CHAPTER 5: SWEET LIES

FLASHBACK
" Hahahaha!! " Malakas na halakhak ko habang pinapanood na umarteng babae si Cjay. Di ko magawang hindi ngumiti lalo ng hinawi nya ang kanyang buhok sa kaliwang tenga.
Lagi nya talaga akong pinatatawa lalo na kapag alam nyang nalulungkot ako. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko sya ay hindi ko mapigilan matawa.
" Anong ginagawa mo?" Napatigil ako ng marinig ko ang seryosong boses ni Rocky.
" Wala..Hahahah!" Akala ko ay nagpapanggap lang sya na seryoso pero mukhang hindi pala.
" Anong nakatawa? " seryoso tanong nya " Ganyan ka ba talaga kamanhid? "
Napakunot ang aking nuo at nawala ang ngiti sa aking mga labi ng marinig ko ang sinabi ni Rocky
" Anong ibig mong sabihin? Nagkakatuwaan lang kami dito.. " paliwanag ko.
Panandaliang nanahimik ang paligid.
At napansin kong hinawakan ni Cjay ang braso ni Rocky na para bang pinipigilan nya itong magsalita.
"Ano bang problema mo?"
Nanatili lang silang tahimik habang wala akong naiitindihan sa nangyayari.
Ilang minuto pa at hindi parin sila umimik kaya nagdesisyon akong umalis nalang muna para magpalamig." Bahala nga kayo dyan.. " bulong ko habang naglalakad palayo.
Magsisimula na ang klase pero hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina.
Hindi ko magawang mapaisip kung meron ba silang hindi sinasabi sakin.
Ano ang sikreto tinatago nila..
Malalaman ko rin yun konting hintay lang.
Tiningnan ko si Rocky mula sa pwesto nya sa bandang likuran pagkatapos ay tiningnan ko rin si Cjay na nakapwesto naman sa may gilid ng bintana. Pareho silang hindi rin nakafocus sa sinasabi ng prof pero hindi rin sila nakatingin sakin.
"Ano kayang nasa isip nila.." huminga ako ng malalim at nagfocus nalang sa prof namin.
Kinabukasan nagdesisyon akong kausapin ng Rocky ng hindi sinasabi kay Cjay dahil alam kong pipigilan nya itong magsalita.
Matagal na kaming magkaibigan , kung kaya't kabisa na namin ang ugali ng isa't isa. Alam nya din na hindi sya basta makakapagsikreto sakin. Simula pa ng elementary ay magkasama na kami at mula non hindi na kami mapaghiwalay.
Parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Tumayo syang kuya sakin dahil nag-iisang anak lang ako habang sya naman ay may isang kapatid na babae na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala. Sabi nya sakin mas matanda lang sya ng isang taon dito at nakatira din daw ito sa probinsya kaya hindi nya din nakakasama ng matagal.
Maliban sa kapatid nyang babae ay wala na akong hindi alam tungkol sa kanya.
"Ano bang nangyayari? May problema ba tayo Rocky?" Bungad na tanong ko sa kanya.
Huminga sya ng malalim bago nagsalita.
" Wala naman.. " ang tipid ng sagot nya.
Hindi naman ako tanga para isipin na wala lang yon. Anu yon trip lang nila na magalit sakin.
"So ano yung kahapon? Bakit parang galit ka sakin?" Tiningnan ko sya ng mabuti habang sya naman ay sa ibang bagay nakatingin. Pakiramdam ko ayaw nyang magsalita sakin.
"Mainit lang ang ulo ko tapos ganun pa yung naabutan ko.. Pasensya na.. "
Alam kong may tinatago ka sakin pero kung ayaw mo talagang sabihin sige rerespetuhin ko iyon.
" Sige.. Sa susunod sabihin mo agad sakin kung may problema para naman hindi ako nagmumukhang tanga.." Tinapik ko sya sa braso at nagsimula na akong humakbang paalis.
"Pasensya na.. Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ngayon.." Napahinto ako sa sinabi nya. " Tingin ko hindi ako ang dapat magsabi nun sayo. "
Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang sa paglakad paalis.
Ito ang unang pagkakataon na nagsikreto sakin si Rocky, may tiwala ako sa kanya at siguro ay may malalim na dahilan kung bakit nya ito ginawa. Sa ngayon hahayaan ko muna sya at iiintayin ko nalang kung kelan sya mag oopen sakin.
Rocky's POV
12:30 Lunch Break
Kakatapos ko lang kumain, wala akong kasabay kumain ngayon dahil hindi ko makita si Cjay at si Tyron naman ay sinubukan ko munang iwasan dahil sa nangyari kahapon.
Pagkatapos namin mag-usap kanina pakiramdam ko ay may Malaki akong kasalanan sa kanya.
Ngayon pa lang ako nagsinungaling
kung kaya't di ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya.
Habang inaayos ko ang aking kagamitan nakita ko sa di kalayuan ang isa sa mga kamember ko sa swimming team. Si Travis naglalakad papunta sa direksyon ng kianuupuan ko. " Rocky..pinatatawag ka ni Sir Benson sa office nya. "
Huh? Tungkol kaya ito sa darating na campus competition.
" Sige. Salamat. "
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay dumiretso na ako kaagad sa office ni sir. Benson.
Nasa Hagdanan ako ng 2nd floor ng may biglang humarang sa akin.
Si Cjay pala.
" Oh.. Kanina pa kita hinahanap bat ngayon ka lang.. " Ani ko
" Napag-isipan ko na.. Gusto kong ikaw ng magsabi sa kanya tungkol sa bagay na iyon." Napakunot ako ng nuo sa narinig ko.
Kinakabahan sya nararamdaman ko pero sa aking palagay ay desidido na talaga syang sabihin ko kay Tyron ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya.
" Sigurado ka na ba?" Tumango sya. Iniisip ko kung ako ba talaga ang dapat magsabi pero kung yon ang desisyon nya. Sino ba ako para tumanggi. "Sige ako ng bahala.."
Pag-alis ni Cjay ay kaagad kong tinext si Tyron
'Magkita tayo sa likod ng storage room sa Monday after ng laban ko sa Swimming competition. May sasabihin ako sayong importante.'
Di ko na iniintay ang reply nya at lumakad na ako papuntang office.
Kumatok ako sa pinto ngunit habang nag-aantay ay di mapawi ang aking kaba at para bang pakiramdam ko may mangyayaring Hindi maganda.
Ano kaya ang sasabihin sakin ni Sir.
" Come in.. " agad Kong binuksan ang pintuan.
" Good Day sir, pinapatawag nyo daw po ako?" bati ko.
"Have a sit."
"Thank you po.. "
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.. Tungkol ito sa swimming competition na gaganapin next month
" Gusto ko italo mo ang championship .." - mahinahon na pag didikta sakin ni Mr. Benson
"Pero sir gusto ko po sanang manalo para makuha yung scholarship , para po yun sa kapatid ko gusto ko po makapag -aral sya ng college dito.. " pakikiusap ko.
" Sinabi ko na italo mo! Wala akong pakialam kung para yon sa kapatid mo.. "
" pero sir.. "
"Hindi mo ba kilala si Chad? Anak yon ng isa sa mga major sponsor ng school hindi ko sya pwedeng ipahiya.. " Tumataas na ang tono ng boses ni sir " Dahil kapag nangyari yon posible na tumigil ang dad nya sa pagsponsor sa school ! "
" Sir first major championship ko po ito kung sakali pangarap ko po manalo dun.." pakikiusap ko
" Kaya mo bang ishoulder yung halaga ng perang binibigay nila sa school? Baka nalilimutan mong scholar ka nga lang dito !"
Alam ko na wala akong binatbat sa pera nila ngunit para rin naman sa school ang ginagawa ko.
"Wala akong paki kung mamaliitin nyo ako pero sakin ang championship na ito sir. Ngayon palang sorry na po.."
"Aba't!! Kinakalaban mo na ba ako ha!!"
Nagmadali akong umalis sa office para hindi ko na marinig kung ano pa man ang sasabihin ni Mr. Benson
Gusto kong manalo , hindi lang para sa pangarap ko kundi para sa pangarap ng kapatid ko..
Gusto kong makapag tapos kami pareho at matupad kung ano man ang mga pangarap namin.
Yun ang regalo namin sa nanay naming nakaratay dahil sa sakit nya at kay tatay na nasa langit na..
Ayoko na dahil lang sa kanila masisira yung oportunidad na maaaring magpatotoo sa pangarap ko.
Malayo na ang narating ko at marami na akong pinag daanang laban. Hindi ako bibitaw ng ganun ganun nalang..
Isang taon lang ang tanda ko sa Kapatid pero parehas kaming Nasa first year college na dahil Hindi na dumaan sa kinder ang Kapatid ko at sabay kaming nakapag-elementary kaagad.
Iisa kami ng pangarap na makapag-aral sa Benson pero nauna akong makakuha ng scholarship dahil sa pagiging swimmer ko Nung highschool.
Sa sports ako magaling samantalang sa Academics Naman ang Kapatid ko.
Sa ngayon nag-aaral sya sa Isang university sa probinsya namin.
Habang nag-aaral at nag-aantay patuloy parin akong gumagawa ng paraan para makakuha ng scholarship para sa kanya at ngayon nga ay nagkaroon ako ng pagkakataon kung kayat Hindi ko na ito papakawalan pa. Ipapanalo ko ang championship competition at mabibigyan ko ng scholarship ang Kapatid ko.
Tyron's POV
'Magkita tayo sa likod ng storage room sa Monday after ng laban ko sa Swimming competition. May sasabihin ako sayong importante.'
Ng mabasa ko ang text ni Rocky ay nakaramdam kaagad ako ng kaba, ano kaya ang nais nyang sabihin sakin.
Hindi kaya tungkol ito sa nangyari kahapon.
Byernes pa lang, dalawang araw pa bago nya masabi sakin pero ngayon palang di na ako mapakali.
After class dumiretson na ako sa Pool ng school para magtraining.
Kasali ako sa swimming competition kasama si Rocky parehas kaming swimmer kasama si Chad na classmate din namin bukod dun meron pang 5 swimmers sa final line up at kung sino man ang mananalo samin ang mag-uuwi ng trophy.
Alam ko medyo komplikado na parehas kaming kasali pero una palang plano ko ng magparaya kay Rocky dahil alam ko yung reason nya kung bakit sya patuloy na lumalangoy.
Pag-uwi ko sa bahay bumungad sakin si Dad naghahapunan mag-isa.
"Oh nandito kana pala, sabayan mo na ako. " pag-aaya ni Dad
"Sige po." Sagot ko
Inabot ko kaya yaya midang at naupo sa side ng table
"Kamusta ang training?" Bungad na tanong ni papa sakin.
As always ganito na kami mag-usap at ang tanging topic lang namin ay training, competition,  grades at business.
Never kami naging open sa isat isa about personal thing or kung kamusta na ba ako o kaya naman masaya ba ako sa sport na pinili nya para sakin.
Oo si dad ang rason kaya ako nag siswimming, dati syang swimmer kaso nagkaroon ng hindi magandang pangyayari kung saan nabundol sya ng kotse, the exact day ng competition nya.
Nagkaroon sya ng problema sa braso at sinabi ng doctor na meron nalang sya ng 20% chance na makabalik sa paglangoy muli.
Kaya pinilit nya na maging swimmer ako para matuloy ang pangarap nyang naparalize after ng aksidente.
"Ok naman po" sagot ko
"In two days mangyayari na ang final competition, ang gusto ko ipanalo mo ang laban. Tandaan mo na ang trophy na makukuha mo ay ang eksaktong trophy na makukuha ko dapat bago ako na aksidente kaya dapat manalo ka. "
" Dad.. Can we talk about other things ? " reklamo ko " I'm immune with that kind of mindset."
" What's do you think is the most important thing than this?" Sagot ni papa
" Dad, everytime nalang na may laban ako lagi mo nalang sinasabi sakin na dapat ipanalo ko yun kasi yan yung trophy na dapat mapapanalunan mo. Dad ! That was 3 years ago.. " nararamdaman ko ng tumataas ang boses ko pero sinusubukan kong controlin ito. " Kung ano man yung trophy na ilalaban ko ngayon, that  does'nt belong to you.. diba dapat ako nagdedecide kung ipapanalo ko ba to.?"
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at umakyat nalang kwarto.
Huminga ako ng malalim..
Hindi ko gusto ang ginawa ko kay dad pero hindi ko rin gusto ang ginagawa nya sakin.
Yung pagiging obsess nya sa mga trophy
I'm sick of it. Nakakapagod na.
           Final Swimming Competition
In two hours magsastart na ang competition, among all my competitors si Chad palang ang nakikita ko.
Habang nireready ko ang mga gamit ko sa changing room dumating si Lucas, Kobe at Cjay.
" Bro.. " bati nilang tatlo , isa-isa namin ginawa ang handshake ng grupo. "Kamusta kinakabahan kaba?" Tanong ni Kobe
"Well oo sana kaso si Tyron ako, so there's no room for nervousness." Pagyayabang ko.
"Oooohhh!" Hiyawan nila " Confidence level 999999" kantyaw ni Cjay
Habang tinitingnan ko si Cjay naalala ko yung text ni Rocky.
May sasabihin nga pala sya sakin after ng competition. Asan na kaya sya bakit wala pa sya.
"Nakita nyo na ba si Rocky?" Tanong ko.
" Oo nga hindi ko pa sya nakikita?" Pagtataka din ni Lucas " Nakita mo ba sya Cjay? "
"Huh? H..hindi.. pa .. " nakakapag taka ang naging sagot ni cjay, para bang kinakabahan sya.
" Don't worry hanapin ko sya, baka nagreready lang yun somewhere" pagpiprisinta ni Kobe, umalis na din sya kaagad.
Napansin ko naman ang pagiging tahimik ni Cjay, para bang may tinatago sya sakin.
Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari nung nakaraan, pakiramdam ko talaga may kinalaman sya sa gustong sabihin sakin ni Rocky.
One hour before magstart ang competition, hindi pa rin nagpapakita si Rocky kinakabahan na ako parang may mali. Hindi ganito si Rocky, napaka professional nya pagdating sa swimming kaya imposibleng malate sya.
Wala naman sigurong nangyari sa kanya.
20 minutes nalang ang oras at malapit na magstart, finally nakita ko na si Rocky.
Nakaready na rin sya at sobrang seryoso ng mukha nya na para bang galing sya sa away. May nangyari ba?
3 mins
Pinagready na kami, isa isang sinuot ang  swimming goggles at umakyat sa  starting blocks.
400m Mens Freestyle ang paglalabanan namin walo.
After 6 seconds tumunog na ang buzzer at sabay sabay na kaming nagdive sa pool.
After ng competition inannounce agad ang winner at yun ay walang iba kundi si Rocky, tuwang tuwa ang barkada ng finally binaggit ang pangalan nya.
" Congrats bro!", Bati nina Lucas, Kobe at Cjay sa kanya

Di ko maipakita kay Rocky na masaya ako para sa kanya dahil nasa paligid si Dad pero deep inside masayang masaya ako para sa kanya dahil finally makukuha nya na ang scholarship na pinakahihintay nya. I think mamaya pa ko pa sya mababati kapag nagkausap na kaming dalawa.

Kinagabihan pagkatapos competition , napagdesisyonan kong antayin si Rocky sa Likod ng storage room tulad ng sinabi nya. Naghintay ako for 30 minutes pero hindi parin sya dumadating. Nakakaramdam ako ng kaba pero hindi ko pinapansin.

*Phone ring*

"Hello?"
"Bro! San ka?" napansin ko na tila taranta ang tono ni Kobe
" Bakit bro?" Lalong bumilis ang tibok ng puso ko
"Hindi mo ba alam?'
"Alam ang alin?" nagkakapagtaka, ano bang nangyayari?
"Bro.. Wag ka magugulat .. Naaksidente daw si Rocky, Nasagasaan sya ng kotse at.. At Kotse mo yung nakabangga sa kanya…"
"Ano ? Pero bro.. Believe me hindi ako yun! Andito ako sa likod ng storage room kasi dapat magkikita kami dito pero hindi sya dumating. Nasa school pa ako."
" Pero bro sa loob mismo ng school campus nangyari."

What pero.. Pano?
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, gusto ko syang puntahan pero may doubt sakin na baka pagdating ko dun ako ang paghinalaan nila.
Swear hindi ako yun.

Kobe's POV

Ng iannounce ang pangalan ni Rocky bilang champion sa competition, di maibsan ang tuwa ko.
Masaya kaming nagyakap yakap na magkakaibigan pero napansin ko na hindi sumali si Tyron sa group hug.
Basta nalang sya umalis ng hindi binabati si Rocky.
" Guys! Salamat sa inyo dahil grabe yung suporta nyo sakin." emotional na pasasalamat ni Rocky samin
" Bro! Ano kaba wala yun!" ani ni Lucas
" Oo nga pala asan si Tyron?'" tanong ni Rocky
" Kakaalis lang nya" tinuro ko kung saan sya dumaan
" Sige ! Una na muna ako sa inyo" paalam nito maya-maya ay sumunod sa kanya si Cjay.
Kaya nagdecide din ako na sumunod sa kanilang dalawa.

Sa Hallway nakita kong hinarang ni Cjay si Rocky at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya nagdecide akong lumapit lalo.
Naririnig ko ng tumataas ang boses ni Cjay at tila galit na sya. Lumapit pa ako ng bahagya ng hindi nagpapakita sa kanila habang sa unti-unti ko ng naririnig ang pinag-uusapan nila.
" Binabawi ko na..Ayoko ng malaman nya ang totoo.." umiiyak na sabi ni Cjay
" Bro.. Kailangan nya ng malaman.."
Tila nag-iba ang pakiramdam ko sa aking narinig.
Totoo ba ito o nanaginip lamang ako.
Hindi ko na kinayang marinig pa ang mga sumunod napag-uusapan nila kaya nagdesisyon akong umalis na lamang.

*Phone ring*
" Dude san ka? Bigla kang nawala, kasama mo ba si Cjay?" Si Cjay? Para bang ngayon lang nagregister sa utak ko ang lahat ng narinig ko ng tinanong ako ni Lucas. " Si Cjay? Hindi ko alam.." Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.
Niloloko nya kami at ang masakit pa don alam ni Rocky ang lahat.
Masaya ba silang paglaruan kami.. Masaya ba silang lokohin kami?..

Sa dami ng iniisiip ko hindi ko na namalayan na papalapit na pala ako kela lucas.
" Dude? Anong nangyari sayo?" alam ko na ramdam nilang may mali sakin pero pinili ko nalang manahimik.
" Wala naman, nag cr lang ako." Naupo ako saglit at pinag-isipan kung sasabihin ko ba ang mga narinig ko.
Tulad ko may karapatan din silang malaman pero iniisip ko kung ako ba ang dapat magsabi non o hahayaan ko nalang na si Cjay mismo ang umamin samin.
Hindi ako pwedeng basta magdesisyon, ayokong masira ang grupo.
Naglalakad na kami ni Lucas papalabas ng Campus ng may marinig kaming nagkakagulo.
"Ano yun?" tanong ni Lucas
"Tara .." Nagmadali kaming pumunta sa lugar kung saan namin narinig ang ingay at nakita namin ang isang lalaki na nakahandusay sa sahig. Duguan ito at tila wala ng buhay.
Habang papalapit ay lalong kumakabog ng mabilis ang puso ko. Pamilyar ang lalaking ito at ng nakumpirma kong isa sya sa mga kaibigan ko.
Namalayan ko nalang na bumabagsak ang luha sa mga mata ko sa pisngi.
Hindi ko mapigilan ang emosyon at parang sasabog ang puso ko.
" Rocky .. " Gayundin din ang naramdaman ni Lucas na halos mapaupo na sa sahig ng makita namin
Mga ilang minuto ang nakaraan ng dumating ang ambulansya at kinuha si Rocky para dalhin sa hospital.
Hospital
Maya-maya ay dumating na rin si Cjay " Asan si Rocky?" Di ko na napigilan ang sarili ko ng makita ko sya." Bat nandito ka? " kita ko ang pagtataka sa mata nya.
"Dude anong nangyayari sayo?" Nagtataka na rin pati si Lucas " Bat ganyan ka kay Cjay?"
Napangisi ako dahil clueless parin si Lucas " Alam mo ba kung ano tinatago satin ng lalaking ito?" napakunot nuo sa Lucas sa mga sinasabi ko. " Oh wait! Lalaki ka nga ba?"
Ramdam ko din ang kaba at takot sa mata ni Cjay " Kobe.. Ano bang sinasabi mo? "
" Oh come on.. Cjay umamin kana! Dapat ba ako pa magsabi? " ramdam ko ang pagtaas ng tension sa pagitan namin dalawa. " You know what.. Di na ako magtataka kung may kinalaman ka sa nangyari kay Rocky."
" Teka.. Anong sinasabi mo Kobe? " Si Lucas na tila lito parin sa nangyayari. "Ano bang nangyayari?"
"Magsalita kana kasi Cjay! Umamin kana! " sigaw ko
" Oo na.. aamin na! .. B..Bakla ako! "
Namagitan ang katahimikan samin tatlo lalo na si Lucas na sobrang nagulat sa nalaman nya.
"Ano? Bakla ka?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa di kalayuan.
Dahan-dahan lumapit samin si Tyron " Ito ba ang gustong sabihin sakin ni Rocky?"
Hindi naka imik si Cjay sa tanong ni Tyron at hindi rin ito makatingin sa kahit na sino sa amin.
Maya-maya ay pumagitna na si Lucas "Guys sandali lang.. Naguguluhan ako sa nangyayari pero may mas importanteng bagay tayong kailangan unahin kaysa jan. Nasa hospital tayo, nag-aagaw buhay ngayon si Rocky kaya pwede isantabi nyo muna yang galit nyo!" Seryosong pagexplain ni Lucas
" Masyadong nyo akong ginigisa pero di nyo manlang ba ako tatanungin kung kaninong kotse ba yung sumagasa kay Rocky?" Sarcastic na sabi ni Cjay habang nakatingin kay Tyron.
Alam ko na kotse ni Tyron ang nakasagasa sa kanya pero nais kong maniwala sa sinabi nya sakin na hindi sya ang gumawa non. " Sandali.. Bat ganyan ka makatingin sakin? Sinasabi mo bang ako gumawa non?" pagdidepensa ni Tyron sa sarili
"Bat masyadong defensive? Wala pa akong pinapangalanan." pang-aasar ni Cjay
" Alam mo ba kung sino?" tanong ni Lucas
" Yun nga ang gusto kong malaman kasi kitang kita ko kung pano araruhin ng kotse ni Tyron si Rocky, kaya ang tanong ngayon sino ang driver?" patuloy ang pagtitig ni Cjay kay Tyron na para bang nais nitong sabihin na sya ang gumawa.
"Maniwala kayo hindi ako yun .. " pagpapaliwanag nito
"Pano kami maniniwala, diba natalo ka nya sa competition malay ba namin kung ano laman ng isip mo." Ayaw parin tumigil ni Cjay
" Pwede ba wag tayo magsisihan, hanggat wala pang proof, wala tayong sisisihin. " Lucas
"Anong walang proof, kotse ni Tyron yun, Wala na tayong ibang proof na kailangan pa hanapin.!"
May dumating na isang babae, umiiyak ito at tila nanghihina. Nagtatanong tanong sya sa mga nurse " San po yung room ni Rocky , anak ko po sya .. Na.. nasagasaan daw po sya dito po dinala .. "
Hindi na ako nagdalawang isip na kausapin si nanay
" Anak nyo si Rocky, kaibigay nya po kami.. "
" Talaga? Asan sya kamusta ang anak ko?"
Habang nag-aantay na lumabas ang doctor sa emergency room ay hindi pa rin magawang tumahan ng mama ni Rocky sa sobrang pag-aalala.
Ilang minuto ang nakalipas lumabas na rin ang doktor
"Doc.. Kamusta po ang anak ko?.."
"Kayo po ba ang nanay ng pasyente?"
"Opo Doc.."
" Ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi namin nailigtas ang buhay ng anak nyo.. pasensya na po.."
Lalong bumuhos ang emosyon sa amin lahat lalo na sa mama ni Rocky.
Halos mapaupo ito sa sahig ng marinig ang sinabi ng doctor. Hindi ko na rin mapigilan ang umiyak habang niyayakap ito.
"Ang anak ko... " Masakit isipin para sakin na ang nangyayari.
Kung alam ko lang na yun na ang huling beses na makikita ko si Rocky na nakangiti sana ay sinulit ko na.
Masakit mawalan ng kaibigan na parang kapatid ko na rin.
Tyron's POV
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ng marinig ang sinabi ng doktor.
Wala na si Rocky..
Ni hindi ko manlang sya nabati ng manalo sya at ngayon ako pa ang pinaghihinalaan nilang gumawa nito sa kanya.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, nagdesisyon akong umuwi muna sa bahay.
Huminga ako ng malalim
Gusto kong isipin na panaginip lang lahat..
Na pag gising makikita ko ulit si Rocky
At magsecelebrate kami sa pagka panalo nya.
Kaya lang hindi na mangyayari iyon
Hindi bukas at hindi kailanman.
Kinuha ko ang beer sa ref , sumalampak sa sahig at sinandal ko ang aking ulo sa couch.
Tumingin ako sa ceiling at unti-unting inalala ang mga nangyari. Hindi ko inasahan na ganito lang matatapos lahat.
END OF FLASHBACK

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.

    12/05/2022

      0
  • avatar
    BlossomHearts

    The blurb is interesting. This story is recommended 🤍

    12/05/2022

      0
  • avatar
    John Carlo Alde

    right

    21/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata