Homepage/Mr. Billionaire, Don't English Me/
Chapter 114: Welcome Party
MANDY YU POV:)
"Dadalo ka ba?" Tanong ni Travis sa akin.
Kakatapos lang ng photoshoots nila ni Hailey at uwian na naming lahat ngayon. Naglalakad na ako palabas habang sinasabayan naman ako nito sa paglalakad.
"Saan?" Sa daan lamang ang tingin na saad ko.
"Sa party ng kapatid ni Mr. Kailes. Remember, endorser nila ako."
"Invited ka pala. Kita nalang tayo mamaya." Di pa rin ito tinatapunan na tingin na sabi ko.
Hindi na nga ako sinabayan sa paglalakad ni Travis. Pinagpatuloy ko pa rin paglalakad ko papunta sa kinaroroonan ng kotse ko. Nakasalubungan ko na lamang si Dylan halos nagtama ang aming mata. Hindi ko ito pinansin at sa daan ko ulit binalik ang tingin ko.
"Ikaw ang date ko mamaya ah?" Sigaw pa ni Travis.
Itinaas ko lamang ang kamay sabay nag-hand sign ng 'okay'.
Pasakay na sana ako ng kotse ko na may taong marahas na hinawakan na lamang ang kamay ko at hinila ako paharap dito. Nagulat na lamang ako nang makita ang taong may gawa niyon.
Salubong na salubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
"May kailangan ka ba?" natural na tanong ko dito.
"Kayo ba ng lalaking iyon? Siya ba 'yong panay tawag at message sayo nung nasa bicol tayo?" puno ng awtoridad na tanong ni Dylan sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagtitimpi ng inis.
May sumira ba sa araw nito? Mukhang bad mood siya ngayon, halata sa mukha niya.
"Hindi kami at siya nga 'yong lalaking gumugulo sa buhay ko. Pero may gusto siya sa akin at nanliligaw siya sa akin." Malditang sagot ko.
"Bakit ka pa nagpapaligaw? Alam mo bang may fiancé kana?" Iritadong saad nito.
Tinaasan ko naman siya ng kilay."Ano ba paki mo?!" Supladang sabi ko."Ikaw nga e, inangkin mo ko tapos di mo naman papanagutan ako. Tsk!" Sa loob-loob kong sabi."Pwede mo na ba akong bitawan? Uuwi na ako at mag-aayos pa ko para mamaya. Sure akong susunduin ako kaagad ni Travis sa hotel. Siya kasi magiging partner ko para mamaya sa party." aniya.
Dahan-dahan naman nito binitawan ang kamay ko. Bago paman tumalikod, fli-nip ko pa ang buhok ko sa harapan niya at ngumiti ng pilya sa kanya para inisin ito. Malditang pumasok na ako sa loob ng kotse at umalis din kaagad.
Nakita ko pa sa side mirror si Dylan na nakatayo pa rin at sinundan ng tingin ang sinasakyan ko paalis.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Nagsabi ba talaga na susunduin tayo ng alas singko dito ng boss n'yo?" Di pa rin makapaniwala na tanong ni Aling Martha.
Nandito silang lahat sa loob ng apartment namin ni Pubg. Para na tuloy may kasiyahan dito dahil sa halo-halo na ng boses nila.
"Oo. Iyon sabi niya kay Beth. Di ba, Beth?" Sabay baling sa akin ni Anthony habang nakaupo sa sala at nanonood sila ng T.V ni Pubg, Jake at Jero. Si Jake naman ay nakasilip sa labas ng bintana para bantayan kung nandiyan na si sir Easton para sunduin nga kami.
Tumango ako maya-maya dito.
"Kung ganoon, bakit ang aga naman tayo pupunta doon? Di ba, sabi niya alas otso simula ng party?" Napataas-kilay na sabi ni Aling Martha.
Naka-ayos na kaming lahat. Simpleng dress lamang ang suot ko pati ni Aling Martha at naka-polo na stripes naman ang mga boys. Sa ayos nila Bossbrad, nagmumukha silang a-attend ng JS Prom sa school. Yung buhok nila na nilagyan ng gel para mag-style emo sila.
Ano ba magagawa namin e ito nabili namin kanina sa ukay-ukay. Wala kami pambili na totoong mga damit okasyon gaya ng black suit at gown.
Bahala na mamaya sa party. Dapat kasi matagal na kami in-inform ni sir Easton, e di sana nakapag-ready kami. Ngayon, biglaan kasi.
"Ayan na! Ayan na kotse ni sir Easton!" sigaw na lamang ni Jake.
"Saan?! Saan?!"
Nagsitakbuhan naman papunta ang mga ito sa bintana.
"Wiw! Magiging sikat tayo nito dito! Pag-uusapan tayo ng mga tao na may sumusundo sa atin ng mga kotse!" Tuwang-tuwa na turan ni Jero habang nakasilip sa bintana.
"Oo nga!" Payag naman ni John. Nag-appear-an naman sila ni Jero.
Lumapit na din ako sa kanila para makisilip. Nagulat na lamang ako nang makitang dalawang kotse ang nakaparada sa harapan ng apartment ni Aling Martha. Si Sir Easton ba talaga nagpadala nito?
****
Napa-'wow' na lamang sila Aling Martha nang pumasok kami sa isang boutique. Boutique na puro damin pang-okasyon ang nandito. Di ko rin maiwasan mamangha dahil sa mga naka-display na iba't-ibang dress at gown.
Dali-dali naman lumapit ang mga boys sa mga black suit na damit. Isa-isa nilang tiningnan ang mga ito halos kunin pa nila sa pagkakasabit ang mga ito para hawakan.
"Ganda nito oh!" manghang saad ni Pubg.
"Ganda din nito o!" sabi naman ni Jake.
"Bagay sakin 'tong pula!" nakangiting sabi ni Anthony habang hawak ang suit na sinasabi nito.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito. Lugar na mayayaman lang nakaka-apak dito. Hindi ko maiwasang matakot. Natatakot na ako makisalamuha sa mayayaman.
Kinakabahan ako mamaya sa party. Sa party kung saan mapapalibutan ulit ako ng mayayaman na tao. Manliliit na naman ang tingin ko sa sarili ko. Feeling ko, hindi ako nababagay makipagsalamuha sa mundo nila.
Ayaw ko maranasan ulit na pinagkaisahan nila ako...
"Beth!"
Nagising na lamang ako sa malawak na pagmumuni nang may humawak sa kamay ko na dahilan bumalik ako sa sarili ko. Nakita ko namang si Aling Martha ang may gawa niyon. Kanina pa ata akong tulala kaya di ko namalayan ang paligid ko.
Nakita ko namang may nakatayong lalaki sa harapan namin. Siya lang naman 'yong sumundo sa amin kanina sa bahay. Hindi nila kasama si sir Easton dahil busy daw ito para mamaya sa kanyang party kaya dito kami pinagkatiwala sa kaibigan daw niya.
"Magpapakilala ako sainyo. I'm Joseff Santos, kaibigan ni Mr. Kailes at Easton Kailes. Binilin nila sa akin na hanapan kayo ng damit na susuotin ninyo para mamaya,"
Nagulat naman kami sa narinig halos napa-'wow' sila Anthony at Jero. Tuwang-tuwa na nagtinginan pa silang lahat nila Aling Martha. Ako naman itong nabigla at hindi makapaniwala.
"...at aayusan na din kayo deretsyo ng mga make up artist namin." Dagdag pa nito sabay turo sa mga babaeng nasa gilid na may dala-dalang maliit na box. Naglalaman iyon ng pang-ayos sa amin.
Mas lalong nasi-ingay ang mga kasama ko. Hindi nila makapaniwala na mararanasan nila ang ganito. Napaoanood ko lamang ito dati sa mga drama. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa amin. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Magugulat ba? Masaya? O magagalit?
Sinimulan na nga kami hanapan ng damit na nababagay. Naunang hinanapan ng damit si Anthony, ang bumagay sa kanyang tuxedo ay kay pula. Sunod naman ba hinanap ay si Jake, Jero at John, parehong itim na tuxedo ang bumagay sa kanilang tatlo. Pagkatapos naman ay si Pubg naman, kulay blue ang bumagay sa kanyang tuxedo.
At kami naman ni Aling Martha ang hinanapan. Pinasukat sa kanya ang gown na kulay maroon at pumasa naman iyon sa taste ni Kuya Joseff. Sumunod naman ako para hanapan. Pipili na sana ako nang susuotin nang pinigilan ako nito.
"May dress na pinagawa sa'yo si Sir Easton. Dahil sekretarya ka niya, gusto niya maganda ang susuotin mo." Sabi na lamang nito na kinagulat ko.
Pumunta naman ito sa may malaking kurtinang puti at sumunod naman kaming lahat dito. Dahan-dahan nito inutusan ang dalawang babae na buksan iyon. Tumango muna ang mga ito bago buksan ang nakatago sa likod ng kurtina. Nanlaki mata na lamang kami nang makita ang napaka-gandang dress halos kuminang ito dahil sa mga brilyante na nakadikit dito.
"Wow!" Sabay-sabay na turan ng kasama ko.
Bumaling na nga si Kuya Joseff sa akin kaya naoatingin rin ako dito."Iyan ang pinagawa ni Sir Easton para sa iyo, Miss Elizabeth." Pagayag nito.
Di pa rin makapaniwala na tiningnan ko ulit ang puting gown na pinagawa sa akin ni Sir Easton. Napaka-ganda at kumikislap ito na parang diyamante. Kung sino man susuot nito, panigurado iisipin na para kang isang napaka-gandang prinsesa
Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o kinakabahan. Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako makakasuot ng ganyang kagandang damit. Damit na mayayaman lang nakakasuot niyan.
JOHNSER SY POV:)
"Salamat at dumating kayo kaibigan!" Wika na lamang ni Mr. Kailes nang salubungin kami nito.
"Of course, pupunta kami dito ano mang mangyari." Sagot naman ni papa.
Nakipag-shake hands at nakipag-beso naman ito kila papa at lola pati na rin kila Tito Leandro at Tita Lorisette. Ako naman ay tahimik lamang na nasa likod nila. Ayaw ko makipag-plastic tulad nilang business at pera lang iniisip.
Umalis ako at iniwan silang nakikipag-daldalan pa kay Mr. Kailes. Gusto ko umibang landas sa kanila. May dumaan namang waiter sa harapan ko at kumuha ng wine dala nito. Pagkakuha, pinagpatuloy ko ulit ang paglalakad sabay inom ng wine na nasa baso.
Napakunot-noo na lamang ako nang makita ang pamilyar sa akin. Nakita ko si Dylan malayo sa kinaroroonan ko. Naglalakad ito
na kahina-hinala. Pupuntahan ko sana pero may dumaan namang waitress na may dalang pagkain, halos muntikan ko pa itong mabangga.
"Sorry." Hinging patawad ko.
Nang makaalis na ito sa harapan ko, binalik ko ulit ang tingin ng kinaroronan ni Dylan kanina. Pagtingin ko, wala nang Dylan na nandoon. Saan siya pumunta?
JAYSON CLIVE SY POV:)
"Bakit mo in-invite si Elizabeth?!" Tanong kaagad ni Dylan pagkapasok.
Nandito ako ngayon sa isang kwarto, pinapanood ang mga nangyayari sa ibaba, sa pamamagitan ng CCTV. Nakaupo ako sa swivel noong oras iyon habang may hawak na baso na naglalaman ng wine.
Nang nasa gilid ko na ito, tahimik pa ring tiningnan ko dito.
"Pati ang mga kaibigan mo, papapuntahin mo dito?" Kunot-noong pahayag nito."Pinapahamak mo lang sila, Clive! Akala ko ba napag-usapan na natin ito. Wala na naman ito sa plano, sinisira mo ang plano natin!" Tumaas ang boses na panayam nito.
Bumaling ulit ako sa pinapanood ko sabay ininom ang wine halos inubos ko ang laman niyon.
"Alam ko ang ginagawa ko, Dylan." Maya-maya sagot ko sabay lapag ng basong walang kaman sa desk.
"Dinadala mo sila sa panganib, Clive. Pinapalala mo lang ang sitwasyon. Hindi na ako magtatakang malaman kaagad ng tito mo ang pagkatao mo. Ikaw mismo naglalagay sa sarili mong kapahamak."
Hindi ako umimik at hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Seryoso lamang akong pinapanood ang galaw nila papa at lola pati na rin si Kuya Johnser. Hindi ko pa nakikita si Tito Andrew na kasama nila at mukhang hindi pa ito dumadating.
"Tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka. Tutal, sarili mo lang sinusunod at pinapakinggan mo. Don't blame me if something happens to your loved one." Makahulugang pahayag nito at naglakad na ito paalis.
Naiwan naman ako na napaisip ng malalim.
ANDREW SY POV:)
Nakarating naman kami ng tamang oras sa party na 'to. Tahimik na bumaba na nga ako ng kotse halos pagbuksan pa ako ng assistant ko. Pagkatapos, naglalad na ako papuntang entrance at sumunod naman sa akin ang assistant ko.
Pagkapasok sa loob, nagkalat naman ang mga bisitang nandito. Puro mayayaman at kilalalang tao ang nandito at may mga artista din ang nandito sa party na ito. Nakikipang-ngitian lamang ako sa mga taong kakilala ko.
Nakita ko naman kaagad si Johnser, mang-isa sa table habang nakatayo at umiinom ng alak. Lumapit naman ako sa kinaroroonan nito. Bago paman lumapit, kumuha ako ng wine sa waiter na dumaan sa harapan ko.
"Mag-isa ka ata. Nasaan ang magaling mong ama at mabait mong lola?" Panimula ko sabay lapag ng basong hawak ko sa mesa.
"Nandito ka na pala, tito." gulat na saad ni Johnser nang makita ako."Kausap nila si Mr. Kailes pati na ang mga kaibigan nitong mga negosyante."
Tiningnan ko naman ang kinaroroonan ng kapatid ko. Nakaupo silang lahat at nagtatawanan sila na akala mo magkakaibigan sa sobrang saya sa table nila. Nakita ko pang palihim na nagsasagutan na naman ang mag-asawang si Leandro at Lorisette.
Sa tingin ko, maghihiwalay na itong mag-asawa na ito. Araw-araw nalang sila nagsasagutan. Hindi ko alam kung normal pa ba ang pag-aaway nila dahil pareho sila ayaw magpatalo sa pataasan ng boses kapag nagsasagutan.
Pagbaling ko ulit kay Johnser, nakita kong natulala na lamang ito habang nakatingin sa aking likuran. Sa pagtataka, lumingon ako sa akin gilid para makita ang dahilan nang pagkakatulala ni Johnser.
Nanlaki mata na lamang ako nang makita at makilala ang mga taong bagong dating kasama ang babaeng kinahuhumalingan nito.
"Wait lang, Tito." Paalam ni Johnser at umalis kaagad para puntahan ito. Pipigilan ko na sana siya sa binabalak nang may nagsalita na lamang sa likuran ko.
"Mr. Sy!"
Napalingon naman ako.
"Mr. Kailes!" Sambit ko nang makita siya."Thank you for inviting me here," plastic na sabi ko sabay nakipagkamay ako dito.
Tumawa naman ito."I am happy that you and your brother became my friends." pahayag nito sabay bitaw na sa pakikikamay."Why don't you join us? Nandodoon ang kapatid at lola mo. Tara! Ipapakilala kita sa mga kaibigan kong bilyonaryo from US and France." yaya nito sa akin.
Sumama naman ako dito. Nang nauna na itong maglakad, lumingon pa ako sa aking likuran para makita ang mga hampas-lupa na dahilan ng pagkasira ng pangarap ni Johnser. Nakita kong nakaupo na sila sa isang table at katabi ni Johnser ang kinahuhumalingan niyang babae.
"Hindi ko hahayaan na masira ang plano ko para sayo, Johnser. Dahil sa babaeng iyan, siya ang magiging dahilan na hindi mapunta sayo ang kompanya." Sa isip kong sabi habang nanlilisik ang matang nakatingin sa dating personal na janitress niya.
"Mr. Sy!" Narinig kong tawag ni Mr. Kailes sa akin.
Nakangiting plastic na lumingon naman ako at lumapit na sa mga kinaroroonan ng mga ito.
Abangan ang mga pasabog na mangyayari sa party.
Don't forget to like, comment and share.
Thank you!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
2very nice story
10/05/2022
1may ending po ba to
01/10/2024
0Tingnan Lahat