Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 36: SORRY
Nang tuluyan makalayo ang sasakyan ng pulis kung saan naroon si Mr. Benson ay umalingawngaw ang tunog ng isang baril. Sa di kalayuan ay makikita itong tumatakbo palayo sa sasakyan. Nagtangka itong tumakas ngunit lingid sa kaalaman nito na papunta na sa direksyon nya si Lucas. Tanaw na tanaw ni Lucas ang pagtakas nito ngunit isang tunog muli ng baril ang umalingawngaw. Maya-maya ay bumagsak na si Mr.Benson sa harapan mismo ni Lucas, yun pala ay tinamaan na ito ng baril ng isa sa mga pulis na nakasunod rito. "Dad!!!" Maririnig ang boses ni Lucas na sumisigaw habang tumatakbo papalapit sa ama nito. "Dad!! Tama na!"wika nito.
Tinamaan ito malapit sa puso dahilan upang manghina ito kaagad. "Luc..as..." Wika ni Mr.Benson habang pinagmamasdan ang papalapit na si Lucas.
"Dad..sorry .." wika ni Lucas sa Ama.
"Lucas...." Hinawakan nito ang kamay ni Lucas at hinalikan ito. "Patawarin mo ako..." Wika nito bago malagutan ng hininga.
Tuluyang dumaloy ang luha sa mga mata ni Lucas, tila panaginip ang mga nangyayari para sa kanya. Ni hindi nito magawang magsalita, tila hindi makapaniwala sa nangyyari. Maraming salita ang nais nitong banggitin ngunit wala ni isang salita ang maisaboses nito. Hindi malinaw sa kanya kung paano nauwi sa ganitong sitwasyon ang lahat.
Dumating si Fei sa Hospital kung saan dinala si Mr. Benson. Sa labas ng ER ay makikita parin tulala si Lucas ngunit wala parin humpay ang pag iyak nito. Sinisisi nito ang sarili kung bakit nauwi sila sa ganoong sitwasyon.
"Lucas.." Dali-daling niyakap ni Fei si Lucas.
"Kasalanan ko to..." wika nito.
"Wala kang kasalanan, hindi mo ginusto yung nangyari.." wika ni Fei. "Magiging ok din ang lahat.."
"Kung hindi ko sya itinakas, kung hindi ko sya sinubukan kumbinsihin sana wala kami sa ganitong sitwasyon." Mahigpit na yakap na lamang ang ibinigay ni Fei sa lugmok na sitwasyon ni Lucas.
Pigilan man ang sarili ay hindi na rin magawang patigilin ang luhang pumapatak sa pisngi ni Fei. Maging sya ay hindi ninais ang ganitong sitwasyon kahit na malaki ang galit nya sa tatay ni Lucas.
Pagkaraan ng ilang oras ay lumabas na sa ER ang doktor na humawak sa kalagayan ng tatay ni Lucas at may dala itong hindi magandang balita. "Doc.. kamusta po si Dad? Ok na po ba sya?" Nagmamadaling tanong ni Lucas.
Huminga ng malalim ang doktor bago ito nag-umpisang magsalita. "Patawad Lucas ngunit ginawa namin ang lahat pero hindi na sya lumaban. I'm sorry to say this pero wala na ang Dad mo." Tila gumuho ang mundo para kay Lucas ng marinig ang mga salitang iyon. "By the way may nakitang papel ang isa sa mga nurse ko galing sa bulsa ng Dad mo. Tingin ko isa itong sulat para sayo." Tila hindi na nagsink in sa utak ni Lucas ang sinabi ng doktor kung kaya't si Fei na ang tumanggap ng papel na iniabot nito.
Pagkaalis ng doktor ay agad pumasok ang dalawa sa loob ng ER at sumalubong sa mga mata nito ang katotohanan na wala na nga Mr. Benson. Tila hindi magawang tumingin ni Lucas sa katawan ng ama nito habang patuloy ang pagtangis nito.
LUCAS's POV
Madami pa akong nais gawin kaya ko hiniling kay Dad na harapinang karampatang consequence sa ginawa nya. Nais ko syang bigyan ng pagkakataon na magbago at makabawi sa lahat ng ginawa nya sa tamang pamamaraan. Ngunit bakit kailangan mauwi sa ganitong sitwasyon. Paano na ang mga plano ko, nais ko sana na magkasabay ulit kaming kumain ng walang alitan o sama ng loob sa pagitan namin. Nais ko pa sanang maglaro ulit ng basketball kasama sya tulad ng dati. Nais ko pa syang dalhin sa magagandang lugar at panoorin ang magagandang tanawin. Lahat iyon ay nais kong gawin sa araw na makakalaya na sya. Ngunit imposible na iyon ngayon na iniwan nya na ako. Bakit ang sama ng mundo! Bakit lahat nalang ng tao sa paligid ko lagi nalang kinukuha. Wala nang natira sakin! Ano bang ginawa kong masama para madeserve ko to?
Ito ba ang kapalit sa lahat ng masasamang nangyari sa pamilya namin? Ako ba ang magbabayad bilang kapalit sa lahat ng kasalanan ni Dad? Gusto ko lang naman maging masaya at mamuhay ng maayos pero bakit ganito? Bakit Ganito?
Hindi ako galit kay Dad o sa kahit na sino pero nagagalit ako sa mga nangyayari! Kailan ba malalagay sa tahimik ang buhay ko?
"Lucas uminom ka muna nang tubig." Inabot sa akin ni Fei ang isang bote ng tubig. Kasama rito ang isang papel.
"Ano to?" Tanong ko.
"Bigay yan ng doktor kanina, nakita daw sa bulsa ng Dad mo." Binuklat ko ang papel at binasa ito.
'Dear Lucas
Anak, kung nababasa mo ito malamang wala na ko. Gusto ko lang sabihin na sana patawarin mo ako sa lahat ng nangyari. Alam kong hindi sapat ang Sorry sa lahat ng dinulot ko sa iyo at sa mga taong nasaktan ko. Huwag mo sanang sisihin ang sarili mo sa pagkawala ko. Desisyon ko ito, nais kong pagbayaran ang lahat ng kasalanan ko sa Diyos. Kung iisipin hindi sapat na mawala ko sa mundo bilang kabayaran sa lahat ng ginawa ko. Patawarin mo ako sa pagkawala ng Mommy mo, pati na rin sa kaibigan mong si Lucas. At pakisabi na rin kay Fei na sa mapatawad nya ako sa nagawa ko sa nanay nya. Ako ang puno't dulo ng lahat ng pighati at hinanakit na dinaranas nyo ngayon. Wala na akong ibang masasabi kundi patawad sa lahat. Ingatan mo sana ang sarili mo at sana lagi mong tatandaan na narito lang ako palagi sa tabi mo. Hindi man pisikal pero palagi akong nasa puso mo. Mahal kita anak, balang araw magkikita tayong muli.
Nagmamahal
Dad
"Oo nga pala, sorry kung nabasa ko na rin yan kanina. Gusto ko lang sana malaman mo na hindi magiging madali para sa akin na patawarin ang Dad gayunpaman susubukan ko pa rin. Ayoko naman na habang buhay akong mabuhay na may galit sa puso ko. Sapat na na humingi ng tawad ang Dad mo pero hindi ko alam kung kailan ko sya mapapatawad pero sa kabila nun hindi kailangan may magbago sa pagitan natin. Alam kong mali ang ginawa ng Dad mo pero hindi ka damay sa kung ano man ang nagawa nya sa pamilya namin. I'll be frank, gusto ko sana pagdusahan nya lahat sa kamay ng batas pero wala na tayong magagawa." Tinapik ni Fei ang balikat ko at inilapat ang kanyang ulo sa balikat ko.
"Sorry Fei pero pwede bang umalis kana muna?.." Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.
"Lucas..." bulong nito.
"ALIS!" Wala ng ibang salita ang lumabas ng bibig ni Fei, nagmadali itong umalis ng sigawan ko sya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat