CHAPTER 2: INTO MY WORLD

Fei's POV
-------------------------------------------------------------------------------
" Feeeeeiiiiii!!!!! Gising na!!! "
Biglang namulat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni ate..
Bumangon ako na parang hinang hina.
"Huy ok kalang? " nag-aalalang tanong sakin ni ate sakin
" napanaginipan mo nanaman ba? " tumango lang ako. "Napapadalas yan ah.. "
Alam kasi ni ate na lagi kong napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Ang pagkamatay ni mama at pag hindi si mama minsan si papa naman.
Pareho ko nasaksihan ang pagkawala nila at hanggang ngayon hinahunt parin ako ng mga alaalang iyon. Halos dalawang taon na rin ng mangyari yon pero parang kahapon lang. Sariwa pa rin sa isipan ko lahat..
Ngayon dalawa nalang kami sa buhay ni ate kaya iniingatan namin ang isa't isa. Hindi din kami nagtatago ng sikreto sa isat isa.
Si ate ang nagpapa aral sakin habang nagtatrabaho sya sa isang telco company at ako naman nag-aaral ng mabuti para masuklian ang pag-hihirap nya.
Ganito na ang buhay namin simula nung nawala sina mama at papa.
Nag asikaso na ako para pumasok sa school.
Tuwing umaga hinahatid ako ni ate bago sya pumasok gamit ang pula nyang kotse. Favorite color nya yun at yun din ang pinaka unang sasakyan na napundar nya sa pag tatrabaho.
" Mag - aral ka ng mabuti ha " sabi ni ate habang papalabas ako ng kotse.
"Opo ma'am " humarap ako sa kanya, nag salute at kumaway habang paalis " Ingat sa byahe ate! babye ! " Tumango lang sya at umalis na rin.
Ako nga pala si Fei Rinza Abella , galing sa section 2 ng Accountancy Department, studyante ng Benson Univerity at isa sa mga myembro ng NSL( Non-Sporty Losers) sa School .Wala akong alam sa kahit na anong sports at hindi talaga ako mahilig kaya lagi akong inaasar na kabilang sa NSL pero ok lang yon kasi may atlis may kinabibilangan parin ako Hahahahah..
2st year college student palang ako at kakalipat ko lang din sa Benson University, dati kasi sa isang Government University ako nag-aaral at isang scholar pero dahil nakag-ipon si ate sabi nya gusto nyang sa magandang school ako mag-aral para madali akong makahanap ng trabaho.
Scholar parin ako sa Benson pero kalahati lang ng tuition ang naafford ng scholarship ko kaya yung kalahati si ate ang nagbabayad.. Almost a month na nung lumipat ako sa Benson at meron na rin akong naging kaibigan.
Sabi nila pag private daw maaarte at mayayabang ang mga studyante pero bakit dito parang hindi naman ganun.
So far sa one month na nandito ako wala pa akong naeencounter na mga kupal.
Sabi nila meron daw talaga kaya lang di ko pa namemeet.
Yun daw yung anak ng may-ari ng school kaya tuloy curious ako kung sino sya.
Kasi diba kapag anak ng school owner usually pinag titilian ng mga girls , ganun sa mga palabas diba pero bakit dito parang wala..
- Benson University -
Papasok na ako sa school pero hinarang ako ng guard
" Miss ID mo? " Napakunot ako ng nuo ng mapansin ko na hindi ko pala suot ang ID ko.
"Wait alam ko suot ko yun ah.." Tsineck ko sa leeg at bulsa at pati na rin loob ng bag ko pero wala. " Suot ko yun kanina sir.. "
"E bakit wala? " diretsang tanong ng guard.
"Imposibleng maiwan ko yun sir kasi sa bag ko lang yun nilalagay.. " Di kaya nalaglag? Hays ang malas naman kung ganun
" Hanapin mo muna baka nalaglag kung saan.. Sa ngayon bawal ka munang pumasok " Dahan dahan ako tinulak ni sir guard palayo sa gate
" Saglit lang po sir.. baka naman pwede nyo kong papasukin studyante naman ako dyan e.. Mamaya ko nalang hanapin, baka naiwan ko lang sa kotse ng ate ko.! " Ayaw makinig ni sir guard " Sir! Malelate na ako!! " Ayaw talaga makinig.. "Sige na nga hahanapin ko nalang " bulong ko
"San kaya napunta yun.. "
Tinawagan ko si ate baka sakaling naiwan ko sa kotse nya.
Kring...Kring...
" Hello ? " si ate
"Hello ate? nasa kotse ka pa ba? "
" Oo nastuck ako sa traffic e bakit? "
"Yung ID ko ba naiwan ko dyan ? Wala sakin e!"
"Wait check ko.." after 2 minutes ng pag hahanap ni ate "Wala e.. Baka nasa bahay ! "
" Imposible.. Hindi ko nilalapag yun sa bahay nasa bag ko lang lagi yun. "
" Baka nahulog mo.. "
Malamang na yun.. "Sige ate hahanapin ko na muna.. Baka nasa tabi tabi lang yun.."
Wait Isipin ko nga..
Kung nalaglag yun imposibleng ngayon.
Hindi kaya kahapon ko pa yun nawala tapos di ko lang napansin.
Anu ba ginawa ko kahapon?
* FLASHBACK *
- Physical Education time -
( University Court )
Ang PE activity namin today ay paglalaro ng volleyball. Last week, tinuro samin ang mga rules at mga dapat gawin habang naglalaro.
Ngayon ang actual game at nag decide ang prof na hatiin kami into group.
Kakatapos lang ng group namin and guest what ? syempre panalo kami although wala akong naiambag kasi hindi talaga sports ang hilig ko. Ginawa ko lang to dahil sa grades at dahil mandatory rule ito sa university na dapat bawat studyante mayroong atleast one or two sports na alam. Or kahit isa na dapat magaling kang gawin.
Since ang university namin ay kilala dahil sa mga athletic students , naging rule na yon. Kawawa tuloy kaming mga hindi athletic na napipilitan.
Anyways dahil ang haba ng intro proceed na tayo sa tunay na nangyari.
Kanina bago magstart ang game, tinagal ko ang ID ko since makakasagabal yun sa paglalaro ng volleyball. Nilapag ko yun sa gilid ng upuan ng grupo namin kasama ang tumbler ko.
After ng game.
Tinawag ako ni Zyra " May dala ka bang tubig? " tanong nya
Tumango ako at tinuro ang tumbler ko
Kinuha nya ito at uminom Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa room.
Since magkatabi ang tubig ko at ang ID ko I assumed na binitbit din ni Zyra ang ID ko..
* END FLASHBACK *
"Tama si Zyra.. " bulong ko
I immediately contacted Roselle at sumagot din sya kaagad. " Zar? Nasayo ba ID ko ? "
"Wala.. Bakit ? Nawawala? " well magtatanong ba ako kung hindi
" Wait.. so hindi mo kinuha nung uminom ka ng tubig?"
" Di ko napansin.. " what?
" ohmy ! .. Pwede mo bang puntahan ngayon ? Baka nandun pa.. "
" Oh sige puntahan ko ngayon, tawagan nalang kita agad mamaya.. "
OMG ! Sana wala pang nakakuha or kung meron man sana hanapin nya ako..
10 minutes ago
Bakit di parin tumatawag si Roselle? Ang tagal nya..
Kriiinngg !! ..
" Hello? Zar? ano nakita mo ba? "
Kinakabahan ako sana nakita nya.
" Wala eh .. Hinalughog ko na buong court pero walang ID .. " Huhuhu.. Pano na to..
" Check mo kaya sa Department Office.. Baka may naghatid don.. "
" Ok sige.. "
Please sana may naghatid...
Please..
Please..
Kriinngg.. "Hello Fei.. Bad News Wala daw naghatid ng ID sa kanila simula pa kahapon.. "
" Pano yun hindi ako makakapasok.. "
" Pero sabi nila bibigyan ka nalang daw ng school pass para makapasok ka parin kaya lang 3 days lang yun.. So kailangan before matapos yung 3 days mahanap mo na ID mo.."
"ok... "
May isa ka pang option, magpagawa ka nalang ng panibagong ID.. kaso diba one week yun bago nila inererelease bagong ID? so maaabsenan ka ng ilang araw. "
" Wala naman akong ibang choice diba , magpapagawa nalang ako bagong ID pero gagamitin ko rin yung 3 days pass na yun habang nag aantay sa bagong ID ko. "
" ok sige ibibigay nila yung pass sakin ngayon , atayin mo mamayang lunch para maihatid ko sayo. "
" Sige, tutal sa school naman nawala yung ID , malaki yung chance na makita ko pa yun.. Sana lang mahanap ko bago matapos yung tatlong araw. "
So ngayon san ako pupunta?
Ilang oras pa akong mag-aantay bago mag-lunch kaya naisip ko na maglakad-lakad muna hanggang makalayo sa school babalik na lang ako mamaya..
Baka may pwedeng tambayan sa malapit.
Habang naglalakad may nakita akong isang bahay actually parang hindi sya bahay. Parang shop na luma na at napapaligiran ng mga halaman.
Hanggang second floor ang taas at cute sya just imagine yung bahay ni snow white ang design nya. May dalawang sementadong lamesa at mga upuan din.
Sa malayo parang maliit sya tingnan pero malaki pag nilapitan mo na.
Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob.
Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang bahay ng aso na sobrang liit na hanggang tuhod ko lang ang taas.
" Hala may aso yata.. " bulong ko
Napaisip ako mukhang wrong move yata ang pagpasok ko rito.
Atras na kaya ako habang di pa huli ang lahat..
Minsan talaga may mga desisyon akong walang kwenta..
Anyways andito na ako so wala ng bawian.
Huminga ako ng malalim at humakbang ng isang beses ng biglang lumabas ang aso sa maliit na bahay at tumakbo sa direksyon ko.
"Mama!!! "takot na takot na sigaw ko.
Napaupo ako sa takot at sobrang kaba pero hindi sakin dumiretso ang aso kundi sa likuran ko.
" Sino ka? " narinig ko ang boses mula sa aking likuran.

Komento sa Aklat (112)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.

    12/05/2022

      0
  • avatar
    BlossomHearts

    The blurb is interesting. This story is recommended 🤍

    12/05/2022

      0
  • avatar
    John Carlo Alde

    right

    21/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata