Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 39: FIRST SNOW
Fei's POV
Nang magtagpo ang mga mata namin ni Lucas kanina tila parang tumigil ang mundo, akala ko ay nananaginip lamang ako pero hindi. Hindi magkamayaw ang puso ko sa saya ng makita ko sya ngunit nang marinig ko ang mga sinabi nya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lahat nang salitang nakaimbak sa puso ko ay biglang nagkaroon ng boses. Kung ganun lang din ang sasabihin nya, bakit pa sya nagpakita rito? Bakit pa sya nagbalik? Hindi manlang nya binigyan ng konsiderasyon yung mga taong nag aantay sa pagbabalik nya.
Mukha namang okay sya eh! Wala na akong dahilan para mag-alala. Mukhang kaya nya ang sarili nya at mukhang hindi nya na ako kailangan sa buhay nya! Edi sige, kung yun ang gusto ibibigay ko! Magkalimutan na kung yon ang nais nya!.
"Anong nangyari sayo Fei?! Bakit nakasimangot ka?" Bungad na tanong ni ate Sylvia.
"Wala te, may sumulpot kasi peste kanina kaya nainis ako."
"Ganun ba, heto kunin mo.." Iniabot ni ate ang isang kahon kasing size ng lagayan ng sapatos. "Nakita ko yan sa may gate kanina, nakalagay para sayo daw kaya di ko na binuksan."
"Anu to?"Nakakunot ang nuo, tanong ko. "Sinong nagbigay?"
"Kung alam ko, kanina ko pa sinabi.." tsk. Ate talaga nagtatanong lang eh. "Sige na, aalis na ako, malelate na ako. Bye sis"
"Bye te, ingat" At saka ito tuluyang umalis, nang makita kong tuluyan nang nakalabas ng gate si ate tsaka ko lang binuksan ang box. Puno ito ng maliliit na envelop. Parang letter yata ang laman ng bawat isa. I wish pera yung laman pero hindi. Nakalagay pa ang date kung kailan isinulat ngunit walang pangalan na nakalagay. Sino kaya ang nagbigay nito? Hindi kaya may secret admirer ako? Omg!
May nakalagay pang sticky note sa ilalim ng takip. "Please read each letter according to date." Ayon sa Sticky note. "Wow ha!" Naamaze ako bigla nang mapansin kong nakaorganize ang bawat papel according to dates. "Pinaghandaan? Kanino kaya galing ito.?"
Unti unti kong binasa bawat isa at may mga salitang tumatatak sa isipan ko sa bawat papel na binubuklat ko.
'Ito ang pinaka unang araw na pinili kong layuan ka. Mahirap ngunit kailangan kong kayanin sapagkat ito lang ang naiisip kong paraan upang makabawi sa iyo.'
'Kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin gawin ito. Tila winawasak ang puso ko pero kung ito man ang makakapagpa buo sa lyo ay handa akong magsakripisyo.'
'Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa o kung paano at kahit paulit ulit kong sabihin sa sarili na hindi totoo ay lalo lang lumalala ang nararamdaman ko.'
'Marahil ay nagtataka ka kung para saan ito, may nais kasi akong sabihin ngunit hindi ko kayang sabihin sa personal. Wala akong lakas ng loob, pinangungunahan ako ng takot.'
'Kaya dito ko nalang idadaan lahat ng gusto kong sabihin tutal hindi na rin tayo magkikita.'
'Gusto kita Fei, hindi ko alam kung paano nag-umpisa basta isang araw narealize ko nalang na may nararamdaman na ako para sayo. Ngunit baliwala na rin ang pag-amin ko dahil hindi na kita makikitang muli. Mahal kita, sobra..'
Habang binabasa ko ang mga sulat, unti unting nagtatagpi tagpi at nagkakaroon ng koneksyon ang mga ito. Kung hindi ako nagkakamali sa iisang tao lang nanggaling ang mga ito at kung di ako nagkakamali maaaring galing ito kay Lucas. Marahil isinulat nya ang mga ito nang araw na umalis sya at hindi nagpakita ng napaka tagal na panahon.
Pero kung sa kanya nga nanggaling ito, totoo kayang may gusto sya sa akin? Na mahal nya ako? impossible..
Tsaka bakit nya ipapadala ito sa bahay namin kung nagpakita sya sa lola nya, akala ko ba babalik na sya? Hindi kaya huling paalam nya na iyon? Pagkatapos ay hindi na sya magpapakita? Siraulo ba sya! Napakamakasarili nya talaga!
Ano naman ngayon kung lalayo na sya for good? Mas mabuti nga yon mawawala na sya sa buhay ko ng tuluyan. Wala na akong makikitang asungot sa buhay ko. Tsaka mas peaceful na lalo sa School dahil tuluyan na syang mawawala.
Napasulyap ako sa orasan, hindi ko namalayan inabot na pala akong ng alas dos sa kakaisip sa lalaking iyon. Magdamag nya na akong binabagabag! Letse sya! Hindi tuloy ako makatulog. Nilipgpit ko na ang mga gamit ko at inayos ang kama para makahiga. Ngunit kahit na subukan kong pumikit ng paulit ulit ay sya parin ang nasa isipan ko.
Bakit kasi kailangan nya pang bumalik kung aalis din sya. Binulabog nya lang ako sa pagdating nya tapos may pasulat sulat pa sya. Masyado yata syang nag eenjoy sa paninira ng araw.
Sinubukan kong itakip ang unan sa aking mukha ngunit balewala at kahit magpaikot ikot ako sa higaan ay hindi pa rin ako makatulog. "Gusto ko lang matulog bakit ayaw mo akong patulugin!" Reklamo ko sa sarili.
CJAY's POV
Maganda ang araw ngayon kaya naiisipan kong ayain sina Tyron, Kobe, Zyra at Roselle na magsnack and coffee sa labas. Medyo namimiss ko na rin kasing gumala. Sayang hindi namin maaya si Fei, hindi kasi namin sya makontak even si Roselle or Zyra hindi din sya makontak. Next time nalang namin sya aayain, marami pa namang araw. Maya-maya dumating na sila Tyron at Kobe na dala ang foods and coffee. Napansin ko na unang inabutan ni Tyron ng kape si Roselle kaya naisipan ko silang tuksuhin. "Anu yan ah! Dapat ako una mong binigyan hindi si Roselle, kayo ha! I smell something fishy!?" Wika ko habang kinikilig.
"Smell something fishy baka kilikili mo lang yun?"sabat ni Kobe sabay halakhak. "Joke hahaha!"
"Ewan ko sayo!" Pataray kong sabi. "Anyways change topic. Nakakamiss yung dalawa, ano kayang pinagkaka abalahan ni Fei, tsaka asan kaya si Lucas, kamusta na kaya sya?"
"Knowing Lucas I'm sure okay lang sya, malakas loob tsaka madiskarte sa buhay, malay mo by this ang sarap ng tulog nya or baka nagbabasketball pa. Magtiwala lang tayo, isang araw babalik nalang yun dito."wika ni Kobe.
"Sobrang dami nilang pinagdaanan, kahit naman sino hindi maglalakas loob magpakita sa taong nawalan ng magulang dahil sa sarili mong tatay. At sa dami ng ginawa ng tatay nya,kung ako yun kahit ako matatakot magpakita sa mga tao."Dagdag pa ni Zyra. "I hope maging okay na ang lahat para masaya na ulit.."
"Dadating din ang araw na magiging okay na ang lahat at babalik na sa dati ang paligid. Hayaan lang natin na mangyari ang lahat ng dapat na mangyari. Isang araw magpapakita rin si Lucas at isang ngingiting muli ang mga kaibigan natin." Wika ni Tyron.
Sana nga dumating ang araw na yon. Sa hirap ng pinagdadaanan nilang dalawa, sana maging matatag lang sila. Pasasaan pa't magiging maayos din ang lahat.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat