Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 25: SIGNS
ROSELLE's POV
Nakakapagod ang araw na ito, napaka rami naming ginawa ni Fei.
Nagpintura ng kung ano-ano at iba pa. Ngayon ko lang narealize na may favoritism talaga sa school na to. Naawa tuloy ako bigla kay Fei kasi wala syang sinasalihan na Sport kaya wala syang lusot sa mga ganitong gawain.
Kakatapos lang namin maghapunan ni mama, iniwan ko muna sya sa kwarto nya habang nanonood ng tv.
Kinuha ko ang susi at binuksan ang pintuan ng study room ko na nakapwesto malapit sa labas ng bahay namin.
Maliit lang ang espasyong nito sapat lang para sa isang tao at sapat lang din sa mga gamit na kailangan ko. Binuo ko ito simula nung dumating ako sa Manila pero ang mga gamit na naririto ay dinala ko lang mula sa lumang bahay namin sa probinsya. Pansamantala ko munang pinaupahan iyon dahil wala ring gagamit habang narito ako.
Alam ni Mama na may study room ako pero kahit kailan hindi pa sya nakakarating dito dahil sa kondisyon ng pangangatawan nya.
Nangako ako sa sarili ko na babalik lang kami sa probinsya namin kapag nahanap na namin ang tamang hustisya para kay kuya Rocky, hindi ako aalis rito hangga't hindi ko iyon nakakamit.
Mayroon itong isang higaan kung saan madalas akong nagpapahinga kapag inaabutan na ako ng madaling araw.
Mayroon din akong dalawang lamesa, isa para sa computer set ko at isa nama'y ginagamit ko para sa pagsusulat na nakapwesto sa gitna, dito ko rin inilalatag ang mga papeles kapag may research akong ginagawa.
Mayroon akong isang malaking kabinet na hinati sa tatlong linya, dito nakalagay ang mga libro at piraso ng dyaryo na inilabas noong mainit pa ang issue tungkol sa pagkamatay ng kuya ko. Inipon ko ang lahat ng iyon, wala akong pinalampas na piraso.
Mayroon din akong isang white board na nakatapat sa lamesa, dito nakadikit ang mga litratong nakikilala ko sa bawat araw na pumapasok ako sa Benson University.
Ang pinaka-unang tao na inilagay ko rito ay si Chad Roque dahil sya ang unang-unang nameet ko nung unang araw ko sa school.
Sya ang nagwelcome visit sakin sa buong department. Sya ang President ng Department namin at ang consistent Top student ng school.
Pangalawa naman ay si Fei Rinza Abella, wala akong idea kung magkakilala sila ng personal pero nakita ko silang magkayap isang beses.
Nakita ko rin silang magkausap noong naglilinis si Fei ng mini court na tago sa Campus.
Ang pangatlong tao na listahan ay si Zyra Urmeta, nung una akala ko ay simpleng babae lang sya pero mukhang mali ako ng interpretasyon sa kanya.
Marami syang itinatago lalo na sa mga kaibigan nya. Nitong mga nakaraang araw nakakapanghinala ang mga kinikilos nya lalo na nung narinig kong may sasalihan syang grupo. Hindi nya iyon nabanggit samin at ngayon sa tingin ko ay umiiwas sya.
Pang-apat si Cjay, nakikita ko syang seryoso sa pagvovolleyball nya at sa aking palagay ay itinuturing syang malaking kaaway ni Zyra. Ang tanong bakit ganun nalang ka eager si Zyra na matalo si Cjay kahit na magkaibigan sila.
Pang-lima ay si Tyron Villacruz, kailan ko lang sya nakilala pero napakalaki na kaagad ng ebidensyang ibinigay nya sa akin. Sya ang may-ari ng kotseng nakasagasa kay Kuya pero hindi sya nakulong dahil napatunayan na hindi sya ang driver ng kotse ng araw na iyon at isang CCTV footage ang nagpatunay non pero ang ipinagtataka ko kung marami palang CCTV sa Benson bakit walang maayos na kuha sa nangyari kay Kuya.
Ang tanging footage na ipinakita nila ay napakalayo at ang tanging makikita mo lang ay ang actual na pagkasagasa kay Kuya. I'm sure na may mas malapit pang fotage, malaki ang hinala ko na may iba pang kuha na hindi lang nila inilalabas.
At ang last but definitely not the least ay si Mr.Roberto Benson. Hindi ko pa sya nakausap ng personal pero kanina nakilala ko na sya.
Sya ang may-ari ng Benson University, hindi malabong may alam sya sa tunay na nangyari ng araw na mamatay si kuya. Hawak nya ang lahat Securities at Staffs ng school kaya posibleng hawak nya rin ang mga ibidensya.
May isang tao pa akong gusto idagdag sa listahan, walang iba kundi ang sinasabi nilang anak ni Mr.Benson kaya lang hindi ko alam ang pangalan nya. Sabi nila nag-aaral din sya sa Benson pero ayaw nitong magpakilala bilang Anak ng School owner. Nahihirapan akong alamin kung sino sya.
Gusto kong malaman kung bakit sya nagtatago, posible kayang sya ang pumatay kay kuya kaya hindi sya nagpapakilala? Paano kung mayroon palang umaailigid sa school na murderer?
Idinikit ko sa white board na may nakalagay na question mark at ikinonekta ko ito sa larawan ni Mr.Benson. "Darating din ang araw na makikilala kita.."
Kinabukasan bumalik ulit kami ni Fei sa ginagawa namin sa school. Marami pa rin kasi ang kailangan ayusin. Ilang oras na kaming magkasama pero pansin ko na tahimik lang ito at mukhang may malalim na iniisip. "Fei okay ka lang ba?" Tanong ko.
"Ha? Okay lang naman.." sagot nito.
"Kanina kapa kasi walang imik dyan kaya akala ko may problema ka."
Ngumiti ito. "Di ah, may nangyari lang kasi kagabi kaya wala ako sa mood ngayon."
"Ganun ba? Si Lucas nanaman ba yung problema mo?"
"Huh?.. Hindi..."
"Okay.." hindi na muling nasundan ang usapan na iyon.
LUCAS's POV
Inaya kong magbasket ball si Kobe para madistract ako sa mga nangyari kahapon pero kahit anong gawin ko hindi ko parin mawala sa isipan ko kung paano nalaman ni Fei ang pagkatao ko. May nagsabi kaya sa kanya?
"Aray!" Dahil nasa kawalan ang isipan ko hindi ko na namalayan na natamaan ko na si Kobe sa braso ng bola. "Ano bang nangyayari sayo parang wala ka sa wisyo? Kawawa lang ako kapag nagpatuloy pa tayo sa paglalaro. Dapat yata nag-inom nalang tayo."
Pumayag ako sa alok nito at pumunta kami sa bar na pagmamay-ari ng magulang ng girlfriend nya.
Nakailang baso na rin ako ng alak na iniinom pero wala pa ring tama sa akin samantalang si Kobe ay pumipikit pikit na sa kalasingan.
Walang tigil pa rin ang panggugulo sa isipan ko ang nangyari sa hiling pagkikita namin ni Fei.
Naikuwento ko na kay Kobe na nagkasagutan kami ni Fei pero di nya pa alam ang buong detalye.
"Bakit ba kasi hindi nalang kayo mag-usap ng maayos tutal alam nya na kung sino ka talaga..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kobe. Bukod kay Kobe, Tyron at Cjay tanging mga guard, professors at staff lang ng Benson ang nakakaalam ng pagkatao ko.
Medyo marami na pero ko naimagine na isa pa sa mga kaibigan ko ang magbubukas ng sikreto ko. "Anong ibig mong sabihin? Ikaw ba nag sabi sa kanya?"
"Oo.." Napatakip ito bigla ng bibig at nanlaki ang mga mata.Nawala si Kobe sa kalasingan ng marealize nya ang mga nabanggit nyang salita. "Uhm.. pre.. ano kasi na-dulas lang a-ako nun kaya nasabi ko..."Utal-utal nitong paliwanag.
" Wag ka magalit sakin please..." Sa takot nito ay umalis ito sa kinauupuan at lumuhod sa sahig.
"Tumayo kana.. Huli na rin para magalit ako dahil alam nya na.."Pinili kong maging kalmado kahit na sa loob ko ay nanggagalaiti ako sa inis sa ginawa ni Kobe.
Ngunit gaya ng nasabi ko huli na rin para magalit pa ako. Ang tanging tanong ngayon ay kung ano ang balak ni Fei sa nalaman nya.
Inalalayan ko si Kobe sa pagtayo ngunit nakayuko parin ako sa kahihiyan. "Hindi ako galit sayo pero may utang ka sakin." Banta ba iyon? I don't think so..
Natapos ang gabi na todo hingi ng tawad sakin si Kobe. Nakakabigla sa totoo lang.
Masyado na rin kaming napapalapit sa isa't isa ni Fei kaya nakakapanibago na parang bang magka away kami ngayon sa hindi malamang dahilan. Sa katunayan, ngayon ko lang nakita ang side nya na iyon. Ibang iba sa Fei na kilala ko. Matapang at may iba sa mga titig nya. Para may puot ito o baka talagang hindi ko pa sya kilala. Nag- assume lang ba ako na kilala ko ang tunay na Fei at ano kaya yung sinasabi nyang kasalanan ng pamilya ko sa pamilya nya.
Roselle's POV
Binalikan kong muli ang notebook since hindi ko pa rin ito naibabalik sa kanya. Binasa kong muli ang mga nakasulat dito. Ngayon ko lang napansin na may isang page pala ang nakatupi rito. Malamang kaya hindi ko ito nakita ay dahil sa pagmamadali upang maibalik ito ng mas maaga sa kanya. Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi ko ito naibalik sa kanya.
Binuklat ko ang pahina na nakatupi at maraming nakasulat rito. Pumukaw sa atensyon ko ng nakalagay ritong salita.
"Plan A... Plan B?" Sa plan marami na syang naisulat ngunit sa plan b ay halos tatlong salita pa lamang. Marahil ay pinag iisipan nya pa ang isusulat dito.
Habang binabasa ako ang Plan A, hindi malinaw sa akin kung sino ang taong pinagpaplanuhan nya rito dahil walang pangalan na nabanggit ngunit isang bagay na malinaw at yon ay may isang tao na mapapahamak dahil sa planong ito. "Hindi kaya para kay Cjay ito?." Hindi ko naisip na ganito pala mag isip si Zyra. "You're a bit interesting Zyra.."Kaya nyang gawin ang kahit na ano para lang sa gusto nya.
Dapat ko bang sabihin kay Fei tutal magkaibigan sila, baka pwede nyang mabago ang isipan ni Zyra o mas mabuting manahimik nalang ako at panoorin ang gagawin nya.
Ilang araw na ang nakalipas ngunit hanggan ngayon ay pinag iisipan ko pa rin kung sasabihin ko ba kay Fei ang plano ni Zyra.
Dalawang araw nalang Volleyball competition na, paunti na ng paunti ang oras ko para magdesisyon sa kung ano ba ang gagawin ko.
Sa totoo lang pwede kong isawalang bahala ito ngunit ayaw kong dalhin ang konsensya habang buhay dahil wala akong ginawa when in fact I know what to do.
Isang duguang kamay ang pilit na kumakapit sa aking binti. Kamay ng isang lalaki na puno ng dugo sa mukha at katawan. Nagmamaka awa ito na tulungan ko sya. Matindi ang kapkt nito at hindi ako makaalis. Mukha ni Cjay ang nakikita ko. Duguan ang buo nitong katawan..
" Tu.. tu...lung..aaann..mooo akoo.." naghihikahos nitong sambit.
Bakit hindi ako makagalaw. Para akong nakapako sa kinatataayuan ko at hindi magawang igalaw ang kahit na ano man sa katawan ko. Ano ba ito....
"Ahhhhhh!!"
" Roselle!!! Gising binabangungot ka!!!" naalimpungatan ako sa boses na iyon ni mama. Panaginip lang pala lahat.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si mama na nakatayo sa gilid ko. Nakatulog na pala ako sa lamesa ko.
Sandali lang....
Nasa Study Room ako kaya pano nakarating si mama dito at pano sya nakatayo ng mag-isa?..
Inangat ko ng tingin si mama ngunit nanindig mga balahibo ko ng makita kong wala itong mukha..
Nanakit ang puw*tan ko mula sa pagkakahulog sa upuan at nagising sa katotohanan. Wala si mama sa tabi ko at panaginip lang ang lahat.
Kaagad akong nagpunta sa bahay para icheck si mama at mahimbing ang pagkakatulog nito.
Bakit ganun ang mga panaginip ko. Una si Cjay tas ngayon si mama. Tingin ko kailangan ko talagang sabihin ito kay Fei. Paano kapag may nangyari nga kay Cjay tapos wala akong ginawa. Hindi ito kakayanin ng konsensya ko.
Sinubukan kong kontakin si Fei pero hindi ito sumasagot sa phone. Siguradong tulog na sya dahil alas tres na ng madaling araw.
Sinubukan ko ulit and this time sumagot na ito.
" Hello.."
Fei ' s POV
Alas tres na nang madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Kagagaling ko lang sa kusina para uminom ng tubig, pag balik ko sa kwarto ko ay narinig ko na nagriring ang phone ko. Hindi ko ito nasagot kaagad kaya inantay ko na tumawag ito ulit. Bakit kaya napatawag si Roselle ng ganitong oras?. "Hello.... Selle?"
"Hello.. Fei!..." Tila nagmamadali ang tono nito habang nagsasalita. " May kailangan kang malaman, pwede bang agahan mong pumasok bukas para makapag usap tayo?"
"Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon?"
"Gusto ko kasi sabihin ito sa iyo ng personal..."
Napapaisip ako sa kung ano ang nais sabihin ni Roselle at kung bakit kailangan personal nya pa itong sabihin sakin.
Nagliwanag na pero hindi ko parin naipikit ang mga mata ko. Lalo lang nadagdagan ang mga iniisip ko kaya hindi na ako nakatulog.
Ikinuwento ni Roselle ang lahat ng alam nya kay Zyra at ang mga plano nito kay Cjay sa oras na nagkita kami. Nung una hindi ko gustong maniwala dahil kilala ko ito at alam ko na mabuting tao si Zyra pero nung ipinakita nya sakin ang notebook nito ay dun na nagbago ang pananaw ko sa kanya.
Akala ko alam ko na ang napakaraming bagay tungkol sa kanya pero mali ako. Wala akong alam na kahit ano. Kung paano sya kumilos at kung paano sya mag isip. Napakalayo ng Zyra na kilala ko sa Zyra na nababasa ko sa Diary na ito.
Kaya pala sya umiiwas samin dahil may binabalak syang hindi maganda.
Nagdesisyon akong kausapin si Zyra, ayaw akong payagan ni Roselle pero hindi ako nagpapigil. Pinuntahan ko at hinatak si Zyra palabas ng court. "Ano ba! Fei! Anong problema mo!" Sigaw nito.
Nagmamatigas ito at ayaw sumama pero wala syang nagawa ng tinulungan na ako ni Roselle sa paghatak sa kanya. "Bakit ba!" Nagpupimiglas pa rin ito.
"Anong balak mo gawin kay Cjay?" Diretsahan kong tanong rito.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo.." pagtatanggi ni Zyra.
"Nung nakaraan napansin ko na ang pagiging malamig mo, iniiwasan mo kami. Ano bang nangyayari? Tapos ngayon malalaman ko na may binabalak kang masama kay Cjay. Anong kasalanan nya sayo?"
"Saan nyo ba nalaman yan ha!" Tumataas na ang boses nito habang nagsasalita. "Tsaka bakit nyo ba ako inaakusahan sa bagay na hindi ko alam!"
"Hindi mo alam?" Itinaas ni Roselle ang notebook ni Zyra at ipinakita ito sa kanya.
"Ano yung mga sinulat mo rito? Diba sayo ito?"
"Paano napunta sa iyo yan?" Ramdam ko ang kaba ni Zyra ng makita ang notebook. Bigla itong naging balisa at akmang aagawin ang notebook. "Akin na yan!" Ngunit hindi ito nagtagumpay.
"See.. Sayo nga ito. Nabasa ko lahat ng nakasulat rito. " Sagot ni Roselle.
"Bakit Zyra.. pano ka nakakapag isip ng ganyan kay Cjay? Napaka bait nya satin!" Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Hindi ko mapigilan maluha dahil hindi ko matanggap na nagkakaganito si Zyra.
"Hindi nyo ako naiintindihan at hindi nyo ako maiiintindihan!" Umiiyak na rin si Zyra.
"Edi ipa-intindi mo! Magkakaibigan tayo diba kung may problema ka pwede mong sabihin, pwede kang humingi ng tulong sa amin."
"Hindi nyo ako matutulungan...Hindi nyo alam kung ano ang pinag dadaanan ko, kaya wag kang mag marunong!" Padabog na umalis si Zyra sa harapan namin pero umiiyak din ito katulad ko.
Napakabigat sa pakiramdam ng mga nangyayari. Bakit kailangan magka-ganito si Zyra.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat