Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 34: BETRAYAL
Sylvia 's POV
Paglabas ko ng gate ay bumungad sakin ang mga gamit ni Fei sa School. Akala ko ay pumasok na sya ngunit bakit narito pa ang gamit nya sa labas. Imposibleng iwan nya ang mga ito na nakatiwangwang sa sahig. Maya-maya ay nahagip ng aking mata ang cellphone nito na nasa sahig din. Dito na ako nakaramdam ng kakaibang kaba, tila may mali. Posible kayang may dumakip kay Fei?. Agaran kong kinontak si Lucas. "Hello.. "Bungad na sagot nito. "Lucas, pakiramdam ko may dumakip ulit kay Fei..."
Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng puso ko, sana mali ako ng iniisip. "Susubukan ko pong kontakin sya.."wika ni Lucas.
"Nasa akin ang cellphone nya..."Natigilan ito ng sinabi ko iyon. "Pati ang gamit nya sa school naiwan dito sa labas ng gate namin.."
MR. BENSON's POV
Rinig ang tunog ng bawat hakbang ko patungo sa isang pintuan. Napakadilim ng paligid at rinig ang nakakabinging tunog ng katahimikan. Isang napakalamig na palad ang dumampi sa aking leeg at mahigpit itong hinawakan. Tila hinahabol ko ang bawat hangin at kahit na anumang pilit ng pagsigaw ay walang boses na lumalabas sa aking bibig. Nais kong humingi ng tulong ngunit walang nakaririnig.
Nakita ko ang mga mata ni (Nanay ni Fei) na nanlilisik habang nakatingin sa akin, duguan ang buong katawan nito at lumuluha ng dugo. Dali akong napaupo mula sa pagkakahiga at kinapa ang aking leeg ng aking napagtanto na ako'y binabangungot lamang. Muling sumagi sa isipan ko ang pangyayaring matagal ko ng binaon sa pagkalimot.
FLASHBACK
4 YEARS AGO
(Death ng Mother ni Fei)
Madilim na ang paligid, dahan dahan kong binabaybay ang daan habang inoobserbahan kung may taong darating. Gamit ang susi ay matagumpay kong nabuksan ang pintuan at dumiretso ako sa kwarto ni (Nanay ni Fei).
Tinungo ko ang higaan kung saan naroon ang nanay ni Fei. Naalimpungatan ito ng maramdaman ang prisensya ko at nanlaki ang mga mata nito ng makita nito ngunit hindi nito magawang tumayo. Tila inaantok ito gayunpaman ay sinusubukan nitong kilalanin ang aking mukha. "Sino ka?" Napatakbo ako ng mabilis papunta sa kanya at dali-daling kinuha ang unan. Itinakip ko ito sa kanyang mukha. Sinusubukan nitong manlaban ngunit tila wala itong lakas, hindi ko alam kung bakit.
Ilang minuto pa ay hindi na ito gumagalaw, sinigirado ko munang patay na ito bago ko sya binitawan at ipinagpatuloy ang paghahanap sa sulat na ibinigay sa kanya ng aking asawa. Ayon sa isa sa mga tauhan ko ay may sulat na nakarating sa babaeng ito mula sa aking asawa na makakapagsabi ng tunay na nangyari sa aking asawa. Kailangan ko iyong mahanap ngunit kahit pagbali baliktarin ko ang buong kwarto ay hindi ko ito makita. Kaya nagdesisyon akong umalis nalang. Ngunit nago umalis ay sinabuyan ko ng gasolina ang buong paligid ng bahay, nasisigirado kong naroon lang iyon sa loob. Sinindihan ako ito gamit ang lighter na aking dala at saka umalis.
______________________________________________
FLASHBACK END
Kahit na matagal na mula ng mangyari iyon ay hindi pa rin ako nilulubayan ng mga mata ng babaeng iyon. Yun ang unang unang beses na nakapatay ako ng tao gamit ang aking mga kamay. Ngunit kung papaliin ay gagawin ko pa rin iyon kahit na anong mangyari. Hindi ako papayag na isang katulad nya lang ang sisira sa lahat ng pinaghirapan ko. Masyado ng malayo ang narating ko para sirain lang ng isang katulad nya. Handa akong patayin kahit sino man ang sumubok na pigilan ako.
Kring....
"Kamusta nakuha nyo na ba sya?.."bungad na tanong ko sa tauhan ko.
"Yes Sir..Narito na po sya sa napagusapang lugar.."Sagot nito.
"Mabuti, I'll be there in an hour bantayan nyong mabuti ang babaeng yan." Nagbihis ako, kinuha ang susi ng kotse at nagmadali ng umalis.
Sinabi ko na nga ba, hindi talaga ako bibiguin ni Andi. Kailanman ay hindi sya gagawa ng ikakagalit ko.
___________
FEI 's POV
Nagising ako sa lamig ng tubig na ibinuhos sa akin ng isang lalaki. Sinubukan kong hanapin sa paligid si Ms. Andi ngunit wala na ito. Ang tanging kasama ko nalang ay ang dalawang lalaki na nagbabantay sa akin. Inikot ko ang aking paningin habang sinusubukan kong humanap ng paraan kung paano makakatakas. "Sino kayo? Anong kailangan nyo?"wika ko.
"Wala kaming kailangan sayo pero yung amo namin meron..Mag-antay ka lang maya-maya ay darating na sya."
"Sino ba ang amo nyo at anong kasalanan ko sa kanya?"sigaw ko. Sinubukan kong magpumiglas ngunit walang silbi ito sa tindi ng kapit ng tali.
"Relax makikilala mo rin sya.."sagot nito habang nakasarcatic na ngiti. "Maya-maya lang ay nandito na sya. Ang taong makakasagot sa mga katanungan mo."
Maya-maya pa ay may isa pang lalaki na dumating and as expected si Mr.Benson nga ang dumating. Alam ko ng sya ang nasa likod nito dahil wala namang ibang gagawa nito kundi sya lang. Binigyan ko ito ng matalim na titig sa oras na humarap ito sa akin. "Iwan nyo muna kami" Utos nito sa mga tauhan nya na sinunod din naman kaagad ng mga ito.
"Sabi ko na nga ba, sa unang beses na nagkita tayo pamilyar na kaagad ang mukha mo sa akin. Tunay na napaka liit ng mundo, sinong mag-aakala na makikilala ko ang anak ng babaeng pinatay ko 2years ago." Tama ba ang naririnig ko?. "Oo tama. Ako ang pumatay sa nanay mo at ako rin ang dahilan ng sunog sa bahay nyo nung gabing iyon." Sinasabi ko na nga ba, may mali. Imposibleng pills ang dahilan ng pagkamatay ni mama. May nagtangka nga sa buhay nya at yon ay walang iba kundi ang walang hiyang lalaking ito. "Gusto mong malaman kung paano ko kinuha ng ganun kadali ang buhay nya? Simple lang.... Madiin kong ipinatong sa mukha nya ang isang unan hanggang sa dahan-dahan syang malagutan ng hininga.." Ramdam ko ang pininikip ng puso ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi nya. Hindi maitanggi ng mga mata ko ang luhang pumapatak rito gayundin ang galit na nararamdaman ko. Gustong gusto ko syang sakalin,sampalin,sabunutan,saksakin at kung ano pang brutal na pwede kong magawa sa kanya. Ngunit hindi ko iyon gagawin dahil kailanman hindi ako lelebel sa taong nasa harapan ko ngayon. Bahala na ang nasa taas ang gumanti para sa akin at sa pamilya ko. "HhahaHaHaHAHAHA!" Patuloy ang paghalaklak nito habang pinapanuod akong magdusa.
"Hahahaha!!"Sinabayan ko rin ang pagtawa nito."Sige lang tumawa ka lang, hindi mo alam kung anong nag-aantay sayo." Napalitan ng seryosong mukha ang kanina'y nakangiting mukha nito."Ikaw din ang dahilan ng pagkamatay ni Ms.Lucy hindi ba.."
"Tama nga ako, alam mo rin ang tungkol sa bagay na iyon. Pero sisiguraduhin ko na ikaw na ang huling taong makakaalam ng katotohanan tungkol dyan."
Napangiti ako. "Tingin ko mali ka.." Maya-maya ay nadinig ko ang senyales na ligtas na ko. "Narito na ang mga pulis, sinusundo kana.." Dali-dali nitong hinablot ang leeg ko at sinakal ito ng mahigpit.
"Sinong kasabwat mo?"Nangangalit ang mata nito habang tinatanong ako. "Magsalita ka!"
"Kung ak-o sayo... Tu-a-makas k-na.."hirap man ay sinubukan ko parin magsalita..
"TARA NA!" Wika nito sa mga tauhan. Dali silang umalis. Nagawa ko namang kalagan ang sarili ko gamit ang kutsilyong maliit na kanina ko pa itinatago at sinundan sila. Ngunit sa pagsunod ko, isang hindi kapani-paniwalang tao ang nasilayan kong gagawa ng hindi ko inakalang gagawin nito.
Si Lucas ay narito at nagawa nyang tulungan ang hayop na iyon upang makatakas.
Isang malaking katanungan ang nasa isipan ko ngayon at yon kung bakit nya nagawa ito. Malinaw na wala ito sa plano at mukhang malinaw na may iba rin syang plano.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat