Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 35: LAST CHANCE
Ms. Andi POV
Nung araw na inutusan ako ng Mr.Benson na kidnapin si Fei napaisip ako ang mabuti kung dapat ko ba itong sundin. Alam kong isa lang ang kahahantungan nito at posibleng maulit lang muli ang nangyari nuon. Ayoko ng may mamatay muli ng dahil sa akin. Pinagsisihan ko na ang nagawa ko sa mother ni Lucas, pinagsisihan kong patayin ang isang taong pinakamahalaga para kay Lucas at ngayon ayoko ng ulitin ulit iyon. Ayoko ng alisan muli si Lucas ng isa pang tao na mahalaga sa buhay nya. Napakabuti ni Fei at alam kong napapasaya nya si Lucas. Hinding hindi na ako gagawa ng isang bagay na alam kong madidis-apoint sya. "Fei,Kailangan natin mag-usap..."
2 Hours Before Kidnapping happens. Tinawagan ko si Lucas at Fei upang pag-usapan ang magiging planong pag-huli kay Mr.Benson. Ibinahagi ko sa kanila kung saan dadalhin si Fei, at kung sino sino ang mga tauhan na magbabantay rito gayundin bilang ng mga ito. May nakausap na rin kaming mga pulis na huhuli kay Mr.Benson. Alam kong matagal na rin nilang tinitiktikan ito, mangyari lang na mayaman ito kung kaya't hindi ito mahuli-huli. Inihanda na rin namin ang mga kakailanganing gamit at sasakyan sa pagliligtas kay Fei. Masusi naming pinag-usapan ang lahat.
Kasama ko si Lucas habang pinapanuod namin si Fei na ibaba ng mga tauhan ni Mr.Benson. Bago pa man sila dumating ay nakapagtago na kami. Maya-maya pa ay tumawag ang ate ni Fei kay Lucas at hinahanap ito. Walang alam ang ate ni Fei sa nangyayari at minabuti naming huwag nang sabihin dahil siguradong hindi ito sasang-ayon sa plano. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Mr.Benson, mag-isa ito at walang kasamang tauhan. "Lucas..tawagan na ba natin sila?"(mga pulis). Nagulat akong ng walang sumagot sa akin, paglingon ko ay wala na pala si Lucas kaya nagdesisyon akong tawagan na ang mga pulis. "Hello sir, go na po." Sinubukan kong hanapin si Lucas pagkatapos kong tawagan ang mga pulis at sa paghahanap ko ay si Fei ang nakita ko imbes na si Lucas. Tulala ito, sinubukan kong sundan kung saan ito nakatingin at walang iba kundi kay Lucas habang kasama nitong tumatakas si Mr.Benson. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganun ang reaksyon ni Fei dahil maging ako ay natulala sa nadatnan ko. Anong iniisip ni Lucas para gawin iyon.
Makalipas ang ilang araw matapos ang araw na iyon ay tinawagan ako ni Fei pero hindi nya sinabi kung bakit. "Anong pag-uusapan natin?"tanong ko.
"Hintayin muna natin si Lucas.." Nakaramdam ako ng kaba ng sabihin nyang darating din si Lucas. Ano kayang iniisip ni Fei? Kinakabahan ako sa maaaring kahinatnan ng pag-uusap na ito. Knowing na may ginawa si Lucas.
Isang oras ang lumipas sa wakas ay dumating na rin si Lucas."Baka may gusto kang ipaliwanag..."bungad na wika ni Fei habang nakatingin sa kawalan.
Humingang malalim si Lucas bago ito nagsalita. "Please..Bigyan nyo ako ng pagkakataon,susubukan ko syang baguhin..." Pagmamakaawa ni Lucas.
Ngumisi si Fei. "Baguhin?Hindi ba't parang huli na yata para dyan?" Sagot nito.
"Please..Ibalato nyo na sakin to.."kita ko ang sinsiridad ni Lucas at matinding pag nanais na baguhin ang kanyang ama ngunit paano naman yung mga taong binawian ng buhay dahil sa kasakiman nya.
"Lucas....Nalimutan mo na ba na sya ang dahilan ng pagkamatay ng mama mo? Ikaw mismo ang nakarinig nun sa bibig nya." Ramdam ko na sinusubukang pigilan ni Fei ang emosyon nito ngunit hindi ito maitatanggi ng mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi. "Alam ko ngunit nais ko syang bigyan ng isa pang chance.Please ibigay nyo na sakin ito.."
"Patawarin nyo ako, kasalanan ko kung bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon."pati ako ay hindi na rin mapigilan bumuhis ang emosyon. Kasalanan ko naman talaga ang lahat ng ito. Sa akin nag umpisa ang lahat.
"Napakahirap ng hinihiling mo Lucas, masyado nang marami ang nasasaktan dahil sa tatay mo." Pinagmasdan kong mabuti si Lucas at gayundin si Fei. huminga muna ito ng malalim bago bumuo ng desisyon. "Tingin mo ba ito ang pinakatamang gagawin mo sa sitwasyong ito?"Hindi ako nakarinig ng anumang sagot. Wala akong idea ngunit kung ano man ang binabalak nyang gawin o kung ano ang nasa isipan nya. Pero kung ano man ang magiging desisyon ng dalawang ito ay makikinig lamang ako. "Sige,kung ano man yang plano mo pagbibigyan kita ngunit sana huwag mong sirain ang tiwala ko pero pakakatatandaan mo na kapag hindi nagwork yang plano mo pasensya pero gagawin ko ang nararapat." Galit at umiiyak na umalis si Fei samantalang si Lucas nama'y umiiyak na rin. Tinapik ko ito at niyakap. Hindi man ako sang-ayon sa desisyon nya nais ko parin iparamdam na narito ako sa kanyang tabi handang makinig. Alam kong hirap na hirap na syang pumili sa dalawang taong parehong mahalaga sa kanya.
FEI's POV
Nais kong magalit kay Lucas ngunit hindi ko magawa dahil alam kong naiipit lang sya sa sitwasyong ito. Wala akong magawa kundi umiyak sa lahat ng nangyayari. Ever since nawala si mama, sinisi ko yung sarili ko kung bakit nahuli akong dumating bago sya nawalan ng hininga. Pero lahat pala iyon ay pawang kasinungalingan. Na hindi pala ako ang dapat na sisihin kundi ang walang hiyang iyon. Ilang taon kaming nagdusa dahil sa kagagawan nya, dalawang taon. Dalawang taon kong binitbit lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni mama pero ngayon hindi ako papayag na hindi nya makuha ang hustisyang karapat dapat para sa kanya. Patawarin mo ako Lucas ngunit pagbibigyan lamang kita sa ngayon. Susubukan kong pagkatiwalaan ka pero pag dumating ang araw na kailangan ko nang kumilos sana mapatawad mo ko sa magagawa ko.
LUCAS's POV
"Dad what's your plan?Police are hunting you and so is Fei."
"I don't know, what am I suppose to do?"
"Sinusubukan kong intindihin kung bakit nyo nagawa yung ginawa nyo kay Rocky and even Mom but I don't seem to understand bakit kailangan madamay pati mother ni Fei."
"Anong ibig mong sabihin?" kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Dad.
"You don't think, I wouldn't know? Alam kong ikaw pumatay kay Rocky at alam kong ikaw rin ang nag-utos kay Tita Andi to kill Mom.."
"P-paano mo nalaman ang tungkol dyan.." hindi mapinta ang mukha nito ng marinig iyon mula sa akin.
"Dad, I am your main witness... Inutusan mong patayin ni Tita Andi si Mom sa araw mismo ng birthday ko. And you kill one of my best friends at kitang-kita iyon ng mga mata ko. Akala mo hindi ko maaalala lahat? Unfortunately akala ko rin..."
"Anak please don't let anybody know about this.. I'm begging you. I'm your Dad.." Lumuhod si Dad sa harapan ko at pilit na nag mamaka-awa.
"Sorry but I don't think you deserve a second chance.." Pinilit kong alisin ang matinding kapit ni Dad sa mga binti ko. Maya-maya ay dumating na rin ang mga police upang hulihin si Dad.
"Lucas ano to..." Nanlaki ang mga mata ni Dad ng makita ang mga Police sa likuran ko. "Anong ibig sabihin nito..."
"Mr. Roberto Benson, Ikaw ay hunuhuli namin (state reason), may karapatan kang manahimik, lahat ng sasabihin mo ay pwedeng magamit laban o pabor sayo sa anumang korte." Wika ng mga Pulis habang hawak ang isang warrant of arrest.
"Anak please..." Masakit para sa akin makitang binibitbit si Dad ng mga Police ngunit kung ikukumpara sa mga taong nasaktan dahil sa ginawa nya ay hindi sapat ang nararamdaman ko ngayon.
"Sorry Dad pero kailangan kong gawin ang tama..."
Tinapik ako ni Tita Andi sa balikat at sabay namin pinanuod ang papalayong sasakyan ng pulis kung saan naroon si Dad.
"Ok lang yan, tama lang ang ginawa mo.." wika nito. Habang kausap ko si Tita Andi nanlaki ang mga mata ko ng pati sya ay pinusasan din ng mga pulis. "Teka! Anong nangyayari tita?"tanong ko.
"Lucas, alam kong nakakabigla pero alam mo naman kung anong nagawa ko diba? Panahon na para pagbayaran ko ang nagawa ko sa Mommy mo. Ngayon na nakakulong na ang Dad mo makakampante na ako na hindi na sya makakasakit ulit ng iba." Habang pinagmamasdan ko ang nangyayari ay hindi ko na napigilan ang umiyak. Napamahal na ako kay tita, sya ang nag-alaga sakin mula ng mawala si Mom. Kahit na malaking kasalanan ang nagawa nya alam kong pinagsisihan nya na iyon. "Mag-iingat ka palagi tsaka wag kang papagutom. Pag wala na ako sa tabi mo palagi mong aalagaan ang sarili mo pati na rin si Fei."
"Naiintindihan ko at salamat kung ganun ang desisyon mo pero kung gagawin mo iyan pano na ako kung makukulong si Dad at pati ikaw.."
"Naryan pa ang lola mo at pati na rin si Fei basta mangako ka sakin na aalagaan mo sila ha.." patuloy ang pagtangis habang binibigyan ako ng mahigpit na yakap ni tita Andi. Kailangan ko nang masanay na wala sya sa tabi ko dahil matatagalan pa bago ko sya ulit makasama.
Maya-maya ay umalingawngaw ang isang putok ng baril malayo sa kinaroroonan namin. Napatigil ako ng marealize na galing iyon sa sasakyan kung saan naroon si Dad. "Dad..."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat