Homepage/Benson University (Behind The Closed Doors)/

Benson University (Behind The Closed Doors)
@kaliwangtinta
CHAPTER 1: PEOPLE COME AND GO
Kung takot ka.. umalis kana dito" - Chad
Sa lugar na nagmistulang pangalawang tahanan na para sa atin, sino ba ang mag-aakala na isang araw maaari din itong maging tahanan ng bangungot...
"Nais ko lamang makapag tapos ngunit hindi sa ganitong paraan.." -Fei
Benson University
Isa sa mga pinakatanyag at nangungunang akademiya sa bansa.Tanyag dahil sa mga magagaling nitong atleta at matatalinong studyante. Madalas ang na ideklarang kampyon sa mga paligsahan ng kahit na anong antas o sa larangan ng academics man o hindi at ang mas nagpatanyag pa dito ay dahil sa naggagwapuhan at nag gagandahan nilang studyante.
Ito ay pagmamay-ari ni Mr. Roberto Benson na isang kilalang business man at dating guro na nagkaroon ng pagkakataon na makabuo ng sarili nyang skwelahan labinlimang taon na ang nakakaraan at kahit na bago pa lamang ay nagawa nyang makahabol sa linya ng mga pinakamagagaling na skwelahan sa bansa. Marami nang napatunayan ang Benson University lalong lalo na sa larangan ng sports at makikita iyon sa dami ng mga medalya at tropeyong naiuwi ng mga atleta nito.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga hindi nag-aaral o nag tatrabaho dito ay ang tunay nitong anyo sa loob.
Hindi natin maitatangi na lahat ng skwelahan sa buong mundo ay hindi perpekto at may sari-sariling flaws. Kahit na gaano man kaganda ay may makikita at makikita parin tayong hindi maganda sa kanila.
Ang Benson University ay may sikretong tanging ang mga guro at nakakataas lamang ang nakakaalam at ang ilan sa mga studyante na sangkot o kabilang dito.
Dadating kaya ang araw na lalabas ang katotohanan o mananatili nalang itong nakabaon sa hukay ng habambuhay.
___________________________________________________________
Chapter 1: People Come and Go
------------------------------------
Kumikinang ang paligid at napapaligiran ng madaming ilaw na kulay dilaw at puti.
May mga petals ng rosas sa sahig na animoy naghuhugis puso.
May tumutugtog ng violin at sa lamesa ay may wine na puti.
Kumakabog ang aking dibdib ng siya ay dahan dahan lumuhod at naglabas ng isang kahong kulay itim.
Tanging mga salita na pinakahihintay kong sambitin ng isang lalaking nagpatibok ng aking dibdib. Eto na.. hindi na mapawi ang ngiti..
Ng sabihin nyang.....
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"May sunog!!!!!!!!!"
Napa balikwas ako sa pagkakahiga ng marinig ko ang sigaw ni ate. Akala ko ay nagbibiro lamang sya pero hindi..
Kumakabog ng napakabilis ang puso ko at nangangatog ang aking mga tuhod.Hindi ko mamalayan ang gagawin dahil pinapangunahan ako ng takot sa aking dibdib..
Hindi ko maisip kung ano ang dapat na bitbitin tila hindi namikisama ang aking isip marahil ay dahil sa kakagising ko pa lamang.
Ngunit isang tao ang biglang sumagi sa aking isipan.
Si mama...
"Mah asan ka?!!" sumigaw ako ng napakalakas, sa pag-asang maririnig ako agad ni mama ngunit walang boses na sumagot sa akin.
Ng makita ko si Ate ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kung nasaan si mama sapagkat siya ay nagmamadaling umalis bitbit ang ilan sa mga gamit namin. "Ate!!! Si mama!!!"
Hindi ko alam kung narinig nya ako dahil dumiretso lang sya palayo. Nasa kalapit bahay namin ang nasusunog pero mabilis itong kumakalat sa mga katabi.
Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong nasa tabi ng kwarto ni mama ang apoy.
Kumatok ako ng kumatok sa pinto
At sumigaw ng paulit ulit
"Mah!!!! Mama!!!! "
Kumakatok ako ng malakas sa pintuan ngunit walang sumasagot.
Sinusubukan kong ikalma ang sarili upang makapag-isip ng tama ngunit ko maintindihan bakit hindi parin sumasagot si mama.
Naka lock ang kwarto ni mama at ang susi ay nasa first floor ng bahay. Kung bababa ako dun at hindi agad makabalik may posibilidad na hindi ko na maabutan si mama pero nagrisk ako dahil wala ng iba pang pagpipilian.
Nagmadali akong bumaba at hinanap ang susi na agad ko din naman nakuha ngunit sa dami ng mga susing pagpipilian ay nalilito ako kung saan dun ang tama at sumasabay pa ang nerbyos nararamdaman ko.
Umakyat ako kaagad at pagdating ko sa taas umaapoy na ang bintana namin. Lalo akong kinabahan dahil hindi pa din sumasagot si mama.
"Mah!!! sumagot ka please!! mah!!! " sigaw ako ng sigaw pero wala paring akong boses naririnig.
At di ko parin mabuksan ang pinto.
" Mah please!! " Nararamdaman ko na ang pagpatak ng mga luha ko sa pisngi ngunit pinipili kong magpakatatag. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi pwedeng hayaan ko nalang si mama..
May kalumaan na ang bahay at gawa sa kahoy ang mga pader nito kung kaya't madali itong kakapitan ng apoy.
Sinubukan kong gamitin ang lahat ng susi at makaraan anh ilang sigundo ay nabuksan ko na rin ang pinto. Bumungad sakin si mama nakahiga lang sa kama, walang malay at halos karamihan sa gamit nya ay umaapoy na. Nagbabaksan na rin ang mga kahoy.
Humakbang ako ng paunti unti papasok sa kwarto ngunit naharang ako ng isang kahoy na bumagsak mula sa itaas dahilan para ako ay matumba.
Napatakip ako ng ilong dahil hindi ko na kayang huminga sa dami ng usok na nalalanghap ko.
Sinubukan kong tumayo at maglakad muli papasok habang inoobserbahan kung may mga bagay ba na maaaring malaglag sa dinaraanan ko.
Nagulat ako ng may kamay na humawak sa aking braso. Isang lalaki na hindi ko kilala ang pumipigil sa pagpasok ko sa loob ng kwarto.
"Tara na ! Bumaba kana !! " sigaw ng
isang bumbero ang humihila sakin papunta sa labas ng bahay.
Sinubukan kong magpumiglas ngunit masyadong malakas ang lalaki.
" Si mama po!! parang awa nyo na... kunin nyo si mama.. " Nagmamakaawang sambit ko sa bumbero.
"Kami ng bahala sa kanya..." paninigurado sa akin ng bumbero
Habang pinapakalma ako ng mga tao nakita ko si mama, dala dala ng mga bumbero at walang malay..
Dahan dahan akong napapaluhod, tila ba nanghihina ng mga tuhod ko habang pinagmamasdan ko si mama na isinasakay sa ambulansya.
iminungkahi ng mga rescuer na isama ako sa hospital upang matingnan din ang kalagayan ko.
Si ate naman ay nagdisidyon magpaiwan dahil sa sitwasyon ng bahay namin.
Ng makarating kami sa hospital inasikaso agad si mama ng mga doctor. Ilang minuto lang akong naghintay hanggang sa lumabas ang doctor.
Napakabilis ng tibok ng puso ko habang naglalakad papalapit sakin ang doktor. Hindi ko maipaliwanag ang magkahalong takot at kaba sa aking dibdib sa bawat hakbang nito. May parte sakin na ayaw kong marinig kung ano man ang kanyang sasabihin ngunit may parte sakin na nag-aantay na sabihin nyang gising na si mama.
Tila sandaling tumigil ang mundo at humina ang bawat salitang binibigkas ng doktor.
Ang tanging tumatak sa isipan ko ay ang katagang "Ikinalulungkot namin pero wala na ang mama mo.."
"pp..p..panong wala na?.. Hindi naman sya nasunog or napaso ng kung ano.."
"well sa totoo lang hindi talaga yung sunog ang cause ng death nya.. Sa tingin ko 3 hours na syang walang malay dahil sa ininom nya.."
Napakunot ako ng nuo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ng doktor.
" anong po bang ininom nya?"
" Didiretsuhin na kita.. Na overdose sya sa sleeping pills na ininom nya... " sleeping pills?
"Pero wala po akong alam na umiinom sya ng pills.."
"Huh? Hindi mo alam? Pero sa nakikita ko sobrang tagal na syang umiinom non..."
Walang sinabi sakin si ate na ganon at hindi ko alam na umiinom sya ng pills.
"Pero pano po nangyari yun?"
Marahil ang pagkawala ni papa ang dahilan kung bakit nya nagawa ito.
" Maaring doble o triple sa bilang ng pills na iniinom nya ang pinag sabay sabay nya kaya nagcause ito ng hindi maganda. "
Dahan dahan akong pumasok sa loob ng emergency room at habang papalapit ako kay mama hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha saking mga mata.Hindi ako makapaniwalang ganun ganun nalang yun. Napakabilis ng pangyayari .
Isang taon palang ang lumipas nung iwan kami ni papa at natatandaan ko pa kung paano sya nalagutan ng hininga habang nakakapit ang kamay nya sakin at ngayon si mama naman.
Ano bang ginawa ko..
Ano bang kasalanan ko para kunin lahat ng taong mahal ko..
Bakit kailangan si mama pa..
Sya nalang ang meron kami bakit kinuha pa..
Hindi ko mapigilan sisihin ang aking sarili..
Kung dumating sana ako ng mas maaga baka napigilan kong mangyari ito..
Masyado yata akong sumandal kay mama noong nawala si papa..
Sa puntong pati sya nabigatan na..
Siguro sobrang hirap na hirap na sya nung nawala si papa kaya nya nagawa iyon..
"Sorry ma.. Naging insensitive ako, mas nagfocus ako sa nararamdaman ko kaya hindi ko namalayan na nahihirapan ka din pala.. "
Hindi ako makapaniwala..
Panaginip ba ito?
Pakiusap sabihin nyo sa akin panaginip lang ito..
Isang masamang panaginip..I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (112)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Introduction palang interesting na yung kwento😍keep it up author ang fandang story mo.
12/05/2022
0The blurb is interesting. This story is recommended 🤍
12/05/2022
0right
21/06/2025
0Tingnan Lahat