Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/
CHAPTER 11: UNFAIR
Fei's POV Maaga akong umalis sa bahay para hanapin ang lalaking iyon. Hindi ko na maalala kung ano yung pangalan nya kaya kinailangan ko pang tingnan lahat ng lalaking makakasalubong ko. Kailangan ko syang makausap ng masinsinan para malaman kung anong problema nya sakin. Gusto ko syang sapakin at tirisin ng paulit-ulit sa sobrang inis ko sa kanya. Alam nyo sa totoo lang gwapo sana sya e kaso sobrang sama ng ugali nya. Sya yung tipo ng lalaking hindi ko talaga makakasundo kahit na kailan. Sa di kalayuan nakita ko syang naglalakad paakyat sa hagdanan. Nagmadali akong habulin sya pero dahil mas malapit ako sa kabilang side na hagdanan , duon na ako dumaan para salubungin sya. Nakarating na ako sa third floor kakahabol sa kanya. Lakas loob akong lumakad papunta sa kanya. " Hoy!" Hinatak ko sya hanggang sa hagdanan."Sumama ka sakin! " "Pinagtitripan mo ba ako ha?!" diretsahan kong tanong sa kanya. " Ano bang kasalanan ko sayo para pahirapan mo ako at buysitin ng pauli-ulit?" Hindi pa rin sya nagsasalita. "Ano?! Hindi ka ba sasagot?" Dahilan para lalo pa akong mainis. Marami syang kailangan ipaliwanag sakin pero bakit umaarte syang walang alam. " Miss ano bang sinasabi mo?" Hindi ko na napigalan ang magalit sa kanya " Nilagyan mo ako ng uling sa mukha kahapon nalimutan mo na agad?" Ano yun nalimutan nya na kaagad? " At hindi lang yon, pinaglinis mo pa ako sa hideout nyong sobrang lawak. Ano?! Pati yon di mo na naaalala?" Kita ko na parang nalilito pa rin sya sa mga sinasabi ko" Teka? hindi naman kita pinilit na linisin yon.." Ikinuwento nya sakin ang laman ng isip nya nung araw na iyon at pina intindi sakin na namisinterpret ko lang pala ang lahat. Na hindi pala iyon ang plano nyang ipagawa sakin. "Ibig mo bang sabihin hindi mo talaga inutos sakin yon? " mataas pa rin ang tono ng boses ko dahil di pa rin ako makapaniwala sa lahat ng sinabi nya. " E bakit di mo pa ako pinigilan?" "Uhm akala ko kasi nag-eenjoy ka maglinis.. " hindi ko maiwasan ang mainis pa lalo sa sinabi nya. " At saka yung uling.. hindi ko rin sinadya yon, hindi ko alam na may nahawakan pala akong kahoy na may uling. " Gustong gusto ko talaga ipamukha sa kanya ang pagkakamaling ginawa nya pero wag na lang " Alam mo ba na... Di bale na nga.. " Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko sa kanya at nagdesisyon ako na umalis na lang. Wala rin akong mapapala kung kakausapin ko pa sya. At kung totoo man na di nya sinasadya lahat ng iyon, ako parin ang nakirapan at napahiya. Kaya dapat pa rin syang mag sorry sakin but i guess di mangyayari iyon kaya mas mabuting wag na akong umasa pa. Nakayuko ako habang naglalakad habang papunta sa room namin. Hindi ko inintindi ang dinaraanan ko ng di ko sinadyang mabangga ang isang babae. "Ay sorry!" napa upo kami pareho. " Dali-dali akong tumayo para tulungan syang tumayo. " Pasensya kana.. di ko sinasadya.. "
Nakangiti syang sumagot sakin. " Ok lang.. " Mukha syang mabait at maganda rin sya. " Anong pangalan mo?" tanong nya sakin. " Ako si Fei..Ikaw? " sagot ko sa kanya. " Ako si Roselle, new student ako dito first year palang .. " Ah new student pala sya. Nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang sa narinig namin ang bell. Time na para sa first subject. Nagpaalam na kami sa isat isa. Sa tingin ko mabait si Roselle at feeling ko magiging kaibigan ko sya. Pagpasok ko sa room nandun na pala si Zar " Fei! Buti nakapasok kana? Bat wala ka kahapon?" Si Zar nga pala kaibigan ko. Zyra Urmeta ang name nya pero Zar ang tawag ko sa kanya. " May nangyari lang kahapon.. " ikinuwento ko sa kanya ang habang di pa dumadating ang prof. Time na pero wala parin sya. Hindi makapaniwala si Zyra sa mga sinabi ko sa kanya lalo na yung nangyari kahapon. Alam din ni Zyra na madalas akong mahimatay dahil nga sa past ko kaya sobra syang nag-alala ng malaman nyang nahimatay pala ako. " Pano mo pala nakuha ID mo? " Oo nga pala hindi ko pa rin nasabi sa kanya ang bagay na iyon. "Basta may nagbalik sa akin." pagsisinungaling ko. Ayoko ng ipaalam sa kanya ang pinag-daanan ko dahil lang sa sarili kong misinterpretation . Ako lang din ang mapapahiya. "Oo nga pala fei may chika ako mainit init pa.." nacurious naman ako sa sinabi nya. "Ano yun?" "Tingin ko alam ko na kung sino yung anak ni sir Benson.. " Matagal na kasi namin inaalam kung sino yung sinasabi nilang anak daw ng may-ari ng school. May sabi-sabi na dito din sya nag-aaral pero ayaw nyang magpakilala. " Sino naman?" "Etong lalaki na ito.." pinakita nya sakin ang picture ng lalaki na may kausap na guard, parang pamilyar sya. Nakasuot sya ng hoodie at pants ng male student ng benson. "Nakita ko sya pababa ng building kahapon tapos pinalabas sya ng gate. E diba hindi naman basta basta nagpapalabas ang mga guard dito sa Benson kasi mahigpit sila."
Tiningnan kong mabuti ang picture ng lalaki, kundi ako nagkakamali sya yung lalaking nakahoodie na nakita ko sa bahay ni lola mercy nung pauwi na ako. Pero kung studyante nga sya ng Benson, bakit sya nagpupunta ng pasimple sa bahay na yun? Kilala nya kaya si lola? Hindi kaya sya yung apo? Impossible.. Bakit hindi sya magpapakita.. Napansin ni Zyra ang sobrang pang-uusisa ko sa larawan kaya tinapik nya ako. "Hoy! ok kalang? Masyado kang curious kung sino sya ha. " Kailangan kong malaman kung sino sya at bakit sya pumupunta sa bahay ni lola mercy. "Ok lang ako.. " Ilang minuto pa at dumating na rin ang prof at agad din itong nag-umpisang magklase. Hindi ko magawang mag focus sa itinuturo.dahil hindi mawala sa isipan ko ang lalaking yon. Kailan ko kaya sya makikita ulit. Kailangan ko agad makilala ang pagkatao nya sa lalong madaling panahon. After ng klase sabay kaming naglunch ni Zyra sa canteen, sa di kalayuan nakita ko si Roselle na kumakain mag-isa kaya inaya ko si Zyra na sumabay kami sa kanya. "Hi Roselle.. " bati ko " Dito na kami pwesto ok lang ba?" Tumango sya. " Eto nga pala si Zyra , friend ko Zyra si Roselle new student dito. " Nagshake hands silang dalawa "Nice to meet you.." bati nila sa isa't isa. Kaparehas ko lang ng personality si Zyra kaya alam kong magkakasundo rin sila.
Zyra's POV After namin kumain tatlo nila Roselle at Fei nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako sa rest room saglit, naiwan muna sila sa canteen. By the way Ako nga pala si Zyra Urmeta, isa akong volleyball player at mas matanda ako ng isang taon kay Fei. Nagkakilala kami nung isang beses ko syang aksidenteng natamaan ng bola habang naglalaro ng volleyball. Nilibre ko sya bilang pambawi at simula nun di na kami mapag hiwalay na dalawa. Si Fei din ang nag-alaga sakin nung isang beses akong naaksidente dahil sa motor. Kasama ko ang pinsan ko nun at di sinasadyang tumama kami sa isang kotse, tumilapon ako at ang pinsan ko naman ay namatay dahil sa aksidenteng iyon. Simula non hindi na ulit ako sumakay sa motor.
Pagkabalik ko sa canteen, wala na doon si Fei at Roselle kaya dumiretso na ako pabalik sa room namin. Wala din duon si Fei kaya nag-ikot ikot akong muli para hanapin sila. "Nakakapagtaka asan kaya sila.. " Nagpatuloy ako sa paghahanap pero bigo akong makita sila. Nasa feild ako ngayon na kasalukuyan may naglalaro ng Soccer. Inikot ko ang paningin ko, nagbabaka sakali na makita sila pero natumba ako ng biglang may tumama sa mukha kong bola. Nakaramdam ako ng pagkahilo sorang lakas ng pagkakatama nito sakin. Dahilan para agad ako makatayo. Napansin ko nalang ang isang lalaking papalapit sa akin. "Ok ka lang miss?" Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nya dahil sa taas ng sikat ng araw. "Ok lang medyo naalog lang ng konti ang ulo ko. " Inilahad nya ang kamay nya at tinulungan akong tumayo. Hindi ko na natingnan ang mukha nya dahil busy akong ipagpag ang suot ko. Maya-maya ay dumating sila Roselle at Fei " Zar anong nangyari?.. " nag-aalalang tanong nila. " Ok lang ako" sagot ko. Tumalikod na din ang lalaki at bumalik sa feild ng masigurado nyang ok lang ako. Natandaan kong mabuti ang mukha. Sobrang gwapo. Agad din akong dinala sa clinic nina Fei para daw masiguradong ok ako. Ang kulit nitong di mapakali sa kalagayan ko.
Pero sino kaya ang lalaking iyon,makikita ko kaya ulit sya?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Rona Mae Faraon Amistoso
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0
BlossomHearts
The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat