logo text

Chapter 19

"Pinapabigay ni Ma'am."
Nandito kami ngayon sa gilid ng hallway. Umalis muna kami sa tapat ng dean's office, ang mga ka band mates naman ni Xyler ay nauna na.
Inabot naman nito ang notebook niya, "Thanks."
Sinilip ko si Kipp na nakasandal lang sa gilid habang nakatingin samin. Akala ko ba hindi siya nakasunod sa akin bakit nandito pa siya? Kada nahuhuli niya kong tinitignan ko siya ay iirapan lang niya ko! Ano bang problema niya?
"Is there any assignments given to us?"
"Wala naman," sagot ko, pinipigilang mautal sa harapan niya. "Two weeks from now is our midterm exams," pag-iinform ko sa kanya.
"Uhm, Can I ... Can I borrow your notes?"
Sinalubong ko ang tingin niya at nakita kong nahihiya siya. Tumikhim muna ako at tumango.
"S-Sure. Bigay ko nalang sayo bukas." Nakakahiya, makikita niya sulat-kamay ko!
Mahirap din pala kapag nasa club ka. Madalas wala sa klase kaya ang hirap maghabol ng lessons at activities niyan.
"Pinapabigay ni Ma'am,"
Napairap ako ng pangatlong beses nang ulitin ni Kipp iyong sinabi ko kanina.
Hindi naman ganoon katagal ang naging usapan namin ni Xyler. Hindi ko alam anong problema ng isang 'to at lahat ng sinabi ko kanina kay Xyler inuulit-ulit niya, halatang nang-aasar nanaman.
"Sure, bigay ko nalang sayo bukas." eksaheradang ulit niya at ginawa pa niyang pambabae ang boses tsaka inartehan.
"Hinihiram lang 'yung notebook, hindi sinabing hihingin kaya bakit ibibigay." Reklamo niya sa likuran ko.
Nakarating na ko sa sakayan ng jeep at nakasunod lang siya sakin the whole time. Pinigilan kong patulan ang pang-aasar niya sakin kase ako lang din naman ang matatalo.
Saktong may huminto ng jeep kaya malaki ang naging ngiti ko. Hindi ko na kailangang magpigil ng pasensya sa lalaking kasama ko.
Bago ako sumakay ay tinignan ko muna siya, tinaasan lang niya ko ng kilay na para bang may malaki akong kasalanan sa kanya.
Napabuntong hininga ako at iniikot ang mata sa ere.
"Mauna na ko, bukas mo nalang ako badtripin."
"Okay. Pagdasal mo nalang ako kay San Pedro." walang gana niyang sabi tsaka tumalikod na. Nandoon na pala sa gilid ang kotse niya.
Napailing ako at umupo na sa bakanteng upuan sa jeep. Hindi ko rin alam bakit ko sinabing bukas nalang niya ako badtripin. Para ko tuloy siyang binigyan ng consent para asarin ako bukas. Nasanay nalang siguro talaga ko na araw-araw, nambubuwisit sakin si Kipp.
Kinabukasan ay napahinto ako saglit ng makita si Xyler na nasa room na. Ang iba kong kaklase ay kinakamusta ang naging experience niya nung battle of the bands at sinasagot naman niya ang ilan dito.
Magkasunod kami ng upuan ni Xyler sa isang subject kaya tahimik akong pumunta sa pwesto ko.
Ngumiti lang ako ng konti ng magtama ang tingin namin. Tumango lang siya at sinagot na ang mga kaklase ko.
Naging smooth lang ang daloy ng klase namin ngayong umaga. Hindi na rin kami masyadong binigyan ng gawain para raw makapag focus kami sa pagrereview for the upcoming exam.
Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago iabot kay Xyler iyong mga notes ko sa walo naming subjects. Sinigurado ko muna kagabi na kumpleto iyon lahat.
"Uhm, Xyler.." tawag ko sa kanya.
Agad naman siyang tumayo sa upuan pagkatapos niyang ayusin ang gamit niya sa bag. Kinuha niya mula sa kamay ko ang mga notes ko.
"Thank you," aniya at napakamot siya sa ulo niya, halatang nahihiya pa rin. Cute.
"Are you sure.. it's okay with you? Malapit na ang exam and here you are, lending me your notes instead of reviewing using this?"
Tumango ako kaagad at nag hand gesture pa na okay lang.
"Wala 'yun. M-May lectures naman ako sa isa ko pang notebook."
He sighed. "Are you going to eat? Sabay na tayo, libre ko na for doing me a favor."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nasamid pa. Ako, inaaya niya?!
"H-Hindi na, okay lang. May gagawin pa rin ako." tarantang sabi ko.
Wala naman talaga kong gagawin. Nagpalusot lang ako kay Xyler kase nahihiya ako. Kapag naiisip ko palang na sabay kaming kumakain, nag-iinit na agad ang mukha ko.
"But it's lunch. Hindi ka kakain?" tanong niya at bakas sa boses niya ang pagtataka.
Awkward akong umiling, "Diet," my god! Kelan pa ko nag diet?!
Ang pangit ko magsinungaling, kay Xyler pa talaga!
Napataas naman ang kilay niya at ngumiti ng kaunti sa sinabi ko. "Ah, girls' thing." Aniya na parang may nagets siyang isang bagay.
Nanlulumo akong umupo sa isang bench malapit sa gymnasium. Dito lang kase malilim.
Crush ko na ang nag-alok sa akin na kumain kami, pero tinanggihan ko kase isa kong malaking awkward pagdating sa kanya.
Sinipa ko nalang ng mahina ang maliit na bato at napatingin sa langit.
"Bakit kase hindi mo nalang puntahan, pre?"
"Kaya nga bro! Papayag din 'yun."
"Awit lods, hindi ka pa man nagsisimula mukhang may inuman ng magaganap!"
"Alam nyo, ang bobo niyo!" Sigaw niya sa mga kasama niya at nagtawanan lang ang mga ito.
Napatayo ako at nagtago sa gilid ng puno ng marinig sila Kipp ng lumabas sila ng gym. Naka jersey silang lahat. Mukhang kakatapos lang ng training nila.
Naka maroon silang jersey. Napansin ko ring nakasuot si Kipp ng puting knee pad sa magkabila niyang tuhod.
"Baby pa kase 'yun, baka natakot sa manok naten," sabi nung naka number 9 na jersey kay Kipp habang tinatapik-tapik pa siya sa balikat.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Kipp at inakmaan lang.
"Yataps tayo dyan, gusto sa kaedad." Natatawang sabi nung isa niya pang kasamahan, lumakas ang tawanan ng mga kasama niya habang si Kipp ay mukhang badtrip na.
"Putangina nyo, papatanggal ko kayo sa team!"
Nakalagpas sila sa pwesto ko kaya nakahinga ko ng maluwag.
Hindi ko nagets ang pinag-uusapan nila pero mukhang asar na asar na si Kipp. Wow ha, siya 'tong malakas mang-asar sakin pero pagdating sa mga kaibigan niya, siya talo.
Bumalik na ako sa room ng mag ala una na, hindi na ko nakakain ng tanghalian.
Pagdating ko sa room ay nandoon na rin halos lahat ng kaklase ko. Nakita kong kinawayan ako ni Kate at sinenyasan akong maupo katabi niya sa likuran.
"Saan ka galing? Hindi kita nakita sa canteen,"
"Tumambay lang," sagot ko.
Napanguso naman siya at sinabi pang hindi ko raw siya inaya.
Nagsimula na ulit ang klase at paminsan-minsan ay tinitignan ko si Xyler sa unahan.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya patago ko itong tinignan.
From: Kipp Esvega
Didn't see you earlier.
Itatago ko na sana ang cellphone ko nang mag vibrate ulit at si Kipp ulit iyon.
From: Kipp Esvega
We have a practice today. Hindi kita makikita :(
Gusto kong matawa sa emoticon niyang sad. Well, ako yata ang happy ngayon kase walang Kipp na mang-aasar sakin hanggang sa sakayan ng jeep.
Tumingin muna ako sa harapan at sinuguradong hindi ako makikita ng prof namin.
Binalik ko ang tingin ko sa cellphone ko at nagtype ng irereply sa kanya.
To: Kipp Esvega
That's great! Mag basketball kalang dyan hangga't gusto mo :)
Para kong tangang nakangiti buong klase. Finally, may nagawang tama si Kipp ngayong araw.

Komento sa Aklat (57)

  • avatar
    PotpotKsks

    hi good

    08/08/2025

      0
  • avatar
    Wena Bere

    more to eran

    03/05/2025

      0
  • avatar
    Ferrero Ladroma

    jjbnjsjsjjs

    13/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata