Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 20: MAMA
ZYRA’S POV
Pagkatapos ng morning class namin tumanggi muna akong sumabay maglunch kasama sila Fei. May importanteng tao kasi akong kikitain ngayon. Sabi sakin ni Shaun ipapakilala nya na ako sa Leader ng EIST.
Naglalakad kami ngayon papunta sa isang abandonadong building sa school. “Pwedeng malaman ano bang pangalan ng leader?” tanong ko kay Shaun.
“Sya si Chad Roque, top student ng Batch natin.” Di na ako magtataka kung bakit Leader sya. Siguro matalino talaga, masipag mag-aral at masipag na atleta.
“Kinakabahan ako..” bulong ko sa kanya bago pa man nito buksan ang pintuan na nasa harapan namin.
“Don’t be..” nakangiti nitong saad “Hindi sya nangangagat..” Imbis na mawala ang kaba ko lalo lang nadagdagan dahil sa taong ito.
Nakatayo na kami ngayon sa likuran ng sinasabi ni Shaun na Leader ng EIST. Sa totoo lang kinakabahan talaga ako, hindi ko alam kung tama ba itong tinatahak ko. Pano kung may kapalit pala ang lahat ng ito? Pano kung may gagawin pala akong pagsisisihan ko habang buhay. Anong gagawin ko? Hindi naman siguro hahayaan ni Shaun na may mangyari saking hindi maganda diba?
Dahan-dahan humarap samin si Chad, hindi ko magawang tumingin sa mga mata nya.
Wala na akong pagpipilian..
Naumpisahan ko na ito..
Huli na para magbago ang isip ko..
Patuloy lang ako sa pag yuko, ayoko talagang tumingin sa kanya. Pakiramdam ko mamatay ako pag tumingin ako sa kanya.
“Natatakot kaba sakin?” Narinig ko nang magsalita si Chad “Wag kang mag-alala, hindi ako masungit” naririnig ko rin ang mahinang pagtawa nito.
Kung papairalin ko ang takot, balewala ang pagharap ko sa kanya. Narito ako dahil sa isang bagay at yun ay matalo si Cjay.
“Kung ngayon palang natatakot kana, paano ka magtatagumpay sa misyon mo?” Biglang naging seryoso ang aura ni Chad na para bang nagbababala ito. Nawala ang napakaaliwalas nitong mukha at napalitan ng kadiliman ang mukha. Pakiramdam ko may mali sa nangyayaring ito. “Ngayon palang dapat alam mo na ang mundong pinasok mo, hindi ka nandito para magpa awa lang..” Napakalalim ng mga sinasabi nya, hindi ko maintindihan.
“Sigurado ba kayong magagawa kong talunin si Cjay?” Sa totoo lang aminado talaga akong imposible ang gusto kong mangyari.
“Nakadepende yan sa desisyon mo..” Habang tinititigan ko si Chad tila nakakita ako ng demonyo sa likod ng mukha nyang mala-aghel sa kagwapuhan. “Hanggang saan ba ang kayang mong gawin para manalo ka?”
Ano bang klase ng mundo ang pinasok ko?..
Sino ang mga taong ito?..
O baka ang tamang tanong ay anong klase ng tao sila..
“Kaya mo bang pumatay?” Nanlaki ang mga mata ko ng diretsahang sinabi iyon ni Chad. Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko at napakabilis din ng tibok ng puso ko.
Hindi ko magawang sumagot sa tanong nya, tila umuurong ang dila ko sa takot.
Napatingin ako kay Shaun pati na rin sa iba pang istudyante na narito sa loob ng kwarto.
Wag nyong sabihin napapaligiran ako ng mga mamamatay tao? Hindi naman siguro..
“Bakit hindi kana makasagot? Nagbibiro lang ako..” Nagtawanan ang lahat ng studyanteng nasa paligid ko.
Yung totoo? Wala kayang nakakatawa dun. “Pero.. Pwede mo rin iconsider iyon..” naging seryoso ulit mukha nito.
Mga baliw ba ang mga taong ito? Hindi ko sila maintindihan..
“Sinabi ko na sayo, ikaw ang bahala kung ano ang gagawin mo.. Kung gaano ka kawilling na manalo..”
“Matutulungan nyo ba ako?” Ipinaliwanag ko sa kanila na hindi ko parin alam ang gagawin ko kaya kailangan ko ng tulong nila.
“ Wag kang mag-alala ako ang bahala sayo basta ihanda mo lang ang sarili mo.” Iyan nalang ang narinig ko kay Chad pagkatapos ng usapang iyon…
Hindi parin ako mapakali habang naglalakad ako pabalik sa room namin. “ Bulaga!!!” Napaupo ako sa sobrang gulat kay Fei, nadagdagan tuloy ang panginginig ng mga tuhod ko. Kaagad din akong tumayo at naglakad.
“Anuba!!” sigaw ko sa kanya.
Hindi ko na ito kinausap at pumasok na ako kaagad sa room. Hindi tama ang nagawa ko kay Fei, pero hindi din tama na nanggugulat sya.
Alam kong mali na pinagpaplanuhan ko ng masama ang kaibigan kong si Cjay kaya lang kailangan kong gawin ito. Ayaw kong mawalan ng tirahan ang pamilya ko kaya kailangan ko munang kumapit sa patalim.
Habang papalapit ang competition lalo akong kinakabahan. Alam kong naging mabuting kaibigan sakin si Cjay kaya di ko maiwasan magdaldawang isip. Ngayon palang humihingi na ako ng tawad Cjay.. Alam kong maiintindihan mo rin ang desisyon ko.
Sana ganun din si Fei. Alam kong hindi nya maiintindihan kung sasabihin ko sa kanya at baka pigilan nya pa ako . Sa ngayon mas makakabuti kung ilihim ko muna ito sa kanya. Mabuti na rin siguro lumayo muna ako sa kanilang lahat. Hahayaan ko nalang ng isipin nilang galit ako at immature kaysa madamay pa sila sa mga desisyon ko.
TYRON’s POV
LUNCH BREAK
Habang abala kaming kumakain ng lunch ni Lucas, Abot taingang nakangiti na dumating si Kobe sa pwesto namin. Ano kayang meron?
“ Guys! I’m sure maeexcite kayo sa sasabihin ko.” Walang ni isa samin ni Lucas ang pumansin sa kanya. “ Makinig muna kayo!..” reklamo nito.
“Nakikinig na kami..” Halatang napilitan lang si Lucas na sumagot kay Kobe “Ano ba kasi yon Kobe?”
“Tonight is my girlfriend’s birthday and guess what?” Pinutol nya ang pagkukwento like as if huhulaan namin ang susunod nyang sasabihin.
"She will be throwing Party on her parents owned Club House..” kumikinang ang mga mata nito habang nagsasabi ng detalye .
“So?” Walang akong intensyon na barahin ang kaibigan, its just hindi lang talaga ako interesado sa sinasabi nya.
“Pupunta tayo..”walang ano-anong sagot nito. “Dahil ipapakilala ko kayo sa girlfriend ko..”
“Dude for what? I’m pretty sure na ilang araw lang yan at magsasawa ka rin..” sagot ni Lucas.
“Dude iba to.. Seryoso na ako sa kanya promise..” Gasgas na ang linyang iyan.
“ Dude! You said that exact same line when you were with Mia, Sofie and sino nga ulit yon?” Sa dami ng babaeng ipinakilala nya samin di ko na maalala yung iba.
“Lezlie…” bulong ni Kobe.
“Yeah Lezlie, buti naman naalala mo pa names nila..” Para akong tatay na nagsesermon sa isang pasaway na anak. HAHAHAHA “After few days, asan na sila? Nakipag break kana agad..”
“I Know Dude! But this one is real promise, Punta na kasi kayo..” Di pa rin sya tapos sa pamimilit samin. “ Wag na kayong KJ!, aantayin ko kayo dun..”
Kahit tinatamad akong pumunta, pumayag nalang ako kasi kahit di kami dumating duon siguradong susunduin nya kami saan mang lupalop kami magtago ni Lucas.
Kinagabihan
Sabay-sabay kaming pumunta nina Lucas at Kobe sa party. Sinundo talaga kami ni Kobe para daw siguradong aattend kami. Wala talaga kaming palag s lalaking ito.
Pagdating nmin sa loon ng Club, napakaraming babaihan at kalalakihan ang sumalubong sa amin. Naupo kami sa pwestong nireserve para sa amin ni Kobe.
Inikot ko ang paningin ko. Sa dami ng babaeng nasa paligid namin ngayon mayroon isang babae ang hindi pa rin mawala wala sa isipan ko.
Si Roselle..
Alam ko talaga nakita ko na sya dati, hindi ko lang maalala kung san at kung kailan.
Pinag-isipan ko na mabuti kung saan ko sya posibleng nameet.
“ Dude okay ka lang?” tanong sakin ni Kobe “ Bakit parang balisa ka?”
Hindi ko alam na kapansin pansin na pala ang pagiging tahimik ko at pagkabalisa. Umiling ako at sinabi sa kanya na okay lang ako.
Maya-maya pa ay pumasok nanaman sa isip ko si Roselle.
“ Tama…Naalala ko na..” mahinang sabi ko.
Ngayon ko lang naalala na sya pala yung babaeng nakita ko na may dalang bulaklak sa sementeryo nung araw ng Death Anniversary ni Rocky. Hindi ako pwedeng magkamali, alam kong sya iyon.
Sino kaya ang binisita nya ng araw na iyon?
Kilala kaya nya si Rocky
Kung kilala man nya si Rocky , sino kaya sya?
Kailangan ko syang makausap ng personal or else di masasagot ang mga katanungan ko.
Habang abala ako sa pag-iisip, napansin ko ang pamumutla ni Lucas. Sa tingin ko ay hindi maayos ang pakiramdam nya kaya lumapit ako sa kinauupuan nya. “ Dude okay ka lang?” tanong ko.
Pinapawisan ito ng malamig habang nanginginig. Nakahawak rin ito sa ulo nya ng mahigpit. “Hindi ko na kaya.. Sobrang sakit ng ulo ko..”
Hindi ako mapakali sa kinauupuan, hindi ko alam ang dapat na gawin. Nag-umpisa na rin mag-alala ang mga tao sa paligid namin.
“ Dude, anong nangyayari?” tanong sakin ni Kobe na lumapit na rin ng mapansin nyang nagkukumpulan ang mga tao sa pwesto namin. “ Hindi ko rin alam, basta bigla nalang sya namutla..” sagot ko.
Dinala namin si Lucas sa isang kwarto na hindi rinig ang audio ng Club. Maluwag ito at maaliwalas din.
Hinayaan muna namin syang magpahinga. Ako muna ang nagbantay sa kanya.
LUCAS’s POV
Tula
Masaya ang lahat at pawang nakainom na katulad ko.
Pero biglang may malakas na tunog ang yumanig at sumira sa kasiyahang iyon ..
Naramdaman ko nalang na may nagbitbit sa akin habang tumatakbo papalayo sa lugar na iyon..
Napaka liwanag ng paligid sa kalagitnaan ng gabi..
Nagkalat ang usok at napaka init
Tunog ng ambulasya... Tunog ng bumbero
Hiyawan ng mga taong takot at umiiyak ang siyang tanging naririnig ..
Hindi ko na namalayan ang mga nangyayari
Bigla nalang dumilim..
Ang nag- iisang tanong..
Bakit tila ako'y nasa isang panaginip..
Ng imulat ko ang mga mata
Muli kong nasilayan ang liwanag
Ngunit sa pagkakataong ito..
Wala na ang ingay
Wala na rin ang mga usok
At Wala na ang mga taong umiiyak..
Tanging ako lang mag-isa habang nakaratay..
------------------------------------------------------------------------
Isang babae.. Isang babae ang nakikita ko..
Mahaba ang buhok nito..
Tumatakbo kami palayo
Humihingi sya ng tulong..
Bakit hindi ko magawang lumapit sa kanya..
May pumipigil sa akin..
Hindi ako makaalis sa pwesto ko..
Bakit ganun.. Bakit hindi ko sya matulungan..
…
…
…
…
…
…
…
..
..
.
.
.
“Dude gising! Nananaginip ka!” isang pamilyar na boses ang tumawag sakin..
“Mama!” Kaagad akong napaupo mula sa kinahihigaan ko.. Basang basa na ng luha ang pisngi ko kaya pinunasan ko ito. “ Anong nangyari?” tanong ko.
Kay Tyron pala ang boses na iyon. “Ikaw ang dapat kong tanungin, anong nangyari sa iyo?”
“Kanina bigla ka nalang namutla na para kng nakakita ng multo tapos sabi mo masakit ulo mo kaya dinala ka namin dito. Tapos habang nagpapahinga ka, sigaw ka ng sigaw ng mama..”
“Mama? Yun yung isinisigaw ko?”
Bakit parang iba naman yung nangyayari sa panaginip ko? Hindi mama yung nakita ko kundi si tita Andi.
“Oo ano ba yun nangyari nung namatay ang mama mo?” tanong ni Tyron
Ikinuwento ko kay Tyron ang nangyari nung araw nung mamatay si Mama sa mismong kaarawan ko.
FLASHBACK
Masaya ang lahat ng araw na iyon lalong lalo na ako. Suot ko ang iniregalo sakin ni mama na damit. Sabi nya iingatan ko raw iyon. "Happy Birthday Anak!” Niyakap ako ng mahigpit ni mama at ganun din ako sa kanya.
Pagkatapos ng mahigpit na yakap na iyon, nakitako ang pagtulo ng luha sa pisngi ni mama.
Sobrang close kami ni mama kaya kahit na binata na ako ay parang baby parin kung ituring nya ako. Nag-iisa lang akong anak ni Mom and Dad at sobrang saya ng pamilya namin.
Habang tinitingnan ko si Mama na umiiyak, alam ko sa puso ko na hindi iyon Tears of Joy kundi isa iyong mapait na luha. Alam kong may pinagdadaanan ngayon ang mga magulang ko kahit na hindi nila sabihin.
Madalas ko silang naaabutan na magkaaway at may samaan ng loob. Umaarte silang okay kapag nasa paligid ako katulad ngayon.
Birthday ko pero wala si Dad dito sa bahay. Lagi kong iniisip na sana hindi nalang nabuo ang Benson University para hindi na sana nahati ang oras ni Dad. Ngayon kasi natitiis nyang maging absent sa lahat ng mahahalagang okasyon sa pamilya namin.
“Anak..Kahit na anong mangyari mamahalin mo ang Dad mo okay” All of sudden sinabi iyon ni mama. Bakit parang nagpapaalam sya? May mangyayari bang hindi maganda? “Wag mong hahayaan na masira ang samahan nyo.”
“Yes ma..” Niyakap ulit ako ni mama ng mahigpit pagkatapos ay lumabas na sya sa kwarto ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako sa kwarto ko. Kanina pa nag-umpisa ang party kaya medyo nakainom na ang mga tao. Pinayagan ako ni mama na magpainom since nakagraduate na ako ng SHS.
Masaya ang lahat at pawang nakainom na katulad ko. Kabikabilaan ang nagsasayawan. Pero biglang may malakas na tunog ang yumanig at sumira sa kasiyahang iyon .. Naramdaman ko nalang na may nagbitbit sa akin habang tumatakbo papalayo sa lugar na iyon..
Si Mama, nakita ko syang nakahandusay sa sahig pero hindi ko sya magawang tulungan. Nakatingin lang sa akin ang duguan nyang mukha. At sumisenyas ng tulong ang pagbuka ng kanyang bibig.
Nanghihina ang buong katawan ko habang binubuhat papalayo sa kanya. Sinusubkan kong iabot ang kamay ko kahit napakalayo na ng pagitan namin sa isa’t isa. “Mama!” paulit-ulit kong snisigaw ang pangalan nya hanggang sa tuluyan syang nawala sa paningin ko.
Napaka liwanag ng paligid sa kalagitnaan ng gabi.. Nagkalat ang usok at napaka init. Tunog ng ambulasya... Tunog ng bumbero at hiyawan ng mga taong takot at umiiyak ang siyang tanging naririnig ..
Pag gising ko nasa hospital na ako. Walang tao sa paligid. Wala rin si Mama..
Sinubukan kong tumayo para hanapin sya pero paglabas ko sa pintuan, isang nurse ang pumigil sa akin. “Sandali si mama.. Ms. Asan si Mama?”
“Sir, kayo lang po ang dinala samin dito wala ng iba..” Panong walang iba.. Si mama alam ko duguan sya.. “ Mahiga na po kayo..”
“Miss yung mama ko kailangan ko syang makita please dalhin mo ako sa kanya..” pakiusap ko sa Nurse pero ayaw nya pa rin akong payagan umalis.
Maya-maya pa dumating na si Dad at dala nya ng isang hindi magandang balita. “ Wala na ang mom mo.. Lucas..” napako ako sa kinauupuan ng marinig kong sabihin iyon ni Dad.
“Hindi… Imposible.. Dad sabihin nagsisinungaling ka lang diba?.. Dad please..”
Lumuhod ako sa kinatatayuan ni Dad at niyakap ang binti nya na para bang batang mangmang.
“Anak.. Tumayo kana..” inalalayan ako ni dad sa pagtayo. “ Alam kong mahirap tanggapim pero yun ang katotohanan. “
Pairamdamko ay binagsakan ako ng langit at lupa ng sabay. Ano ba ang ginawa kong kasalanan para kunin nyo sakin si mama?
Bakit si mama pa?..
END FLASHBACK
“Masakit isipin na sa mismong kaarawan ko pa nawala si mama. Hanggan ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nangyari iyon.” Di ko maiwasang maging emosyonal. Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Tyron.
Di na kami nagtagal sa party ng gf ni Kobe, buti na lang at pumayag siyang umuwi na kami. Si Tyron nalang ang naghatid sakin pauwi. Saktong nasa bahay na si tita Andi ng dumating kami kaya si tita Andi na ang nag-asikaso sakin para makauwi na rin si Tyron.
“Ano bang nangyari sayo Lucas?” nag-aalalang tanong ni tita andi
“Wala naman po, medyo sumakit lang ulo ko..” Hindi ko sinasabi kay tita ang mga ganitong bagay lalo na kapag tungkol kay mama kasi ayaw ko na maoffend sya.
Simula kasi nung mawala si mama sya na ang nag-aalaga sakin kaya bilang kapalit itinuring ko na rin syang tunay na nanay ko.
“Nagugutom ka ba, gusto mo ipagluto kita?”
“Hindi na po,” umiling ako “Magpapahinga nalang ako, asan po si Dad?” pahabol na tanong ko bago pa man makaakyat sa hagdan
“Mamaya uuwi na rin iyon..”
“Sige po, matutulog na ako..” Tuluyan na akong umakyat sa kwarto ko at natulog.
FEI’s POV
Nasa kwarto ako ngayon, alas nuwebe na ng gabi oras na para matulog pero heto pa rin ako mulat na mulat ang mga mata.
Hindi talaga ako makapaniwala na napagtaasan ako ng boses ni Zyra kanina. Nanlilisik ang mga mata nya at iritable nung ginulat ko sya kanina. Wala akong naaalala na may ginawa ako sa kanyang hindi maganda para magalit sya ng ganuon. May kakaiba talaga sa ipinapakita nya sa akin nitong mga nakaraang araw.
Gusto ko sanang puntahan si ate ngayon para itanong kung ano ba ang usual na dahilan para magalit ang isang tao ng walang dahilan kaya lang naalala ko galit nga rin pala sya sakin dahil pinakialaman ko yung gamit nya. I mean gamit ni mama.
Hindi naman nya gamit iyon kaya bakit ganun nalang sya kung magalit.
Sheeesss.. Naalala ko nanaman..
Lalo lang akong hindi makakatulog nito kapag hindi ko parin makita ang lahat ng laman ng box na iyon.
Kahit na kinakabahan at nagdadalawang – isipi ay tumungo parin ako sa kwarto ni Ate, tamang tama wala nya ruon kaya Pasimple kong kinuha ang Box sa ilalim ng Cabinet at maingat itong dinala sa kwarto ko. Tagumpay! Hahaha. Ngayon masasagot na rin sa wakas ang mga tanong sa isip ko.
Binuksan ko ang sulat na may nakalagay sa cover ‘ To be open by ms. Lucy ‘ .
Sino kaya si Ms. Lucy? Anong koneksyon nya kay mama?
At bakit may sulat si mama para sa kanya?
Bago ko pa man basahin ang nakasulat. Inopen ko muna ang laptop ko at sinubukan magresearch about kay Ms. Lucy. Sa friendlist ko walang nakalagay na Lucy ganun din s friendlist ni ate Sylvia.
So it means wala sa aming dalawa ni ate ang nakakakilala sa kanya.
Tanging si mama lang..
Sinubukan kong maghanap sa Internet pero puro kilalang tao lang na may pangalan Lucy ang lumalabas at kadalasan Foreigner pa.
Imposible naman na kakilala ni mama ang mga ito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat