Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 33: DAY AFTER DAY
Lucas’s POV
SA Wakas tinanggal na rin ng mga doctor ang mga benda sa katawan ko, medyo ok na kasi ako at inabisuhan na akong pwede nang umuwi. Pinipilit ako ni Tita na umuwi sa bahay pero mas gusto kong dumiretso kela Lola. “Ano ba kasing dahilan bakit ayaw mong umuwi?” Tinatanong nya pa kahit alam nya naman ang dahilan kung bakit. “Umuwi kana, nag aalala na Dad mo..”
Napangisi ako, “Kung nag-aalala sya bakit wala sya rito? Tsaka alam mo naman diba kung bakit ayaw kong umuwi?” Galit pa rin ako kay Dad sa lahat ng ginawa nya. Hanggang ngayon nag iipon pa ako ng lakas ng loob kung paano ko sya kokomprontahin. Sa tuwing naaalala ko lahat ng ginawa nya parang gusto ko nang tanggalin utak ko. “Sana hindi ko nalang sya naging tatay kung magiging ganito lang din..”
“Wag ka nga magsalita ng ganyan…” mahinahon na pagsaway nya. “Bakit nandito ba sya? Nandyan ba sya sa likod ng pintuan? Wala naman diba! Hindi nya ako maririnig at kung naririnig man nya ako malamang hindi nya rin ako pakikinggan..” Parang binibiyak ang puso ko habang binibigkas ko ang mga salitang iyon pero hindi ko mapatigil ang bibig ko sa galit. Napakarami nang gumugulo sa isipan ko dumagdag pa ang lahat ng ginawa nya.
Hanggang ngayon pinag iisipan ko pa kung dapat ko bang sabihin kay Fei na kaibigan nya ang may pakana nang lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung paano sya mag rereact kung sakaling sabihin ko nga. Paano kung hindi sya makinig o hindi sya maniwala, paano kung magalit sya sakin at isipin nyang sinisiraan ko ang kaibigan nya sa kanya. Paano yan san ka magstay ngayon?” tanong ni Tita.
“Kay Lola muna ..” wika ko.
“Diba pinagbawalan ka ng Dad mo na pumunta dun? Bakit ba ang kulit mo..”
“Alam ko at wala akong pakialam kung magalit man sya! Nagsisisi ako na nakinig ako sa kanya noon pero hindi ko na gagawin ang pagkakamaling iyon ulit.” Tumayo ako naglakad paalis, hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ni Tita. Paglabas ko sa pintuan naroon si Dad. Malamang narinig nya ang lahat ng sinabi ko.
Nakita ko ang mga titig nito na tila nagpipigil ng galit. Isang mabigat na suntok sa pisngi ang nakuha ko mula sa kanya, ramdam ko ang galit nito hindi pa man sya nagsasalita. Marahan kong idinampi ang aking kamay sa pisngi kong nag iinit sa sakit. “Pumupunta ka parin pala sa kanya? Ginagalit mo talaga ako Lucas!” Sigaw ni Dad.
“Bakit may mali ba sa ginagawa ko ha? Anong mali sa pagpunta sa Lola ko? Kung gusto mong lumayo sa kanya pwes huwag mo akong idamay! Hindi na ako bata para sumunod sa mga salita mo!” Padabog akong umalis sa harap nya. Hindi na ako papayag na magpacontrol pang muli sa iyo.
“Lucas! Pagsisisihan mo ito!” Matagal ko ng pinagsisihan na sumunod ako sayo ngayon hindi na mangyayari iyon.
FEI’S POV
Idinampi ko ang basang bimpo na may yelo sa loob sa pisnging namumula ni Lucas. “Ano bang nangyari?” tanong ko.
Dumating si Lucas kanina na maga ang mga mata sa kakaiyak at namumula rin ang pisngi nito. Hindi ko na nagawang itanong kung paano nya nalaman na nandito ako sa bahay ni Lola Mercy. At mukhang hindi ko na kailangan itanong pa kung bakit. Sa tindi ng yakap na ibinigay nya kay Lola narealize ko na sya ang lalaking apo na madalas nyang binabanggit sa akin. Talagang napakaliit nga ng mundo, nasa tabi ko lang pala ang apo na inaantay nyang dumating. Sana nalaman ko ng mas maaga.
Iba ang saya na nakikita ko sa mga mata nila sa kabila ng pag iyak ni Lucas alam ko na panatag na silang magkasama ngayon. “Teka nga… Gaano na kayo katagal na magkakilala ni Lola?” tanong ni Lucas.
“Matagal na…” sagot ko.
“Kung matagal na pala bakit hindi kita nakikita dito?” Hindi kaya sya yung lalaking nakikita kong pumupunta dito dati? Yung nakajacket na gray nuon. Ngayon napagtanto ko na, sya nga yun yung sinundan ko dati. Bakit hindi ko agad naisip iyon.
“Palagi ka bang pumupunta rito? Ikaw ba yung lalaking sinundan ko dati? Tama nga… Ikaw yun”
“Naaalala ko nun may sumunod sakin galing ako dito.. Ikaw ba yun?”
Nagkakatitigan kami realizing na pareho pala kami ng iniisip. “Small world!” Sabay naming sambit.
“Ibig sabihin ba nito close pala kayo matagal na?” Tanong ng ngayon ay nalilito pa rin na si Lola Mercy.
“Opo..” Sagot naming dalawa.
“I see..”Habang pinupunasan ko ang pisngi ni Lucas, hindi sinasadyang nahawakan nito ang kamay ko dun narealize ko na sobrang lapit na pala namin sa isa’t isa. Uminit ang pisngi ko ng di sinasadyang magkatitigan kaming dalawa ni Lucas. Dali akong lumayo at hinayaan ko ng sya ang humawak ng bimpo. Bakit ganito… Bakit bigla akong kinabahan. Sobrang awkward nito. “Mukhang close nga talaga kayo..” Hindi ko alam kung ako lang ba o sinusubukan talaga kaming asarin ni Lola.
Kinagabihan hinatid ako ni Lucas pauwi. Nagpaalam na ako kay Lola. “Ingat ka pauwi…” wika ko kay Lucas. “bye..”Pinanuod ko ang pag alis nya bago tuluyan pumasok sa bahay. Pagdating ko sa loob naroon si Ate nakaupo sa Sofa. Hindi ko na sya pinansin, dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan. Malamang si ate yun. “Bukas yan..” sigaw ko.
“Kumain kana ba?”tanong ni Ate. Tumango lang ako. “Si Lucas ba ang naghatid sayo?Mabuti ok na sya..” Hindi ko na kinibo si Ate hanggang sa umalis ito. Masakit sa akin na hindi pansinin si Ate pero sa ngayon kailangan ko munang umiwas sa kanya hagga’t ayaw nya akong pakinggan.
TITA ANDI’S POV
Habang naghahapunan kami ni Mr.Benson ramdam ko na galit pa rin ito dahil sa nangyari kanina. Nais ko syang kausapin ngunit natatakot akong sa akin nya maibuhos ang galit nya. Kaya pinili ko nalang na manahimik kaysa magkaproblema pa. “Sabihin mo sakin ang totoo? Ikaw ba ang nagsabi kay Lucas ng lahat?”, Binasag nito ang katahimikan sa pagitan namin.
Muntik ko nang mailuwa ang pagkaing nasa bibig ko ng marinig ko iyon.”Ang alin?” Sinubukan kong magpanggap na hindi naiintindihan ang sinasabi nya ngunit hindi ito epiktibo. Mukhang alam nya na ang totoo.
Ngumisi ito, “Alam kong alam mo kung ano ang gusto kong sabihin!” Maya-maya ay tumayo ito at biglang hinawakan ang aking leeg na animo’y nagbabadyang sakalin ako. “Sabihin mo ang totoo!” Tila hindi ako makahinga sa tindi ng pagkakahawak nito dahilan para masabi ko ang sagot na hindi ko dapat masabi.
“Oo..” Padabog nitong binitawak ang aking leeg. *Cough *Cough *Cough
“Malinaw kong sinabi sayo na walang dapat na makaalam ng nangyari lalong lalo na si Lucas! Anong ginawa mo? Gusto mo bang mamatay?!”Lumabas muli ang mga tingin nitong nakamamatay sa takot. Ito ang dahilan kung bakit pinili kong manahimik ngunit hindi ko na kayang gawin iyon ngayon. Ayoko ng magpadaig sa takot. Pagod na akong maging sunod sunuran ngunit hindi ko pwedeng ipakita iyon sa kanya dahil ano mang oras ay maaari akong mamatay. Ang tagal kong tiniis ang lahat ng paghihirap akala ko nuo’y magiging maganda ang buhay kong kasama sya ngunit baliktad pala ang mangyayari. Walang iba kundi pagdudusa at hinanakit ang binigay nya sa akin. Nagawa kong pumatay para lang sa kanya pero heto pa’t ako na ang binabantaan nya. Wala nang patutunguhan ang lahat ng ito, kailangan ko na syang talikuran dahil kung hindi ko ito gagawin ngayon baka maging huli na ang lahat para sa akin. Kailangan kong sagipin ang sarili ko mula sa kasamaan ng lalaking ito. Hindi na ako papayag na may masaktan pa syang iba. “Sumagot ka!” Dumampi ang mainit nyang palad sa aking pisngi bago pa man ako nakapagsalita huli na ng mapagtanto ko na hawak nya na ang leeg ko ng mahigpit. Sinusubukan kong labanan ang mahigpit na kapit ng kanyang kamay ngunit masyado itong malakas kung ikukumpara sa akin. Ito na marahil ang pinakagrabi sa lahat ng pananakit na ginawa nya sa akin. “Bitawan mo ko!!” nagkukumahol kong bigkas.
“Bibitawan kita ngunit sa isang kondisyon..”Nanlilisik ang mga mata nito at tila wala talaga syang plano na bitawan ako. Hinahabol ko na ang bawat hangin sa aking bibig at naluluha na rin ang aking mga mata. Binitawan nya lang akong nang pumayag ako sa kondisyon na sinabi nya dahil wala na akong magawa.
LUCAS’s POV
Kanina pa ako nakahifa ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Masyadong marami ang nangyari kanina. Habang nagrereflect ako sa mga sinabi ko kay Dad hindi ko maiwasan masaktan para sa kanya ngunit dapat lang iyon para sa lahat ng ginawa nya. “Apo? Bakit gising kapa?” Tanong ni Lola na biglang sumulpot sa kwarto ko. “Hindi ka ba makatulog?” Tumayo ako sa pagkakahiga at niyakap si Lola, duon tuluyan bumagsak ang mga luha ko. Walang salita ang maikukumpara sa nararamdaman ko. Tinapik ni Lola at hindi na nagtanong pa.Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa kakaiyak ng gabing iyon.
“Apo… Nagluto ako ng agahan para sa iyo.” Bungad na wika ni Lola pagkalabas ko palang sa Kwarto. Nagluto ito ng Sinangag na may Tuyo, itlog at longanisa. Yan ang paborito naming agahan ni Dad nuon.. Napasarap tuloy ang kain ko.
FEI’s POV
Palabas na ako ng Bahay ng makita ko si Ms. Andi na nakatayo sa labas ng bahay namin. Mukhang kanina pa sya naroon ngunit bakit kaya. “Ma’am? Ano pong ginagawa nyo rito?”Tanong ko.
“Pwede ba tayong mag-usap?” Hindi na ako tumanggi ng sinabi nyang may dala syang Van at isasabay nya na ako pagpasok sa School.May kasama pa syang isang lalaki sa likuran ng Van at isang Driver. Ngunit ng itatanong ko na sana kung sino-sino ang mga kasama nya. Isang panyo na may sobrang tapang na amoy ang tumakip sa aking ilong at bibig. Maya-maya ay nagdilim na ang paningin ko.
Namulat ako sa isang lugar na hindi pamilyar. Mukha itong kwarto ng isang bahay na luma na.”May malay ka na pala…” Tumindig ang balahibo ko ng marealize ko na hindi pala panaginig ang lahat at si Ms. Andi pala ang kumidnap sa akin. “Huwag kang matakot, wala akong gagawin..” Wika ni Ms. Andi habang humahakbang paatras at sumisenyas gamit ang dalawa nyang kamay.
Wala akong idea sa binabalak ni Ms.Andi at hindi ko rin alam kung matatakot ba ako o ano pero isa lang ang sigurado may hindi magandang mangyayari ngayon. “Bakit po ba ako nandito?” Pinipilit kong maging mahinahon ngunit nag uumpisa na akong makaramdam ng kaba.
Lalo na ng sabihin nyang.. “Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad pero kailangan ko itong gawin para mabuhay ako…” Naguguluhan ako sa mga nangyayari, hindi ko maintindihan kung ano ang pinanggagalingan ni Ms. Andi para gawin ito ngunit natatakot ako sa magiging kahihinatnan. Kung buhay nya ang magiging kapalit ng kalayaan ko natitiyak kong hindi magiging maganda ang mangyayari.
Posibleng may kinalaman ito sa nanay ko at posibleng may kinalaman din ito kay Mr. Benson dahil walang ibang pwedeng manakot kay Ms. Andi ng ganito kundi sya lang.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat