CHAPTER 40: WHAT IS LOVE

CJAY's POV
Habang seryoso kaming nag-uusap usap may biglang pumasok sa isipan ko. "Guys what if tayo na ang gumawa ng oaraan para magkaayos sila?" Masusi kong ibinahagi sa kanila ang naisip kong plano ngunit sa kanilang lahat tanging si Zyra at Kobe lang ang umagree sakin.
"Baka naman satin magalit si Lucas nyan kapag nangialam pa tayo?" Wika ni Tyron.
"Oo nga medyo malalim ang dahilan kung ba't hindi sila okay. I don't think it's a good idea." Dagdag pa ni Roselle.
"Guys c'mon, ayaw nyo bang magkaayos sila at bumalik lahat sa ayos?" Pagpupumilit ko.
"Feeling ko kasi hindi pa ito ang tamang timing eh." Pag-aalangang sagot ni Tyron.
"So kailan pa kapag End of the World na? Ano ba 2023 na! Aantayin pa ba natin kung sino ang gagawa ng first move para magkaayos sila? Baka umabot na tayo ng 2100 wala pa rin. Uugod - ugod na tayo." Naku! Nakapa hirap kumbinsihin ng dalawang ito pero di ako papatinag sa kanila. "Well kung ayaw nyo okay lang, kami nang tatlo ang gagawa. It's up to you kung tutulong kayo or what basta kami tuloy ang plano." Confident kong sabi.
Kinabukasan hiniling kong kausapin si Lucas ng kami lamang dalawa habang si Zyra at Kobe naman ang gumawa ng paraan upang mapapunta si Fei. Tumulong na rin si Tyron at Roselle dahil no choice rin sila.
Anyways matagumpay kong napapunta si Lucas sa venue kung saan namin sila pagkikitain ni Fei. " Cjay bakit mo ba ako pinapunta rito, may plano kabang interviewhin ako?"
"Uy hindi ah.." Dinala ko lang naman sya sa isang room kung saan hindi sya makakalabas kung sakaling dumating na si Fei. Abandoned room yon kaya walang manggugulo.
"So anong pag-uusapan natin?" Eto naman masyadong atat. Ayaw mo ba ako kausap.
"Dinala kita dito kasi alam ko namang ayaw mong magpakita sa ibang tao." Palusot ko.
"So ano nga yon? Diretsuhin mo na ako.." mukhang irita na sya.
Actually gusto ko rin syang makausap ng solo kaya kukunin ko na rin ang pagkakataong ito. "Lucas, alam ko na kaya mo ginagawa ang lahat ng ito ay dahil ayaw mo lang masaktan kaming lahat pero alam mo di mo naman kailangan gawin yun eh. Please stop blaming yourself sa lahat ng nangyari kasi walang kahit na sino sa amin ang naninisi sa iyo."
"You sure? E ano yung mga sinabi sakin ni Fei? Oo nga pala wala kang idea kung ano yung mga sinabi nya sakin. "
"You know what I'm sure na kahit ano pa man yung sinabi nya sayo, she doesn't mean it. Kilala mo si Fei." Ang hirap nyang kumbinsihin, mukhang sarado na isip nya.
"Actually yun din akala ko e, mukhang ibang Fei yung nakilala ko."
"Bakit hindi mo sya kausapin ulit?"
"Do you really think na kakausapin nya ako for what? Para iparamdam sakin lahat ng kasalanan ng tatay ko sa pamilya nya?"
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan. "Sino yun?" Tanong nito.
"Hindi ko alam.." sagot ko. " Sandali, magtago ka titingnan ko kung sino iyon." Nagpanggap ako sisilip kahit na alam kong si Fei na iyon. Nang masigurado kong nakapagtago na si Lucas pinapasok ko na si Fei. "Hi!" Wika nito. "May gusto raw kumausap sa akin?" Tumango ako.
"Oo nandyan lang, tawagin mo lang. " Kaagad akong kumaripas ng labas kahit na sinubukan pa akong pigilan ni Fei. Nilock ko kaagad ang pinto at tsaka umalis.
FEI's POV
Nakakapagtaka na bigla akong iniwan ni Cjay at nang susubukan ko sanang buksan ang pinto ay nakalock na agad ito. Nakaramdam ako bigla ng kaba, mukhang naset up ako. Sino kayang gustong kumausap sakin.
"Cjay?!" Nagulat ako ng biglang may nagsalita at paglingon ko si Lucas iyon. Nagtama ang paningin namin na kaagad ko ring iniwasan.
Teka.. sya ba ang gustong kumausap sakin?
Okay ..
Taas noo akong humarap sa kanya, at kita sa mukha nya na mukhang hindi nya ini-expect ang pagdating ko. "Anong ginagawa mo dito? Asan si Cjay?"
"Ang sabi ni Cjay may gusto raw kumausap sakin e. Diba ikaw yun?"
"Sabi na nga ba, nasetup pa..tsk" Nakakunot ang nuo nito na tila ayaw nyang makita ako. "Bat ka kasi naniwala?"
"Teka nga,sinisisi mo ba ako? Ikaw nga itong nauna rito e." Medyo napapataas na ang boses ko.
"Ang sabi nya sakin kakausapin nya ako ng kami lang, malay ko bang darating ka rito?"
"Ah so kasalanan ko?" Reklamo ko.
"Sino paba?" Aba't sinusubukan talaga nang lalaking ito ang pasensya ko. "Oh ano pang iniintay mo? Bat di kapa umalis?" Kung di lang nakalock yung pintuan kanina pa ako wala rito.
"Ayaw mo? Edi ako nalang.." Nanggigigil talaga ako sa lalaking to!..
Paglapit nya sa pinto duon lang din nito napagtanto na nakalock pala ang pinto. "See? Gets mo na kung bakit di ako makalabas.."
"Asan si Cjay?"
"Iniwan nya tayo at sya rin ang naglock ng pinto.." wika ko.
"Ano? Bakit hinayaan mo?" Bakit ba napakahirap mag explain sa lalaking ito.
"Ano ba! Lahat nalang ba sakin mo isisisi?"
"Kanino ba dapat?" Nakangising wika nito.
"Alam mo napupuno na ako sayo ha! Bakit kaba ganyan sakin? Simula ng bumalik ka ibang iba na ang pakikitungo mo sakin. Ayaw kong magalit sayo pero paulit ulit mo akong binibigyan ng dahilan para magalit sayo. Nakakapagod na tong ginagawa mo sakin!"
"Kung ayaw mo pala na nagkakaganito tayo dapat hindi ka nagpapakita sakin!"
"Sinabi ko na diba! Wala akong alam na isesetup nila tayo!"
"Lagi ka naman walang alam e! Lagi nalang!! Lahat nalang nang bagay hindi mo alam! May idea ka manlang ba sa nararamdaman ko? Napapagod na akong pigilan ang sarili ko alam mo ba yon?!"
Minsan hindi ko na talaga maintindihan kung galit ba sya sakin o ano. Parati nalang syang masungit, galit at nakasigaw sa tuwing nagkikita kami. Napapagod na akong makipag-usap sa kanya. "Alam mo kung ayaw mong makinig sa paliwanag ko edi wag! Di naman kita pinipilit eh! Hindi ka ba pwedeng makipag usap ng mahinahon manlang?" Naramdaman ko nalang na nag uumpisa na palang umagos ang luha sa pisngi ko. "Sa tuwing nagkikita tayo, di ko malaman kung kakausapin pa ba kita o wag na e. Alam mo bang natatakot na ako sayo? Gusto kitang kausapin ng maayos pero hindi ko magawa kasi inuunahan mo ako ng galit." Hindi ko na napigilan, tuluyan nang bumaha ang mga luha ko.
"Akala mo ba madali sakin ito? Akala mo ba hindi rin ako napapagod sa ginagawa ko?"
"Eh bat mo ginagawa? Bakit kailangan ibuhos mo sakin lahat ng galit mo? Ano bang kasalana---.." Natigilan ako ng bigla nitong ilapat ang dalawa nyang kamay sa magkabilang parte ng batok ko at inilapat ang labi nito sa akin. Hindi ko inasahang gagawin nya ito. Tila bumagal ang oras at tanging tunog ng tibok ng puso namin ang tanging naririnig ko. Napalunok ako at nang makabalik sa wisyo ay agad ko syang tinulak. "Anong ginawa mo? Siraulo kaba!" Pinunasan ko ang aking mga labi gamit ang likod ng aking palad. Makailang ulit ko itong pinunasan. "Hindi kaba magpapaliwanag!"
"Tingin ko naipaliwanag ko na lahat sa isang halik lang.."
"Nang-aasar kaba!"
"Sa tingin mo bakit ko ginawa yon?" Tingin ba ng lalaking ito manghuhula ako!.
"Hawak ko ba utak mo,pano ko malalaman?.. Ano ba! Wala ka bang sasabihi--.."
"Mahal kita!" Namali lang ba ako ng dinig o ano. "Oh! Natameme ka?"
"Mahal mo ko pero bakit ganito mo ako tratuhin? Pag nagkikita tayo pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko sayo."
"Sorry .. sinadya ko talagang gawin para layuan mo na ako. Pakiramdam ko kasi hindi ko deserve yung atensyon mo eh. Sa laki ng kasalanan ng tatay ko sayo feeling ko kahit makita ka kasalanan na para sakin. Pero kung alam mo lang kung gaano ako nag dusa nung ilang buwan kitang hindi nakita. Ang layo layo ko sayo, hindi ko alam kung anong nangyayari sayo, kung kamusta ka, kung ayos o okay ka lang ba, kung ano bang iniisip mo sakin. Sobrang miss na miss na kita alam mo ba yun?"
"Kala mo ba ikaw lang? ang tagal mong di nagpagpakita tapos babalik ka dito na parang di mo ko kilala. Ang sakit kaya nun! Sinubukan kong lawakan isip ko kasi baka may dahilan kung bakit ka nagkakaganun pero ang hirap mong intindihin ng mga panahong yon to the point na nagalit na ako sayo. Kung alam mo lang kung gaano kita namiss nun." Sa dami ng gustong sabihin pakiramdam ko nauubusan na ako ng salitang sasabihin. Kaya imbis na magsalita ay niyakap ko nalang sya. Ang mahalaga nalang sakin ngayon ay nagkaka-intidihan na kami. Tapos na kami sa samaan ng loob.
Dahil okay na ang lahat minabuti naming sabay na bumisita sa puntod ni mama. Hiniling kasi iyon sakin ni Lucas, nais nyang humingi ng tawad sa harapan mismo ng puntod nito. Sino ba naman ako para humadlang. Siguro nga kung iisipin ay hindi makatarungan ang ginagawa kong ito ngunit walang kinalaman si Lucas sa ginawa ng kanyang ama kung kaya't di nya deserve na saluhin lahat ng hate mula sa pamilya namin. Maging si ate ay pinatawad sya nangyari dahil alam nya na tama ako. Marami nang nangyari sa buhay namin at ayoko nang habambuhay kaming mamuhay ng may galit sa puso. Ito na tamang panahon para huminga at palayain ang mga puso namin sa sakit na dulot ng nakaraan at mamuhay ng matiwasay sa kinabukasan.

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.

    12/05/2022

      0
  • avatar
    BlossomHearts

    The blurb is interesting. This story is recommended 🤍

    12/05/2022

      0
  • avatar
    John Carlo Alde

    right

    21/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo