Napatingin ako sa bungad ng library ng may pumasok. Napabuntong hininga ako ng hindi si Kipp iyon. Dumiretso ako dito pagkatapos kong ipasa lahat ng requirements ko. Mabilis lumipas ang mga araw at next week, graduation ko na. Sa loob ng dalawang buwan, walang nagbago sa amin ni Kipp. Mas lalo nga lang kaming madalas magkasama kaya tampulan kami ng tingin at asar mula kay Kate at sa mga kasama niya sa basketball. Simula ng umamin ako sa kanya, halos araw-araw, hindi pumapayag si Kipp na hindi kami magkita kahit sobrang busy namin, lalo na siya. "Hey, sorry, kanina ka pa?" Napaangat ako ng tingin ng biglang umupo si Kipp sa tapat ko. Kita kong nagmadali siya dito kase may maliliit na butil ng pawis sa noo niya. Sinabihan ko na siya na kahit huwag na siyang magmadali kapag may usapan kami e. Inabutan ko muna siya ng facial tissue ko at agad din naman niyang pinunas iyon. Ngumiti ako at umiling, "Hindi naman. Kumusta exam?" Finals nila ngayon at alam kong mahirap yon dahil bukod sa college student siya, engineering ang kurso niya. "It's fine. Maraming alam si Sir, ayaw yata kaming maging engineer." sabi niya habang inaayos rin ang polo niya. Bagay na bagay kay Kipp iyong uniform nila. White polo lang ito at may logo ng SAA sa bulsa. Black slocks at yung id nila na may nakalagay na 'Mechanical Engineering.' "Ikaw, napass mo na lahat ng requirements mo? Tulungan kita," "Tapos na, waiting nalang sa graduation." nakangiting sagot ko pero mas malawak ang ngiti niya sakin. "I'm proud of you, Elya." Namula ako ng bahagya at napansin niya iyon kaya tinawanan niya ko. "Kilig ka nanaman sakin," mahanging sabi niya kaya binato ko lang sa kanya iyong tissue ko. Natatawang sinapo niya iyon. "Let's go? Meryenda tayo." Aniya at kinuha niya sakin ang bag ko. Nasanay ako na ganito na ang set up namin ni Kipp. Palagi kaming magkasabay pumasok at umuwi. Hindi rin pumapayag na hindi kami kakain kapag magkasama. Pakiramdam ko nga ay malapit nang madagdagan ang timbang ko! Napatingin ako sa kamay namin ni Kipp habang naglalakad kami dito sa field. Wala ng masyadong estudyante ngayon. Hindi ko maexplain kung gaano ako naging masaya sa loob ng ilang buwan naming magkasama ni Kipp. Wala akong ideya na aabot kami sa ganito. Although, hindi pa namin napapag usapan kung ano na ang estado naming dalawa ngayon. "Anong oras graduation mo?" tanong ni Kipp sa kalagitnaan ng byahe namin. "10am ang start ng ceremony namin, makakapunta ka ba?" "Of course," agad niyang sabi at tinignan niya ko saglit bago ibalik ang tingin niya sa daan. "Graduation yata ng Elya ko yun no." Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Elya ko. Ilang beses na niyang sinasabi sakin yan pero parang first time ko laging naririnig iyon kapag binabanggit niya. Hindi nakakasawa. Kinalma ko muna ang sarili ko bago sumagot. " Sa school nalang tayo magkita nun para hindi ka mainip." Tumango siya at siya pa yata 'tong excited sakin sa graduation ko. "Saan ka mag-aapply ng college niyan?" Iyon din ang tanong ko sa sarili ko. "Sa tingin mo, makakapasa ko sa entrance exam ng SAA College?" Napataas naman siya ng kilay sa sinabi ko. "Oo naman, baka nga basic-in mo lang yun." sabi niya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Napanguso ako at napatingin sa labas ng bintana. Balita ko kase, di hamak na mas mahirap ang entrance exam ng SAA sa mga college applicants kesa noong entrance exam ko sa Senior High. "Hey," malambing na tawag sakin ni Kipp kaya hinarap ko siya. Inabot niya ang kamay ko at pinisil niya iyon. Ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa manubela. "Huwag kang kabahan. I know you will ace that entrance exam, El." ngiting sabi niya na nakapagpagaan ng loob ko. "Thank you," sabi ko. Nang makarating kami sa kanto papunta sa bahay namin, nagpumilit siyang samahan ako maglakad papunta sa bahay namin. "Pasok ka muna sa loob," aya ko sa kanya pero umiling siya. "Next time kapag may dala kong pasalubong kina Tita," Nairap naman ako sa rason niya. "Kahit wala kang dala no, okay lang. Tara na, pasok ka muna." Umiling siya at ngumiti, "Ayokong mataranta nanaman si Tita kung ano ihahain sakin," natatawang sabi niya at napakamot pa ng ulo. Grabe kase mag react si mama kapag pumupunta dito si Kipp. Kulang nalang ay ihain lahat ng stock naming pagkain dito kay Kipp e. Si Papa din ganoon, ng malaman niyang pumupunta dito si Kipp. "Pagsasabihan ko nga si mama," naiiling na sabi ko. Hinawi ni Kipp ang buhok na humaharang sa mukha ko kaya nag-init nanaman ang buong mukha ko sa simple niyang ginawa. Walang kaalam-alam ang isang 'to na binabaliw niya ang sistema ko. "Sige na, pumasok kana sa loob." aniya. "Gusto kitang yakapin pero baka biglang lumabas sila Tita," natatawang sabi niya kaya napairap nalang ako. "Ingat ka, drive safely okay?" Tumango naman siya. "Yes, Ma'am." nag salute naman siya na nakapagpatawa saming dalawa. Kinabukasan, tanghali na ko nagising. Hapon pa naman ang pasok ko dahil susukatan lang naman kami para sa toga. May tatlong message sakin si Kipp. From: Kipp Esvega Good morning. Papasok na po ako :) From: Kipp Esvega You still sleeping? Ok just dream of me :p Napangiti ako ng mabasa ko ang pangalawang message niya. Binuksan ko ang pang huli niyang text. From: Kipp Esvega I'll see you on school later. Take care, eat your breakfast :) Kipp never disappoints me. Hindi siya nagbago simula nung una ko siyang nakilala hanggang ngayon, ganoon pa rin siya sakin. Akala ko ay iiwas na siya kapag umamin akong may gusto ko sa kanya at baka trip lang talaga niya ko pero hindi. Mas lalo niyang pinatunayan na seryoso siya sakin. Hindi lang talaga namin magpag-usapan kung ano na ba namamagitan saming dalawa. Hindi ko nga rin alam kung nanliligaw na ba siya e. "Elya!" Napatingin ako kay Kate. Pumasok ako sa room namin at marami na rin kaming nandito. "Sabay na tayo kumuha ng toga ah," tumango ako. "Si Owen nasan?" tanong ko sa kanya at agad kong napansin na namula siya. "Nasa..Nasa faculty pa," utal niyang sabi kaya natawa ako sa reaksyon niya. Alam ko namang may something na rin sa kanila. Makaganti man lang sa panunukso niya samin ni Kipp. "Hindi ka pa sasabay samin pauwi?" Tanong niya at umiling lang ako. Napataas naman ang kilay ni Kate. "Magkasama nanaman kayo no?" Tumango ako at bahagyang ngumiti. "Hay nako! Hindi na kayo mapaghiwalay." Naiiling na sabi niya sakin at nagpaalam nalang na mauuna na sila ni Owen. Tumagal ng 30 minutes ang paghihintay ko kay Kipp dito sa canteen. Napatayo ako at agad akong napangiti ng makita ko siyang papasok na dito. Kakawayan ko sana siya ng makita kong may kasama siyang babae. Nawala ang ngiti sa labi ko at ibinaba na ang kamay ko na balak sanang kawayan siya. Ngayon ko lang nakita ang babaeng kasama niya kaya nakakapagtaka lang na hindi mga kabarkada niya. Nakita kong ginulo ni Kipp ang buhok ng babae tulad ng ginagawa niya sakin. Rinig na rinig ko pa ang tawanan nila dahil ako lang naman ang nandito bukod sa mga nagtitinda. Gumawi ang tingin sakin ni Kipp at agad niya kong kinawayan. "Kanina ka pa? Sorry nagpa photo copy lang kami--" "Are you Elya Llanos?" Pagputol sa kanya noong babae pagkalapit nila sakin. Napansin kong engineering student din siya base sa id lace niya. Tumango lang ako at ngumit ng kaunti. "Nice to finally meet you! I'm Trisha, Kipp's block mate." aniya at nabigla ako ng bigla niya kong bineso sa pisngi. "Uhm, nice to meet you rin." awkward kong sabi sa kanya at lumipat ang tingin kay Kipp. "Nakapag pasukat kana?" tanong ni Kipp. Gusto ko siyang irapan. Ewan ko pero bigla akong nawala sa mood. Ang tagal kong naghintay dito tapos ang magiging bungad sakin ay nakikipagtawanan siya sa ka block mate niya. Tumango nalang ako, "Oo, may klase ka pa?" "Wala na, pero may--" "May gathering kami ngayon sa Engineering Department, inaaya namin si Kipp pero tinanggihan niya kame." sabat ulit ni Trisha sa tabi niya. Pinigilan kong maglabas ng emosyon sa harapan nila. Si Kipp ang tinatanong ko pero bakit ba siya sabat ng sabat. "I already told you, I can't." sabi ni Kipp sa kanya. "May pupuntahan pa kami ni El." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ko matandaan na may sinabi siyang aalis kami. "Ha? Saan naman tayo--" "Elya, can you please convince Kipp na sumama samin? Lagi nalang siyang hindi sumasama because of you e, please?" pagputol ni Trisha sakin. Na-offend ako sa sinabi ni Trisha. Because of me? Kaya hindi nakakasama sa kanila si Kipp? "No, you don't have to El." sabi ni Kipp sakin. Nilipat naman niya ang tingin kay Trisha. "You can posts your pictures. Magrereact nalang ako," tumatawang sabi ni Kipp sa kanya at napanguso naman si Trisha. Kinagat ko ang ibabang labi ko at kinuha ko na iyong bag ko. Napansin ni Kipp ang ginawa ko. "Tara na?" Nakangiting sabi niya sakin pero umiling lang ako na nakapagpa kunot ng noo niya. "You can go with them Kipp, uwi na ko." tipid ang ngiti ko pagkasabi ko noon sa kanya bago sila iniwanan doon sa loob. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa. Tutal, kasama naman niya iyong Trisha. Ayoko namang maging dahilan kung bakit hindi nakakasama si Kipp sa mga kaibigan niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hi good
08/08/2025
0more to eran
03/05/2025
0jjbnjsjsjjs
13/10/2024
0Tingnan Lahat