CHAPTER 3: WALK ON MEMORIES

Boses ng isang babae ang narinig ko.
Napatayo ako ng mabilis sing bilis ng tibok ng puso ko sa kaba at dahan-dahan humarap sa kanya.
Isang matandang babae ang nagsalita, tiningnan ko ito ng mabuti. Hindi sya mukhang galit o masunggit at animoy nakikilapag laro sa kanya ang maliit na tuta.
"Pasensya na po sa istorbo " nanginginig na sabi ko "Aalis na po ako.. " Nag madali akong maglakad.
"Sandali... " Nagsalitang muli ang matanda dahilan para
mapahinto ako at dahan-dahan humarap sa muli sa kanya.
"Uhm.. Bakit po? " kinakabahan kong sagot
"Ngayon lang ulit may bumisita sakin sa pagkalipas ng tatlong taon kaya pwede bang huwag ka muna umalis.." pakiusap ng matandang babae.
Mukhang mabait si lola pero teka tatlong taon?
Wala ba syang kamag-anak?
" Anong gusto mong inumin ipagtitimpla kita?" Tanong nya
"Kahit ano nalang po.. " nakangiti kong sabi
"Sige umupo ka muna riyan" Naupo ako sa sementong upuan na nakita ko kanina.
"Umiinom ka ba ng binurong kape?"
Di ko alam pero parang naexcite ako sa sinabi ni lola.. I mean
Brewed coffee? Sino bang tatanggi..
"Sige po mahilig ako sa kape." Excited kong sabi kay lola
"Sige dyan ka muna saglit " Umalis na sya at naiwan ang maliit na tuta. Nakaupo lang sya lupa at tahimik na nakatitig sakin..
Nilapitan ko ang tuta at hinimas ang ulo nito." Hello ? " pagbati ko " Goodboy ka pala e.. " Ang cute ng tuta maliit lang sya, kulay puti at mabalahibo. Di ko alam kung anong tipo sya ng aso since hindi ako mahilig mag-alaga ng aso.
Maya-maya ay dumating na rin ang matanda at maingat na bitbit ang dala-dala nyang kape.
Tinulungan ko sya sa pag dala hanggang mailagay ito sa lamesa.
"Salamat po.. " ani ko.
"Ano bang pangalan mo iha?" Tanong ni lola.
"Uhm ako po si Fei Rinza pero pwede nyo po akong tawagin na Fei.. "
" Pwede bang Rinza nalang ang itawag ko sayo.. "
Nakakapanibago since kadalasan lahat ng tao sa paligid ko Fei na ang tawag sakin pati si ate. Ngayon lang may tumawag sakin na Rinza. " Oo naman po.. Kayo bahala.. "
"Masyado ka ng kilala sa palayaw na iyon kaya gusto ko maiba naman.. " pag eexplain ni lola..
Teka pano nya nalaman?
" Kayo po? Ano po bang pangalan ninyo?" pagtatanong ko
" Ang pangalan ko ay Mercy.. "
"Pwede po bang lola mercy nalang itawag ko sa inyo?" kapal ko ba? Masanay kana..
"Oo naman.." sagot nya
"Ok lang po ba na magtanong ako sa inyo?"
Nagtatanong na nga ako e nagtatanong pa..
"Oo naman iha.."grabe sobrang napakamahinahon sya magsalita parang di makabasag pinggan. " Ano ba iyon?"
" Nabanggit nyo po kanina ngayon lang ulit may bumisita sa inyo bakit po wala ba kayong kamag-anak?"
"Meron.." ani ni lola mercy
"Asan po sila?" Naramdaman ko ag biglaang pagkalukot ni lola, tama ba ang tinanong ko? " Ayos lang naman po kung di nyo sasabihin.."
"May isa akong anak na lalaki at isang apo
na lalaki rin" natigilan ako ng mag-umpisang magkwento si lalo. '" Kaya lang halos anim na taon na nung huli akong binisita ng anak ko. Yung anak nya naman bumibisita sakin ng palihim kaya lang magtatlong taon na nung huli syang pumunta dito"
Napaisip ako sa sinabi ni lola, grabe may mga ganun klase pala ng tao. Natitiis nilang hindi makita at bisitahin sa lola sa gantong sitwasyon.

Kung titingnan, si lola ay nasa edad 60 plus na kaya dapat lagi syang may kasama sa bahay. Delikado din ang paligid, maaari syang pasukin ng mga masasamang tao o kaya naman pano pag nagkasakit sya.
" Bakit po hindi bumibisita sayo yung anak nyo? " Ang dami ko ng tanong baka naiirita na si lola
" Galit sya sakin dahil hindi ko sinuportahan yung gusto nya.. Hanggang ngayon inaatay ko na sana isang araw pumunta sya dito" Kawawa naman si lola
Ang lungkot ng buhay ni lola mercy halos di ko maimagine kung pano mabuhay ng mag-isa sa ganyang edad.
Matanda na si lola kaya hindi nya deserve ang mag-isa.
Kaya kung sino man ang anak at apo sana isang araw marealize nila na kailangan sila ni lola.
"Hayaan nyo po simula ngayon bibisita na ako dito palagi para di kayo malungkot.."
"Salamat.." nasiglahan ako ng makita ang ngiti sa mga labi ni lola. Kahit sa gantong paraan mapasaya ko manlang sya.
Hindi ko naisip na may maganda ring naidulot ang pagkawala ng id ko.
Dahil kung hindi nangyari iyon ay hindi ko siguro makikilala si lola mercy.
Habang nagkukwentuhan ay naghanda na din si lola n meryenda para may makain kami. Mabilis na lumipas ang ilang oras at kinailangan ko ng magpaalam lay lola. Babalik na ako sa school para kunin ang pass sa kaibigan ko.
Kailangan ko yun kundi di ako makakapasok sa school bukas.
Lucas Pov
--------------------------------------------------------------------------
Tula
Masaya ang lahat at pawang nakainom na katulad ko.
Pero biglang may malakas na tunog ang yumanig at sumira sa kasiyahang iyon ..
Naramdaman ko nalang na may nagbitbit sa akin habang tumatakbo papalayo sa lugar na iyon..
Napaka liwanag ng paligid sa kalagitnaan ng gabi..
Nagkalat ang usok at napaka init
Tunog ng ambulasya... Tunog ng bumbero
Hiyawan ng mga taong takot at umiiyak ang siyang tanging naririnig ..
Hindi ko na namalayan ang mga nangyayari
Bigla nalang dumilim..
Ang nag- iisang tanong..
Bakit tila ako'y nasa isang panaginip..
Ng imulat ko ang mga mata
Muli kong nasilayan ang liwanag
Ngunit sa pagkakataong ito..
Wala na ang ingay
Wala na rin ang mga usok
At Wala na ang mga taong umiiyak..
Tanging ako lang mag-isa habang nakaratay..
------------------------------------------------------------------------
Hanggang ngayon hind ko parin matapos ang tulang ito..
Hindi ko rin matandaan kung ano ang eksaktong nangyari nung araw na iyon..
Sinusubukan kong alalahanin pero sa
tuwing ginagawa ko iyon sumasakit ang ulo ko. Tanging ang sulat na ito ang nagpapa alala sakin ng mga nangyari dalawang taon na ang nakakaraan..
Ako si Lucas Benson , Second Year College, from section 1 at ang leader ng Basketball Team sa Accountacy Department.
Nahahati ang department namin sa 10 sections every year level at mayroong sariling team every level pero lahat ng leaders/representative ng every level ay nabubuo bilang isang team para ilaban sa ibang department.
Ako ang nangunguna sa tuwing may competition sa labas at loob ng campus. Matagal ko ng hilig ang pagbabasketball simula pa nung high school.
Si Papa ang nagturo sakin at suportado nya ako sa gusto kong gawin.
Sinuportahan ko din sya nung binubuo at pinapatatag nya ang Benson University.
Oo kilala nyo sya, ang nag-iisang may ari ng Benson University.
Pero nagbago ang lahat ng nakilala ang tinatag nyang skwelahan.
Naging sobrang busy sya at obsessed na sya sa naabot nya to the point na parang nalimutan nya na ako at parang sa Benson nalang umiikot ang buhay nya.

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.

    12/05/2022

      0
  • avatar
    BlossomHearts

    The blurb is interesting. This story is recommended 🤍

    12/05/2022

      0
  • avatar
    John Carlo Alde

    right

    21/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata