Chapter 113: Nalilito

ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Pinapantasya mo ba ang kaguwapuhan ko?" Nakakaakit na sabi nito.
Nanlaki mata na lamang ako nang makitang lapit ng mukha niya sa akin halos naduling na ako.
"Lady Beth!"
Natigilan na lamang ako nang marinig mo ang boses ni Ros. Feeling ko, nagagalit si Ros dahil sobrang lapit ko sa ibang lalaki. Dali-dali ko naman tinulak si Sir Easton at matagumpay namang nakalayo ako dito.
"P-pasensya na, sir. Sorry po, sorry!" Tarantang hingi kong patawad at sunod-sunod ang pag-bow ang ginagawa ko.
"Ako lang gagawa nito sayo..."
"Sa akin ka lang..."
"Natatakot akong makita kang hawak ng iba..."
Napaluha ako nang maalala ko ang mga katagang sinabi ni Ros. Para siyang bumubulong sa tainga ko at feeling ko nasa tabi ko siya. Siguro nasasaktan siya ngayon dahil sa nasaksihan.
Sa pagtataka, tumayo sa pagkakaupo si sir Easton at alalang lumapit ito sa akin.
"Umiiyak ka ba? May nagawa ba akong mali?"
Nakayuko pa rin ako at panay sorry lamang ako. Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko rin mapigilang mag-bow nanh bow kay sir. Feeling ko nagtaksil ako kay Ros at alam ko masakit iyon sa kanya.
Hinawakan nito ang kamay mo."Okay ka lang---"
Gulat na lumayo kaagad ako palayo dito na dahilan di nito napatuloy ang sinabi.
"Pasensya na, sir. N-napuwing lang." Nauutal n pagsisinungaling ko at nagkunyari pang ginugusot ko ang mata ko."S-sir, gusto n'yo po bili nalang ako ng gamot n'yo sa ulo? Para po mawala na po ang sakit na nararamdaman n'yo." Prisinta ko. Sinabi ko lang naman ito para hindi na nito itanong pa kung umiiyak ako. Baka magtanong ulit siya, tuluyan na ko mapapaiyak.
"Huwag nalang. Tutal, magla-lunch break na, gusto mo ba sumabay kumain sa akin?" Nakangiting sabi nito.
"Ah?" Takang naituran ko na lamang.
"Oo nga pala, gusto ko ma-meet 'yong kaibigan ng boyfriend mo. Si kuya nagsabi sa akin na mababait sila at makukulit. Gusto ko din sila maka-close." Nakangiting wika nito.
"Ah? Eh..."
****
Tulala pa ring nakatingin ang lima kay sir Easton. Siguro, nagtataka pa rin sila dahil kamukhang-kamukha nito ang kaibigan nilang si Ros. Para talaga silang kambal, pareho-pareho. Mapa-side view, mapa-back view, Ros na Ros talaga. Kung pwede nga sana si Ros nalang siya at ang good news buhay siya pero hindi.
Saka nawala ang tingin nila kay sir Easton nang nilapag na ng mga waiter ang order namin---order pala ni sir. Wala pala kami ambag dito, gastos lahat niya ito.
"Wow! Ang sasarap naman!" Takam na takam na saad ni Anthony nang makita ang mga pagkain.
"Oo nga, nakaka-takam." Mahinang saad ni Jero.
"Kumain na kayo. Inorder ko lahat mga paborito n'yo." Nakangiting sabi ni sir.
"P-paborito?" Napatingin na lamang kaming lahat kay Pubg."Paano mo nalaman na paborito namin ito?" naghihinalang tanong nito.
Takang napatingin naman kaming lahat kay air Easton. Oo nga 'no? Paano niya nalaman ba paborito namin ito? Hindi naman namin siya nakakasama at ngayon lang namin siya nakasama kumain. Paano niya nalaman?
"A-ah? Iyon ba?" Tumawa ito ng bahagya bago magsalita ulit."S-sinabi sa akin ni Kuya," nakangiting sagot nito.
"N-ni Mr. Kailes?" Sabay saad ni Jake at Jero.
Tumango si Sir Easton."Nagku-kwento kasi palagi 'yong kaibigan n'yo kay Kuya about sainyo. Doon ko nalaman sa kapatid ko na paborito ninyo ito." napaka-kalmadong paliwanag nito sa amin.
"Ahh..." Sabay-sabay na saad ng limang lalaki habang patango-tango.
"Kumain na kayo. Baka nagugutom na kayo." Sabi ni sir sa amin.
"Salamat po sa libre, sir!" Nakangiting pasalamat ni Anthony dito.
"Thank you, sir!" Parang military na sabi ni Jake, Jero at John halos nagsaludo pa ito na akala mo talaga mga militar.
Napatingin naman si Pubg sa mga kaibigan niya. Late na ginaya din niya ang mga kaibigan nita at nagsaludo din siya kay sir.
"Thank you, sir!" Solo flight na sabi pa ni Pubg habang nakasaludo.
Ngumiti lamang si sir dito."Kain na kayo."
Kanya-kanya naman ang mga ito kuha ng ulam. Nandito kami sa isang restaurant. First time namin makapasok at makakain sa sosyal na kainan tulad nito. Sobrang bless na sa amin ito na nakakain kami ng ulam gawa ng mga professional chef.
"Sarap nito, bro! Try mo 'to!" Sabi ni Jake sabay turo sa ulam na sinasabi nito habang may laman ang bunganga.
"Try mo din ito. Masarap din." Sabi naman ni Jero sa mga kaibigan.
Tahimik na kumuha na ako ng ulam. Natigilan na lamang ako sa pagkuha ulit ng isang ulam nang makita kong nilagyan ng menudo ni sir ang plato ko.
Natigilan naman ang lima sa nasaksihan at pare-pareho sila nakatingin kay sir Easton halos naka-stock sa bunganga nila ang mga manok na kinakain nila.
Nakakapagtataka...
Bakit ginawa ito ni sir? Kaya ko naman lagyan ng pagkain ang plato ko. Ano meron?
Nang ma-realize ang ginawa ni sir, tiningnan ako nito sunod sila bossbrad. Mabilis naman tinigil nito ang paglagay ng ulam sa plato ko.
"Pasensya na. Nasanay ako na nilalagyan ng pagkain ang plato ng girlfriend ko." Hinging patawad kaagad ni sir.
"May jowa kayo, sir?" Tanong ni Pubg dito.
Nakangiting tumango ito."Yeah!"
"Ahh." Patango-tango na saad na lamang ng lima.
Tumunog na lamang ang cellphone ni sir Easton. Sinagot naman niya iyon at hindi umalis sa kanyang inuupuan. Pinagpatuloy na nga namin ang pagkakain.
"Yes? Okay, got it!" sabi ni sir sa kausap niya."Sure, kuya. Ako na bahala doon."
Sa sobrang hiyang nararamdaman, napaubo na lamang ako nang magkamali ako ng paglunok ng pagkain. Mabilis naman binaba ni sir ang kanyang cellphone sa mesa at taranta binigyan kaagad ako nito ng tubig.
"Uminom ka."
Kinuha ko naman ang baso dito at ininom iyon. Pagkainom, umubo-ubo pa rin ako habang hinahagod ni sir ang likod ko.
"Okay ka lang?" Tila nag-aalalang tanong ni sir sa akin.
"O-opo." Sagot ko sabay ubo ulit.
Sabay-sabay naman nagsihulugan ang pagkain na nasa bunganga ng lima. Nakaawang ang kanilang labi habang nakatingin sa amin. Nasaksihan nila ang ginawa ni sir na dahilan natulala sila at nabigla.
Napatingin naman ako sa lima. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nakita. Sinundan naman ng tingin ni sir ang tinitingnan ko. Nagulat na lamang ito nang makita ang lima, siguro nawala sa isip niya na kasama namin ang lima.
Ano nalang kaya iisipin ng mga ito sa amin ni sir?
Sabay-sabay naman umubo ang mga ito sabay tingin sa ibang direksyon. Nagkunyari silang walang nasaksihan at pinagpatuloy nito ang pagkakain. Kami naman itong si sir Easton ay napatingin din sa isa't-isa. Nang tumama ang aming mata, mabilis naman umiwas kami ng tingin at lumayo na sa akin bahagya ito.
Pareho kami ilang na ilang sa isa't-isa dahil doon.
Kinuha na nito ang cellphone na nakalapag sa mesa. Bago paman sagutin, tumikhim muna ito. Palihim ko pa ito tiningnan habang hinihiwa ko ang ulam na karne ng baboy sa aking plato.
"Andito pa 'ko. Sige, ako na bahala." Sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya saka na binaba ang tawag.
Nang tumingin sa akin si sir, taranta namang umiwas kaagad ako ng tingin at bumaling sa kinakain ko. Mabilis ko naman kinain ang karne na nakatusok sa tinidor.
Hindi ko maiwasan makaramdam ng hinala. Hindi pwede magsinungaling ang nararamdaman ko lalo na ang puso ko. Pilit sinasabi ng puso ko na ang taong ito ay taong minamahal ko. Pero hindi...nalilito ako.
Sino ba talaga si Easton Kailes? Bakit iba ang pakiramdam ko sa kanya? Pakiramdam na parang kilalang-kilala ko siya. Nahihiwagaan ako sa kanya...
*****
Pagka-park ni sir Easton ng sasakyan sa parking lot, nagsibaba na nga ang lima na nakaupo sa backseat samantaka ako sa front seat katabi ni sir. Siya ang nagmamaneho ang kanyang sasakyan.
Bababa na sana ako nang pigilan ako ni sir.
"Wait! Ako na bubukas." Sabi nito at bumaba na kaagad ito ng kotse.
Pumaikot pa ito papunta sa kabilang pinto na lalabasan ko. Pinagbuksan naman ako nito ng pinto at ako naman itong nahihiya at naiilang na bumaba.
"S-salamat, sir." Nautal na pasalamat ko.
Nakangiting tumango lamang ito sa akin."Maaga ka ngayon uuwi. Pagka-alas tres, umuwi kana."
"Ano oras sir ng party n'yo?" Tanong ko nang humarap ako dito.
Nilagay nito ang isang kamay sa kanyang bulsa."Alas nuwebe ng gabi pero alas singko, sunduin kita sainyo." panayam na lamang nito na kinagulat ko.
"Po?" Gulat na naituran ko na lamang. Nagulat din sila Anthony halos napakunot-noo sila.
"Kayo? Gusto n'yo ba pumunta?" Baling ni sir kila Anthony at PUBG.
"Party po?" Paninigurado ni Jero.
"Oo," sabay tango.
"May pagkain?!" Nakangiting tanong kaagad ni John."Aray!"
Mabilis naman ito binatukan ni Anthony."Pasensya na, sir. Patay-gutom talaga itong kaibigan ko. Hehehe."
Tumawa lamang ng bahagya si sir."So, susunduin ko kayo mamayang alas singko? Isama n'yo na rin si Aling Martha." Nakangiting wika nito.
Nanlaking mata naman ako sa sinabi nito.
"Kilala mo, sir si Aling Martha?" Di makapaniwala na bulalas ni Jake.
Napataas-kilay naman sa pagtataka si bossbrad."Y-you know my mom, sir?" Napa-english na tanong niya dito.
"Ah--oo! Kilala 'ko, sinabi sa akin ni Kuya tungkol sa mama mo. Hehehe." Nautal na paliwanag kaagad nito."S-sige, mauuna na ako. May kakausapin pa ako." Paalam na nito at nauna na itong umalis.
"Salamat, sir sa libre!" Sabay-sabay na sabi naming anim sabay bow-bow pa.
Kahit nakatalikod, itinaas na lamang ang kamay nito bilang sagot sa amin. Dere-deretsyo na ito naglakad papuntang elevator papasok sa A.D Building.
Nang sumara na ang elevator na sinasakyan nito, saka bumaling sa amin si Anthony.
"Nahihiwagaan ako sa Easton na iyan. Ang mga galaw niya parang si Ros." naghihinalang pahayag nito.
"Syempre, kasi kamukha niya si Ros kaya nakikita mo sa kanya na parang kaibigan natin gumalaw." Sulpot ni Jero.
"Bumalik na kayo sa trabaho. Susunod na ako kay sir Easton. Kita nalang tayo sa ground floor. Bye!" Paalam ko na sa kanila.
"Bye!" Kinawayan nila ako.
Tumakbo na ako para sumunod kay sir Easton sa elevator.
MANDY YU POV:)
Pagkatapos mag-shoot ang mga napili naming artista na magiging panibagong ambassador at ambassadress, lumapit kaagad ako dito at nakipagkamay.
"Salamat sa hard work n'yo. Ang galing n'yo talaga." Nakangiting sabi ko.
"Salamat, Mandy. Di ka talaga nakakalimot, ang bait mo talagang kaibigan. Need ko talaga ngayon ng pera at salamat kinuha n'yo ko bilang ambassadress." Pasalamat ng kaibigan kong artista na si Hailey.
"Wala iyon." Sabi ko sabay tinaptap ang braso nilang dalawa."Tara? Snack muna kayo. Nag-order ako ng maraming pagkain para sainyo." Nakangiti pa ring yaya ko sa kanya.
"Sige." Sagot ni Hailey at naglakad na.
Susunod na sana ako dito nang hawakan ni Travis ang kamay ko kaya napatingin ako dito. Siya si Travis, 'yong makulit na artista na hahalikan sana ako sa harap ng kaibigan niya. Akala niya katulad ako ng mga babae niya, pasensya siya at nakatanggap siya ng sampal ng isang malditang Mandy Yu. Dahil siya ang sikat na teen actor ngayon, no choice ako kaya kinuha ko siya bilang ambassador.
"What?" Nakataas-kilay na tanong ko dito.
"Bakit blinock mo ko sa lahat ng social media mo?"
"Nakalimutan mo ba ang ginawa mo?" Mataray na sabi ko at pa-waksing inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Aalis na sana ako para iwan siya nang hawakan ulit niya ang kamay ko at pinahawak sa kanya.
"Alam mo ba, tinanggap ko ito para sa'yo?" Ma-otoridad na turan nito.
"And so? Magpasalamat ka nalang. Kung hindi sa akin, wala ka sanang raket ngayon." wika ko at ngumiti ng pilya dito para mainis ito.
Nang bitawanan na nito ang kamay ko, pahirap na tumalikod ako at naglakad paalis. Sakto naman na pagtalikod ko, nakita ko naman si Dylan na salubong na salubong ang kilay na nakatingin sa akin.
Kanina pa ba siya nakatingin sa amin ni Travis? Paano kung ano isipin niya sa aming dalawa? Paano kung ma-turn off siya sa akin?
Sandali! Ano ba iniisip mo, Mandy! Bakit iniisip mo pa ang lalaki na iyan. Pagkatapos angkinin ka ng gabing iyon, parang wala lang nangyari sa kanya. Ano 'yon? Thank you nalang kasi nakaraos na siya?
Nang tumama ang mata namin, mabilis na inirapan ko ito sabay ikot ng eyeballs. Lumapit na ako sa mga empleyado na nagsisimula nang kumain.

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    Fhem De Castro

    A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      2
  • avatar
    CasasPrecy

    very nice story

    10/05/2022

      1
  • avatar
    TadleLlean

    may ending po ba to

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata