Chapter 13: Payong

JOHNSER SY POV:)
Lumabas na ako ng CR at kumunot-noo nalang ako nang makitang may babaeng nakatalikod at pinapakialaman ang mga libro ko na nasa Bookshelves. Isang Jannitress ito ng kompanya namin at kita kong nagbabasa siya ng libro na di nagpapaalam sakin.
Lumapit ako sa kinaroroonan nito.
"Arraso. Ar-ra-so! Sarang---"
"What are you doing?!" sabi ko.
Napalingon naman agad yung babae sa pagkagulat."Saranghaeyo!" sambit nito sa pagkagulat. Nanlalaki mata ito habang nakatingin sakin at hawak ang libro.
Bahagyang nanlaki mata ako nang makita ang babae. Siya yung nasa Elevator?
Nag-flashbacks naman sakin ang nangyari sa Elevator kanina. Yung paano nagmamadali pumasok siya at paano napayakap siya sa akin. Doon na naman ulit tumibok ang puso ko tulad nang pagtibok rin ng puso ko ng ganun.
Ang weird! Ang weird ng puso ko. Bakit ganito siya makatibok? Kailangan ko na ata magpakita sa doctor. May sakit na ata ako sa puso.
Nanlalaking mata na nakatingin lang sakin ang babae at halata sa mukha niya ang takot.
Kunot-noo na lumapit ako sa kanya at umatras naman siya halos napasandig na siya sa pader kung saan nakalapit na ako sa kanya. Kaunting distansya nalang ang nakapagitan sa amin. Dama ko na ang panginginig ng mga tuhod niya kahit di ko naman siya hinahawakan.
"Bakit mo pinapakialaman ang gamit ko?" salubong ang kilay na tanong ko sa kanya haloa tinitigan ko siya ng nakakatakot.
Yakap lang niya ang libro at napalunok na siya ng laway sa sobrang takot sakin.
"Hmm..." sambit lang niya at di niya alam ang sasabihin. Dahil di siya makapagsalita o makapagrason sakin, tinurol lang niya sakin ang libro na binabasa niya.
Nakataas-kilay na tiningnan ang libro at salubong na naman ang kilay na kinuha ko iyon.
Lumapit pa ako sa kanya bahagya kaso nagtaka ako bakit lalo siyang napapasandig lalo sa bookshelves ko.
"S-sir, wag po." sabi niya sabay niyakap ang dibdib niya.
Napataas-kilay nalang ako sa sobrang pagtataka sa sinasabi niya.
"Ano pinagsasabi mo dyan?" nalilitong turan ko halos napakunot lalo ang noo ko.
"May balak ka po ba ga-gahasain a-ako?" nautal na tanong niya sakin.
"What?!!" bulalas ko sa sinabi niya.
"Ay?! Kala ko kasi ano hehehe." halatang napahiya na turan ng janitress sakin at tumawa ng pilit.
"Wala akong balak na rape-in ka. Sa akin lang, umalis ka dyan at ilalagay ko itong librong saan mo kinuha." pagpapaintindi ko sa kanya. Napaka-assuming nito! Kala mo kasi tsk!
"Sorry po!"
Umalis agad ito sa pagkakasandig sa bookshelves at nilagay ko na sa kung saan nakalagay ang libro na kinuha niya. Pagkalagay, humarap ako sa kanya. Halos yumuko pa siya nang makitang humarap na ako sa kanya at tinitigan ko siya.
"Sorry po. Di ko po sinasadyang pakialamanan nyan." nakayukong hinging patawad nito sakin.
Matagal ako di nakasagot dito. Nanatiling nakatitig lang ako dito. Nag-iisip ano sasabihin ko dito o paano ko siya papagalitan. Kaso wala. Parang nawala nalang galit ko.
Napapikit nalang ako at palihim na napakagat labi sa inis. Sa lahat, siya lang di lumalabas ang galit ko. Siya lang ang taong di ko nagawang pagalitan dahil sa galit ko. Parang nawala lang pagdating sa kanya.
"Tapos kana ba maglinis ng office ko?" sa halip tanong ko dito.
"O-opo." nautal sagot nito agad.
"Makakaalis kana." sabi ko sa kanya.
"Sige po." pa-bow-bow sabi nito at dali-dali kinuha ang mga gamit panlinis. Naglakad na ito palabas ng office nito.
Pagkalabas, napaupo nalang ako sa gilid ng table ko at naisapo ko nalang ang kamay ko sa noo ko.
"God! Bakit di ko magawang sigawan at pagalitan siya? Nawala nalang yung galit ko sa kanya. Ano nangyayari sakin?" mahinang sambit ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinapakiramdaman ang pagtibok ng puso ko."Gusto ko ba ang janitress na iyon?" tanong ko sa sarili ko.
ANTHONY DURAN POV:)
Di ko aakalain na may magaling palang maglaro ng Rules Of Survival. Di lang iyon, mas magaling pa sa akin at nakayanan rin niyang talunin yung kalaban lagi namin sa ROS.
Nandito kami ulit sa Computer Shop. Si Ros pa rin naglalaro at kalaban ukit namin ang grupo ni Bryan. Tulad kahapon, si Ros pa rin ang nananalo. Naka-800 na kami ngayon kahit ala una palang ng hapon. Halos nalimutan na namin mag-tanghalian dahil sa larong iyon.
"Shit!" napamurang sambit ni Bryan at natalo na naman siya.
"Sayang!" sabi ng tatlo nitong alalay.
"Oh! Pera nyo!!! Akin na!" si Jake.
Binigyan naman siya nito ng tatlong alalay ni Bryan ng tig-100. Halata sa mukha nito na magigipit na sila sa pera.
"Ano? Laban pa?" mayabang na tanong ni John dito.
"Dali! Ilabas nyo na pera nyo!!!" mayabang na sabi rin ni Jero halos nakalapat na ang kamay.
"Sige! Laban pa!" sabi ni Bryan.
"Go, Ros! Don't lose." sabi ko kay Ros.
"Yes, Bossbrad. I am enjoying playing this. I love it!" mukhang adik na adik si Ros sabi niya habang nakatutok lang sa nilalaro nito. Panay click sa mouse.
Dumadami nang mga kabataan rito sa computer shop. Kahit ibang dalaga nandito rin at nanonood ng laban namin kila Bryan. Lahat ng tao bilib na bilib sa galing sa paglalaro ni Ros sa Rules of Survival. May iba rin na taga ibang barangay na nagsipunta na rin dito para makita si Ros. Kalat na kasi rito na si Ros ang King Of Rules Of Survival Gamer.
"Boss, ano pangalan nya? Siya ba yung King of Ros dito na sinasabi taga doon sa amin?" tanong ng isang lalaki kasama ang mga kaibigan nito at tinuro si Ros na naglalaro.
Ako sana sasagot kaso sumulpot nalang yung engot kong kaibigan.
"Siya. Siya nga. Siya ang pinakamagaling naming kaibigan." sabi ni Jero at mukhang tono palang ng boses nito, nagmamayabang na.
"Oo. Siya si Ros. Ros pangalan niya. Galing nya nu?!!" sulpot naman ni John at inakbayan si Jero.
"Ros ba pangalan niya John?" tanong ng dalawang dalaga dito.
"Oo. Siya si Ros. Baguhan lang dito satin." sagot ni John dito.
"Kyaaahh! Ang guwapo nga! Itsura palang niya, mukha siyang mayaman." kinikilig sabi nung dalawang babae.
"Syempre. Kaibigan namin yan." proud na sabi ni Jero dito at ngumiti halos labas na lahat ngipin nito.
"Pwede makahingi ng number?!!" tanong ng babae.
"Sorry. Di pwede." sabi ko agad dito.
"Ngek! Bakit naman? Number lang naman."
"Basta, bawal. Wala siyang cp at ayaw nya ma-expose kung sino siya." supladong sabi ko sa dalawang babae.
"Ganun? Tsk! Damot mo!" sabay sabi ng babae sakin.
"Aba't---" gusto ko na sana silang batukan ee kaso naalala kong babae sila. Tinitigan ko lang silang masama.
"Unggoy!" sabi ng isang dalaga sakin. Kilala ko sila, basta malapit lang bahay nila sa apartment namin.
"He! Kala mo sino maganda, makinis at maputi. Pero ang ut*ng, maitim! Tsk! " supladong sabi ko sa kanila. Totoo naman! Kamukha lang sila ng puwet ko. Pwe!
"Alis na nga tayo! Ang feeling nitong unggoy na 'to!" yaya na nung isa at umalis na nga sila.
Tiningnan ko sila Jero at John na nakatingin lang sakin. Nagulat sila sa ginawa ko sa dalawang dalagang iyon. Ngayon lang kasi nila akong makita na makipag-away sa babae. Ako kasi yung taong walang paki sa iba. Sarili ko iniisip ko.
"Ano tingin-tingin nyo dyan?!! Bantayan nyo nga ang kalaban! Si Jake lang pinababantay nyo. Di ko kayo balatuhan dyan ee." pasinghal kong sabi sa kanila.
Kumilos naman sila agad.
"Ros, don't lose for us to have a money. Don't worry we will share it. We will cut us. The half is yours and the one half is us." sabi ko sa kanya. Kahit hirap na hirap ako mag-english, kinakaya ko pa rin. Bahala na sana naintindihan niya ini-english ko.
"Water." sabi ni Ros sakin habang panay click lang niya sa mouse.
"Sige, sige." sabi ko agad."Jero!" tawag ko dito.
"Yes, Bossbrad?" tanong agad nito at lumapit sakin.
"Bili ka ng tubig." utos ko dito.
"Sige po."
Aalis na sana si Jero nang magsalita pa si Ros.
"Biscuit." request pa dito.
"Bumili ka pa raw ng biscuit." sabi ko kay Jero.
"Si-sige po---"
"Oreo Biscuit." sabi pa ni Ros habang nakatutok lang sa nilalaro.
"Oreo raw." sabi ko naman dito kay Jero.
"Uhm sige!" patango-tango na sabi ni Jero at tumakbo na agad ito sa tindahan na dito lang sa computer shop. Yung tindero kasi ay pagmamay-ari nila itong Computer Shop."Manong, mineral water saka oreo po."
"Ok." sabi ng tindero at kinuha yung binibili ni Jero.
Pagkabili, lumapit agad ito sa kinaroroonan ni Jero.
"Ito na, Bossbrad." sabay bigay ni Jero yung pinabibili ni Ros.
Binigay ko naman iyon kay Ros. Nilagay ko yung biscuit sa gilid ng computer pati ang tubig kaso nagsalita siya...
"Don't put the water beside the computer. It may spill and destroy." sabi ni Ros. Tumingin ito sakin. Saktong walang kalaban siya sa nilalaro niya."Just give a drink and put the Oreo biscuit in my mouth." nakangiting napakalapat at ngumiti ng pilit.
Jusko! Ngayon lang ako nautusan ng ganito. Sila Jero, Jake at John nga di ako maitusan dahil ako ang boss bila pero itong si Ros? Siya lang nag-uutos sakin ng ganito. Ginawa pa akong yaya niya.
"Anthony, kalma. Dahil sa kanya nagkakaroon ka ng pera. Alalahanin mo, magaling siya sa Ros." pagpapakalma ko sa sarili ko."Ok, I will feed you lovely prince." sabi ko nalang at pinipilit di magalit.
"Yehey!" parang bata sambit nito. Tumutok ulit ito sa computer.
In-open ko na yung oreo at susubuin ko na ito sa kanya.
"Ahh..." sabi ko at pinabubuka bibig niya.
"Ahhh..." binuka naman ni Ros ang bunganga niya para kainin yung oreo.
Pagkalagay ko sa bibig nito, palihim napakagat labi ako sa inis. Nagmumukhang nanay ako ni Ros sa ginagawa ko. Tang-ina! Ako si Bossbrad bakit naging yaya ni Ros? Kainis!
"Ahhh." sabi ko pa dito.
Binuka naman nito bibig nito at nginuya-nguya yung oreo. Nakangiti ito habang nginunguya ang biscuit. Napaubo ito dahil nabilaukan siya kaya agad humingi ng tubig.
"Water." sabi ni Ros halos nahihirapan.
Binuksan ko naman agad yung tubig at pinainom kay Ros.
"Damihan mo ang pag-inom mo. Kaw kasi! Di mo kasi masyado nginunguya. Lunok agad." nag-aalalang sabi ko dito pagkainom at hinahaplos ang likod nito.
"Sorry, it's very delicious." sabi ni Ros.
Nakarinig nalang kami ng tawa sa likuran namin ni Ros. Nakita naming tumatawa sila Jake.
"Ako rin, Mommy Bossbrad. Ahhh..." halatang nagpipikon sabi ni Jake sabay buka sila ng tatlo ng bunganga.
Kinuha ko agad yung tsinelas ko at binato sila. Humilag naman agad ito at muntikan na matamaas si Bryan sa likod. Panay tawa lang yung tatlo samantala si Ros ay natatawa na rin.
"Anong tinatawa nyo dyan?!! Isa!!!" pananakot ko sa kanila.
Tumutok na yung tatlo sa binabantayan at umayos na ng upo si Ros at naglaro na.
Ako naman ay napakamot nalang sa ulo. Napahiya na tuloy ako.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Nakasakay na ako sa bus at maulan ngayon. Masyadong madilim na ang gabi at masyadong ma-traffic ng kaunti sa edsa.
Pauwi na ako galing sa trabaho ko at ramdam ko ang pagod lalo na kanina. Grabe nilinis ko doon sa foodcourt. Iniiwan lang ng iba yung basura nila sa table ee may basurahan naman doon sa malapit nila. Wala akong magawa. Employeer sila sa Uphone samantala ako, Janitress lang.
Nagpa-para na ako sa driver ng bus dahil nandito na ako samin.
Bumaba na ako ng bus at sumilong sa waiting shed kung saan dito ako bumababa at naghihintay ng sakayan papuntang Uphone Building.
Masyadong maulan at wala akong payong na dala. Naghihintay na iyon si Ros at alam kong gutom na iyon kaya napagdesisyunan kong tumakbo nalang kahit walang payong.
Tumakbo nalang ako at napahinto ako sa pagtakbo nang makita sa taas ko may kulay blue na payong. Tiningnan ko sa gilid ko at nakita mo doon si Ros.
Pinayungan niya ako samantala siya, nababasa na ng ulan.
Ewan yung puso ko tumibok nalang dahil nasilayan ko ang mukha niya. Di siya batang tingnan dahil napaka-seryoso ng mukha niya. Nagmumukha siyang mature na at binatang-binata.
Di ko alam bakit kakaibang nararamdaman ko kay Clive. Kahit estranghero naman siyang dumating sa buhay ko, bakit feeling ko nakilala ko na siya noon at komportable akong kasama siya? Sino ba talaga siya? Sino siyang ganito magpatibok ang puso ko?
Yung tipong tumigil nalang ang mundong kinagagalawan ko. Di ko alam parang natulala na ako sa kaguwapuhang tinataglay talaga ni Clive. Dahil nakikita kong hindi siya yung isip-bata na nakilala ko. Para siyang ganap na binata na handang iharap ako sa maraming tao.
Matagal akong napatitig kay Ros dahil sa pagkakita ko sa kanya. Nandito siya na may dala ng payong para payungan ako. Kanina pa ba siya sakin naghihintay sa waiting shed?

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    Fhem De Castro

    A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      2
  • avatar
    CasasPrecy

    very nice story

    10/05/2022

      1
  • avatar
    TadleLlean

    may ending po ba to

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata