CHAPTER 37: TRUTH

ROSELLE' POV
Kamusta na kaya si Fei, matapos ng mga nangyari hindi ko na nagawang harapin sya ulit. Sinusubukan ko syang puntahan sa klase nya pero ilang araw na daw syang hindi pumapasok. May nangyari kaya sa kanya. Alam na kaya na ang ginawa ko? Sinabihan kaya sya ni Lucas? Pano kung umiiwas sya sakin kaya hindi na sya pumapasok. Ayoko naman talagang gawin iyon sa kanya e. Si Lucas talaga ang target ko, para malaman ang katotohanan. Pano na ba ito. "Anak... Masyado yatang malalim ang iniisip mo? May bumabagabag ba sa iyo?" Tanong ni mama habang abala itong kumakain ng dragon seeds. "Pwede bang pakibukas naman yung tv? manood nalang tayo baka may magandang palabas ngayon.." Tumayo ako upang buksan ang tv at bumalik ulit sa pwesto ko. Ngunit hindi pa man ako nakakaupo ay narinig ko ng binanggit ng News Anchor ang pangalan ng School na pinapasukan ko.
"Ayon sa mga Otoridad ay sinubukan umanong tumakas ni Mr.Benson sa loob mismo ng sasakyan na magdadala dapat sa kanya sa loob ng bilangguan. Nangyari ito ilang minuto matapos syang arestuhin sa apartment na tinataguan nito. Ayon sa mga pulisya ay sinubukan nitong agawin ang baril ng isa sa mga escort nito at di sinasadyang naiputok ang baril malapit sa tenga ni Mr. Benson na naging sanhi ng pagkamatay nito. Nahaharap si Mr.Benson sa patong patong na kaso at kabilang na rito ang samo't saring korapsyon pandaraya na nangyayari sa mga kumpetisyon kung saan nanalo ang mga atleta nito. Nahaharap din ito sa patong patong na kasong murder, unang una ay ginawang pagpatay nito dalawang taon na ang nakakaraan sa isang swimming student athlete na nagngangalang Rocky Semion. Pangalawa ay ang pag-uutos nitong ipapatay ang kanyang asawa sa dati nitong kinakasama na isa rin Guro sa Benson University at pangatlo ay ang pagpatay nito sa nag-iisang witness nangyaring pagpatay sa asawa nitong si Ms. Lucy Benson, ginawa ang pagpatay kay Joy Anne Abella sa pamamagitan ng pagtakip ng unan dito habang natutulog at pagsunog sa tinitirhan nito. Sa ngayon ay iniimbistigahan kung mayroon nga bang anumalyang nangyayari sa loob ng Benson University." Kung si Mr. Benson nga ang pumatay kay kuya ibig sabihin walang kasalanan si Lucas o kahit na sino man sa mga kaibigan nya lalo na si Tyron. Nag-akusa ako sa mga maling tao pano ako haharap nito sa kanila. "Anak.. ibig sabihin ba nito nakamit na natin ang hustisya para sa kuya mo.."
"Masasabi ko po maaaring ganun na nga. Wala man sa mga kamay ko ang taong gumawa nun sa kanya. Panahon na mismo ang gumawa ng paraan para mahuli sya at lumabas ang katotohanan." Di ko inakalang darating pa ang araw na ito na makakamit namin ang hustisya. Sa wakas ay makakahinga na kami ng maluwag lalo na ngayon na patay na ang taong iyon, makakasigirado na kaming wala na syang masasaktan pang iba. "Anak matatahimik na rin tayo at ang kuya mo sa wakas..Makakabalik na rin tayo sa atin.."
Wala nang dahilan upang manatili pa kami sa lugar na ito at kung meron man yun ay ang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan at nahusgahan ko dahil sa kagustuhan kong mahuli ang pumatay kay kuya.
Pinuntahan ko ang secret room ko at pinagmasdan ang lahat ng larawan at mga gamit na naroon. Ngayon ko lang narealize na napakalayo na pala ng inabot ko sa pag-iimbestiga. To the point na lahat ng taong nakilala ko ay nakalagay ang larawan rito pero ni isa sa kanila walang tumama.
___________________________________________
FEI'S POV
Dalawang araw na ang lumipas mula ng huli kong nakausap si Lucas. Nag-alala ako sa sitwasyon nya lalo na ngayon na wala na ang Dad nya at nakakulong naman si Ms.Andi. Mapapalagay ako kung naroon sya nagstay kay Lola Mercy pero paano ako makakasigurado kung hindi ko pupuntahan. Kaya lang pano kung iwasan nya parin ako at ipagtabuyan gaya ng ginawa nya nung huli. Pano kung galit pala sya sakin? Hindi ko ginusto ang nangyari, ayaw ko rin naman na mawalan sya ng tatay dahil alam ko kung gaano kasakit iyon kaya lang nangyari na ang nangyari at wala kaming dapat sisihin.
Siguro mas makakabuti kung hahayaan ko muna syang makapag isip-isip, masyadong nakakabigla ang mga pangyayari para sa kanya. At kahit na nag aalala ako, kailangan ko parin syang bigyan ng space at time para maproseso lahat. "Magbihis ka Fei.." wika ni Ate Sylvia.
Himala kinakausap na ako ni Ate Sylvia ulit. "San tayo pupunta?" Tanong ko.
"Bibisitahin natin si Mama at Papa.. dalian mo na.." Hindi na ako nagsalita at nagmadali na akong kumilos, excited na akong bisitahin sila Mama at Papa at ibalita ang mga nangyari. Finally nasagot na lahat ng tanong namin ni Ate, finally nakuha na namin ang hustisya para kay Mama. Hindi man naging maganda ang kapalit pero atleast matatahimik na rin kami at nakangiti na kaming makakapunta sa puntod nila.
Pagdating namin roon ay isang bucket ng bulaklak ang nakita namin nakalagay mismo sa puntod ni Mama. Parang kakalagay lang nito pero sino kaya ang naglagay. "Pumunta ka ba dito kanina te?" Puno ng pagtatakang ang nakita ko sa mata ni Ate habang ito'y umiiling, sapat nang sagot na hindi nga ito galing sa kanya. "Sino kaya ang nagdala nito..." Anyways Salamat kung sino man sya.
Kumaway ako kay Mama at Papa habang nakangiti. "Musta na kayo.. siguro narinig nyo na rin ang balita noh? Malamang nyan nakangiti ngayon si Mama kasi wala na yung taong gumawa nito sa kanya." Nakangiti ako ngunit hindi ko mapigilan maiyak, sobrang miss ko na ang magulang ko. Nakakamiss makita silang masaya at nakangiti. Minsan napapaisip ako kung bakit napaka aga para mawala sila sa tabi namin, pero ok na rin kahit wala na sila kasi natuto kaming tumayo sa sarili naming mga paa. At kahit na wala sila, iniwanan nila ako ng isang kapatid na maaasahan ko sa lahat ng pagkakataon. Palagi man kaming hindi magkasundo pero atleast alam kong may tao sa tabi ko na palaging nandyan lang handang makinig sa lahat ng rant ko sa buhay. "Mah,Pah pagkatapos nito, pangako gagawin ko lahat para maging proud kayo sakin. Tutuparin ko lahat ng pangarap ko para sa inyo."
ZYRA'POV
'Makakalaya kana...'
Paulit ulit nagpiplay sa utak ko ang sinabi ng Pulis na kausap ko kanina. Finally makakalaya na ako, ayon sa kanila umamin na daw yung totoong gumawa at hiniling na palayain ako. Kaya ito ako ngayon, walang humpay na saya ang nararamdaman ko. Binigyan ko ng mahigpit na yakap ang buong pamilya ko sa oras na nakita ko sila. Makakauwi na rin ako kaya lang isa lang ang ibig sabihin nito. Makukulong na si Chad. "Zyra, sorry that we had to come this far.. Sana mapatawad mo ako at sana maibigay mo rin ito kay Cjay. Hindi ko hinihiling na mapatawad nyo ako kaagad pero umaasa akong darating din ang araw na iyon." Inabot nya sakin ang isang papel bago sya tuluyan pinapasok sa selda ng mga Pulis. Aaminin ko galit parin ako sa kanya pero dahil ginawa nya ito kahit papaano nabawasan na iyon at least may pagkakataon na akong makabawi sa mga taong nasaktan ko, sa mga kaibigan ko at lalo na sa Pamilya ko. "Mah, gusto ko po sanang pumunta kay Cjay mamaya, pwede po bang samahan nyo ako?" Tumango si Mama.
Nung araw na yon din mismo ay binisita namin si Cjay at magandang balita ang bumungad sa amin. Gising na sya at okay na sya, nagpapalakas nalang daw sya sabi ng doctor. "Maiwan na muna namin kayo.." Pansamantala munang lumabas ang magulang ni Cjay at ang pamilya ko para makapag-usap kami in private. Iniabot ko rin sa kanya ang binigay na papel ni Chad. "Cjay sorry sa lahat, alam ko mahihirapan kang patawarin ako at alam kong galit na galit ka sakin ngayon. Gusto ko lang magsorry, sorry talaga sa lahat lahat. May pinpabigay din si Chad. Hindi ko alam kung anong nakasulat dyan, pero sya ang dahilan kung bakit nandito na ako sa labas. Umamin na sya at sinabi nya na ang totoo. Nakakulong na sya ngayon at handa na syang pagbayaran lahat " Hindi ako nakarinig ng anumang sagot mula sa kanya pero ramdam ko na may gusto syang sabihin. Umiiyak kami pareho at hindi nya tinanggihan ang yakap ko.
TYRON's POV
Abala ako sa pag scroll sa phone ko ng biglang may sumulpot sa harapan ko. Itinaas ko ng bahagya ang aking mukha upang makita kung sino ito. Nasisinagan man ng araw ngunit nasisigurado kong mabuti kung sino iyon at ito'y walang iba kundi si Roselle. I never expected na isang araw sya mismo ang lalapit sakin para makipag usap at mukhang may idea na ako kung ano ang pag uusapan namin.
Napatayo ako."Uhm, Tyron..."bungad nito. "Pwede ba tayong mag-usap?" Nag-aya itong maglakad-lakad habang nakikipag usap sakin.
"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga nangyari lalong lalo na nung pinaghinalaan kitang pumatay sa kuya ko. Sana maintindihan mo na kapatid lang ako na naghahanap ng hustisya para sa kapatid ko. Pero ngayon na lumabas na ang totoo, makakaasa ka na hindi na kita guguluhin. Ang totoo nyan napag desisyunan namin ni Mama na babalik na kami sa probinsya tutal tapos na ang lahat rito." Nabigla ako sa mga sinambit nya, I never imagine na mangyayari ang araw na ito at aalis sila. "Alam ko nakakabigla pero para na rin ito sa ikabubuti nang lahat."
"Pero pano kana? Paano yung pag-aaral mo at yung mga pangarap mo?"
"I guess tutuparin ko nalang ang lahat ng iyon sa ibang lugar, but for now kailangan na muna namin umalis." Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, tila nais ko syang pigilan umalis ngunit paano ko gagawin iyon. Wala akong karapatan na pigilan sya sa desisyon nya. "Pakikamusta nalang ako sa mga naging kaibigan ko, hindi ko nga alam kung deserve ko bang magkaroon ng kaibigan na katulad nila. Nagsinungaling ako sa tunay kong kong intensyon kaya mas mabuti na rin na hindi na nila ako makita pa.." Hindi ko magawang sumagot sa kanya, tila umuurong ang dila ko. May nais akong sabihin ngunit hindi ko masabi. "Sige ha, pano alis na ako. Mag-iingat kayong lahat palagi.." Hanggang sa tuluyan umalis ay wala akong nasabi. Dinadaga ang dibdib ko bakit ganito..

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.

    12/05/2022

      0
  • avatar
    BlossomHearts

    The blurb is interesting. This story is recommended 🤍

    12/05/2022

      0
  • avatar
    John Carlo Alde

    right

    21/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata