hindi maari na makita siya ni Sir Andrew at kahit ni Johnser.
Masisira ang plano ko kung magkataon.
THIRD PERSON POV:)
Dumaan si Cedric Sy sa magiging office ni Mr. Kailes. Pumasok siya sa loob para makita kung ayos na ang lahat at naabutan niya ang apat na lalaki na nag-aayos ng gamit dito. Natigil naman ang mga ingay nito nang makita siya.
Nahihiyang nag-bow ito sa kanya.
"G-good afternoon, Sir." Bati ng apat sa kanya halos nautal.
"Sige, ipagpatuloy nyo lang ginagawa nyo. Nagpapakuha na ko ng meryenda nyo. Alis na ko." Sabi at paalam niya sa mga dito.
"Salamat." Sabay turan ng mga ito.
Tumalikod na nga si Cedric Sy para umalis. Pagkalabas SA pinto ay lumiko na ito para bumalik na sa office nito na saka naman kakadating lang ni Ros. Kakapasok lang niya sa loob dala ang isang tray na naglalaman ng meryenda ng mga kaibigan niya, mga sandwich at tubig.
"Hey! Meryenda muna kayo! Bigay 'to ng taga dito. Meryenda raw ninyo!" Nakangiting yaya niya sa mga kaibigan niya.
"Wow! Ang bilis naman ah?" Saad ni Bossbrad at binitawan ang hawak nito.
Nilapag niya sa isang mesa iyon at saka naman nagsilapit ang apat niyang kaibigan. Kanya-kanya ito ng kuha halos nag-agawan pa ito kumuha ng tubig. Nagtawanan pa ito nang balak sanang bawasan ang pagkain ni Jero si John.
"Ikaw? Di ka magme-meryenda?" Takang baling sa kanya ng kaibigan niyang si Jake habang ngumunguya ng sandwich.
"Kakain ko lang." Tanggi agad ni Ros.
"Bro, galing kanina dito yung may-ari ng Uphone. " Chismis agad ni Jero habang may laman ang bunganga nito.
"Ah? Really?" Bulalas naman niya.
"Madalas ko lang siya makita dati sa T.V at internet. Nung makita ko sa personal, ang guwapo pala." Sabi ni Jake.
"Oo nga. Siguro, ang guguwapo ng dalawang anak nun na lalaki? Sayang! Patay na yung bunso niyang anak." Payag naman ni John sa sinabi ni Jake.
"Ibig sabihin nun, yung panganay na magmamay-ari nito imbes yung bunso sana." Sagot naman ni Jake dito sabay kagat sa sandwich.
Mabilis namang binatukan ni Bossbrad ang dalawa."Aray!"
"Bilisan nyo na nga dyan. Kailangan na natin 'to tapusin!" Suway niya sa dalawa.
Kumain na nga ang mga ito habang yung dalawang nabatukan ni Bossbrad ay napapakamot-kamot na lamang sa ulo.
Bahagyang natulala naman si Ros at wala sa sarili na napatingin sa pintuan dahil naalala niya ang taong kakalabas lang kanina pagkapasok niya. Hindi niya nakita ang mukha nito pero nakakasiguro siya na iyon ang tinutukoy ng mga kaibigan niya.
May nararamdaman siya na hindi niya maintindihan pero pinagbalewalang-bahala na lamang niya.
MANDY YU POV:)
"Oh? Nagla-lunch ka palang?"
Napatingin na lamang ako sa harapan ko. Nakita ko naman ang Chismosa Squad. Mabilis na naupo ito sa table na kinauukupa ko. Hawak ko lamang ang kutsara habang pinaglalaruan ng beef steak sa plato. Wala akong ganang kumain ngayon, nawawala ako sa sarili ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Coreen sa akin habang katabi ko siya at sa kabila mo naman si Alesia habang sa harapan ko naman yung dalawa. Hindi nila kasama si Alfred baka di pa nagbe-breaktime yun.
"Okay lang." Nanatiling nakatingin sa pinaglalaruan ko na malumbay kong sagot.
"May problema ka ba? Pwede mo kami sabihan baka matulungan ka namin." Nakangiting prisinta ni Coreen sa akin.
Napatingin naman ako kaagad sa kanya. Mabilis na hinawakan ko ang magkabilang kamay niya na kinagulat niya. Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko itanong kung ano na nangyayari sa akin baka nababaliw na ako o baka malapit palang.
Tama! Tama nga!
"Palagi siya nasa isip ko." Pahayag ko.
"Ah?" Naituran ng lima.
"Hindi siya mawala sa isipan ko." Problemado ko nang sabi.
"Sino?!" Chismosang tanong agad ng mga ito na parang ata na ata.
Umiyak ako na agad naman akong hinahalo ni Alesia at Coreen."Hindi siya mawala sa isipan ko. Kada nakikita ko siya, dug! Dug! Dug!" Sabay nag-special effect habang nakahawak sa dibdib ko na akala mo talaga nagba-bounce din iyon."Tumitibok ito. Waaa!" Sabay turo sa puso ko sabay iyak na OA.
"Tahan na." Turan naman ni Coreen at hinahalo nilang lahat ako.
"Di ko na kaya." Patuloy na iyak ko.
"Wait! Ano sabi mo? Hindi siya mawala sa isipan mo?" Turan ni Lanie na dahilan natahimik kami at napatingin kaming lahat."Hindi ka makatulog sa kakaisip sa kanya?" Tanong nito na tumango ako."Kada nakikita mo siya, natataranta ka?" Tumango ulit ako."Pag di mo siya nakikita, parang nababaliw ka?" Mas lalong tumango-tango ako halos nanlaki pa ang mga mata ko dahil tumpak ang mga sinabi sabi nito.
Nagtinginan silang apat sabay sabi ng...
"INLOVE KA!" Sabay nilang sabi.
"What?!"
LEANDRO YU POV:)
"Honey!"
Naitago ko bigla ang papel kung saan death threats na natanggap noon ni Cassandra. Mabilis nilagay ko iyon sa drawer ng desk ko. Bago pa man ito makalapit at maupo sa visitor seat ay nagkunyareng nagbabasa ako ng mga dokumento.
"May iku-kwento ako. My god! Alam kong mabibigla ka." Parang hihimatayin na sabi nito pagkaupo at nagpapaypay sa sarili gamit ang kamay.
"Bakit? Ano ba iyon?" Nakatutok lang sa ginagawa ko na tanong ko dito.
"Honey! May nagbo-blowjob kay Johnser!"
Napaubo na lamang ako sa sinabi ni Lorisette. Mabilis na kinuha ko ang mineral bottle na nasa gilid ko. Mabilis na ininom ko iyon.
Pagkatapos ay gulat na gulat na binalingan siya.
"What?!"
Tumango-tango naman ito para ipakita sa akin na totoo sinasabi niya.
"Hey! Watch your words!" Suway ko Kaagad dito."Ang tanda-tanda mo na, ang bastos pa ng bunganga mo!"
"Honey naman. Totoo sinasabi ko! May nag-aano," Sabay sign na parang nag-aano ng lollipop sa bunganga niya na ako naman ay natakpan ko ang mukha ko ng kamay na pinaggagawa ng babaeng ito sabay napailing-iling."...kay Johnser." Dugtong niya sa sinabi niya.
"Get out!" Pagpapaalis ko dito habang sapo ko ang noo ko. Nakakahiya ang pinaggagawa ni Lorisette.
"Honey, totoo nga! Bino-blow---"
Pinutol ko naman sinabi nito."Your mouth!" Suway ko dito halos naituro ko ang bunganga niya.
"Ay! Ano kasi si si Johnser may nag-aano sa kanya yung ja-janitress. Mukhang nilalandi siya ng janitress. Kailangan ko sila pigilan. Kailangan ko mapaalis yung janitress na iyon." Problemadong sabi nito halos nailagat niya ang kanyang kuko at nag-iisip ng gagawin.
"Baka mali nakita mo." Sabi ko dito.
"Hindi!" Sabi agad nito halos nakatingin siya sa akin na tila may pinaglalaban."I see them! Nakita ko ng dalawang mata ko na may ginagawa silang kababalaghan!" Sabi ni Lorisette halos itinuro pa niya ang mata niya.
Napabuntong-hinga na lamang ako. Hindi ko alam ano gagawin ko sa kanya. Masyado talaga siyang malisyosa. Kahit nga yung katulong namin sa bahay akala niya may ginagawang milagro yung yaya namin saka driver namin, yun pala nagpapatulong yung yaya namin sa CR na ayusin yung gripo. Kahit kailangan talaga, masyadong greenminded siya.
Napatingin na lamang kami sa pintuan nang bumukas iyon at bumungad doon si Mandy, ang anak namin.
"Mommy!"
Mabilis na lumapit ito sa ina niya niya na akala mo mahihimatay habang papalapit ito sa kanyang ina. Parang bata na niyakap ito at umiyak na sobrang OA.
"Mommy!" Turan lamang nito habang umiiyak.
"Bakit, Baby?" Alalang tanong ni Lorisette dito.
"Hindi ko kaya." Sabi nito habang umiiyak.
"About kay Johnser?" Tanong naman ni Lorisette dito.
Napaangat naman ng ulo si Mandy na tila may gusto sabihin pero napailing na lamang siya. Humagulhol ulit siya ng iyak sabay yakap sa kanyang ina.
"Di ko kaya." Makahulugang turan ni Mandy.
"Alam mo na. Oh my baby! Kawawa ka naman. Wag kang mag-alala anak. Gagawin lahat ni Mommy na mapasayo si Johnser." Umiiyak na rin pahayag ni Lorisette.
Mas lalong lumakas lalo ang iyak ni Mandy.
Pareho na silang nag-iyakan na dalawa SA office ko. Ingay nila ang naririnig dito at dinaig pa nila ang ingay ng aircon sa office ko. Naikamot ko nalang ang ulo ko sa pinaggagawa ng dalawa. Hindi ko alam kung literal na may sayad ito o baliw na talaga.
Mag-ina talaga kayo. Hayyy!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
2very nice story
10/05/2022
1may ending po ba to
01/10/2024
0Tingnan Lahat