HIS EYES

"Penelope." Napitlag ako sa aking kinauupuan nang biglang sumulpot si Ms. Erin sa aking gilid. I was too pre-occupied by what Ashley told me earlier, hindi ko tuloy namalayan na nandito pala si Ms. Erin. "Aren't you going home already? It's already 1AM."
"Uhm... I'll just fix my things." Nagmadali akong nagligpit ng mga gamit ko matapos 'yon. I glanced at my right side and found that I'm the only one who's left. Nagpaalam ako kay Ms. Erin matapos kong makapagligpit.
       Hindi ako tinantanan ng paghikab habang papauwi ako ng apartment. Ilang metro nalang ang layo nang napahinto sa pag-aakalang may naghihintay sa labas ng pintuan ng aking apartment. I gaped and shook my head when I found none. Ang kirot na pansamantala kong nakalimutan kanina ay tuluyang bumalik. 
       He really doesn't tried again to talk to me. That only means one thing, he really never cared for me. He could've tried to explain everything again, but then he didn't. Napasinghap ako sa luhang kumawala sa aking mata. Gusto kong sapukin ang sarili sa sariling naiisip.
       Earlier I pushed him away, and now I am crying because he really never tried to talk to me? My goodness! I told him that I never wanted to see him again, kung ganoon, hindi na talaga siya magpapakita pa sa 'kin?
"Haist! What is wrong with you, Penelope?"
      Naibagsak ko ang sarili ko sa kama nang nakapasok ako sa loob ng apartment. My chest feels so heavy. Nagsama-sama na ang pagod at sakit.
"You shouldn't wait for him to comeback, okay?" saad ko sa sarili ko, dahil 'yon ang kailangan kong gawin. Ang hindi na siya hintayin pa.
       Hindi ko alam kung ilang oras akong nag-isip ng mga nangyari sa buong maghapon, hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
       The next day I woke up, not feeling well to go school. Iyon ang unang araw na um-absent ako, hindi dahil sa may malala akong sakit o nilalagnat, kun'di dahil sa bigat ng pakiramdam. I feel so exhausted. Ni hindi rin ako nakapasok sa trabaho dahil do'n, kaya nagpaalam nalang ako kay Ms. Erin.
       Wala sa sariling napaharap ako sa salamin nang dumating ang gabi. The tiredness on my face is visible. Para akong nag-trabaho sa buong maghapon dahil sa hitsura ko. Magulong buhok at tabinging eyeglasses.
"You didn't change at all. You're still the same Penelope that I've met."
      Bigla kong naalala ang sinabi ni Justin sa akin kahapon. Wala sa sariling napatingin ako sa aking sarili. Kung ikukumpara noong high school ako... hindi talaga ako nagbago. Ultimo ang pananamit ko ay ganoon pa rin.
      I cupped my face and slowly came closer to the mirror. Bahagya kong nilakihan ang mata ko at sinipat ang sarili sa salamin. Wala naman akong pimples o kahit na ano'ng acne sa mukha. My skin isn't that white, but it's flawless; my hair is just plain dark brown, though it's a bit mess. Maganda ang kurba ng kilay ko, kaya hindi ko ito binabawasan. My eyeglasses is not round, but it's...big.
      Napangiwi ako at wala sariling tinanggal 'yon, dahilan para tuluyang lumabo ang repleksyon ko sa salamin. I know I'm not that pretty like Eunice, but I couldn't see nothing wrong with my physical appearance. O baka tulad lang talaga ni Eunice ang mga tipo ni Russel?
"Fuck! I'm going to leave her alone, but not now!"
"Haist!" Inis kong isinuot muli ang eyeglasses at muling tiningnan ang sarili ko sa salamin. "Pangit ba ako?" Nagawi ang tingin ko sa aking suot.
       Gray lose shirts and pajamas...
       Ilang segundo ko pa 'yong tinitigan bago ko tuluyang nagulo ang buhok ko nang wala sa oras.
"Urgh! I hate you, Russel!" Sana lamunin na siya ng libro niya at h'wag na siya tuluyang magpakita pa!
      Pero wala ba talaga siyang balak na kausapin ulit ako?
      Muli kong nagulo ang buhok ko dahil sa isipin na iyon. Nababaliw na yata ako para muling hilingin na sana mapadpad siya rito upang kausapin man lang ako.  I mean, he couldn't just left just like that. Yes, I pushed him away but— "Urgh! Whatever!"
      Mabilis akong nagtungo sa banyo para makaligo. Naligo naman na ako kaninang umaga, ngunit gusto ko umulit dahil pakiramdam ko binabalutan ako ng karupokan sa katawan, at hindi ko iyon gustong mangyari. Not with someone like him!
       Kaagad ako nagpalit ng panlakad matapos kong maligo. Minsan ko lang 'to gagawin sa sarili ko, kaya sa tingin ko ay wala namang masama. With a simple cream sweet shirt that's inserted inside black high waist jeans, and white sneakers, I'm ready to go.
  
      Alas-syete pa lang ng gabi, kaya maagap pa. Nag-jeep lang ako papunta sa mall, medyo ma-traffic lang kaya natagalan.
      Inayos ko ang buhok kong nagulo dahil pinayad ng hangin nang nakasakay ako sa Jeep. I then took a deep sigh before I entered the mall. Napakagat nalang ako nang labi nang nasa tapat na ako ng salon.
      Do I really need to do this?
"Yes ma'am?" Napakurap-kurap ako nang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isang bakla na medyo matangkad at may pagka-blonde ang buhok.
"Uh... can you fix my hair?" Isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi bago niya ako tuluyang iginaya sa loob.
"Ano'ng gusto mo? Magpa-rebond? Magpakulay? What?" tanong sa akin ng bakla nang nakaupo na ako sa bangko at nakaharap sa salamin.
"Uhm... kung ano nalang siguro ang bagay sa 'kin." Muling gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.
"Are you heartbroken?" Napamaang ako sa kaniyang tanong. I didn't expect him to ask such thing. "Don't worry, paga-gandahin kita. Just relax, okay?"
       Napangiti ako nang maliit at napatango nalang sa kaniya. He did my hair for about one and a half hour, at halos napamaang nalang ako nang nakita ang sarili ko sa salamin.
      Ang hanggang dibdib kong buhok ay pinutulan niya, kaya hanggang ibaba nalang 'yon ng aking balikat. He straighted my hair and also colored it with a mixture of red and brown that made it looked shiny. Hindi ko naiwasang mapangiti.
"So?" Napaangat ako ng tingin sa bakla.
"It looks great. Thanks."
       Matapos ko sa salon ay naisip kong maglibot-libot muna sa loob ng mall. Balak ko sanang pumasok sa loob ng isang fast food dahil hindi pa ako nakakapag-dinner, nang hinarang ako ng isang babae.
"We're offering free make up, Ma'am. Do you want to try?" Balak ko palang magsalita nang hinila na niya ako papalapit sa kanilang puwesto. Hindi na ako nakapag-reklamo nang naiupo na nila ako sa bangko. "Stay still okay? Kaming bahala sa 'yo. Can you remove your eyeglasses, Ma'am?"
       Tumango ako sa babae at sinunod ang sinabi niya, ngunit kinailangan kong pumikit matapos 'yon dahil masyadong malabo ang paningin ko kapag wala 'yon.
"Oww. Mas maganda ka Ma'am kapag hindi mo suot iyan. We have contact lenses here, para hindi ka na gumamit ng eyeglasses." Pilit akong ngumiti sa babae.
"I'm fine with my eyeglasses." Hindi na ako kinulit pa ng babae matapos 'yon, kaya naman tahimik nalang ako nitong inayusan.
"Done! Look! You look stunning." Sinuot ko ang eyeglasses bago ako tuluyang napatingin sa salamin. Napahawak nalang ako sa aking mukha matapos makita ang sarili. It's not bad, the make up is just light kaya magandang tingnan.
"Thank you."
      Dumiretso ako sa fast food matapos n'yon. Dahil sa masyado akong nagutom sa paglalakad kanina ay naparami ang kain ko. After dinner I decided to buy some clothes for me. Nang nagawi ako sa cosmetics' section ay kaagad akong napahinto.
"Mas maganda ka Ma'am kapag hindi mo suot iyan. We have contact lenses here, para hindi ka na gumamit ng eyeglasses."
      Napakagat ako sa aking labi, hanggang sa napag-desisyunan ko na pumasok na sa loob. Matapos kong makapamili ay lumabas na rin ako ng mall.
        Nasa gilid ako ng kalsada habang naghihintay ng jeep na masasakyan nang nakarinig ako ng mga yabag sa aking likuran, dahilan para mapabaling ako roon.
"Russel, may iba pang paraan! I will talk to her about it—"
"I've already made my decision." Nanlaki ang mata ko nang napansin ang pigura nina Eunice at Russel. Napatakip ako sa aking bibig at kaagad na napabalik ang tingin sa kalsada.
       What are they doing here?!
"No! I wouldn't let you do it—"
"You brought me into this mess, Eunice! What do you think should I do? I wound rather die than to forget her." Napamaang ako sa aking narinig. Ano'ng sinasabi ni Russel?
"But I love you!" Napasinghap ako sa narinig kasabay ng pamilyar na kirot ng sensasyon na gumapang sa aking sistema. "Russel, I swear ikaw lang 'yong minahal ko noon pa man! Nagsisisi na ako sa ginawa ko noon sa 'yo. I didn't mean to do it, I was just—"
       Hindi ko na nakayanan pa ang mga naririnig ko at naisip na lamang na humakbang patungo sa kalsada, ngunit kasabay niyon ang pagbusina ng isang sasakyan.
       Napalingon ako sa aking kanang bahagi at naiharang nalang ang kanang kamay nang sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag ng sasakyan.
"Hey! Look out!" Napapikit nalang ako nang mariin dahil natuod ako sa aking kinatatayuan.
      Hinintay ko ang susunod na mangyayari hanggang sa isang kamay ang humablot sa aking braso dahilan para tumama ako sa dibdib ng kung sino.
"What the fuck?! Heather?! Bakit hindi ka nag-iingat?!"
"I'm in a rush! I'm sorry!" Hindi ko pinansin ang boses nina Eunice at ng isa pang babae na kausap dahil muli akong natuod sa aking p'westo dahil sa brasong nakapulupot sa aking baywang.
      Napaangat ako ng tingin at nasalubong ang kaniyang pamilyar na mga mata; ang kaniyang asul na buhok na halos nanga-ngalahati na ang kulay itim ay bahagyang pinayad ng hangin.  
      I wanted to look away, because I see worries in his eyes, fear, and longing, but then I couldn't.
"You're safe now." Because damn, I missed him.
        

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    MageLylia

    wow its

    27/09/2024

      0
  • avatar
    TabulaoAngelyn

    good

    11/02/2024

      0
  • avatar
    Maririiy

    goshh this is a cliffhanger! badly needed a part 2, plss make one. luv this author. great choice of words.

    26/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata