logo text

Chapter 110: Clive and Easton

DYLAN LORENZO POV:)
Nandito ako ngayon sa CCTV room kung saan mino-monitor lahat ang paligid ng Uphone. Kanina pa namin hinahanap sa CCTV recording kung paano na-meet ni Mandy ang isang janitor na nagbigay sa kanya ng juice na dahilan na-food poisoning siya.
Patuloy pa rin hinahanap ng lalaki ang naging location kanina ni Mandy kung paano nakatagpo nito ang isang janitor.
"What time, sir, dumaan si Miss Mandy dito?" Tanong ng lalaki na siya naghahanap sa CCTV footage.
"Around 9 o'clock in the morning, kahapon." Sagot ko habang nakatingin sa screen habang nasa lamesa ang kamay ko at nasa likod ng lalaking kinauupuan ang kabila namang kamay ko.
"Kahapon, sir? Naku! 9 o'clock sa bandang iyan, sira yung CCTV."
Napakunot-noo naman ako."Sa sobrang kalumaan na din, sir. Pinalitan namin palang kahapon ng bagong modelo." Napakamot sa ulo paliwanag nito.
"Wala na ba ibang CCTV na nakatutok sa lugar na iyan?"
Umiling ito."Tingnan ko, sir, pero makikita natin ang pagdaan nila sa hallway." Sabi nito at agad-agad na hinanap.
Tutok na tutok naman ako. Nakita ko sa footage na dumaan na si Mandy sa hallway at pumasok na ito sa conference room. Hinanap naman namin kung saan dumaan ang janitor. Pero lahat ng hallway, napaka-clear at hindi ito nahagip ng CCTV.
"Sir, mukhang yung janitor, dumaan sa fire exit." Sabi nito sabay tingin sakin habang hawak ang mouse.
"Fire exit?" Kunot-noo na tanong ko.
"Doon kasi kung saan nasira yung CCTV, may fire exit doon at maaring doon dumaan ang janitor. Maari ninyong i-check."
Nandito ngayon ako sa sinabi ni Mandy kung saan niya na-meet ang janitor na iyon. Tiningnan ko ang CCTV na nakatutok sa pwesto ko. Nakita ko ngang pinalitan na ng bagong cctv ito. Tumingin ako sa paligid at nakita ko nga di kalayuan ang fire exit.
Naglakad ako papunta dito.
**Flashbacks**
"Ano itsura ng janitor?" Tanong ni Tito Leandro.
"Hindi ko nakita ang mukha dahil naka-mask siya tsaka medyo mahaba ang buhok niya kaya natatakpan kakaunti ang mga mata niya." Sagot ni Mandy habang nakaupo at nakasandig sa headboard ang kanyang likuran.
"Matanda o binata?"
"Dad, I think mga ka-edad n'yo siya. Pero may napansin ako sa pulsuhan niya. May tattoo siya na pareho sa mask niya." takang-taka na paliwanag nito.
"Tattoo?" Kunot-noo na saad ni Tita Lorisette habang nakaupo pa rin ito sa gilid ng kama samantala kami ni Tito Leandro ay nakatayo lamang.
"Spider. Spider ang tattoo niya."
**End of flashbacks**
Pagkapasok ko sa fire exit, naabutan kong walang tao. Ini-imagine ko, kung ako ang janitor na iyon, saan ako posibilidad daan. Bumaba ako ng hagdan hanggang sa pinakababa. Paglabas ko, nasa parking lot na ako.
Mukhang dito nga nanggaling ang lalaking iyon at posibleng dito naka-parking ang sasakyan na sinakyan nito sa tapat mismo ng fire exit.
Tiningnan ko lahat ang paligid ng parking lot at may nakita na lamang akong CCTV na di kalayuan dito. Hindi ako sigurado kung abot ba ang CCTV na iyon dito pero ito lang ang CCTV na malapit sa pwestong ito.
Posible kayang ang lalaking may tattoo na gagamba ay tauhan lamang ni Mr. Andrew Sy? Siya rin kaya ang posibleng gusto i-hack ang system ng Uphone at Sumex? Sa anong dahilan bakit ginagawa niya ito?
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
Nakatingin lamang ako sa orasan ng computer at hinihintay na pumatak na ang alas onse ng tanghali. Tinatamad na rin ako maglaro sa laptop at nandito ako, nakaupo sa aking desk at nilalaro sa aking daliri ang ballpen.
Nang pumatak na ang alas onse ng tanghali, nakangiting tumayo na kaagad ako sa pagkakaupo at lumapit sa kinaroroonan ng boss kong busy pa rin sa harap ng laptop nito.
Tumikhim ako kaya dahilan napatingin ito sa amin."S-sir, alas onse na po. Magla-lunch break na po ako." Magalang na paalam ko.
Tumango lamang ito at seryosong bumaling ulit sa laptop nito. Tahimik na tumalikod na ako at naglakad patungong pintuan. Bago ko paman isara ng tuluyan ang pinto, sinulyapan ko pa ito.
"Hindi mo naman kamukha si Ros pero kamukhang-kamukha mo talaga. Para kayong pinagbiyak na buko. Mapalikod at mapaharap, Ros na Ros." Mahinang saad ko."Sir Easton? Iba kutob ko sa'yo. Feeling ko nagtatago ka sa isang maskara na ayaw mo ipaalam." Sa isip kong pahayag saka ko na sinara tuluyan ang pinto.
Naglakad na ako paalis para puntahan ang lugar kung saan nagtatrabaho dito sa loob ng building sila Pubg.
****
"Ah?! Buhay si Ros?!" Bulalas nitong apat habang may laman ang mga bunganga nila.
Uminom muna si Pubg bago makisakay sa apat na gulat din sa nalaman. "Ano?! Kamukha ni Kuya Ros?!" Late react nito pagkalapag ng baso sa mesa.
Tumango ako."Kamukhang-kamukha ng kapatid ni Mr. Kailes si Ros. Sabi naman ni Mr. Kailes, kaya ganoon na lamang kalapit ang loob niya kay Ros kasi kamukha niya ang kapatid nito." Paliwanag ko sabay tusok ng longganisa gamit ang tinidor. Nandito kami sa cafeteria ng A.D, marami nang nagla-lunch na mga employee ng oras nito.
Nagbaon lang kami dahil ang mahal ng mga tinitindang pagkain dito. Isang order ng adobo, fifty pesos na. Nakakahinayang gumastos kaya naisipan namin nalang ni Pubg na magbaon para makaipon kami madali. Balak namin ni Pubg na kumuha ng motor para hindi na kami mag-commute papuntang trabaho at magmo-motor nalang kami.
"Kaya pala ganoon nalang pagkatiwalaan niya kaagad si Ros." turan ni Jero sabay subo.
"Ano pangalan?" Tanong ni Anthony at napatingin ako dito.
"Easton...Easton Kailes."
"Iyan pangalan ng boss mo slash kamukha ni Ros slash kapatid ni Mr. Kailes?" Sulpot ni John.
Tumango ako sabay subo ulit ng pagkain.
"Naku! Paano ka niyan makaka-move on kung nakikita mo ang mukha ni---" di napatuloy ni Jake ang sasabihin na mabilis naman pinalo siya ni Jero sa likod.
"Sssh!" Suway nito sa kaibigan halos pinandilatan ito ng mata para senyasan ito gamit iyon.
Nang ma-realize nito ang maling ginawa, mabilis naman nasapo ng kamay nito ang bibig.
"Sorry." Hinging patawad nito.
Nakangiting matamis na tiningnan ko sila isa-isa. Dahil sa ginawa ko, nagtaka naman ang mga ito. Sumubo muna ako mago magsalita ulit.
"Okay lang...okay lang kung nakikita ko sa bago kong boss ang mukha ni Ros. Pag nakikita ko siya, feeling ko buhay pa rin si Ros. Masaya na ako doon." Madamdaming pahayag ko. Natahimik naman ang mga ito at malungkot lamang na nakatingin ang mga ito sa akin."Tara! Kumain na tayo, 'wag na puro chismis." Yaya ko at pinagpatuloy ko na ang pagkakain ko.
ANDREW SY POV:)
"Magkakaroon ng party sa bahay. Baka gusto n'yo pumunta? Pupunta ang mga kaibigan kong mga negosyante, ipapakilala ko kayo sa kanya." Nakangiting saad ni Mr. Kailes habang nakaupo sa sofa.
Nandito ako ngayon sa office niya kasama ang kapatid ko. Pinag-usapan lang namin ang tungkol sa business. Nalalapit na ang petsa kung kailan ila-launch ang new model ng cellphone ng Uphone. Ngayon na ang signing contract ng napili naming bagong ambassador at ambassadress ng Uphone.
"Welcome party para sa kapatid mong kakauwi lang galing States?" Tanong ng kapatid ko dito na nakaupo at kaharap ko ito.
"Yeah! Pumunta kayo ah? Ipapakilala ko kayo sa kapatid ko. Pag namatay na ako, siya ang magpapatuloy sa legacy ko." Nakangiti pa ring wika nito.
Kailangan kong ma-meet ang kapatid nito. Baka isa siyang mahina na madali ko ma-kontrol, mapapadali lalo ang mga plano ko. Kung ganoon, kailangan ko munang makuha ang loob ng kapatid nito.
"Sure, Mr. Kailes. Makakapunta kami ng kapatid ko." Nakangiting pahayag ko.
Napataas-kilay na napatingin naman sa akin ang kapatid ko dahil sa sinabi ko. Nginitian ko lamang ito ng plastic at bumaling ulit kay Mr. Kailes na malapad ang ngiti.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
"Dito naman ang conference room." Saad nito sabay binuksan ang pinto. Nauna itong pumasok sa loob at sumunod ako."Dito nagme-meeting  ang team ni Mr. Kailes." Nakangiting sabi nito sabay baling sa akin.
"Wow? Ang ganda naman dito. Pwede na gawing kuwarto ito." Pabirong sabi ko."Maraming salamat po sa pag-tour sa akin dito." Pag-iiba ko ng topic.
"Wala iyon. Ganyan rin ako sa'yo noon, baguhan at hindi pa kabisado ang pasikot-sikot dito. Pag tumagal ka nang nagtatrabaho dito, sure akong di kana maliligaw dito." Napakabait na wika nito.
"Salamat, ate...?"
"Amber. Ate Amber nalang itawag mo sa akin."
"Maraming salamat po ulit, Ate Amber." Nakangiting pasalamat ko sabay bow dito.
****
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng office ni Sir Easton, naabutan ko itong umiinom ng kape habang nasa harapan dito ang tambak na mga folder.
Mukhang tinambakan siya ng ta-trabahuin ni Mr. Kailes. Siguro, matigas ulo nito kaya ganito kadami ang pagkakaabalahan niya ngayon? Halata naman matigas ang ulo kasi may pagka-chickboy ang galawan.
"Nalibot mo ba?" Tanong nito habang nakatutok lamang ito sa folder.
"Opo." Sagot ko at naglakad na papuntang desk ko pero napatigil na lamang ako nang may maalala. Dahan-dahan akong tumalikod at humarap dito."Sir, kailangan mo ba ng tulong?" Magalang na tanong ko.
Tumingin naman ito sa akin. Maya-maya pa ngumiti ito ng matamis."Sure!"
Natigilan na lamang ako nang makita ang ngiting iyon. Nakikita ko sa kanya si Ros. Ngiti papang nito, Ros na Ros na. Dahil doon namimiss ko tuloy siya.
Tahimik na lumapit na ako sa kinaroroonan nito. Naupo ako sa visitor's seat at doon sa akin pinaliwanag ni Sir Easton ang gagawin ko. Tumango-tango na kinuha ko na ang isang folder at binasa ang mga papeles na nasa loob iyon.
Abala ako sa pagbabasa, hindi ko pinansin na tumayo sa pagkakaupo si Sir Easton. Nagulat na lamang ako na nasa harapan ko na ito at nakaluhod. Napasinghap naman ako sa gulat.
"B-bakit, sir?" Nautal na tanong ko. Grabe kaba sa puso ko, ano kaya gagawin nito?
Napataas-kilay na lamang ako nang inalis nito ang sapatos sa kabilang paa ko. Pipigilan ko na sana nang nagulat ako na may kinuha siya sa isang paper bag at sinuot sa akin ang isang sandals na itim. Ito 'yong sandals na sinusuot ng mga businesswoman.
Pero...
"Ito ang gamitin mo, hindi bagay sa suot mo ang sapatos na 'to." Sabi ni Sir Easton pagkasuot ng sandals sa akin at inalis naman niya ang kabilang sapatos para isuot din ang sandals sa kabila.
Natigilan na lamang ako nang makita ang sapatos na nasa gilid....sapatos na niregalo sa akin ni Ros.
**Flashbacks**
"For you." Nakangiting sabi niya."Open it!"
Kinuha ko naman iyon at nilapag sa ibaba ang lagayan nito. Nanlaki mata nalang ako nang makitang isang sapatos iyon.
"Seriously? Is this for me?" Di parin makapaniwala turan ko.
"If your first pair of shoes reminds of your mother, that shoes reminds of me. Every time you wear that shoes, I'm with you. Wherever you go, I am always on your side. You're not alone and I will never leave you. I give you that pair of shoes because I want to say thank you. I'm lucky because you adapt me and god sent you for me. Not only that, but I want to make you happy even in a simple gift, Lady Beth." Madamdaming pahayag ni Ros.
**End of flashbacks**
Napaluha na lamang ako nang maalala ko iyon.
"Bakit? Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong kaagad ni sir at mabilis na hinawakan nito ang balikat ko.
Umiling-iling kaagad ako sabay punas ng luha sa gilid ng mata ko.
"W-wala po," napiyok na sabi ko.
Tiningnan ni Sir Easton ang sapatos ko. Kinuha niya ito at binigay sa akin. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Dahil ba sa sapatos na 'yan?" Tanong nito.
Tiningnan ko naman ang sapatos na bigay ni Ros sa akin na nasa kamay ko. Sobrang napaka-halaga nito sa akin at sobra ko itong iniingatan dahil isa ito sa mga alaalang naiwan niya. Kung pwede sana na ito nalang suotin ko at wag na ang sandals na bigay ni sir Easton sa akin.
"R-regalo po kasi ito ng boyfriend ko. Naalala ko lang siya. Pasensya na po kung napaka-emosyonal ko." Hinging paumanhin ko.
Ngumiti lamang ito sa akin."Kamukha ko ba talaga siya?" Tanong na lamang nito.
"Magkamukha po talaga kayo, para kayong magkambal."
Tumawa naman ito ng mahina."Huwag kang mag-alala. Kung saan ka komportable, iyon suotin mo. Okay?" Nakangiting wika nito.
"Salamat po, sir Easton." nahihiyang pasalamat ko.
Tumayo na ito sa pagkakaluhod at bumalik na sa upuan nito. Tiningnan ko pa ang sandals na suot ko at kasyang-kasya lamang siya sa paa mo. Kinuha ko ang paper bag na pinaglagyan kanina ng sandals at doon ko nilagay ang sapatos ko.
Siguro, gagamitin ko itong sapatos ko pag tapos na ang trabaho ko.
****
Nandito ako ngayon sa parking lot at hinahatid na ang boss ko sa sasakyan nito. Pagkabukas ng pinto ng kotse, humarap muna ito sa akin.
"Makakauwi kana." sabi nito. Alas otso na ng gabi at sa wakas tapos na ang working hours ko.
"Opo." Magalang na sagot ko habang nakayuko dito.
Sasakay na sana ito nang may maalala."Oo nga pala!" Humarap ulit ito sa akin at ako naman at napatingin sa kanya."May welcome party na mangyayari bukas sa bahay." tipid na sabi nito.
"Tapos po?" Takang tanong ko.
"Kailangang nandoon ka, hindi maaring hindi ko kasama ang assistant ko. And magsuot ka ng magandang damit bukas. Okay?" Pahayag nito.
"O-okay, Sir Easton." Nautal na payag ko.
Bago paman pumasok sa loob, tiningnan pa nito ang sandals na suot ko. Nakaramdam ako ng hiya pa ako dahil doon. Nakangiting sumakay na nga ito ng kotse nito.
Pagkaalis ng sasakyan nito, nag-bow pa ako bilang paggalang. Sinundan ko na lamang ang tingin ng kotse nitong papalayo.
"Ano isusuot kong dress? Anong klaseng dress ba? Ano ba theme ng party niya?" Nalilitong turan ko sabay napakamot sa ulo.
DYLAN LORENZO POV:)
Nakarating din ako sa tamang oras ng aming pagkikita. Mabilis na hininto ko ang kotse at nakita ko sa aking unahan ang puting kotse na nakapara sa gilid ng kalsada.
Lumabas ako ng kotseng kinasasakyan ko. Nakita ko naman di kalayuan ang taong tatagpuin ko dito. Nakatalikod ito habang pinamamasdan ang panatag na ilog. Nandito ako ngayon sa lugar na malayo sa syudad at dito niyang napili na makipagkita dahil ligtas ito sa mga taong nagmamasid sa bawat galaw namin.
Tahimik na lumapit naman ako sa kinaroroonan nito.
"Pangalawang beses ka nang nakapunta dito." Panimula ko at pinagmasdan din ang tahimik na ilog."Kailan ba iyong una?" Sabay tingin sa kanya.
Puno ng otoridad na tumingin ito sa akin.
Ngumiti lamang ito ng puno ng pilyo sa akin.
"Napakatigas talaga ng ulo mo, Mr. Easton Kailes. Should I say, Jayson Clive Sy?" Nakangiting sabi ko.
Author's note: Iyan, ni-reveal ko na. Baka kasi kayo malito. Have a nice day!

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    Fhem De Castro

    A highly recommend this novel to readers like me. If you love a romantic sweet book this is the right one for you. It was fantastic, it made my night worth the while. 🥰🥰🥰🥰

    11/05/2022

      2
  • avatar
    CasasPrecy

    very nice story

    10/05/2022

      1
  • avatar
    TadleLlean

    may ending po ba to

    01/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata