Homepage/He, Who Became Real/
I'LL WAIT
"Kinuha mo ba 'yong libro?" sa naging tanong ko ay tuluyan siyang napahinto.
"Why? You miss reading my story?" Napaikot ako ng mata sa kaniya.
"Hindi 'no. Nagtataka lang ako kasi hindi ko makita 'yong libro."
"Baka kung saan mo lang nailagay." Pinaningkitan ko siya ng mata.
"So hindi mo kinuha?"
"Sa tingin mo may paglalagyan ako?" tanong niya pabalik na ikinabuntong-hininga ko. Saan ko ba kasi 'yon nilagay?
Dahil sa may trabaho pa akong kailangang tapusin ay hindi ko siya napigilan na sumama sa akin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang pagkapasok palang namin sa loob ng publishing house ay kaagad na kaming binati ng nakakalokong ngiti mula kay Miss Erin.
"Long time no see! Russel, right?" Napansin ko sa gilid ng aking mata ang pagngisi ni Russel bago ito tumango kay Miss Erin. Tiningnan pa ako ng nakakalokong tingin ni Miss Erin kaya hinila ko na lamang si Russel patungo sa cubicle.
"Oh... my... God! Am I really seeing the two of you?!" Napangiwi ako nang umalingawngaw ang sigaw ni Ashley. "Akala ko ba...hindi kayo okay na dalawa?"
"Huh? Us?" Napakagat ako sa aking labi nang napansin ko sa gilid ng aking mata ang pagtaas ng kilay ni Russel. Napapikit nalang ako nang mariin bago ko siya hinatak sa aking cubicle.
"Hoy Penelope—"
"Mamaya na tayo mag-usap. Marami pa akong gagawin," saad ko bago humarap sa aking monitor at sinimulan ang pagt-trabaho.
Hindi naman nakatakas sa akin ang paninitig ni Russel habang abala ako sa ginagawa. Naiilang ako sa ginagawa niya kaya napapakunot nalang ang noo ko dahil imbis na maitama ko ang mga salita na inaayos ko sa monitor, ay mas lalo lamang 'yong namamali. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Russel dahil doon.
"Am I intimidating you?" tanong niya na mabilis kong ikinailing.
"H-hindi 'no. Pasmado lang talaga 'yong kamay ko." Nagpatuloy ako sa ginagawa, at hindi ko alam kung bakit sa tuwing sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili ay mas lalo lang lumala ang panginginig ng dalawa kong kamay. Napansin ko sa sulok ng aking mata ang kaniyang pagngisi dahilan para lingunin ko siya nang magkasalubong ang kilay. "Bakit ba? Huwag mo nga akong titigan."
Gusto kong sabihin na naiilang ako sa ginagawa niya, ngunit kapag inamin ko naman 'yon ay tiyak na madaragdagan lang ang ngisi sa kaniyang labi.
Napakurap-kurap nang bahagya niyang inilapit ang kaniyang bangko sa akin pati na rin ang kaniyang mukha. Itinaas niya ang kaniyang kamay, hanggang sa naramdaman kong hinawakan niya ang suot kong salamin. Napapikit ako nang unti-unti niya 'yong inalis. I didn't open my eyes, dahil masyadong malabo ang paningin ko at baka kapag nagmulat ako ng tingin ay baka tuluyan lang akong mahilo.
"I can't be wrong this time. You are her." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ano'ng sinasabi mo? Akin na nga 'yong salamin ko." Sinubukan kong kapain ang kaniyang kamay dahil alam kong hawak niya ang aking salamin, ngunit napamulat at napamaang nalang ako nang ang nakapa ko ay ang kaniyang hita. "A-ah, nasaan kasi?"
Sinubukan ko ulit na mangapa, ngunit ang kamay niya na mismo ang pumigil sa aking kamay. Ramdam ko ang paglapit ng kaniyang bibig sa aking tainga.
"Not here, Penelope. Baka kung ano'ng makapa mo." Mabilis akong napakalas sa kaniyang hawak at napalayo sa kaniya nang may narinig akong tumikhim.
"Gosh! Bakit parang dumami ang langgam dito?!" rinig kong sigaw ni Ashley hanggang sa may narinig akong tunog na tila may hinampas siya na kung ano.
Mabilis kong namang hinablot ang salamin sa kamay ni Russel nang dumait ito sa aking braso. Kaagad ko 'yong isinuot at tinapunan siya nang masamang tingin. Ngumisi lang naman siya sa akin pagkatapos. Hindi ko talaga alam kung mas gugustuhin ko ba na seryoso siya, o 'yong ganito na may kalokohan ang ngisi!
Dahil sa maagap akong pumasok sa trabaho, ay maagap din kaming nakalabas ni Russel. Napahinto kami sa paglalakad pauwi nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko 'yon sa bulsa ng aking pants at kaagad na tiningnan kung sino ang nag-text sa akin.
Ashley,
Hoy! I need an explanation! I-kuwento mo sa akin some other time, okie?
Napailing-iling ako at muli 'yong ibinalik sa aking pants.
"Who texted?" Napaangat ako ng tingin kay Russel.
"Ah, si Ashley lang. Tara?" Tumango siya sa akin kaya muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin sa kaniya nang napansin ko na halos kakaunti nalang ang kulay asul na kaniyang buhok. Halos puros itim na ang kulay ng kaniyang buhok.
"What happened to your hair?" I raised my right hand and was about to touch her hair when he immediately grabbed my hand, at pinagsaklop ang daliri naming dalawa.
"Don't mind it."
"How can I? I missed seeing your blue hair."
"You're gonna miss me more soon, more than my hair." Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Napabaling siya ng tingin sa akin dahilan para mapaiwas ako.
Hindi ko gustong isipin na baka pagkatapos ng lahat ng 'to, ay bigla akong dumating sa punto na aking kinatatakutan.
"Bakit mo ako...gustong makasama?" ang mga salitang kusa nalang lumabas sa aking bibig. Sa kabila ng kung ano siya, gusto ko pa ring marinig kung bakit niya 'to ginahawa, kung may nararamdaman ba talaga siya sa akin, o gusto niyo nalang talaga na makasama ako dahil lang sa may kailangan siya. "Do you... have feelings for me?"
Naglakas-loob akong nag-angat sa kaniya ng tingin kung saan ko nasalubong ang kaniyang mga mata. It's still the same, kahit gaano pa kung magbiro ang kaniyang mga tingin, ay hindi pa rin niyon kayang alisin ang misteryo sa likod niyon. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay.
"How about you? Do you have feelings for me?" Napalunok ako bago dahan-dahang tumango sa kaniyang tanong.
I couldn't say it loud, baka sa oras na sabihin ko 'yon ay tuluyan lang manlambot ang aking mga tuhod. And he supposed to be the one to answer my question, kaya bakit niya 'yon ibabato sa akin pabalik? Tatanggapin ko naman, kung saliwa sa inaakala ko ang sagot niya.
"H-hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Napabuntong-hininga siya bago pinisil-pisil ang aking kamay.
"Do you really want to know?"
"Hm." Tumango ako sa kaniya. "Gustong-gusto."
Mapait siyang napangiti sa akin na labis nagbigay sa akin ng pagtataka. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay at hinawakan ang tigkabila kong pisngi. Yumuko siya at bahagyang lumapit sa akin.
"I couldn't say it for now, but then this is my answer to your question." I closed my eyes, when I felt his lips touched mine.
Naramdaman ko pa ang paghaplos ng kaniyang kamay sa aking pisngi, bago siya tuluyang lumayo sa akin. My lips are in gape, because of what he did. Hindi ito ang unang beses na hinalikan niya ako, ngunit matapos niyang sabihin na 'yon ang sagot sa tanong ko sa kaniya kanina, ay labis na nagpakabog sa aking dibdib. Ano'ng ibig-sabihin ng halik niya kung ganoon? Does he love me just like what I am feeling towards him. O isa 'yong senyas na mali ako ng iniisip?
Bakit kailangan pa niya akong halikan, kung puwede niya namang sabihin ang sagot? Ano ang kinatatakutan niya para sabihin 'yon?
Gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi, ngunit alam ko sa kabila niyon ay may nakatagong pait. He tapped my head before his hand reached mine again.
"Let's go?" he asked, at imbis na magreklamo pa ay ako nalang mismo ang humila sa kaniya pabalik ng apartment.
The next day, I didn't attend the Christmas party because I decided to spend my day with Russel. Kasama ko siya sa groceries store dahil namili ako noong araw na 'yon. Pansamantala kong kinalimutan ang lahat, dahil gusto kong sulitin ang bawat araw na makakasama ko siya. Although I don't know what could might happen after Christmas, ngunit pakiramdam ko kapag hindi ko sinulit ang mga araw na kasama ko siya ay tuluyan kong pagsisisihan ang lahat.
"Next Friday is Christmas," saad niya nang nakalabas kami ng convenience store. "You don't have any class?" Umaling ako nang bumaling siya sa akin.
"Last day kahapon. Ngayon ang Christmas party namin."
"What?" Nagsalubong ang kaniyang kilay.
"And don't tell me to attend. Hindi ako pumunta dahil mas gusto kong makasama ka." Hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon sa kaniya nang diretso, ngunit wala na akong pakialam. Bakit ko pa itatago, kung kagabi lang ay umamin na ako sa kaniya? "Saan mo gustong pumunta?" tanong ko.
"Anywhere, as long as you're with me." Napangiti ako sa sinabi niya at inilahad ang aking kamay sa kaniya.
"Tara. May ipapakita ako sa 'yo." Napaangat ang kilay niya sa sinabi ko, ngunit kalaunan ay tinanggap niya rin ang nakalahad kong kamay bago niya 'yon pinagsaklop.
Nag-commute kami ni Russel patungo sa mismong lugar. Huling bisita ko kasi roon ay noong pangalawang beses siyang nagpakita na akin.
"What are we doing here? May bibisitahin ka?"
"Naisip ko lang, hindi naging maganda ang pagkikita natin sa lugar na 'to. Isa pa, gusto rin kitang ipakilala sa kanila." Hinila ko siya patungo sa puntod nina mama at papa.
Sa tuwing sasapit ang pasok, ay palagi kong binibisita ang puntod nila. It's my way of celebrating my Christmas. May mga ka-klase naman ako na nag-aakit sa akin na mag-celebrate ng Christmas sa kanilang lugar, ngunit dahil hindi ako mahilig makihalubilo ay palagi kong pinipili na mag-isa. Madalas din akong magpunta noon sa bahay nina Justin sa tuwing sasapit ang pasko, para kahit pa-paano ay makasama ko siya, but then that was before.
Magmula nang iniwan at kinalimutan niya ako bilang kaibigan, nawalan na rin ako ng tiwala sa mga taong gustong makipag-kaibigan sa akin. Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi ako malapit sa mga ka-klase ko.
Naupo kami ni Russel sa damuhan katapat ng puntod.
"Naaalala mo pa ba ang lugar na 'to? Dito kita pangalawang beses na nakita," kuwento ko sa kaniya.
"Yeah. You even thought that I'm a ghost." Natawa ako sa sinabi niya, dahil iyon naman talaga ang totoo. I was too scared that time, because he suddenly popped up like a ghost
"Ito ang unang beses na may dinala ako rito. Ikaw palang." Sumulyap ako sa kaniya kaya napalingon siya sa akin, muling bumalik ang tingin ko sa puntod. "This is how I celebrate Christmas after they died. Ikaw ba?"
Mapait siyang napangiti sa akin.
"I don't know, Penelope. I feel like I ain't living anymore. I wanted to tell you everything, pero hindi pa ito ang tamang oras." Napangiti ako nang maliit at kinuha ko ang kaniyang kamay.
Hindi ko man maintindihan ang sitwasyon niya ngayon, kaya kong mangako, na hangga't nandito siya at hindi nawawala sa aking paningin, hinding-hindi ako mawawala sa kaniyang tabi.
"I'll wait until you're ready, Russel. I'll wait."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wow its
27/09/2024
0good
11/02/2024
0goshh this is a cliffhanger! badly needed a part 2, plss make one. luv this author. great choice of words.
26/08/2023
0Tingnan Lahat