Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 22: SORRY NOT SORRY
LUCAS's POV
Kakatapos lang ng second subject namin pero hanggang ngayon wala pa rin si Tyron. Hindi ko alam kung pumasok ba sya pero usually kapag ganitong wala pa sya sa room its either absent sya or nakatambay sa hideout.
Sinubukan kong pumunta sa hideout para icheck kung nandun sya pero wala ito. Inaya ko si Kobe na sumama sakin pero tumanggi ito. Badtrip yata sya, i don't know why..Kanina pa wala sa mood. " I guess absent nga sya.." Wala naman syang sakit kaya bakit sya wala? Anong kayang dahilan bakit di pa sya pumapasok.
Pabalik na ako sa room namin ng makasalubong ko si Fei. Susubukan ko sana syang lampasan kaya lang bago ko pa gawin yon ay naharang nya na ako. "Lucas can we talk?" tanong nito.
Ano kayang pag-uusapan namin? Gusto ko sanang tumanggi kaso bago pa man ako magdahilan ay hinatak nya na ako papunta sa Campus Garden. Naupo kami sa isa sa mga bench.
"Ano ba yun?" Tanong ko. " Bakit ako yung hinatak mo ngayon? Asan yung kasama mo kanina?"
Napakunot ito ng nuo. "Kanina?..Ah si Chad, may klase daw sya e."
"Kaya ngayon sakin ka nagtyatyaga?"
"Ano bang sinasabi mo?" Di ko alam kung slow ba sya or wala lang talaga syang idea sa sinasabi ko. "Anyways.. May gusto sana ako itanong sayo? May ipapakita akong picture ng babae, sabihin mo naman sakin kung kilala mo sya.."
"Paano kung ayaw ko?" Tanong ko.
"Bakit ba ang sungit mo ngayon? May dalaw kaba?"
"Tss.. Ano ako babae?"
"Yun na nga e, talo mo pa babae sa kasungitan mo. Umo-o ka nalang kasi.."
" Oo na..may magagawa ba ako.?"
Nilabas nya ang picture na dala nya pero hindi pa man sya nag uumpisang magtanong ay nakilala ko na kaagad ang mga tao sa larawang hawak nya.Si Dad yun at si tita Andi..
Pero bakit may picture sya nila? "Anong ginagawa mo?" Bungad kong tanong.
"Kilala mo ba sila? Tingin ko kasi may kasalanan sila sa pamilya ko.." Kasalanan ? Anong kasalanan ni tita Andi at Dad sa pamilya nila? Iniimbistigahan nya ba ang pamilya ko?
"Kilala ko si Mr.Benson pero yung babae di ko sya kilala.. Gusto ko sanang makilala sila, baka sakaling sila ang makasagot sa mga tanong ko."
"Yan lang ba ang dahilan kaya moko tinawag?
Tatanungin mo lang ako kung sino sila? "
Hindi ko macontrol ang biglang pagtaas ng tono ng boses ko. Hindi ko gustong magalit sayo Fei pero kung tungkol na ito sa pamilya ko. Wala kang makukuha sakin.
"Chill...Bakit ka nagagalit? Tinatanong ko lang naman kung kilala mo sil---"
"HINDI KO SILA KILALA!" Umalis na ako kaagad at iniwan ko syang mag-isa.
Sorry Fei pero hindi kita matutulungan sa gusto mong gawin. Pinoprotektahan ko lang ang pamilya ko.
FEI's POV
Hindi ko magets kung bakit ganun nalang ang naging reaksyon ni Lucas nung ipinakita ko sa kanya yung picture. Parang bigla syang naging ibang tao in a snap. Nag iba ang mga tingin nya, nanlilisik ito at puno ng mga salitang hindi nya mabanggit sa akin ng personal. "Napakatindi ng mood swing nya..kaloka!" Bulong ko sa sarili habang binabaybay ang daan patungo sa room namin.
Sa di kalayuan nakita ko si Kobe na naglalakad mag-isa. Nilapitan ko ito. "Kobe!" tawag ko sa kanya. Katulad ni Lucas, nakababa rin ang mga kilay nitong sumalubong sakin. "Anong nangyari sayo?"
"Wala.." malamig nitong sagot "Bakit?"
"Hindi ba maganda ang bungad ng araw nyong magkakaibigan at puro kayo nakasimangot?"
"Ano ba kasi yun?" Alam kong hindi kami close pero hindi na ako nagdalawang isip na hatakin sya papunta sa isa sa mga rooms na walang tao. "Hoy! Anong gagawin mo sakin? Please wag ako! Magagalit sakin si Lucas!" Kung makasigaw ang lalaking ito kala mo naman kung anong gagawin ko sa kanya.
"Shhh! Wag ka nga maingay!" Saway ko sa kanya.
"Wag po please!" Hindi ko mapigilan matawa habang niyayakap nito ang sarili. "Si Lucas nalang!"
"Tum--igil ka nga! Para kang sira" sinusubukan kong maging seryoso pero natatawa pa rin talaga ako kay Kobe. " Tsaka bakit ka ba Lucas ng Lucas?! Alam mo bang badtrip ako sa taong iyon!"
"Teka?! Sabi na nga ba may LQ kayo e!"
"LQ?! Hoy walang kami okay? Anong LQ?!" Di talaga magtatagal, sa lalaking ito ko mabubuhos ang pagkabuysit ko kay Lucas pag di pa sya tumigil. "Seryoso na kasi..."
"Oo na sige ano ba kasi yon?"
"May itatanong lang ako, baka kasi may alam ka dito. Incase lang"
"Hmm? Tuloy mo lang.." sagot nito
"Gusto ko sana malaman kilala mo ba yung namatay na asawa ni Mr.Benson?" Walang ano ano kong tanong.
"Oo naman, pano ko hindi makikilala e sya yung mama ni Lucas si Ms.Lucy ? Bakit?" Biglang nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig. Nagulat ito sa sarili nyang sinabi at paulit-ulit na pinalo ang bibig "Sheeesss!"
Pati ako ay nanlaki na rin ang mga mata at hindi makapaniwala sa mga nasabi nito. Kung di ako nagkakamali nabanggit nyang mama ni Lucas? Tama ba ang narinig ko? Mama ni Lucas si Ms.Lucy?
"Ikaw kasi e! Bakit mo ba tinanong sakin yan?!" paninisi nito.
"Tama ba ang narinig ko? Ibig mo bang sabihin anak ni Mr.Benson si Lucas?" Tinakpan ni Kobe ang bibig ko.
"Shhh...Wag kang maingay!, Wag mo sasabihin kay Lucas please....Mapapatay talaga ako nun" wika nito habang nagmamaka-awa.
"Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin sa kanya." Di ko inakalang ganun lang kadali na masasagot ang isa sa mga tanong ko. Kung sino ang anak ni Mr.Benson.
Si Lucas pala ang taong yun.
Kaya pala sya yung palagi namin nakikita ni Zyra sa guard house kasi sya pala yung hianahanap namin dati. Sigurado akong matatawa si Zyra kapag nalaman nya ito.
Ni hindi manlang ako nagkaroon ng hint na napakalapit lang pala sakin ng taong hinahanap ko. Napakalinis mong magtago Lucas.
Kaya ba ganun nalang sya magreact kanina? Kasi kilala nya ang mga taong tinatanong ko. Bakit nya itinatago ang pagkatao nya? Bakit ayaw nyang magpakilala? Bakit nagalit sya nung pinakita ko ang picture? May itinatago ba sya?
Ngayon mas kinakailangan ko nang mapalapit sa kanya. Dadalasan ko pa ang paglapit sayo Lucas. Kailangan kong malaman kung ano ang itinatago ng pamilya mo at ang katotohanan sa pagkamatay ni mama.
Alam nya kaya na pinatay ng kalaguyo ng dad nya ang mama nya? O kilala nya kaya ito o alam nya kaya kung may kinalaman ba ito sa nangyaring pagsabog nung araw ng birthday nya.
Habang naglalakad ako ay di ko namalayan na bumangga na pala ako sa isang puno. "Aray!.." Sa kakaisip sa mga bagay na nalaman ko halos malimutan ko nang naglalakad nga pala ako.
Ano kayang gagawin sakin ni Lucas kapag nalaman nya na alam ko na ang tunay na pagkatao nya.
Hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta basta narealize ko nalang na dinadala na ako ng mga yapak ko papunta sa hideout nila Lucas. At pagdating ko dun saktong naroon si Lucas nakahiga sa lamesa.Naglakad ako papunta sa kanya. "Pssst.. Huy..." Tiningnan nya ako na parang isa akong fan na naghahabol ng idol ko kaya tiningnan ko rin sya na parang gusto kong sabihin ano sya famous?
Umirap ito na bago tumayo sa kinahihigaan nya. "Ikaw nanaman?” Nagsasalita ito pero hindi sya tumitingin sakin. “ Kung kukulitin mo lang ako dahil sa picture tssk. Umalis ka nalang.."
"Bakit ka ba kasi nagagalit? Tinatanong lang naman kita.." Huminga ako ng malalim bago nagsalitang muli. Pag ako naiinis sasabayan ko talaga ang lalaking ito sa kasungitan nya. Pero wag... Hinga ka lang malalim Fei... Relax…
Breath in breath out.. "Sorry na.." di ko magets kung bakit ako nagsosorry sa kanya.
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa
" Lucas.. kapag pinagpatuloy mo pa tong pagsusungit mo sakin swear sasapak----"
"Umalis kana.." hindi nya manlang ako pinatapos sa pagsasalita. Walang modo!
Yung picture lang ba talaga ang dahilan kung bakit sya nagagalit sakin. Yung totoo ang babaw nya ah!
Kinagat ko ang labi ko at bumuga ng hangin.
"Bahala ka nga sa buhay mo! Che!" Umirap din ako katulad ng ginawa nya sakin kanina.
Pinapahirapan mo ako Lucas pero di kita titigilan. Mabuysit ka nalang hanggang sa sumuko ka pero di ako titigil lalo na ngayon.
Hindi ko papalampasin ang pagkakataon na malaman ang lahat.
ROSELL's POV
Hindi ko alam kung bakit napakamalas ng araw ngayon para sakin. Una nakaharap ko si Tyron at ngayon naman ginugulo naman ako ng mga alagad nya.
Simula talaga ng makilala ko ang lalaking iyon nagulo buhay ko.
Binantaan nya pa ako na aalamin nya ang tunay na pagkatao ko. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya para makitungo sya ng ganito sa akin.
Habang naglalakad ako pabalik sa room namin nakita ko si Fei na busy na kumakain ng cookies sa isa sa mga bench. "Nag-cut class ba sya?" Tumakbo ako papunta sa pwesto nya.. Nakasimangot ito at mukhang hindi rin maganda ang araw nya katulad ko. "Fei!"
Napalitan ng ngiti ang mukha nya ng makita ako " Roselle!! Buti nandito ka! " Sige lang Fei, ang galing mo mag peke ng emosyon pero kahit subukan mong itago sakin malalaman ko pa rin.
"Nyare sayo?" tanong ko sabay kuha ng cookies na kinakain nya ng walang pasabi. "Bat mag-isa ka dito? Asan si Zy?"
" Ewan ko..Hindi ko feel umattend ng klase ngayon, sobrang distracted ako mula pa kanin.." nawalang muli pekeng ngiti nito.
"Ikaw? Wala ka bang klase? Bat nasa labas ka ng room nyo?"
Sasagutin ko na sana ang tanong nya ng mapansin ko ang hawak nitong picture. Mabilis ko itong inagaw sa kanya para tingnan. "Hoy wag!" Huli na ng pigilan nya ako dahil nakilala ko kaagad ang nasa larawan.
"Si Mr.Benson at si Ms. Andi to ah? Bat may picture ka nila?"
"Wehh?! Kilala mo ang babaeng ito?"Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.
"Oo.. Prof ng mga Freshmen si Ms.Andi.."
"Huh? Bakit di ko sya kilala?" Nagsalubong ang mga kilay nito sa pagtataka. "Bat di ko sya naging prof?"
"Bakit ? Kailangan ba kilala mo lahat ng prof sa School na to?"
"Sabagay..Ikaw ano nangyari sayo bakit ang gulo ng suot mo pati buhok mo?"
"May nangyari kasi kanina.."
Ikinuwento ko kay Fei na may tatlong babae na ng gulo sakin kanina. Classmate ko silang tatlo. Sila yung nakabangga ko nung first day ko palang sa klase. Mga Tyron fanatic pala sila at nakita nilang magkasama kami kanina.
"Nung lumabas ako dun sa room na pinagdalhan sakin ni Tyron sinalubong nila ako.
Yung leader nila sinabunutan ako at ginulo yung suot kong damit at yung dalawa naman hinawakan ang magkabilang braso. Tsaka binalaan nila ako na wag nang lumapit kay Tyron kundi mas malala daw gagawin nila sakin. "
“Grabe naman sila! Mga Bully!”
Kaya ko silang labanan kung sasadyain ko lang dahil teakwondo player ako pero hindi ko na ginawa dahil gusto ko sana na hangga't maaari ayaw ko sanang gumawa ng ingay sa school na to kasi pag nangyari iyon sigurado uungkatin nila ang buong pagkatao ko. Baka malaman pa ng mga tao rito na kapatid ako ni kuya Rocky at matuklasan nila ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito.
"Teka bakit nga pala kayo magkasama ni Tyron? Anong meron ha?" ngumiti ito ng nakakaloko. "Ikaw ah!..May di ka sinasabi sakin.."
"Wala... Ano lang yun nagkataon lang na nakita nya ako.."
"Hmm.. Okay pero Ros may tanong ako?, Ano ba yung posibleng dahilan para magalit sayo ang isang lalaki kahit wala ka naman ginagawa?"
"Si Lucas ba yan?"diretso kong tanong sa kanya.
Nakikita ko silang madalas na magkasama kaya malamang sya ang lalaking tinutukoy nya.
"Hindi ah... May nagtanong lang sakin kanina, e hindi ko alam isasagot.." palusot nito.
"Hindi mo alam ang isasagot kasi ikaw mismo yung nagtatanong tama ako noh?" Tinitigan ko sya ng hindi kumukurap. "Hindi ka makakapagsinungaling sakin Fei, alam ko si Lucas ang tinutukoy mo."
"Ok fine, oo na si Lucas nga. Sagutin mo na ang tanong ko."
"May nasabi ka ba sa kanya or naitanong.."
"Meron pero i don't think yun ang rason para magalit sya sakin.."
"Nakita ka ba nyang may kasamang ibang lalaki?"
"Hindi ko sure pero kanina nakita nya akong kasama si Chad, kaya lang friends lang naman kami nun."
"Baka nagseselos sya?"
"Huh? Imposible.."
“Wala akong ibang nakikitang rason para magalit sya sayo ng walang dahilan.”
“Hayaan na nga natin sya.. By the way anong plan mo? Papasok kapa ba ngayon?”
“After ng nangyari kanina, hindi na muna siguro.. "
"Sige samahan mo nalang ako dito para di ako mag-isa..Paano pala kapag pumasok ka ulit sa klase nyo, baka ulitin nila yan? "
"Kaya ko sarili ko..Wag kang mag-alala sakin"
"Basta ha, kapag below the belt na mga sinasabi nila sayo sabihin mo sakin. Nandito lang kami nila Zyra at Cjay, mga resbak mo."
"Oo gagawin ko yun pero sa ngayon wag nyo muna ako isipin."
Nagpatuloy ang pag-uusap naming dalawa hanggang sa mag-uwian. Sabay kaming naglakad pauwi pero hiwalay kami ng sinakyan na jeep. Sobrang dami naming napagkwentuhan na dalawa, napakasarap nyang kasama kaya lang nakakalungkot na hindi ko mashare ang tungkol sa buhay ko sa kanya. Mahirap kasi baka madulas ako at masabi ko ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito.
Sa pag-uusap na iyon napag-alaman ko na ulilang lubos na pala si Fei at ang tanging kasama nalang nya sa buhay ay ang ate Sylvia nya. Parehas pala kaming iisang tao nalang ang meron sa buhay, kaya hanggat maaari sinusulit kong kasama ko si mama lalo na ngayon na mahina na ang pangangatawan nya. Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang kaming magkasama pero habang malayo pa iyon ay ititreasure ko ang bawat segundo na kasama ko sya.
Sa totoo lang kung magkapatid kami ni Fei sigurado akong magkakasundo talaga kami, para syang ate sakin. Kaso hindi pa rin ako pwedeng magtiwala ng basta basta sa kanya.
Nasa kalagitnaan ng byahe ang sinasakyan kong jeep ng mahagip ng paningin ko si Zyra na nakaupo sa isa sa mga waiting shed.
Busy sya sa pagsusulat sa hawak nitong papel.
Kaagad akong pumara at bumaba sa jeep malayo sa kinauupuan nya. Palihim akong lumapit at pumunta sa bandang likuran upang tingnan ang sinusulat nito. Sa isang Diary ito nagsusulat.
Nagring ng phone ni Zyra na nasa loob ng backpack nya. Inilapag nito sa upuan ang notebook na hawak nya at kinuha ang cellphone.
Mabilis kong kinuha ang notebook nya at dahan-dahan na umalis, mabuti at hindi nya ako napansin dahil busy itong may kausap sa phone. Kaagad akong nagtago ng makita nya na wala na ang notebook.
Hindi ko na nakita ang sunod nyang ginawa dahil kumaripas na kaagad ako ng takbo paalis. “Sana hindi nya ako nakita..” bulong ko habang humahabol sa paghinga. “Kapagod..” Napahawak ako sa magkabila kong tuhod sa sobrang pagod.
Ipinasok ko muna sa bag ko ang notebook para hindi ito mawala at tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Sa aking palagay ay hindi ako nasundan ni Zyra.
Pag-uwi ko sa bahay, kaagad kong binuklat ang notebook at dun ko natuklasan ang isinulat ni Zyra.
Hindi ito basta Diary. Nakasulat sa notebook ang mga plano nya ng gawin kay Cjay. Hindi pa ito tapos at wala pa ang tunay na gagawin nya. Nakalagay lang sa notebook na masusi nyang pinag-aaraan ang skills ni Cjay at kung sino-sino ang mga dating nakatapat nito na nakatalo sa kanya.
Sa likod ng notebook ay may nakalagay rin na picture ni Cjay, may sulat ito ekis sa mukha na sinulat gamit ang ballpen.
Mukhang seryoso talaga si Zyra na talunin si Cjay, pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun. Bigla nalang sya nagbago, ibang-iba sa Zyra na kilala namin.
May kasalanan ba sa kanya si Cjay na hindi namin alam?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat