Homepage/Mr. Billionaire, Don't English Me/
Chapter 112: Kamukha
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Para po!" sabay sabi ni Anthony at PUBG.
Tumigil naman ang jeep at sabay-sabay na bumaba na kami.
"Nakarating din sa wakas!" Saad ni Jake pagkababa ng jeep at umunat-unat pa ito.
"Curious pa rin ako. Gusto ko talaga makita 'yong Sir Easton na 'yan." Wika na lamang ni Jero sabay kamot sa ulo.
"Kahit ako! Gusto ko makita kung talagang kamukhang-kamukha siya ni Ros." Sulpot ni John habang nagkukulangot.
"Tara na! Magmadali na tayo baka makita tayo ng mga lalakin gustong kumidnap kay PUBG!" Yaya kaagad ni Anthony at naglakad na ito.
Sumunod na nga kami dito pero napatigil na lamang ako sa paglalakad nang mapatingin sa waiting shed. Naalala ko na lamang ang alaala namin noon ni Ros.
Flashbacks..
"Basa na tayo." Natatawang sabi ko sa kanya nang makasilong kami.
"Sorry dapat pala nagdala ako ng payong." Hinging-patawad niya.
"Okay lang. Di nga rin ako nakadala." Sabi ko sabay tawa."Gusto mo maligo?" Yaya ko sa kanya nang makaisip ng ideya.
"Maligo?" Takang saad niya.
"Sa ulan." Nakangiting matamis sabi ko sa kanya.
"Pero---"
Bago paman ipatuloy niya ang sasabihin ay mabilis na lumusong ako sa ulan. Nakangiting humarap ako sa kanya habang nababagsakan ako ng malalaking butil ng ulan.
"Tara! Maligo tayo!" Yaya ko sa kanya.
"Ayaw ko." Tanggi niya habang yakap ang sarili.
"Masarap kaya maligo sa ulan. Namnamin mo ang bawat patak ng ulan sayo, para ka lang bumalik sa pagkabata at alam kong mamimiss mo iyon." Sabi ko sa kanya."Tara na! Total, basa kana. Maligo na tayo!" Yaya ko pa rin sa kanya.
"Ikaw nalang." Tanggi pa rin niya.
"Bahala ka dyan." Sabi ko nalang at nagsimulang tumalon ako at hihiyaw na parang bata."Woah! Namiss ko 'to!"
Itinaas ko bahagya ang mga kamay ko at dinamdam ang mga bawat patak ng ulan sa akin sabay taas ng ulo at pumikit. Ninamnam ko ang malalamig na butil na dumadampi sa mga balay ko pati sa mukha ko. Habang nakapikit ako, nakikita ko noon ang sarili ko noong bata ako na nagpapaulan ako sa bukid kasama si Mama. Kahit mahirap kami noon, masaya kami ni Mama.
Pumaikot-ikot pa ako na tila nag-eenjoy ako. Kulang nalang nalanh humiga ako sa kalsada at panoorin ang ulan na nahuhulog sa ibaba galing sa taas. Dahil dito, nawala yung pagod ko sa trabaho. Feeling ko, wala akong problema dinadala ngayon.
Nakangiti lamang si Ros habang pinapanood ako.
End of flashbacks..
"Ate Beth?"
Napapikit-pikit na lamang ako nang makarinig ng boses na tumatawag sa akin. Napatingin naman ako sa unahan ko. Nakita ko namang inaantay na nila akong lima. Natulala ba ako ng matagal kanina?
"Ay! Heto na!"
Tumakbo na kaagad ako palapit sa kanila.
*****
Kumuha ako ng noodles sa kaldero. Nandito ngayon sa apartment namin si Aling Martha at Anthony, sabay-sabay kami ngayon kumain. At ito nga, nagluto si Aling Martha ng giniling na karne at dala pa niya yung kaldero niyang laman ay kanin. Ang ambag lang namin ni Pubg ay noodles na may halong hotdog.
Kanya-kanya na kami kuha ng kakainin namin. Nilagyan ko naman ang mangkok na hawak ko ng noodles.
"Oo nga pala, Beth!" Sinubo muna niya ang pagkain na nasa kutsara."Galing dito kanina si Sir Leandro saka si Johnser, hinahanap ka. Saka may magandang babae pang pumunta dito, hinahanap ka rin niya." sabi nito.
Kumain muna ako ng noodles bago sumagot dito."Sinabi n'yo po ba 'yong sinabi ko?" Tanong ko habang may laman ang bunganga.
"Oo. Huwag kang mag-alala, mukhang di kana guguluhin ng mga iyon." Pahayag nito at kumuha ng noodles at nilagyan ang plato nito.
"Bakit? May nangyari ba sa Uphone, ate Beth?" Tanong ni Pubg sabay inom ng juice na nasa baso.
"Wala. Ayaw ko nang may gumugulo sa buhay ko." Sabi ko kaagad habang sa pagkain lamang ang tingin ko."Juice? Gusto pa?" Sabay kuha ng pitchel.
Tumango naman si Pubg at nilagyan ko ang baso nito ng juice.
"Oo nga pala, ma." Nilunok muna ni Anthony ang nasa bunganga nito bago simulan ang panibagong topic nito."Kamukha raw ng boss ni Beth si Ros." Balita nito sa kanyang ina.
"Ano?!" Bulalas nito sa gulat sa narinig at di nito napatuloy ang pagsubo ng pagkain. Tumigin ito sa akin na nanlalaki mata."Totoo? Kamukha ng boss mo si Ros?" Paninigurado nito.
Ngumunguya na tumango ako dito sabay iwas ng tingin.
"Nakita n'yo na ba?" Baling nito kay Pubg at Anthony.
"Hindi pa po." mahinahong sagot ni Pubg sabay kuha ng kanin sa kaldero.
"Bukas pa namin mako-confirm, ma. Hindi kasi namin nakita kanina, hindi pa kasi lumalabas." Sagot ni Anthony dito sabay inom ng juice.
"Ahh..." Patango-tango na sabi nito."Kumain na kayo at maaga pa kayo bukas sa trabaho n'yo." Sabi nito sabay kuha ng kaldero at nilagyan ng kanin ang mga plato namin.
"Ma, dami naman!" Reklamo ni Bossbrad sa kanyang ina."I'm diet!" Boses pabakla na turan nito.
"Walang diet-diet dito. Kumain lang kayo! Ubusin natin 'to."
"Opo!" Tumatawa na sabay sabi namin ni Pubg.
Pinagpatuloy na nga namin ang pagkakain at wala nang nagsisimula ng panibagong topic nang tumunog na lamang ang cellphone ko. Sabay-sabay tinginan naman sila sa cellphone ko na nasa gilid ng plato ko.
Sinubo ko muna ang pagkain na nasa kutsara bago kunin ang cellphone.
"Sino?" Tanong ni Anthony sa akin.
Kumibit-balikat ako."Number lang."
Nangunot naman ang noo nito sa pagtataka. Sinagot ko na nga ang tawag ng tumatawag sa akin. Umubo muna ako bago magsalita.
"Hello? Sino 'to?" Normal na tanong ko.
"It's me, Easton."
Nanlaki mata naman ako. Seryoso? Si Sir Easton 'to? Paanong...
"Sino?" Walang boses na tanong ni Anthony sa akin.
Napatingin naman ako sa kanila at lahat sila curious kung sinong tao ang tumawag sa akin.
"Yes, Sir Easton?" Nilakas kong sabi.
Gulat naman na nagtinginan si Anthony at Pubg halos napahawak sila sa mga labi nila.
"S-sino daw?" Tanong ni Aling Martha sa dalawang binata.
"B-boss ni Beth, 'yong kamukha ni Easton---Ros pala!" Mahinang chismis nito sa kanyang ina.
Gulat na napahawak naman sa bibig si Aling Martha pagkatapos ay tiningnan nila akong lahat.
Mabilis na kinuha sa akin ni Anthony ang cellphone at pinindot nito ang loudspeaker.
"May susuotin kana ba bukas?" Seryosong tanong nito habang nasa kabilang linya ito.
Nanlaki mata naman ang mga ito sa narinig habang hawak pa rin ni Anthony ang cellphhone ko.
"Ka-boses ni Ros?" Di makapaniwala na mahinang saad ni Aling Martha. Tinanguan naman ito ng dalawa.
"P-po? Ahm, m-meron na po." Pagsisinungaling ko.
"Let me know if wala pa. Padadalhan kita bukas sainyo ng susuotin mo bukas." wika pa rin nito.
"S-sige po, sir. Salamat po!" Nautal na pasalamat ko dito."Sandali, Sir! Paano n'yo nalaman ang number ko?" Naalalang tanong ko. Sa pagkakaalala ko, hindi pa ko naman binigyan ng contact number ko kay sir Easton. Kahit fb name ko, hindi pa.
"Kay kuya." Sagot nito.
Ay? Kay Mr. Kailes pala. Ba't di ko 'yon naisip? Nagtanong pa ko. Hayst!
Tumawa naman ako bahagya."Sige po, sir. Salamat po."
Narinig pa naming pinatay na nito ang tawag saka nagsiingay sila.
"Boses ni Ros!" Di makapaniwala na bulalas ni Aling Martha.
Kinuha ko na nga kay Anthony ang cellphone. Pinunasan ko pa ang screen ng cp ko sa damit ko dahil nakita kong basa bahagya ang screen dahil sa pawisan ng kamay nito.
"Oo nga, ma. Bukas pa natin malalaman kung kamukha din ba niya si Ros." Pagsang-ayon ni Anthony dito at pinagpatuloy na ang naudlot nitong pagkakain.
Tahimik na pinagpatuloy ko na din ang pagkakain ko pero di ko maiwasang tingnan ang cellphone ko na nakalapag malapit sa plato ko. Umaasa ako na tatawagan ulit ako ni Sir Easton. Nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya, akala ko si Ros. Gusto ko marinig ulit ang tinig ni Ros.
Namimiss ko na siya...
JOHNSER SY POV:)
"Pasensya na, iho. Wala pa kong balita kay Beth. Hindi pa kasi tumatawag sa akin." sabi na lamang ni Aling Martha sa akin nang puntahan ko siya sa kanila para malaman kung may balita na siya kay Elizabeth.
"Sige po. Balik nalang po ako bukas."
"Sige, iho. Pasensya na ah?"
"Okay lang po. Ito po pala, para po sainyo ito." Binigay ko naman dito ang binili kong mga grocery na para kay Elizabeth ito.
Kinuha naman nito at tiningnan ang nasa loob ng plastic. Nagulat naman ito sa nakitang laman iyon halos napatingin ito sa akin habang nanlalaki mata.
"S-salamat, anak. Nakakahiya naman, nag-abala ka pa."
"Okay lang po. Sige po, alis na po ako." Paalam ko.
"Mag-iingat ka, anak. Salamat dito!" Nakangiting pasalamat nito.
Nakangiting tinanguan ko lamang ito. Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob ng kotse ko. Bago pa man, i-start ang engine tumunog na lamang ang cellphone ko na nakalapag sa kabilang upuan.
Kinuha ko kaagad iyon at sinagot ang tawag.
"Hello? Bakit, Ramon?" Tanong ko at sinaksak na ang susi sa kotse.
"Nandito po ngayon sa office n'yo si Sir Cedric at si Dona Valencia."
Lumaki naman ang mata ko sa balita nito."S-sige, papunta na ako diyan." Natarantang sabi ko sabay patapon na nilapag ko ang cellphone ko sa kabilang upuan.
Mabilis ko naman pinaharurot ang sasakyan ko.
*****
Mabilis na binuksan ko ang pinto at hihingal-hingal na pumasok ako sa loob. Nakita ko na lamang si Lola na nakaupo sa wheelchair habang si papa ay nakaupo naman sa sofa at hinihintay nila ako pareho.
Kinabahan naman ako nang makita ang kakaibang tingin nila sa akin.
"P-pa! L-lola." Nautal na sambit ko.
Nararamdaman kong makakatanggap na naman ako ng masakit na sermon mula kay papa. Base sa awra at ekspresyon sa mukha niya, parang gusto ako nito balatin ng buhay.
Hindi ko pinahalata na kinakabahan at natatakot ako nang lumapit ako sa kinaroroonan nila.
Nang nasa harapan ko na ito, tumayo ito sa pagkakaupo para maharap ako. Hindi ko magawang salubungin ang mata ni papa dahil ang tingin nito parang apoy na nakakapaso.
"Bakit ngayon ka lang?" Malagong na tanong nito.
"Dad, sorry. Galing kasi ako kila Elizabeth---"
Di ko na lamang napatuloy ang sasabihin ko nang marahas na nakatanggap ako ng malakas na sampal mula kay papa. Muntikan na akong matumba dahil sa lakas ng sampal na iyon at mabuti na lamang, napaupo ako sa sofa na pang-isahan.
Maluhang-luha na bumaling ako kay papa habang sapo ang pisnging sinaktan niya. Salubong ang mga kilay na nakatingin ito sa akin. Bakas sa mukha nito ang galit halos namumula ang kanyang mukha pati ang kanyang tainga.
Maluha-luha namang binaling ko ang aking paningin kay lola. Wala itong ginawa para suwayin ang anak sa ginawa nito sa akin bagkus nanatili lamang itong nakatingin sa akin na parang kagustuhan din nito na ginawa ito sa kanya ng ama niya.
"Ilang beses ko ba sasabihin, Johnser?! Don't disappoint me!" Galit na sigaw nito halos umalingawngaw iyon sa loob ng office ko."Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na mag-focus ka sa tungkulin mo at huwag sa babaeng hampas lupa na iyon? Akala ko ba gusto mo patunayan na karapat-dapat ka? Iyan ba ang gusto mo ipakita sa akin? Isang tanga at uto-uto?!"
Hindi ako sumagot at nanatili lamang nakatikom ang bibig ko habang deretsyo ang tingin sa kanya. Palihim na tinago ko ang mga kamay ko sa aking likuran at daan-dahan iyon tiniklop na parang nakahanda para makipag-suntikan.
Pinipilit kong kontrolin ang galit ko hangga't makakaya ko. Nagagawa ko na lamang ay humigpit ang pagkakahawak ko sa kamao at doon ko binuhis ang galit na nararamdaman ko.
"Anong ginawang gayuma sayo ng janitress na iyon para magkaganyan ka?!" Galit na galit na dagdag pa ni papa.
"Dad, sobra ka naman magsalita. Wala naman siya ginagawa sayo para pagsabihan siya ng ganyan." Di makatiis na pahayag ko.
"Ano---" pinutol ko kaagad ang sasabihin ni papa.
"Makapagsalita kang hampas lupa siya parang kilala na kilala mo siya." Di nakatiis na sabi ko."Isang hampas lupa din naman noon si mama ah. Natanggap lamang siya sa pamilyang ito dahil nabuntis mo at ako ang bunga---"
Di ko napatuloy ang sinasabi ko nang makatanggap ng malutong na suntok kay papa. This time, napaupo na ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok na iyon. Naramdaman ko na sa labi ko ang dugong nagmumula sa gilid ng labi kong pumutok dahil sa suntok ni papa.
Pinilit kong tumayo sa pagkakaupo. Di ko maiwasang mapangiti ng pilyo habang hinawakan ko ang gilid ng pisngi ko na dumudugo pa rin. Halos nilasahan ko pa ang dugo na lumalabas mula doon gamit ang dila ko.
Mabilis naman ako kinuwelyuhan ni papa. Kita ko sa mata nito ang galit halos manlisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Iniangat nito ang kamao at balak nitong suntukin ako. Pumikit kaagad ako para tanggapin na lamang iyon.
Idinilat ko naman kaagad ang mata ko nang napansing walang dumampi sa labi ko. Nakita ko namang pinigilan ni papa ang kanyang sarili para suntukin ako. Padabog na binitawan na lamang ako nito halos nagulo ang suot kong damit.
Pinilit ko pa rin pakalmahin ang sarili ko kahit ang totoo sobra na kong nagtitimpi ng galit sa magulang ko. Kahit kailan, hindi nila sa akin pinaramdam na mahalaga ako at parte ako ng pamilya. Siguro nga mababa ang IQ ko kaysa kay Ros. Mas creative siya kaysa sa amin. Mas madali siyang makipag-communicate sa iba kaysa ako na walang naging kaibigan noong elemtary at highschool.
Kaya paborito nila si Clive dahil para sa kanila, nakikita nilang may mararating ito kaysa sa akin. Pero ngayon, tanggap ko na na mahina talaga ako at mas mahal nila si Clive.
Gusto ko nang magbago. Gusto ko pahalagaan ang mga taong nasa paligid ko na hindi ko naparamdam noon sa kapatid ko. Ngayon, kung kailan itatama ko na ang lahat, saka rin namatay si Clive. Tama nga, sa huli talaga ang pagsisisi.
"Huwag mo kong susubukan, Johnser! Nakilala mo lang ang babaeng iyon, natuto ka nang sumagot sa akin." Galit na sabi ni papa habang turo-turo ako."Pag hindi ka pa magtino ngayon, asahan mong sa labas ka pupulutin ngayon." Tila nananakot na pahayag ni papa halos hindi ko magawang tingnan ang mga nakakapasong tingin nito sa akin.
Tinulak na nga ni papa ang wheelchair ni lola para umalis. Nanatili lamang akong natakayo at dinaanan lamang nila ako. Bago paman tuluyang makalapit sa pintuan, tumigil si papa at may sinabi pa ito.
"Kaya din kitang takwilin, Johnser. Gaya ng ginawa rin noon ni papa kay Tito mo Andrew." Makahulugang pahayag nito at saka na ito pinagpatuloy ang paglalakad.
Nang marinig kong sumara na ang pinto, napaupo na lamang ako sa sofa at natulalang nagsimulang nagsitulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam saan ko ilulugar ang sarili ko.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganitong pamilya ang binigay sa akin ng diyos. Gusto kong isang pamilya na mamahalin at na-aapreciate ako bilang ako. Ayaw ko ng ganito na kailangan ko patunayan ang sarili ko para magustuhan nula. Ang gusto ko, pantay kami at pareho ang treatment nila sa amin.
Kailangan ba ganito? Ganito ba ang buhay mayaman? Buhay na palaging giyera araw-araw?
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Kanina ko pa napapansin na humihinto sa pagta-type si sir sa laptop niya dahil kanina pa nito iniilot ang ulo. Siguro masakit ang ulo nito o nai-stress.
Hinihintay ko lang utusan niya akong bumili ng gamot.
"S-sir?" Tawag ko.
Mabilis naman napadilat ito ng kanyang mata dahil sa akin. Tumutok kaagad siya sa laptop at pinatuloy ang naudlot niyang ginagawa.
"Sir, kailangan mo ng gabi? Pagtitimpla kita." Prisinta ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at aalis na sana ako nang pigilan ako nito.
"No!" Tanggi kaagad nito.
"Massage ko ulo mo, sir? Gusto mo?" Prisinta ko ulit. Para naman may magawa ako. Puro nalang ako laro sa laptop, kung sa computer. Sakit na pwet ko maghapong nakaupo.
Tumigil naman ako sa pagta-type at tumingin sa akin."Marunong ka ba?" Tanong nito.
"Oo, sir. Marunong po ako." Sagot ko kaagad.
Tumango naman ito kaya mabilis lumapit ako sa kinaroroonan nito. Pinaikot ni sir ang upuan paharap sa akin na kinagulat ko naman. Balak ko sana hilutan siya patalikod pero mukhang paharap ang gusto niya.
Dahan-dahan hiniga ni sir ang likod sa swivel at pumikit. Naiilang na lumapit ako kay sir. Hindi ko alam saan ko ipu-pwesto ang paa ko dahil kahit ano gawin ko, didikit at didikit ang tuhod ko sa tuhod ni Sir.
Naiilang na sinimulan ko na ang paghi-hilot sa noo ni Sir Easton. Nanatili pa rin siyang nakapikit habang ginagawa ang ritwal na iyon. Natigil ako sa paghilot nang mapatingin sa isang sugat na pahilom na sa gilid ng ulo nito. Naalala ko na lamang si Ros. Nakita ko siyang umiiyak noon habang dumudugo ang gilid ng ulo niya.
Hindi ko maiwasan mag-isip ngayon. Posible ang sugat ni sir Easton at sugat ni Ros...? Sandali? Hindi kaya...?
Hahawakan ko na sana ang sugat sa gilid ng ulo niya na nagulat na lamang ako nang hawakan ni sir Easton ang kamay ko. Pagtingin ko dito, saka din nito dahan-dahan minuklat ang mga mata. Nagtama naman ang mga mata namin na dahilan natigilan ako sa aking ginagalawan.
Yung puso ko, narinig ko na lamang kumalabog. Hindi ko alam kung puso ko ba ang kumakalabog. Nakakabaliw ang nararamdaman ko ngayon, feeling ko sasabog ang puso ko sa maiinit na nararamdaman ko.
Dahil sa nakakaakit na tingin ni Sir Easton, nadadala na ako ng sarili ko. Hindi ko magawang ikurap ang mata ko na tila may sumanip sa akin para makipagtitigan dito ng matagal. Nakikita ko...nakikita kong nasa harapan ko si Ros.
Nagulat na lamang ako nang maramdamang nasa likod ng leeg ko ang kamay ni sir. Hindi inaasahan, nilapit nito ang ulo ko palapit sa mukha niya at...
"Pinapantasya mo ba ang kaguwapuhan ko?" Nakakaakit na sabi nito.
Nanlaki mata na lamang ako na ang lapit ng mukha niya sa akin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰
11/05/2022
2very nice story
10/05/2022
1may ending po ba to
01/10/2024
0Tingnan Lahat